Enjoy reading po♥️
[Yuri]Kinuha niya ang wallet sa bag at kumuha ng pera. "Bayad po, pakiabot naman." Aniya sa katabing pasahero sa dyip. Kanina pa niya napapansin ang pagtingin sa kanya paulit-ulit ng lalaking kaharap niya. Hindi talaga maiiwasan na makaengkwentro ng katulad nang ganitong lalaki paminsan-minsan lalo na sa mga pampublikong sasakyan.Humigpit ang hawak niya sa sling bag niya nang makitang bumaba rin ang lalaki. Binilisan niya ang hakbang, kapag sinundan siya nito hanggang sa ikalawang kanto ibig sabihin ay sinusundan talaga siya nito. Sa oras na mangyari 'yon ay sisigaw na talaga siya ay hihingi ng tulong.Matangkad ang lalaki. Nakasuot ito ng N95 mask ay nakajacket din ito ng kulay itim, black pants, at itim na sumbrero, naka-gloves din ang dalawang kamay nito.'Yawa, wag naman sana holdaper at rapist ang isang 'to' Isip-isip niya. Budget niya pang two weeks ang perang dala-dala niya. Hindi siya papayag na makuhaan ng pera. Ayaw niyang umutang kay Vera. Nakakahiya na kasi dahil sa tuwin
[Yuri]"Yawa ka, Vera! Ano ba itong pinasuot mo sa akin?!" Sa sobrang ikli nito ay daig pa nila ang mang aaki ng mga boys. Isa itong cocktail dress na hindi aabot ng kalahati ng kanyang hita, actually ay silang apat ay pare-pareho na maiikli ang suot."Siguraduhin mo na ma-aakit si Miguel sa akin sa suot ko, Vera, ha. Pwede ba na mas maikli pa rito?" Napanganga nalang siya sa sinabi ni Nikka. Seriously? Ganito ba kalakas ang tama nito kay Miguel?"Mag-hubad ka nalang, Nikka. Gusto mo?" Pang aasar na suggestion ni Pamela."Pwede ba-ouch!" Binatukan ito ni Pamela kaya natawa sila ni Vera."Shocks! Kahit mag-panty gagawin mo para lang sa Miguel na 'yan?" Hindi makapaniwala ang tingin na ibinigay ni Pamela kay Nikka. "Gano'n mo siya ka-gusto?" Namumula na tumango si Nikka. "Kaya nga ako palagi sumasama sa party dahil nagbabaka-sakali ako na makita si Miguel." Iwas ang tingin na wika nito.Napangiti siya. Pareho silang dalawa kung magmahal. Magkaibigan nga silang dalawa."Wag ka mag-alala
[Yuri]Puno ng luha ang mukha niya, wala siyang pakialam sa mga nagtatakang tingin sa kanya ng mga bisita. Ang mahalaga ay makita niya ang taong nais niyang makita. Huminto ang mata niya sa lalaking nakatayo sa sulok, si Red. Nakatayo ito ng tuwid habang nakapamulsa ang kamay, at katulad ng dati ay nakatingin sa kanya ito nang malalim. Nanginginig ang katawan niya ngayon sa sobrang galit habang patuloy siya sa pagluha.Galit na galit siya.Nang makalapit siya rito ay agad niya itong sinampal, hindi lang isa, kundi apat na beses pa. "W-Walanghiya kayo! K-Kayo ng pamilya mo ang dahilan kung bakit naulila ako!" Napasinghap ang ilang mga bisita na nakarinig. Rinig niya ang takot na bulung-bulongan ng mga 'to. "Paano niya nagawang saktan si Red Gabrielle? Nababaliw na ba ang babaeng 'yan? Gusto ba niyang mabura sa mapa ng Pilipinas?" Hilakbot na wika ng isang bisita."Siguro ay hindi niya kilala kung sino ang kaharap niya kaya ganyan siya katapang!" Ani naman ng isa.Pagak siyang natawa.
