GUMABI NA RIN. Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin, naupo si Theo sa harap ng isang puntod. Pinagmasdan niya ang nakaukit na pangalan sa lapida at napapikit na lang ng mariin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Wala na talaga siya... wala na ang ama ni Amanda.Inilapag niya ang bulaklak ng maayos sa gilid ng lapida ng taong kahit papaano ay naging ama na rin niya. Napabuntong hininga na lang siya nang umihip ang panggabing hangin."Pa... I'm sorry..." mahinang bulong ni Theo sa puntod at napapikit muli ng mariin. Hiyang hiya siya sa lahat ng mga nangyari. At ang sakit isipin na wala na nga ang ama ni Amanda. Hindi na maibabalik ang buhay nito.Pero mahina na lang bumulong sa hangin si Theo na sana kung nasaan man ang kaluluwa ng ama ni Amanda ay maayos ito at masaya kasama ang kaluluwa rin ng dating asawa. Nakakalungkot lang isipin na wala na ang mga ito. At naiwan ang dalawang mga anak at naulila na.Hindi na rin naman nagstay pa ng matagal doon si Theo. Kalaunan a
"NAKIKIUSAP AKO ng maayos sa iyo, Theo. Ibigay mo na sa akin si Amanda, please," ani Sylvia at pilit na pinatatag ang loob. Ang totoo niyan ay kanina pa siya kinakabahan. Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Theo kaya hindi siya pwedeng magpakampante.Umigting lalo ang panga ni Theo. Naiintindihan naman niya kung bakit ito ginagawa ni Sylvia. Sa dami ba naman ng mga nagawa niyang kasalanan kay Amanda pati sa pamilya nito? Pero hindi pa naman siya ganoong katanga para pumayag sa gusto ni Sylvia."Hindi ako papayag," mahina ngunit mariing wika pa ni Theo."Theo, alam ko ang tunay mong nararamdaman kay Amanda! Hindi mo naman siya mahal, hindi ba? Bata ka pa! Pwede mong ibaling na lang sa iba iyang nararamdaman mo!""Anong alam mo sa nararamdaman ko?" balik naman ni Theo na tanong.Naiiyak na napailing si Sylvia at kaunting kalabit na lang ay mapapahagulgol na siya ng iyak na ayaw niyang mangyari kaya mas pinatatag pa niya ang loob. "P-Please, pumayag ka na lang, Theo. Kung ganito lang
HABANG TINITITIGAN ni Theo ang kaniyang mag ina, para bang may kapayapaan at kakuntentuhan siyang naramdaman sa puso niya. Hindi niya maiexplain ang ganitong pakiramdam! Para bang may init na bumalot sa kaniyang puso.At sa puntong ito, may napagtanto si Theo. Si Amanda lang ang babaeng nakikita niyang kasama hanggang sa siya tumanda...Mahimbing ang naging tulog ni Baby Alex matapos itong mapaburp ni Theo. Magaan ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na halatang busog na busog sa gatas ng ina. Kalaunan ay ibinaba na ni Theo si Baby Alex sa kaniyang crib at napabaling kay Amanda na halatang kakagising lang din. Nakatulog ito kanina habang pinapadede si Baby Alex.Masuyong ngiti ang siyang iginawad ni Theo kay Amanda. "Oh, gising ka na pala! Nagugutom ka na ba? Nagpaluto na pala ako sa baba ng makakain mo mayamaya lang. Sinabihan ko silang dapat ang lutuhin nila ay ang makakatulong sa iyong makapagbawi ng lakas mo," ani Theo.Hindi sumagot si Amanda at inayos ang sa
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban
KAHIT ANONG pamimilit ni Theo, hindi pa rin bumigay si Amanda. Ayaw niyang magpaapekto sa mga yakap at halik ni Theo. May kung anong paninikip sa dibdib na naramdaman si Theo pero hindi na niya gaanong pinagtuonan pa iyon ng pansin. Sa kabilang banda naman, sobrang nag aalala na si Loreign sa nangyayari kay Amanda. Ilang araw na niya itong hindi nakikita! Hindi rin nakatulong ang ibinalita ni Sylvia sa kaniya habang umiiyak. "Mahihirapan tayong makita si Amanda! Ikinukulong siya ni Theo at trinatrato na parang isang preso! Marami siyang bantay na nagkalat sa mansion!" sabi ni Sylvia at naiiyak na lang. Kinalma ni Loreign si Sylvia. "Magiging maayos po ang lahat. Magagawan natin ng paraan ito," pagpapalubag loob niya sa ginang. Tumango lang naman si Sylvia. Napabuntong hininga na lang si Loreign. Napaisip siya ng paraan kung paano makikita si Amanda at matulungan ito. Alam niyang magiging mahirap dahil makapangyarihan si Theo at mayaman. Pero kailangang may gawin siya! Dahil noong s
"S-SALAMAT!" NAIIYAK na lang na sabi ni Loreign kay Gerald matapos ang sinabi nitong tutulong ito sa kaniya. Malaking bagay na iyon sa kaniya. At least, kahit papaano, may taong willing na harapin si Theo para makita na niya si Amanda.Nag usap pa sila saglit doon. Ramdam na ramdam ni Gerald ang pagiging distant sa kaniya ni Loreign. Pero wala naman na siyang magagawa. May kasalanan pa rin siya kung bakit ganito siya ngayon sa kaniya.Nang umalis na si Loreign, napabuntong hininga na lang si Gerald. Para bang may kulang na naman sa dibdib niya. May puwang na hindi kailanman basta basta mapupunan ng kung sino man. Tanging si Loreign lang ang may kakayahang bumuo no'n.Ngayon, ramdam na ramdam ni Gerald na mag isa na naman siya..."ISANG ORAS LANG Ang pwede kong ibigay ko sa iyo para makita siya," malamig na sabi ni Theo kay Loreign.Tumango na lang si Loreign at tinanggap iyon. Alam naman niyang hindi magiging madali ito. Kaya kahit papaano ay nagpapasalamat siya kay Gerald dahil tinul
"TEKA LANG! MASYADONG mabilis. Pwede bang makausap ko si Theo?" ani Loreign sa mga bodyguards na sumundo sa kaniya.Umiling sila. Sumagot ang kalbong may malaking katawan. "Pasensya na, Miss Loreign. Hindi po pwede. Mahigpit na utos ni Sir Theo na dapat isang oras lang ang pagdalaw niyo kay Ma'am Amanda," pormal na wika nito.Napailing si Loreign. "Hindi! Baka naman... baka magagawan ng paraan ito? Hindi tama itong ginagawa ni Theo! Kailangan ko talaga siyang makausap!" pamimilit pa niya."Pasensya na, Ma'am pero sumusunod lang kami sa utos. Kailangan niyo na pong umalis," sagot pa ng isa.Umiling iling si Loreign, ayaw pa ring umalis. Pero nang bumaling siya kay Amanda ay halos napaiyak na lang siya. Sumenyas si Amanda na magiging okay lang siya dito. Napailing siya lalo pero tumango si Amanda na makakaya niya ito. Kaya wala ring nagawa si Loreign. Kahit gustuhin niyang magstay pa ng mas matagal ay hindi na talaga pwede dahil talagang bantay sarado sila ng mga bodyguards. Wala naman
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na