"Princess, ano tong naririnig kong palagi ka daw nagagawi doon sa Agriculture Department? Hindi ba malayo ang building mo doon? Sinong pinupuntahan mo doon?"
Mula sa pagsusubo ng pagkain ko, umangat ang tingin ko kay Kuya Joe na ngayon ay nakatingin sa akin at naghihintay ng aking sagot. Andito kami ngayon sa hapag kainan, nag-aagahan bago kami papasok sa eskwela.
I'm a second year college, BS Tourism Management student. Parehas kami ng school na pinapasukan ni Kuya Joe. I don't know which year he is at the present because he seems not interested in finishing his course.
"W-what do you mean Kuya Joe? H-hindi ako nagagawi doon ah. Anong gagawin ko doon, eh, ang layo-layo nun." pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nina Mommy at daddy at dalawa kong kuya na saan-saan ako nakakarating.
"Someone sent me a screenshot of Agri-engineering student with your photo. They are talking about your frequent visit in their department, Samantha Corrine." kunot noo niyang sabi na tila hindi nito nagugustuhan ang balitang nakarating sa kanya.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam paano pasisinungalingan lalo na at may screenshot, may resibo. Napakurap kurap ako at sinadya kong magpapaawa ng tingin kay Kuya Sandro para kaawaan niya ako at mukhang effective.
"Sinong mga studyante yang pinachi-chismisan ang kapatid ko huh?" Kuya Sandro to the rescue at gustong magbunyi ng kalooban ko. Nabuhayan ako ng loob, spoiled ako sa panganay kong kapatid. Hah! Try niyo ang Kuya Sandro ko kundi malilintikan talaga kayo.
"Send me the screenshots Simone and I will talk to the board. Hindi pwede yang ganyan. Bakit nila pinakikialaman ang buhay studyante ng prinsesa natin ha? Wala ba silang personal na buhay? That's her private life, why the hell they are taking photos of her? I can't allow that." Oo nga bakit nila ako pinipiktyuran? Hindi pwede yan, dapat yung crush ko lang na din naman namamansin sa akin ang nagpi-picure sa akin.
"Ano ba kasing ginagawa mo doon baby? Bakit ka ba nagagawi doon?" my beautiful and loving Mom, former beauty queen, Beatrice Anderson- Dela Vega asked. She had this meaningful smile plastered in her face. Mukhang may ideya si Mom kung bakit ako nagagawi doon dahil minsan niya ng nakita ang mga kuha kong larawan ng crush ko sa aking DSLR camera.
"I'm taking photos of the nature, Mom. Tsaka hindi lang naman ako doon pumupunta sa Agri-department." It's true, Kung saan-sang department ako nakakarating dahil sinadya ko talagang kumuha ng ibang subject doon. "Nagkataon lang mas maganda ang view doon sa may Agri department. Alaga nung mga agri students ang mga tanim nila. Madaming flowers at plants tsaka madaming insects, colorful and beautiful insects na magandang gawing subject."
Part of what I said is true. Madami talagang magagandang insekto doon, yung mga colorful bugs and butterflies na dumadapo sa mga tanim nila. But of course my favorite subject was there, teaching.
"Oh really? Can we see your shots, baby?"
"No!" I exclaimed. Nang tumaas ang boses ko sabay silang lahat napatingin sa akin. "I mean, not now Mom, I will process it first before I will show you."Malambing kong sabi, Pambawi. Nagsisimula na rin akong kabahan at baka biglang kunin ni Kuya Joe ang camera ko na katabi lang ng aking bag. "Next time nalang Mom, please? Promise kapag na-process ko na ang mga shots ko, sayo ko unang ipapakita."
Nagdududa itong tumingin pero maya-maya din ay tumango at ngumiti sa akin. That's my mom! Ever sweet and supportive. Remind yourself Sam to bring something for your Mom later. Sabi ko sa aking utak.
"Siguraduhin mo lang na nangunguha ka lang ng picture doon Samantha, malalaman ko lang na may pinupuntahan kang iba doon, lagot ka talaga sa akin." Sumimangot ako na parang bata kay Kuya Joe. Sa kanilang dalawa ni Kuya Sandro, mas strikto si Kuya Joe pagdating sa akin. He grew up with my lola, pero ganun paman naka-monitor. Bawal pa daw akong magboyfriend kasi baby pa ako. But I understand him for being strict. I'm the youngest and the only princess.
Pero wala pa naman akong boyfriend. Kasi hindi pa ako sinasagot ng nililigawan ko. But I doubt, kung sasaguting niya ba ako. Balita ko kasi ayaw nitong magkaroo ng girlfriend. Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba talaga or baka may hinihintay siya.
He's a part-time instructor. Agricultural Engineer, currently taking his masters degree. Hindi lang gwapo, matalino pa pero masungit nga lang.
"Don't give me that face, Corrine." Agad kong inayos ang mukha ko. Akala siguro ni Kuya Joe nakasimangot ako dahil sa kanya, but no! Nakasimangot ako dahil hindi ako tinatapunan ng tingin nung crush ko.
"Ayaw mo naman sigurong may mabugbog ako doon sa Agri-department ano? Siguro may pinupuntahan ka talagang iba doon." nakaangat pa ang isang kilay niya sa akin.
"Daddy oh si Kuya Joe namimintang."
Nakita ko ang pagsimangot ni Kuya sa akin ng nabaling ang tingin ni Daddy sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Sandro kaya napatingin ako kay Kuya. Inabot niya ang mukha ko at mahinang pinisil ito.
"Pilya ka talaga princess, 'tamo, na back to you si Kuya Joe mo." pabulong niyang sabi sa akin.
