WALA SIYANG SINAGOT ni isa mang tawag mula kina BK at Amelie. Wala siya sa mood makipag-usap. Gusto niyang magpahinga. No choice din siya kanina, hinatid siya ni Max hanggang dorm niya.
Mahigit apat na oras pa siyang natulog, at paggising niya, medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Bago siya natulog kanina, inayos niya ang laptop at telepono. Binura na niya lahat ng nakasave na mga datus ng kaniyang ama. Kahit ang file na iniwan sa kan’ya ay pinunit niya rin. Mabigat sa loob, pero kakayanin niya. Lumaki naman siyang walang ama, kaya tatanda rin siguro siyang walang ama. Masakit man pero tatanggapin na lang niya. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay.
Uminom siya ng gamot matapos siyang kumain ng dinner. Bibili sana siya kanina sa labas nang iakyat ni Margaret ang pagkain niya. Iniwan daw ni Max, kinompirma naman niya sa binata, i
“NO!” NAPATINGIN SIYA kay BK sa sinagot nito sa kan’ya. “Ngayon lang dahil gusto kong magbayad sa utang na loob ko sa kan’ya.” Nagpaalam kasi siya na iiwan ito dahil sasamahan nga niya si Max na mag-stroll nga. Bayad man lang sana sa ginawa nitong pagtulong sa kan’ya nito. May kinuha ito sa bulsa. “O, bayaran mo na lang.” Napakunot-noo siya nang iabot nito ang debit card nito. “Nag-iisip ka ba, BK? Utang na loob, babayaran ng pera?” “Yes. puwede naman, ah. Para hindi ka na mag-isip.” Umiling-iling siya rito. “Lahat na lang idadaan sa pera, ganoon?” Binangga niya ito at kinuha ang bag. B
"YOU'RE HERE..." anas ni BK sabay haplos ng mukha niya. Ngumiti ito din ito kapagkuwan.Hindi niya maiwasang mapaingos nang bigla na lang itong pumikit. Nakangiti pa rin ito.Ano 'yon, biglang nagising lang?Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong yumakap sa kan'ya. Mukhang matutulog ulit ito.Akmang tatayo siya nang bigla naman siya nitong hinila pahiga saka niyakap ng mahigpit."'W-wag mo akong iwan," ani ni BK na nakapikit."Kukuha lang ako ng bimpo at pupunasan kita. Hindi naman ako aalis, e.""Hmmn," sagot nitong nakapikit
TUMAYO SI DAPHNE nang tumalikod ang asawa. Sinagot na kasi nito ang tumawag. Hindi niya alam kung sino 'yon. Napangiti siya nang makitang nagulo ng bahagya ang towel ni BK. Kita ang hita nito. Hindi niya alam kung may suot ba ito sa loob.Napalingon sa kan'ya ang asawa nang tumayo siya. Kumunot pa ang noo nito. Pumorma ang labi nito mayamaya ng, stay there.Hindi niya sinunod kaya lumapit ito at hinigit nito ang beywang niya. May kausap pa rin ito. Lukot pa rin ang noo nito.Napapikit siya nang ilapit nito ang mukha sa leeg niya habang nakikinig sa kausap."I'm with my wife, 'Ma."So, Mama pala nito ang kausap.
