Share

CHAPTER 67

Author: Magic Heart
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Isang masayang Tamara ang dumating sa mansion nina Kaizer at Kryzell. Ngunit isang nakapamaywang na mafia queen ang naabutan niya.

"At saan ka galing? Hindi mo ba alam na kanina pa nag-aalala sa 'yo ang asawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kryzell.

"Asawa? Kailan pa ako ikinasal?" tanong din ni Tamara.

"Nakikisama ka sa lalaki sa isang bahay at kwarto tapos ayaw mong tawaging asawa. Ano ka, kerida?"

"Bakit ba nagagalit ka, Kryzell? Have I done something wrong to you?"

"Sa akin wala pero sa boyfriend mo, meron. Kanina pa nasisiraan ng ulo iyong tao kahahanap sa iyo. Saan ka ba galing? Saan kayo galing ni Ruel?"

Napatingin si Tamara kay Kaizer. Tila humihingi siya ng saklolo sa mafia boss subalit nagkibit-balikat lamang ito. Naniningkit ang mga mata na tumingin naman si Kryzell sa kan'yang asawa.

"Kaizer, alam mo ba kung saan sila galing?" tanong ng galit na mafia queen.

"Hey, wala akong kinalaman sa lakad nila. Sila ang nagplano noon at pinayagan ko lang sila," depensa ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Rhea Balbido Garcia Tepora
hhaahha mga duwag pla kayong tatlo eh...
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
whahahahha ang duduwag .........
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
Mga duwag kau panu kau nging lider
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 68

    Nagdesisyon si Andrei na ilayo pansamantala si Tamara at ang anak niya sa magulong siyudad. Noong una ay tumutol ang dalaga pero nadala naman siya sa pakiusap at lambing ng binata."Where are we going next week?" tanong ni Tamara kay Andrei. "Secret. Sumama ka na lang, honey. Don't worry, hindi naman kita ililigaw." Hinawakan ni Tamara ang magkabilang pisngi ng binata. Masuyo niyang hinalikan ang labi nito. "Hindi mo talaga ako pwedeng iligaw kasi nakatali sa akin ang puso," sabi ni Tamara."Oh, what a nice line. You amazed me, honey." "Asus, ang dali mo namang bolahin, Andrei."Nagkatawanan ang magkasintahan. Subalit nagising naman ang kanilang anak dahil sa ingay na nilikha nila. "Baby, bakit ka naman nakisali sa amin ni mommy?" tanong ni Andrei sa anak habang binubuhat ito. Kinurot ni Tamara ang tagiliran ng kaniyang kasintahan. Alam niya kasi kung ano ang ibig ipahiwatig ng binata sa sinabi nito. Subalit sa halip na mainis, hinabol ni Andrei ng halik ang pisngi ng dalaga. S

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 69

    Hindi sinita ni Tamara si Andrei sa kabila ng tawag na natanggap niya. Binura niya rin ang number ng tumawag sa call log ng phone ng binata. Subalit ang gigil n'ya kay Andrei ay matindi. Buo ang desisyon niyang alamin kung sino ang babaeng tumawag at kung ano ang relasyon nito kay Andrei. "Ruel, may ibibigay ako sa iyong number Alamin mo nga kung sino ito at kung saan ito nakatira," pakiusap ni Tamara sa ex niya. "Tigilan mo nga ako sa kagaganyan mo, Tamara. Lagot na naman ako nito kay Kryzell," sabi ni Ruel. "'Wag mong sabihin sa kan'ya. Kapag nalaman na naman niya ang pinagagawa ko sa iyo, magagalit pa naman iyon at kakampi na naman kay Andrei. Hindi ko talaga alam kung ano ang ipinakain sa kan'ya ng bwisit na lalaking ito para kampihan niya ito lagi." "Sige. Sige. Ipasa mo sa akin ang number na iyan at gagawin kong textmate." Nang lumabas si Tamara ng silid ay hindi mabura sa labi niya ang matamis na ngiti kahit deep inside her ay gusto na niyang patayin si Andrei dahil sa mga

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 70

    "Ma'am, mamaya po muna kayo pumasok. Wala pa po ang groom," sabi ng wedding coordinator na humarang kay Tamara. "Ano ba ito, lokohan? Nasaan si Andrei? Bakit wala siya rito? Anong drama ba ito?" Mahinahon pero galit na tanong ni Tamara sa kaharap niya. Mas lalong lumapit kay Tamara ang babae. Bumulong ito sa kan'ya nang, "Nasa CR lang po ang groom ninyo. Hindi na po niya napigilan ang maihi dahil sa sobrang nerbiyos." Napaawang ang mga labi ni Tamara. Kinalaunan ay napangiti ito ng sobrang lapad. Tuwang-tuwa siya sa narinig niya pero hindi niya gustong makita ng mga tao na pinagtatawanan niya si Andrei. Nang pumasok ang binata sa lugar kung saan gaganapin ang kasal, na-shock siya. Si Tamara ay naghihintay na sa labasan. Pilya ang ngiti nito habang naka-thumbs up sa kan'ya. Habang naglalakad ang dalaga palapit sa naghihintay na si Andrei, hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Magkahalong kaba at excitement naman ang lumukob kay Andrei habang naghihintay sa papa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 71