"Shhh ka lang Kuya." senyas ko sa kanya. Tama lang yan kay Kuya kasi nung nakaraan ako ang pinatawag ng dean nila dahil madami na naman itong incomplete.
"How about you Simone Jose? Bakit hindi yung pag-aaral mo ang pag-uusapan natin?" Yan! Ganyan nga Dad. Pasimple kong sinilip si Kuya Joe, hindi pa nga kami nakakapasok sa school mukhang inaantok na ito, as always. Kumbaga papunta palang yung aurahan ko siya pauwi na.
"When are you going to finish your studies, young man? You're not getting any younger. Ikaw na lang ang hindi pa nakatapos sa mga kaibigan mo. Anong balak mong gawin sa buhay?"
"Dad, hindi naman contest yung pag-aaral diba?" Ang kaninang kalmadong mukha ni Daddy Samuel ay biglang sumungit. "Sabi ko naman sayo, magtatapos din ako."
Yeah! Kuya Joe always says that he will graduate soon. Yun nga lang hindi namin alam kung kailan ang soon na yun.
"Yes Simone Jose, I heard that countless times already. But I'm asking you when? Paano ka makakatapos kung mas madaming incomplete sa grades mo kesa sa passed?" lalong sumimangot si Kuya Joe pero maya-maya ay ngumiti din.
"Daddy chill, ke aga-aga mainit agad ulo." panlalambing ni Kuya sa kanya.Magsasalita pa sana si Dad pero inabot na ni Mom ang kamay niya para pigilan ito.
"Hon, don't be hard on our son." malambing na sabi ni Mommy. "Let Joe enjoy his college life. He will graduate soon..." nilipat ni Mom ang tingin kay Kuya Joe. " Right, son? You promised me that you will do good this time, right?." Kuya Joe nodded, agreeing to what mom said. "See hon, I told you, ga-graduate itong si Simone Jose ko, magiging piloto ito someday." Mom said dreamily.
Kuya Joe don't have idea yet that I already talked to Mom and Dad about his tutor. I recommended my bestfriend and I'm sure she could help him. Magaling at matalino ang bestfriend ko at sigurado akong mahihiya si Kuya mag-skip sa tutorial nila lalo't may pagka-strict si Belle. Well let's see what will happen to them.
I am all smiles going to the school nakikinig ng music na pinapatugtog ko. Nakikisabay pa ako sa kanta habang nagmamaneho. Ini-imagine ko ang mukha ng ultimate crush ko. Hmp! Ang gwapo niya talaga. Sana naman ngayong araw pansinin niya na ako.
...Ikaw ang kumpas pag naliligawIkaw ang kulay sa langit na bughawSa bawat bagyo na dumadayoIkaw ang kanlungan na kailangan koKahit hindi mo alamIlang beses mo akong niligtasIkaw ang hantungan at aking wakas...
Pagdating ko sa school sinadya kong e-park ang sasakyan ko sa tabi ng sasakyan niya. My car is white Lamborghini Huracan, gift sa akin ng mga magulang ko nung 18th birthday ko. At ang sasakyan naman ng crush ko ay black Hummer H2 SUT. Diba kahit sa car, bagay kami, white ang akin black sa kanya. Ang cute!
That thought alone made me smile. Nakangiti pa ako pagkababa ng sasakyan ko at agad kong nilibot ang aking paningin. It is still early, ganitong oras pumapasok si crush at hindi nga ako nagkamali. Kapag sinwerte ka nga naman. Ang lakas ko talaga kay Lord, mabait ako eh.
Halos mapunit ang labi ko sa lapad ng aking ngiti. Ang mga mata ko naman ay parang may sariling buhay na pinasadahan ng tingin ang buong likod niya. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa matambok niyang pang-upo at napasipol ako. Woah! That's one hell of a sexy ass!
Sana ol pantalon!
Kinuha ko ang camera na nakasukbit sa aking leeg at walang pagdadalawang isip kung kinuhanan ng litrato ang nakatalikod kong crush. Sinadya ko pang lagyan ng flash para mapansin niya ako pero waley. Di bale!
"Good morning, Wharton!" bati ko sa kanya. Sinabayan ko pa siya sa paglalakad pero deadmadela lang ito sa akin, as usual, like I don't exist.
"Sungit naman neto, wala man lang good morning too baby dyan?" pangungulit ko sa kanya, marahan ko pang tinampal ang braso niya pero wala pa rin itong reaksyon.
Lumalabas ang pagiging maligalig ko kapag siya ang nasa harapan ko. Hindi ako ganito sa iba, sa kanya lang. I'm prim and proper lalo na at may inaalagaan akong career.
"Isang hi naman dyan oh! Isang hi lang pangkumpleto ng araw ko."
He took a glanced with one brow shut, then he looked away without saying anything. Ang snobber niya talaga kaya lalo akong nacha-challenge eh. Kinuha ko ang camerang nakasabit sa leeg ko, para kunan ulit siya ng litrato. Wala masyadong tao dito malapit sa department nila lalo't maaga pa, kaya malakas ang loob ko.
I focus the camera on him. Nakaside view ito kaya kuhang-kuha ko ang magandang angulo ng kanyang mukha. Malantik at makapal na pilik mata, matangos na ilong, mamula-mulang mga labi at ang nakadepina niyang panga.
"Knight!" tawag ko sa kanya, suplado itong lumingon sa akin kasabay nun ang pagpitik ko ng camera na nakatutok sa kanya.
"Woah! Ang pogi talaga. Model yern?" Nakangiti ako habang nakatingin sa kuha niya. Medyo blurry kasi naglalakad kami pero keri lang, estetik eh, sabay sa uso.