“BILIS!” TININGNAN NIYA ang asawa ng masama matapos nitong sabihin iyon. “Paano ako bibilis kung may kirot pa rin? Aber nga, Mr. Hernandez?” Natawa ng malakas ang asawa niya matapos niyang sabihin iyon. “Mawawala ‘yan kapag umisa pa ako,” bulong nito sa kan’ya. Kinurot niya ito sa tagiliran at tiningnan ng masama. “Ano ka sinusuwerte?,” aniya at tinalikuran ito. Sumakay na siya sa cable car. Actually, aalog-alog sila dalawa nito. Parang ni-renta ng asawa dahil kung ilan ang sakay niyo, ‘yon din ang ticket na kinuha nito paakyat ng Mt. Ulriken. One way ticket lang ang kinuha nito, kasi balak nilang lakarin pababa. Mas pabor sa kan’ya ang paba
“UMINOM KA MUNA,” ani ng asawa nang lumapit sa kan’ya sabay abot ng tubig.Nasa police station sila ng mga sandaling iyon para sa imbestigasyon. Nanginginig siya habang kinukuhaan siya ng statement dahil sa insidente. Wala naman siyang alam na dahilan para gawin iyon sa kan’ya. Hindi niya nga kilala ang lalaki, e.Norwegian daw iyon, sabi sa kan’ya ni Paul. Kasama nila ito dahil tinawagan ni BK habang papunta sila ng police station."Matagal pa ba? Gusto ko ng magpahinga," aniya sa asawa. Iniwan nila si Paul na nakipag-usap sa mga otoridad. Ang sabi lang sa kan'ya ng asawa, si Paul na daw ang bahala sa lahat. Mukhang madadamay pa ang ibang tao dahilsin wala siyang ideya sa mga nangyayari. Nabanggit niya nga kanina sa pulis na hinahanap niya ang ama, dahil 'yon naman talaga ang rason kung bakit nandito siya. Umangat pa ang kilay ng officer nang ulitin nito ang apelyido na dala-dala niya."Hintayin natin si Paul, okay? For now, pumikit ka
“DAMN IT, BABY! I want more,” anas ng asawa sabay hugot nito sa kahabaan at muling ibinaon sa kan’ya ng dahan-dahan. Nakikiliti siya sa ginawa nito. “Oh, BK!” Lalo siyang kumapit sa balikat ng asawa nang isagad nito sa loob niya ang pagkaláláki nito ilang sandali lang. Napangiti ang asawa sa ungol niya sabay sakop ng labi niya. Matagal na pinagsawa nito sa labi niya. "You're so hot when moaning, Daph. Kaya, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ka angkinin ng paulit-ulit," anito nang bumitaw sa labi niya sabay ngiti. Kakaiba ang mga ngiti at sinasabi ng mga mata niya, matinding pagnanasa nga. Napayakap siya ng mahigpit sa asawa n
HINDI PA NAG-IINIT ang likod niya sa kama nang marinig ulit ang tawag ni BK.Ang kulit din. Mga walong beses pa bago niya sinagot ang tawag nito."Ano?" aniyang banas ng konti. Magpapahinga na nga siya, e."Susunduin kita. Nasaan ka?""Nasa malayo," sagot niya rito. "'Wag ako, Daph. Nasaan ka nga?!" medyo tumaas na ang boses nito. Aba'y anong trip ng asawa at nagagalit? Hindi ba ito naka-iskor sa girlfriend?"Pagod ako, BK. Bukas na tayo mag-usap. Okay? Goodnight!" Pinatayan niya ito ng telepono at nahiga ulit.Lakas maggalit-galitan, akala niya naman totoong hinahanap ako. Kasama naman nito ang girlfriend kaya dapat manahimik ito.Pero last na ng mga ito ang pagpunta sa bahay! Bawal na babae sa bahay! Hindi lang 'yan! Naku, hintayin lang nga nila mga ito mga gagawin niya sa susunod!Hindi niya pinansin ang tawag nito ulit. Naka-silent na phone niya. Basta, bukas na siya uuwi. Magpapahinga s