    Hindi makapaniwala si Andrei na bumalik pa si David sa building ng Montillano Empire sa Quezon City. Napailing na lamang siya sa lakas ng loob ng kanyang Uncle David. Habang kausap sa telepono ang kanyang sekretarya, napapangisi si Andrei kahit siya lang mag-isa ang nakatayo sa balkonahe ng bahay na tinutuluyan nila ni Tamara. “Tumawag ba kayo ng pulis?” tanong ng binata sa secretary niya.“No, sir. Binantaan po kasi kami ni sir David. Ayaw ko naman pong madamay ang aking pamilya.”“Okay. Don't worry; I’ll handle the situation,” sabi ni Andrei. “What situation is it?” tanong ni Tamara na humihikab pa. “Is there any problem that you want to share with me? Look, I'm going to listen to whatever it is.” Nagpaalam na si Andre sa kanyang secretary. Hinarap niya ang kan’yang asawa. Buong pagmamahal na niyakap niya ito. “First day natin bilang mag-asawa. Ayaw kong may nililihim ka sa akin,” prangkang sabi ni Tamara. “Paano kung ayaw kitang bigyan ng problema sa unang araw ng kasal natin

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 72

    Hindi makapaniwala ang mga kamag-anak ni Andrei sa narinig nila. Buong akala nila ay namatay si Jeff sa mismong araw na nasunog ang mansion nito sa Quezon City. Napilitan tuloy si Tamara na ipaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari nang gabing iyon.“Sino ang nag-utos sa iyo?” tanong ng auntie ni Andrei. “Hindi ko po alam. Inisip ko noon na galing iyon sa pinakamataas na pinuno ng mafia na kinabibilangan ko kaya pumunta ako. Lately naiisip ko na si General Gomez ang nag-utos sa akin kasi siya rin ang nagpadala sa akin sa mafia world,” paliwanag ni Tamara.“Sa totoo lang, uncle, naghihintay na lang kami ng resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng mga private investigator na binabayaran ko. Time will come na malalaman din natin ang totoo. Ang mahalaga ngayon ay alam ko nang hindi ang asawa ko ang pumatay sa aking daddy,” wika ni Andrei. "Sana hindi si Sir David ang may kagagawan ng lahat ng kasawian mo, Andrei. Pero kung siya man ang may gawa noon, isipin mong may pamilya ka pa ri

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 73

    Tinawagan ni Tamara si Kryzell. Subalit dahil abala ang mafia queen kaya hindi sila nagkausap. Tinawagan niya rin si Ruel ngunit ipinadala pala ang binata sa malayong probinsya para sa misyon nito kaya hindi niya ma-contact ang kaniyang ex. “Maraming atraso na sa akin ng Isabel na iyon. Wala akong tiwala sa kan’ya. Baka mamaya ay nagpapanggap lang siya pero ang totoo ay nakikipagsabwatan na siya sa kan’yang ama,” sabi ni Tamara habang nagpapalakad-lakad siya sa damuhan. “Problema na naman ba, Nicole?“ tanong ni Polan.“HIndi ko alam kung problema ba talaga ito o solusyon na, Polanlan,” sabi ni Tamara. "Kung totoo nga na si General Gomez ang pumatay sa aking ama katulad ng sinasabi nina Andrei at Rod, hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa kan'ya. I believed in him, I trusted him, and I obeyed him." "Hindi ka pa rin ba naniniwala sa asawa mo?""Hindi naman sa hindi ako naniniwala. Gusto ko lang bigyan ng benefit of the doubt si General Gomez. He was like a brother to dad. Aya

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 74

    "Honey, someone is trying to make me crazy."Napaangat ang ulo ni Tamara habang nagsusulat. Para matulungan kasi ang asawa sa mga problema nito ay hiniling niya kay Andrei na payagan siyang magtrabaho sa Montillano Empire tutal ay wala siyang trabaho ngayon sa Torquero Group of Companies dahil pinagpapahinga siya ni Kryzell. "How can you say so?" tanong ni Tamara. "Noong presscon, may isang lalaki na naka-jacket with hood. Kamukha siya ni daddy kaya pinatanggal ko ang hood niya. Pero noong nalantad ang mukha niya, ibang tao naman pala. These past few days, palagi akong nakakakita ng mga kamukha o kasing katawan ni daddy pero kapag nilalapitan ko na, ibang tao sila. I don't know, baka nga nasisiraan na talaga ako ng ulo." “Oh, no. You are mentally stable, honey. Huwag kang ma-stress sa mga nakikita mong iyan. We both know na hindi ka titigilan ng uncle mo. Who knows, baka isa ito sa mga paraan niya para palabasin na hindi ka capable na pamahalaan ang company.” “Do you think that is

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 75

    Hindi makapaniwala si Tamara na matutulad si Andrei kay Kaizer. Nakahalukipkip ang mga kamay, nakataas ang kilay at nakaangat ng kaunti ang gilid ng kaniyang labi habang tinitingnan niya si Andrei na naglalakad sa pool. Ang kaibigan niyang si Kryzell ay nakabuka ang bibig at malaki rin ang mga mata dahil sa sobrang pagkabigla. Nahaplos naman ni Kaizer ang kan’yang kilay. Pulang-pula ang mukha ni Andrei dahil sa sobrang kahihiyan. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid upang tingnan kung may mga taong nakakita ng nangyari. “What happened to you, Andrei? Have you lost your mind? Mukhang ang bilis naman yata makahawa ng pagiging takusa ng asawa ng kaibigan ko,” biro ni Tamara sa asawa niya. “What did you say, Tamara?” tanong ni Kaizer.“Binibiro ka lang kayo, galit ka na agad?” sita ni Kryzell sa asawa niya.“Hindi, honeypie. Nagtatanong lang ako.” Mabilis na sagot ng mafia boss.Nang umahon si Andrei sa pool ay hindi na kumibo si Tamara. Hindi tulad ng kan'yang kaibigan, hindi niya g

Pinakabagong kabanata

  • Tamara, The Mafia's Gem    EPILOGUE

    Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p

  • Tamara, The Mafia's Gem    WAKAS

    Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 103

    Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 102

    Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 101

    Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 100

    “Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 99

    Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 98

    Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 97

    Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging

DMCA.com Protection Status