Hindi siya umimik pero nanatiling nakasampok ang mga kilay niya. Deadma lang ako sa pagsusungit niya. Binilisan niya pa ang lakad niya pero syempre ako pa ba, mabilis din akong nakipagsabayan sa kanya. Ilang shots pa ang kinuha ko bago ko siya tinigilan.
"Anong oras first subject mo today, Whartohn?" kunwari di ko alam pero ang totoo alam ko kahit ang ang break niya. Alam ko ang schedule ni Wharton, syempre madami akong connections, ako pa ba? Miss friendship kaya ako, pasekreto kong hiningi yung schedule niya dun sa fan ko.
"Masama gising mo, Wharton? Bakit di ka sumasagot kapag nagtatanong ako. Pero sa iba nakikita kitang nakikipagtawanan pa." may hinampo ang boses ko. Sinadya ko talaga baka sakaling makonsenya siya at kakausapin niya ako pero still wa epek kay Lolo.
Apaka cold niya talaga sa akin pero di bale sobrang hot niya naman. Laban lang girl, pasasaan at bibigay din yan sa beauty mo. Ikaw pa ba?
"Lalo kang gumagwapo sa paningin ko kapag nagsusungit ka." mahina kong sabi. Humagikhik pa ako kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin.
"Gwapo mo talaga! Hindi ako nagkamaling ikaw ang napili kong e-crush e." Hindi pa rin ito umiimik, pero medyo bumagal ang lakad niya.
"Naging tan ang kulay mo saan ka galing? Nagbeach kayo?" tanong ko. Akala ko hindi niya ako sasagutin pero bigla itong nagsalita.
"Oo."
And I swear that's the most expensive word I heard today. Two letters lang yun pero, damn! Parang sumabog sa tuwa ang puso ko. Lalong nagheart-heart ang tingin ko sa kanya. Kumalma ka, Samantha kundi malilintikan ka sa Kuya Joe mo.
"Saan? Sinong kasama mo? Maganda ba doon? Pwede sumama next time?" sunod-sunod kong tanong hoping to start a conversation with him only to my dismay. Hindi niya na sinagot ang mga tanong ko pero keri lang atleast sinagot nita ako kanina.
Kukulitin ko pa sana siya pero natigil ako ng may marinig akong hagikhikan sa unahan. Umayos ako sa paglalakad ng makita ko ang mga studyanteng pasalubong sa gawi namin. Mga college girls ng ibang department at gaya ko halatang napagawi lang dito para masilayan ang nag-iisang Knight Wharton Sarmiento. Pero girls sorry, early bird ako. Ika nga early bird catches early stone...ay mali, worm pala. Pero kasi, sa datingan ni Knight na sobrang sungit sa akin, hindi na rin ito nalalayo sa bato sa sobrang tigas.
Sana ol matigas.
"Good morning Sir." pabebeng bati ni Marjorie. Maarte pa nitong inipit ang bukok sa likod ng tenga niya, na feeling niya naman ikinaganda niya. Mahinhin pa itong ngumiti kay Knight, pinapakita ang dimples niya. Ngumiti din ako sa kanya pero ang bruha di man lang ako tinapunan ng tingin. Like hello! Kahit plastikan lang oh, andito ako.
"You look really fresh and gorgeous in the morning, Sir Sarmiento."
Wow! Lumalaban sa fighting spirit ko ang ferson ah. Akala mo naman di sabaw pero shh ka lang atin-atin lang yun kasi bawal yun lumabas sa modelling world at baka mapagalitan ako ni Mamu.
"Ang gwapo niyo talaga sa umaga Sir, kaya madaming nagagawi dito sa agri-dept eh." saka makahulugan itong tumingin sa akin. Pero malambing lang akong ngumiti sa kanya. As if naman affected ako. So what kung nagagawi ako dito?
"Morning lang bah?" narinig kong side comment nung kasama niya tsaka pabebe itong tumawa, may patakip takip pa ng labi. Sarap sungalngalin. Pero syempre I have to act like and unaffected. Ako pa ba? I mastered how to project different kinds of emotions. Sayang naman ang pagiging modelo ko kung hindi ko maia-apply sa totoong buhay.
"Lalo na sa gabi. I'm sure hindi lang fresh si Sir Sarmiento kundi hot din..." mahinhing sabi ni Marjorie. Nagpapacute pa na akala mo naman cute. "Joke lang po, Sir. He he."
He he! Ang arte! Jusko! Ke aga-aga pa ang pula na ng labi. Marjorie is also a model like me. Sa pagkakaalam ko she's already graduating. Magkaiba lang yung agency namin pero minsan nakasabayan ko sa siya sa isang gig.
"How are you Sir? What time is your class?"
I was expecting that Knight won't give a damn to her pa-cute but to my surprise malawak ang ngiting ginanti nito sa babae at may kasama pang bati.
"I'm fine girls. Good morning too." he answered in a deep baritone voice. I froze. Parang nag-loading bigla ang utak ko. "How's your studies?" Pakiramdam ko biglang napako ang paa ko sa aking kinatatayuan at natigil ako sa paglakad.
I know, I don't have the right to feel jealous but hell! I am. Bakit parang ang dali lang sa kanyang ibigay ang ngiti niya sa iba samantalang sa akin apaka sungit niya? Samantalang nung nagtanong ako kanina di man lang niya ako nagawang sagutin.
Tumigil ako sa paglalakad at kunwaring may tinitingnan sa camera ko. Kunwari may kinuhanan din akong picture, pero ang totoo feeling ko naiiyak ako.