“F*CK!” HINDI NIYA maiwasang mapataas ng boses nang makita ang laman ng box na tinanggap ng asawa. Halata ang pagka-shocked ng asawa dahil hindi na gumagalaw. Ni pag-blink ng mata ay hindi niya magawa. Sinamantala niya iyon at kinuha iyon saka binitbit palabas. Ipininatong niya iyon saglit sa mesang nasa labas at tinawagan si Ian.“What?!” Inilayo niya ang ear speaker nang marinig ang boses ni Paul.“I need you here. ASAP.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mahirap na makipagsagutan kapag ganoon ang boses ni Paul kaya minsan dini-derekta niya.Ibinilin niya mayamaya sa guard na pakitingnan ang box at pinagsabihan na rin niya na susunod, ‘wag ng tumanggap ng kung ano, lalo na kung wala namang ibinilin.Malakas talaga ang kutob niya na may kinalaman ang nag-utos sa lalaki na ipapatay ang asawa niya. Kahit siya, hindi niya alam ang dahilan. Pero sa pagkakaalam niya, inaalam na ng grupo ni Paul ang nangyari. Hindi na kasi siya active sa organisasyon kaya wala siyang magamit na konek
MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g
"SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat
NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa
“K-KANINA KA PA?” Dayan-dahan siyang kumilos paupo. Maingat dahil baka magising si Mirielle “Kakarating ko lang.” Tulog na tulog pa rin ang anak sa tabi niya nang lingunin niya ulit. Pilit na inabot niya ang saklay niya kapagkuwan. Hindi niya maabot kaya si BK ang kumuha. Hindi na siya kumontra nang alalayan siya nito pababa. “Umuwi na si Emmanuel. Sabihin ko na lang daw sa ‘yo pag gising mo.” Nakaramdam siya ng konsensya. Tinulugan niya kasi ito kanina. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat. “Okay. Sa couch, please,” aniya sa asawa. Nakaalalay sa kan’ya si BK hanggang sa couch. Akmang aalis ito nang magsalita siya. “Mag-usap tayo, BK. Tungkol kay Mirielle. P-paanong nangyaring nabuhay siya? Sabi mo ikaw mismo ang nag-asikaso ng lahat tapos ngayon buhay pala. Matagal mo na bang lihim ito? ‘Yong totoo, BK.” Saglit na tumitig ito sa kan’ya. Marahil nagtataka ito, nakakaalala na siya. Naupo si BK sa tabi niya na nakayuko. “Si Amber ang nakatuklas na buhay ang anak natin. Naroon siy
NAPASINGHAP SI DAPHNE nang biglang lumuhod si BK sa kan’ya. Kaagad na sinapo nito ang mga paa niya at sinipat iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kan’ya. “What happened, baby?” Napalunok siya sa naging tanong nito. What happened ba kamo? Bakit hindi nito tanungin ang sarili nito kung ano ba ang nangyari sa kan’ya? Naikuyom niya ang mga ngipin. Umisang lunok pa siya bago tuluyang sinalubong ang tingin nito. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “B-baby…” puno ng pagtatakang sambit ng asawa. Nagkaroon siya ng temporary amnesia nang mangyari ang aksidenteng iyon pero agad din namang bumalik. Sana nga hindi agad bumalik, para talagang makalimutan niya ang asawa. Kotang-kota na siya sa sakit. “Hindi kita kilala kaya bitawan mo nga ang paa ko. Baka makita ka ng asawa ko. Ayokong maging ng away namin.” Patawarin nawa siya ni Emmanuel. Hindi pa niya kayang harapin si BK sa ngayon. Pakiramdam niya naulit lang ang nakaraan. Buntis din siya noon nang puntahan siya ng asawa matapos na umalis siy
ILANG BESES PANG tumingin si Daphne sa orasan bago tuluyang nahiga. Hanggang ngayon, umaasa siyang uuwi si BK gaya ng sabi nito sa kan’ya. Pero pangalawang gabi na niya ito sa bahay nila na naghihintay dito, pero hindi pa rin ito umuuwi. Ayaw niyang umalis ng bahay nito na hindi ito nakakausap, at ang sabi rin kasi nito, hintayin niya ang pagbabalik nito. Pero bakit wala pa rin? Hindi na niya kayang mag-stay sa bahay nila ng ganito kalungkot. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ng asawa. Nag-o-overthink na siya. Mas mabuti pang hindi sila magkasama sa iisang bubong nito.Ramdam naman niya sa asawa na mahal siya nito pero kailangan pa rin nila ng space. Kailangan niya ng pahinga. Ngayon niya ramdam ang sobrang pagod dahil sa lahat ng mga nangyari sa kan’ya. Hindi pa pala siya nakaka-recover sa lahat ng hirap na naranasan, dumagdag pa ang kasalukuyang problema nila na talagang nagpapahina sa kan’ya. Pakiramdam niya, Sinalo niya ang lahat ng problema ng mundo. P
NAPAHAWAK SI DAPHNE sa ulo nang maramdama ang pagkirot. D*****g din siya kapagkuwan. Hindi pa man niya naiuupo ang sarili sa kama nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Minabuti na lang niyang mahiga muna. Inilinga niya ang tingin sa buong silid. Wala siya sa silid niya. ‘Kanino kayang silid ito?’ tanong niya sa sarili. Natampal niya ang noo niya nang maalala ang professor niya, si Emmanuel Yu. Nasa bahay siya nito siguro. Hindi na kasi niya maalala ang sumunod na nangyari. Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali lang ay pumasok si Emmanuel na may dalang tray. Nakakahiya dahil mukhang ipinagluto pa siya nito. “I’m sorry, Sir...” Sapo niya ang ulo habang iginigiya ang sarili paupo. “You need this soup para mabawasan ang hangover mo,” anito sabay lapag ng dala sa mesang nasa gilid. Ngumiti ito sa kan’ya. “Ubusin mo na lang ‘to muna bago ka bumalik sa pagtulog ulit. Iba-ibang alak ba naman kasi, masakit talaga sa ulo, lalo pa’t hindi ka sanay. Kung gusto mo ring maligo, ma
NAGISING SI DAPHNE sa yugyog ni Amelie.“Daph, gising. Wala kabang pasok bukas? Alas sieyete na, dito ka ba matutulog?”“Akala ko ba puwede ako dito?”“Puwede naman. Ang iniisip ko, ang pasok mo.”“Pahiramin mo na lang ako ng damit. Dala ko naman ang mga kailangan ko sa school.”Wala naman sigurong quiz kaya ayos lang na hindi siya mag-aral.“Sure.” Seryosong tumitig ito sa kan’ya kapagkuwan. “Nag-text ang asawa mo, anong sasabihin ko?”“Sabihin mo wala ako dito. Te-text ko na lang siya na May group work kami, kailangan kong mag-sleep over para matapos.”Tumango ang kaibigan. “Ikaw ang bahala.” “Salamat, Amelie.”Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kaibigan ng seryoso.“Anong gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin ang maganda kong gawin. Wala akong maisip. Hindi ko rin alam kung paano sasabihing alam ko.”Bumontonghininga si Amelie at naupo sa tabi niya.“Hindi ako perpektong babae, Daph. Hindi ko alam kung puwede mong paniwalaan ang mga sasabihin ko. Pero sa tingin ko, dapat n
NAPAPITLAG SI DAPHNE nang marinig ang malakas na busina sa labas. Walang guard dahil nagpaalam sa kan’ya saglit na maghuhulog daw ng pera sa kamag-anak nito sa labas lang ng subdibisyong kinaroroonan nila. Naka-lock ang gate sa utos niya dahil wala nga ito. Kaya hindi rin mabubuksan agad ni BK, kung ito nga ang nasa labas nila. Isa ‘yon sa feature ng gate nila. Tanging nasa loob lamang ang may kakayahang magbukas.Tinuyo niya ang kamay ng malinis na kitchen towel saka tumalima palabas ng bahay. Si BK nga. Bumaba ito at sinisipat ang loob ng guard house mula sa labas.Mapaklang ngiti ang iginanti niya sa asawa nang kumaway ito. Parang wala lang?Tinalikuran niya ito at bumalik sa pintuan. May ginalaw siya sa screen para mabuksan nito ang gate. Bumalik na rin siya sa kusina kapagkuwan.Maghapon niyang inabala ang sarili sa paglilinis ng bahay. Gusto niyang ukupahin ang isip ng kung anu-ano. Ayaw niyang mag-isip masyado dahil kailangan niya bukas ang sarili, bukas kasi ang schedule niya