Damn, Samantha! Don't be a cry baby. Lalo ka nyang hindi magugustuhan.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila pero kahit hindi ako nakatingin dama kong may nakatingin sa akin. I made myself busy, scrolling the photos of him I took a while ago. Ang sarap burahin! Pero, sayang naman, ang ganda nung shots.
Inagat ko ang ang aking tingin at sumalubong sa akin ang kulay itim niyang mga mata. Mataman itong nakatitig sa akin. Tipid akong ngumiti at tuluyan ng tumigil para dumistansya sa kanila. Tumigil din ito sa paglalakad na tila ba hinihintay ako pero tipid lang akong ngumiti sa kanya saka umiwas ng tingin. Sakto namang paparating ang captain ball ng basketball team ng university at kasamahan ko ring modelo, Si Rome. Malawak ang ngiti nito at diritso ang lakad palapit sa akin.
"What the famous and ever gorgeous, Samantha Corrine Dela Vega is doing here early this morning?" Basa pa ang buhok nito at mukhang bagong ligo galing practice.
"Hi Rome, good morning. Ikaw talaga bolero ka." ganting bati ko sa kanya. Rome is in his last year as engineering student. Nagkakilala kami nung pinakilala siya ni Mamu sa akin. Magkaibigan yung manager niya at manager ko at doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.
"Are you free this Saturday? You promised me last time na kapag nasa legal age ka na, a-attend ka ng birthday ko." nanlaki ang mata ko at napakurap pa. That was two years ago, but he still remember it? "Birthday ko sa Sabado Sam, sana makapun---" pero naputol ang sasabihin ni Rome ng biglang may tumikhim sa likuran ko.
Sabay kaming napatingin doon at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko si Knight na nakatayo sa aking likuran. Masungit at diritso ang tinging pinukol nito sa amin ni Rome. Sa likuran niya ay sina Marjorie at mga kasamahan niya na halatang nagpa-pacute kay Rome.
"Oh, Hi Sir Sarmiento! Good morning!" bati niya kay Knight pero simpleng tango lang ang ginanti nito sa kanya.
"Hi Rome, good morning." bati nina Marjorie sa kaniya. Rome being friendly and nice greeted them back.
"Hi girls, good morning." He greeted back. I saw how their eyes twinkled while looking at Rome. "Did you receive my invitation?"
" Oh, yeah! Thanks for the invite Rome, we'll come, right girls?" they nodded in unison. Wow! synchronize yern? Puppet lang ang peg.
"How about you, Sam? Please come..." Rome asked hopeful. Nagpapaawa pa ang mga mata nitong tumingin sa akin pero bago pa man ako makasagot nauna ng sumagot si Knight sa akin.
"She's not coming, Mr. Acosta." nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha ni Rome. Pagtingin ko naman kay Knight nakataas ang isang kilay nito sa akin. Kung hindi niya lang ako sinusungitan iisipin kong nagseselos siya.
Pero wait! What did he just say? I'm not coming? Saan niya naman nakuha ang ideyang yun aber? Magpro-protesta pa sana ako pero bago ko pa maibuka ang aking bibig naunahan na ako ni Knight magsalita.
"Let's go Ms. Dela Vega and you too students, go to your respective classes now."
"Bye Sir, see you around." sina Marjorie at ang grupo niya bago ito kumaway at nagpaalam kay Knight. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo ang mga ito sa amin. Kapagkway nalipat ang tingin ko kay Rome na haggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa aming harapan.
"Sam, can I invite you for a dinner?" he said like a shy school boy. Napakamot pa ito sa likod ng ulo niya ng kinantyawan ng mga kaibigan niya. "I know you are busy but nagbabakasakali lang, kapag libre ang schedule mo?"
Ngumiti ako sa kanya. Wala namang masama sa imbitasyon niya saka magkaibigan naman kami at magkatrabaho pa.
"Sure, tanungnin ko muna si Mamu kung kelan ako free then I'll let you know." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Yes! Thanks Sam. I'll go ahead" napasuntok pa ito sa ere bago tumalikod at naglakad palayo sa amin.
Nakangiti pa ako habang nakatingin kina Rome pero nawala ang ngiti ko ng makita kong halos mag-isang linya na ang kilay ni Knight at masungit na nakatingin sa akin.
"Why?" I asked confused.
"Go to your room Miss." he answered coldly.
"What's wrong with you? Bakit ang sungit mo sa akin?" pero sa halip na sagutin ako, pinihit nito ang katawan at nauna itong maglakad sa akin.
"Hey!" I nudged him but he remained cold. Then suddenly a smile crept on my face, from smile it turns to giggle. He glance a me raising his one brow.
"Selos ka?" tudyo ko sa kanya.Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ko kay lalo akong ginanahan sa panunudyo ko sa kanya. "Uy nagseselos si Wharton. Wag kang mag-alala, friend ko lang si Rome. He's my co-model and he is nice. Kilala din siya ng manager ko, mabait at mabuting tao yun, kaya safe ako." mahabang paliwanag ko sa kanya kahit di naman siya nagtatanong.
"Wag ka nang magselos, alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang baby love ko." but I was silence when he speak up.
"Sorry to burst your bubble, Miss but you are not my type."
It took a while before I could process the words he spitted. I felt like my brain is not accepting it. Lo and behold Samantha!
"Bratty kids are not my type. I don't babysit. Hindi ako pumapatol sa mga bata." seryoso itong tumingin sa akin. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya. I'm supposed to be hurt right? But no! No retreat, no surrender ata ang motto ko. What Samantha wants, Samantha gets.
"Go to your room and stop bothering me." he said coldly but I just smiled at him.
"Selos ka lang kaya ka ganyan." mahina kong sabi. "I maybe young but I know what I am doing. Siguro ngayon di mo pa ako nagugustuhan pero darating ang araw kakainin mo rin yang mga sinabi mo."
"Hah!" he scoffed. " That's the spirit, Miss."
"Talaga!" palaban kong sabi sa kanya. "Yang pagmamaldito mo sa akin, ewan ko lang sayo. Baka balang araw luluhod ka at magmamakaawa sa akin na ikaw na lang ulit."
"In your dreams, Miss. Sabagay libre lang mangarap." maldito niya ring sabi sa akin.
"Uh-huh! Tingnan natin. Basta pag na-expire na itong pagka-crush ko sayo at uncrush na kita walang habulan ha?" nanghahamon kong sabi. I'm just saying that dahil natutuwa akong nakikipagsagutan na siya sa akin. Surprising, right?
"I will never do that." he said like he was so sure.
Na -hurt ako ng slight pero sabi ko ngang no retreat, no surrender diba? So go lang kahit may konting pain, kirot, pighati at lumbay. Pasasaan ba't makukuha ko rin ang pangakong higit pa sa sampung libong saya kapag nakuha ko na ang matamis na oo niya. Todo na to, bahala na magmukhang tanga.
"Now go kid, bago kapa umiyak dyan."
"Wow! Kung maka-kid ka naman. Pero sabagay may punto ka. Mukhang matanda ka na nga para sa akin. Feeling ko mas bagay kami ni Rome. At least kung si Rome di ko na kailangang magpapansin at hindi rin nagkakalayo ang edad namin. For sure yun pa ang dadalaw sa akin doon sa department namin."
Nakita ko ang pagbago ng reaksyon ng mukha niya pagkatapos kong sabihin yun. Tinaasan ko siya ng isang kilay tsaka pilya akong ngumiti sa kanya. Akala mo ikaw lang ang marunong huh?
"Ano, Lo? Kaya pa?" nang-aasar kong tanong sa kanya. Bata pala huh?
"What the hell di you just call me?" mahina pero may pagbabanta niyang sabi nginisihan ko lang.
"Lolo, bakit? Diba sabi mo kid ako, o ikaw din Lolo." I said like a brat. I saw his jaw clenched and his lips formed into thin line but I smirked at him.
"For sure mahina na yang mga buto-buto mo! I doubt kung kaya mo pang makipagsabayan sa akin."
"Fuck lady! Don't test my patience." he warned pero nademonyo na ang utak ko. Nakakaloko pa akong ngumisi sa kanya. "What!?"
"Wag mo akong ma-fuck-fuck at baka ikaw papakin ko." nakangisi kong sabi, kita ko ang pagkagulat niya. " Pero I changed my mind na, di bale nalang alam ko kasing weak ka na. Baka nga hindi na lumalaban yang..." bumaba ang tingin ko sa pagitan ng hita niya. And hell no! My innocent eyes is corrupted. The bulge in between his legs grow bigger. At dahil maypagka m*****a ako at kinid-kid niya ako kanina syempre hindi ko papalampasin yun. Ang seste siya lang pwedeng magmaldito sa akin porket crush ko siya?
"Eyes up, lady!" he muttered but I remained unbothered.Walang hiya-hiya akong tumingin dito.
Target locked! Knight Wharton 'pinagpala' Sarmiento corrupted.
Sa pagkakataong ito pakiramdam ko hindi alalam ni Knight kung tatakpan niya ba ang hinaharap niya o hindi. He's obviously blushing but he looks cute though.
"Extend my regards to your patotoy Knight. Meet and greet kami niyan soon."
"What the hell?" I took a step forward still looking at his bulge. His mouth parted and before he could utter more words, I pulled him closer, I tiptoed and I whispered something that left him dumfounded.
"By the way, bukas ang zipper mo, Lolo Wharton."
Kinabukasan, maaga palang nakahanda na ako. Pero hindi kagaya kahapon na excited akong pumasok. Maaga lang talaga akong nagising dahil halos wala naman akong maayos na tulog kakaisip paano ako magso-sorry kay Knight dahil sa kalokohang ginawa ko sa kanya kahapon.Hindi naman totoong bukas yung zipper niya. Nagjo-joke lang naman ako pero mukhang hindi niya nagustuhan. Nung pinuntahan ko siya pagkatapos ng klase ko kahapon hindi niya lang ako pinansin kundi pinagalitan niya pa ako.Pagkatapos nun iniwan niya na ako dun. Oo, dati nagsusungit siya sa akin pero kahapon lang ata siya nasagad. Hindi ko naman kasi alam na may nakarinig pala nung sinabihan ko siyang bukas ang zipper niya at nagreport pa talaga. Nalaman kong pinatawag siya sa office pero ang pinagtataka ko ay bakit siya lang ang pinatawag gayong ako naman ang gumawa ng kalokohan. "What happened to our princess? Bakit malungkot ang baby na yan? Masama ba pakiramdam mo? Do you want me to bring you to the hospital?" sunod-sunod n
Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante pero hindi ko na ito pinansin. Mabilis akong tumalikod sa kanila, nagmamadaling naglakad palayodi alam kung saan papunta. Gusto ko lang makalayo, sobrang kahihiyan ang dinanas ko ngayong umaga. Bitbit ko ang paper bag na may lamang macaroons. Tumutunog ang cellphone ko pero wala akong lakas na sagutin yun. Hanggang sa naramramdam ko na lang ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. Don't cry Sam. It's your fault. Binilisan ko ang bawat hakbang ko.Salamat na lang at wala akong nakasalubong na mga studyante kundi lalo akong mapahiya. May nakita akong bench sa likod ng mga halaman. Patakbo akong pumunta doon saka umupo. Pakiramdam ko kasi nanghihina ang mga tuhod ko. Parang nawalan ako ng lakas. Ilang minuto pa lang akong nakaupo ng muling tumunog ang cellphone ko. Ayoko mang sagutin pero napilitan akong kunin ito sa bag ko. Si Belle Marie ang tumatawag. "H-hello?" nanginginig pa ang boses ko. "Babe! Saan ka? Dumaan ako sa roo
I had to go somewhere na hindi niya ako pwedeng masundan. Mabilis akong tumakbo palabas ng room at pumunta doon sa pinakatagong parte ng university, sa may bandang likod ng gym. Tumakbo pa ako dahil akala ko susundan niya ako gaya ng mga nakikita ko sa movies pero ang gago di man lang sumunod. Kahit respeto man lang, kunwari pero waley. Bwesit!Dahil wala naman akong maisip na gawin, nilibang ko nalang ang aking sarili. Kinuha ko ang camera na nakasabit sa leeg ko at nanguha na lang ng magagandang larawan. Dahil maraming halaman sa parteng yun may nagliliparan din mga paru-paru. Magaganda ang mga kulay kaya nalibang ako. Ilang minuto din ang ginugol ko doon. Nang makuntento na sa mga kuha ko saka pa ako tumigil. I was all smiles looking at the pictures in my camera but my smile faded when I saw two familiar men approaching my way. If I'm not mistaken I saw them hanging out with Kuya Joe before. I don't know much of Kuya Joe's friends since he didn't grow up with us.The one with a m
"Corrine please talk to me."Isa."Corrine, just hear me out."Dalawa. Para kaming nasa shooting dahil marami na yung mga estudyanteng nakatingin sa amin. "I won't bother you but please, gamutin muna natin yung paso mo.""No need I can manage.""But I want--""Will you please stop pestering me, Sir Sarmiento? " mataray kong sabi. "Wharton, call me Wharton like you used to call me before." matamis pa itong ngumiti sa akin pero maldita ko sa iyang inikutan ng mata. "Akin na ang bag mo akong magdadala." at bago paman ako makatanggi kinuha niya na ito sa balikat ko at sinukbit sa balikat niya. Samantha, hindi ka marupok! Kunin mo ang bag mo sa kanya! "Let's go Love." hahawakan niya pa sana ang kamay ko pero iniwas ko ito sa kanya. Ang seste ganun lang kadali ako rurupok sa kanya? Sexcuse me! I mean Excuse me! Matigas to uy!"Love, c'mon.""Don't call me love, hindi kita love." maldita kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa niya pero inirapan ko lang siya. Samantha, galit
"Staring is rude, young Miss." mahinang saway ni Knight sa akin pero inirapan ko lang siya. Anong rude? Walang rude-rude sa akin dahil gusto ko siyang titigan. Ang gwapo niya kaya, kailanman hindi ko pagsasawaan ang mukhang yan. Kaya nga nagka-crush ako sa kanya eh. Tapos ngayon sabihin niyang staring is rude? Hell no! Tititig ako kung kailan ko gusto.Bumalik na ang dating sigla ko dahil sa maraming pagkain na nakahain sa harapan ko ngayon. Para akong bata na tuwang-tuwa na akala mo naman ngayon lang ako nakatikim ng mga ganitong pagkain. "Para may tinitingnan lang eh, ang damot." Dumukwang ako palapit sa kanya at kunwari may inaabot sa mukha niya. "Ano to?"He waited for me to take something from his face, pero wala naman talaga akong kukunin doon. Eme lang para mapalapit ako sa kanya at malanghap ko ang mabango niyang hininga. His midnight black eyes stared at me intensely habang nagkukunwari akong may kinuha sa mukha niya. Lambot naman ng face ng poging to. Wala man lang ka po
"Why are you smiling Kuya?" tanong ko sa kapatid kong antukin na parang timang na nangingiting mag-isa. Maaga pa lang malawak na ang ngiti ni Kuya Joe. Himala mukhang maaliwalas ang mukha nito ngayon at sobrang energetic. Anong umagahan kaya ang kinain nito at nagkakaganito?Magkatabi sila ngayon ng bestfriend ko. Si Belle Marie na tutot niya at ewan ko parang may something sa kanilang dalawa. Parang iba yung klase ng tinginan nila. Kung hindi ko sila kilala dalawa iisipin kong may namamagitan sa kanila pero imposible naman yun dahil kailan lang sila nagkakila. Ano yun si flash lang si Kuya, speed, ganern?Tiningna ko si Belle Marie, napansin kong umiiwas ito ng tingin sa akin. She is scanning her notes but I know she's just pretending. We've been friends more than a year and I know her very well. Alam ko kapag may tinatago ito sa akin at mukhang meron nga at yun ang dapat kong alamin. Wala namang problema sa akin kung magkakamabutihan sila ni Kuya Joe. Choosy pa ba ako? Kung tutuu
"This is Samantha Corrine Dela Vega, my girlfriend." Nag-loading ang utak ko ng mga two seconds dahil sa sinabi niya. "Love?" he called me lovingly. "Aren't you gonna say anything?""H-huh?" I looked at him confused but he just smiled at me sweetly. Does it mean sinasagot niya na ako? Sheeettttttttt! I want to scream at the top of my lungs in so much glee. Boyfriend ko na si Knight in shining patotie?"You mean?" My eyes widen still unable to process what's happening."Yes, Love." he said smiling. Hinapit niya pa ang bewang ko palapit sa kanya."Promise?" he nodded. My mouth parted. I was like..."Eeeehhhhh!" I giggled, smacking his broad shoulder and hard chest. "Really love? You're not joking?" he nodded cupping my face. Omg! This is what I've been waiting for. Shit! Shit! Finally!"You're so cute, Baby. Come on, hug me." then he gently pulled me closer to him, kissing my forehead. OMG! I cant believe it. After years of stalking and flirting, finally, naging akin din siya? Yes!
"Baby, stop, please." I heard Knight called me pero nabaling ang mata ko sa doktorang kasama niya na dinadaluhan si Pauline. "Oh my gosh! What the hell happened to your face, Pau?" she took her hanky and gave it to Pauling who is now crying hysterically. "Ate Caren, she hurt me. That bitch hurt me." sumbong ng bruha sa kanya sabay turo sa akin. "Basta nalang siyang sumugod dito at nanakit sa amin. Look at my friends, lahat kami sinaktan niya." "Because you hurt my bestfriend! She's now in the hospital, because of you bitch! I warned you and your minions already but you didn't listen. Now, you're blaming me? Halika dito at kulang pa yang ginawa ko sa 'yo." malakas kong sigaw. Nagpupumiglas ako kay Knight pero mahigpit siyang nakayakap sa akin. "That's not true Ate Caren, I'm just defending myself. Yung kaibigan niya ang naunang nang-away sa amin.""That's not true! Liar! Mabait ang kaibigan ko." sigaw ko sa kanya. Knight is calming me, pero ang puso ko nagwawala sa galit. Nagpup
This is the last part of Knight Wharton's POV.Maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you for not leaving Knight and Sam in this wonderful journey to forever.See you in my next story, AVAngers!Amping mong tanan! Labyu All!______________________________That night Knoxx stayed with me. Nagising ako kinabukasan na katabi ko siya sa kama, natutulog.Para kaming bumalik noong mga panahong maliliit palang kami. Mga panahong kahit na may iniinda akong sakit sa puso pero hindi naman ganito kalaki ang mga problema. I look at my twin, he is sleeping peacefully. He look so strong from the outside but I know deep inside him, he is also in big trouble. He just have to stand up for both of us because he has to.My twin is supporting me in silent. More than anyone else, Knoxx is the only whom I know will never leave my side.Days passed, though I am struggling and still suffering from the pain I caused to myself, I need to continue with my life. I have to keep going, maraming taong umaasa
"Smile naman dyan!"Una.Alam ko na ang kasunod niyan. Kukunin niya ang camera na nakasabit sa leeg niya at itatapat sa akin. Tapos kukuhanan niya akon ng picture."Pogi naman! Model yern?"Pangalawa.Hindi pa yan kuntento sa isang kuha lang. Muli niyang itatapat sa akin ang camera at kukuhanan ako ulit."Wharton! Isang ngiti mo lang kumpleto na araw ko."Pangatlo.Ilang kuha ulit at kapag ayos na 'yon sa kanya, saka niya pa ibabalik sa pagkakasabit ang camera niya at sumabay sa paglalakad sa akin.Ito ang araw-araw niyang pangungulit sa akin kasama ang mga stolen shots mula sa camera na dala-dala niya.Minsan gusto ko ng bumigay sa kanya, but I have to stop myself. I really have to. I know the moment I'll give in to her I can't control myself anymore. There's no turning back."Sagutin mo lang ako Knight, hindi ka magsisisi na ako ang magiging baby mo." sabi niya. Walang pakialam kung may makakarinig ba sa kanya. Mabuti nalang at maaga pa, wala pa gaanong estudyanteng dumadaan.Gusto
"Bulaga!""Damn it, Guerrero! What the hell is wrong with you?" Parang lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan sa sobrang pagkagulat nang pagkalabas ko ng elevator ay bigla akong ginulat ni gago. Nakayuko ako at saktong pag-angat ko ng tingin ang mukha ni gago ang una kong nakita. "What the fuck, Brute?! " Para pa itong gagong tumawa ng malakas ng makita niyang nakahawak ako sa aking dibdib."Nagulat ka?" Ay hindi! Gago! "Napaka magulatin mo naman." Alam ni gago na may sakit ako sa puso at bawal akong ginugulat pero heto parang walang pakialam ang buang. Lintek lang talaga. Maluha-luha pa ito sa kakatawa."You should have seen your face, Knight. You look so funny." he said laughing. Sino ang hindi magiging katawa-tawa? Talagang nagulat ako sa ginawa niya. "Para kang najejebs na ewan." I told myself that I will distance myself from Guerrero dahil napakaligalig niya talaga. Pero heto ako ngayon sinusubok na naman ng panahon. The more na umiiwas ako sa kanya, the more naman na lumap
"Knight, anak, do you want to come with us?"Natigil ako sa pag-gigitara ng lumapit si Papá at Mamá sa akin. Nakaayos na ang mga ito at mukhang handa ng umalis.Ako lang ang nandito sa mansion ngayon dahil ang kakambal ko ay nagpaalam na pupuntahan niya si Cara. May project atang gagawin ang bestfriend niya at gustong tulungan ni Knoxx.Hindi ako sumama sa kanya dahil wala ako sa mood simula pa kanina pagka-gising ko. Hindi rin ako lumabas ng mansion kahit na pinuntahan ako ni Guerrero dahil mabigat ang pakiramdam ko. Wala naman akong sakit it's just that I feel so lazy and not in the mood for anything today.Wala akong ginawa mula ng umalis si Knoxx kundi ang mag-piano at mag-gitara. Ito ang paraan ko para marelax ako. Music makes me feel better."We are going to visit the Dela Vega's, you are friends with their sons right? Sandro and Simone?" Mamá asked.Simone, yes but Sandro? Hmm, I don't think so. That brute is not talking to anyone. He's snob and always not in the mood to make f
Hi AVAngers! I'm quite sad but at the same time happy that finally another story has come to an end. It's hard to let go but I have to so that we can give way to another Brute's journey in finding his forever. (Sino kaya next? hahaha!)Maraming salamat sa inyo AVAngers! Thank you for being with me since Hendrick and Ava's story. From 134 AVAngers now to 14k! The family is growing! Yehey!Thank you for not leaving me all through out Knight and Sam's journey. You, my AVAngers are the reason why I continue writing. You all inspire me to do better each chapter. _______________________________"Go Daddy! Go Daddy! Go Daddy!"The kids are cheering when it is Knight's turn to dance. Hindi talaga siya tinantanan ng mga kaibigan niyang sumama sa sayaw nila. Actually there are few left in front. Si Kuya William, Kuya Ethan, Kuya Calyx, Kuya Derick at Kuya Joe na lang ang mga nakatayo doon at sumasayaw. Mga tiktokerist yern? Si Knoxx kasama si Major Castillo ay nakatayo nalang sa tabi kasam
"Mom?"Rook looks confused. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin, sa tatay niya at sa bibang kambal na ngayon ay nakalapit na at agad na yumakap sa kanya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Rook sa gulat dahil sa ginawa ni Sammy."Omg! Ikaw nga ang twinnie ko. Gossssh! I can't believe it. You really look like daddy." Sammy said still hugging Rook. Walang lumabas ni isang salita mula kay Rook. Talagang nagulat ito.Mabilis kong inalalayan si Knight na tumayo . Sabay kaming nagpahid ng mga luha namin bago ako lumapit sa mga bata. Ang kaninang inaantok na mata ni Rook ay puno na ng kuryusidad. He is still looking at his twin, confused. Habang si Sammy naman ay mukhang tuwang-tuwa pa sa nakikita nitong reaction ng kakambal niya. "Kuya kambal, ako lang to! Ano ka ba? Haha!" she said cutely covering her mouth with her hand. " Look at my face oh, I'm so Mommy's look a like. We are both pretty, right?" biba nitong sabi kay Rook na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita. He remai
"Yun naman pala, Sam! Sayo naman pala nanggaling eh. Sleep talk yern?" I frowned when Kuya's friends laughed after Kuya William said that to me in a teasing tone. I glared at him pero mukhang tuwang-tuwa pa ito sa reaksyon ko. Pati sina Tita Miranda at Tito Mariano ay nakikitawa na rin. Si Rook naman kasi eh, pahamak. Malay ko ba na nagsasalita pala ako habang natutulog? Pero, seryoso ba talaga? Bakit hindi ko alam? Tsaka sa dinami dami ng pangalan, yun pa talagang pangalan niya ang binabanggit ko? Like no way! Ano yun? Baka isipin pa nina Tita at Tito na patay na patay ako sa anak nila. Hell no!Pero baka naman gino-goodtime lang ako ng anak ko? But knowing Rook, hindi naman ito nagsisinungaling sa akin. Tsaka nung mga panahong yun hindi niya pa naman siguro kilala kung sino at ano ang pangalan ng tatay niya. Hindi nga ba? O pinipigilan niya lang din ang sarili dahil alam niya na nasasaktan ako?"It's okay Mommy. It's a nice name though. Bagay po sa name ko kasi, I'm Rook and my
Noong mga panahong hindi pa nagsisimula ang kaso ilang gabi akong hindi makatulog na maayos. I have my anxiety and panic attacks and mom never left my side. Ilang beses aking nagigising kalagitnaan ng gabi at laging nakabantay si Mommy sa akin. Laging nakaalalay kahit pa ilang beses ko na siyang sinaway.Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mommy at bumaling kay Daddy."Daddy, thank you for loving and understanding me despite everything I've done. Please know that I am here for you too. Things will be better soon, Dad. Mahahanap din natin ang asawa ni Kuya at kapag nangyari yun makakabalik na tayong lahat sa dati." Dad smiled sadly and pulled me for a tight hug. " I miss you Daddy. I want you to know that you are still the best Daddy for me. I love you Dad.""I love you, Princess. Thank you for not closing your heard for me anak. Always remember that forever you are Dad's princess. Babawi ako sa inyo nak. Babawi ako sa inyo ng mga kuya mo at sa mga apo ko. Aayusin ko ang buhay natin. Ibab
After Dr. Caren Aldover's admission to the crime, there's no further arguments happened in the court. Kinausap pa siya ng abugado niya at mga magulang niya pero hindi na ito nagsasalita. Tahimik lang itong umiiyak sa upuan niya. The judge announced for a thirty minute break and informed to give final judgement for the case after the break. Pagtalikod nila agad na lumapit ang pamilya ko sa akin. Mahigpit akong yumakap sa mga magulang ko at doon ko na binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. After years of being in pain, finally makukuha ko na din ang hustisyang matagal ko ng inaasam. Makakabalik na din ako sa dating ako, yung Samantha na masayahin, buo at puno ng pagmamahal ang puso. Makakabawi na rin ako sa ilang taong nalayo ako sa mga magulang at kapatid ko. "Thank you for taking the case of my daughter, Atty. Gonzales. " I heard my Dad said. Umangat ang tingin ko at nakita kong kinamayan ni Daddy si Atty. Gonzales. Pati din si Major Castillo na nakatayo katabi ng p