[Yuri]Wala siyang nagawa nang pakaladkad siyang hatakin ni Red. Maski magpabigat siya ay parang magaan lang na bagay siyang dala-dala nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba ng makitang maski ang villa na pinagdalhan nito sa kanya ay nakakatakot. Malaki at parang abandonado."Walanghiya ka! Pakawalan mo ako!" Akala niya ay tutulungan siya ng pulis na 'yon pero hindi pala. Isa pala ito sa mga baliw na kaibigan ni Red. Gumapang ang kilabot sa katawan niya nang makapasok sila ng Villa, tanging dim light lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid, mayro'n siyang nakitang mga tauhan si Red, marami at nagkalat ang mga 'to at mga armado. Hinila siya nito hanggang sa likurang bahagi ng Villa kung saan ay wala na siyang nakitang liwanag. Nahintatakutan siya nang huminto sila. Wala man siyang makita dahil sa kadiliman ay hindi maiwasan na makaramdam siya nang takot."A-Ano ang gagawin— ahh!" Napadaíng siya nang itulak siya nito sa kung saan. Kahit masakit ang tuhod niya ay agad siyang tumayo
[Yuri]'OBEY ME AND YOU'LL BE SAFE'Sinungaling! Paano siya magiging ligtas sa kamay nito gayong ito ang dahilan kung bakit siya nasa ganitong kalagayan ngayon? Para siyang ibon na nasa hawla, walang kalayaan at karapatang lumabas.No, mas swerte pa ang ibon dahil may chance na pakawalan ang mga 'to, eh siya? Malungkot na tumingin siya sa labas ng bintana ng kwarto niya. Dahil nasa pinakadulo ang kwarto niya at nasa bandang likod ay wala siyang natatanaw kundi puro mga puno dahil kagubatan ang nasa likuran nitong Villa. Ang bintana ng kwarto ay may grills na nagsisilbing harang para hindi siya makatakas.Isang linggo na simula nang inalis siya ni Red sa madilim na kwartong 'yon. Tatlong araw din siyang naka-dextrose pagkatapos ng araw na 'yon. Akala niya ay nakalaya na siya pero mali siya dahil inilipat lang siya nito sa ibang kwarto at muli ring ikinulong.Tumingin siya sa pintuan ng marinig ang pagbukas nito. Si Red may dalang pagkain. Binaling niya muli ang tingin sa labas at hindi
[Yuri] Habang papalabas sila ng mall ay ramdam niya na mayro’ng nakamasid sa kanila. Mukhang siya lang ang nakakaramdam dahil tila walang pakialam si Red. Habang hindi nakatingin ang binata sa kanya ay pasimple siyang tumitingin sa paligid para makita kung tama ang hinala niya. ‘Pero wala naman siyang nakita’ Mukhang mali lang siya nang hinala. Nang malapit na sila sa parking lot ay muli na naman silang nakarinig nang pagsabog. Napaubo siya at napaluha ng biglang may naghagis sa kanila ng teargas. Kahit puro usok at malabo ay nakita niya si Red na nilingon siya. ‘Subukan mong tumakas at papatayin kita’ Ito ang hatid sa kanya nang nagbabantang tingin nito. Napalunok siya at pinagpawisan sa sobrang takot. Pero kung hindi siya tatakas ngayon, kailan pa? Hindi siya pwede magpadala sa takot, kailangan niyang tumakas! Hindi niya alam kung kailan pa siya magkakaro’n ng pagkakataon kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataong ito ngayon. Mabilis na tumakbo siya, rinig niya ang palitan ng p
[Yuri]Sobrang sakit! Araw-araw siyang umiiyak. Gabi-gabi ay dinadalaw siya ng masamang tagpong ‘yon sa panaginip niya.Ikinulong siyang muli ni Red sa kwartong napakadilim. Parusa daw ito sa ginawa niyang pagtakas… Rinig ang malakas niyang iyak sa bawat sulok. Tatlong araw na siya rito pero parang hindi nauubos ang luha niya. Hindi niya alintana ang uhaw at gutom. Mas nangingibabaw sa kanya ang galit at sakit.Galit siya kay Red! Galit na galit! Pero may parte sa kanya na sinisisi ang sarili. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito mapapahamak, kung hindi dahil sa kanya ay buhay pa sana ito. Siya ang nagdala ng kapahamakan rito.Pero mas malaki ang kasalanan ni Red! Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kaisa-isang lalaking minahal niya!Parang bata na niyakap niya ang tuhod habang umiiyak. ‘Wala na si Virvin’ Hindi na niya ito makikita at makakasama. Lumipas pa ang tatlong araw… Natigil din siya sa pag iyak… naubos na yata ang luha niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng
[Yuri]Because of painful sexual Intercourse caused by a disproportionately long and thick penis: pitong araw na mataas ang lagnat niya. Nakakahiya! Sa loob ng twenty-one years ng buhay niya ay hindi niya sumagi sa isip niya na mangyayari sa kanya ang ganito. Sobra ang paghihirap niya dahil sa sakit at hapdi ng pagkababaè niya. Daig pa niya ang nabugbog, sa ibaba nga lang.Paano ba tumigil sa pag iyak? Wala kasing araw na hindi siya lumuluha dahil sa sinapit niya, nilang dalawa ni Virvin. Hindi naman ganito ka-kumplikado ang sitwasyon niya noong hindi pa niya nakikilala si Red.Masama ang tingin niya kay Red habang abala ito sa pagpalit ng dextrose niya. Mabuti nalang at doktor ang baliw na 'to, kundi ay baka pinaglalamayan na siya ngayon. Naalala niya na nabanggit sa kanya dati ni Vera na isa nga palang Canadian ang ina nito, marahil kaya malaki ang alaga nito."Don't look at my buddy down there, sweety. Baka tukain ka ni'yan kahit na hindi ka pa tuluyang magaling." Wika ni Red.Agad
“You may kiss the bride!” Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayro’n nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. “Masaya ako para sa’yo, Pamela.” Bati nang dalaga sa kaibigan.
[Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. “R-Red…” Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahat— Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.“A-ang sakit, Red!” Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayro’n pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay
[Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi
[Yuri]“Mamaya kayo sa amin, beybi gerls!” Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animo’y tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. “Ohh, V-Virvin, ohhh lick me more!” Malakas na unġol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.‘Mamatay sana kayo sa sarap!’ “Babe, ano ang ginagawa mo?” Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.“Aalis na tayo habang wala sila! Hindi n
[Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. “J-Jessie,” Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng gano’n ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? “Y-Yuri, I-I’m sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.” Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang
[Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon… kundi totoo!“N-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!” Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!“K-kuya!” Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. “K-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!” Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. “K-k-kuy
[Yuri]“Nasa iyo na ang kailangan mo, ngayon pakawalan mo na si Yuri! May usapan tayo, Virvin!” Akmang lalapit ang kuya niya sa kanya ng barilin ito ni Virvin sa binto. “Arhhh!” Napaunġol si Dolan sa sakit.“Kuya!”“Oopsss!” Tinutok nito sa kanya ang baril. “Huwag kang kikilos kung ayaw mong mabaril sa ulo, Yuri.” Nakangising wika ni Virvin. “Magpasalamat ka dahil kailangan kita para makalabas sa lugar na ‘to. Kaya hindi ko muna kayo papatayin. Ngayon, sumama ka sa akin, sundin mo ang bilin ko kung ayaw mong tuluyan ko itong kapatid mo!” “K-kuya…” Nag aalala siya. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya na baka masaktan ito lalo.“W-wala ka talagang kwentang kausap, Virvin! Parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Basilyo! Napakasama at mapansamantala kayong tao!” Puno ng poot na tumingin rito si Dolan. “Kayo ang pumatay ang magulang namin! Hindi ko kayo mapapatawad!” Tinawanan lang ni Virvin ang sinabi nito. May mapang uyam na ngumisi pa ito na tumingin sa kapatid niya. “Sa ting
[Yuri]Hindi siya makahinga sa diin ng pagkakasakal ni Virvin ng braso nito sa kanyang leeg. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito sa likuran niya.“Tangina! Masyadong pakialamero ang boyfriend mo! Papatayin ko siya kapag nakatakas ako rito! Papatayin ko siya!” Galit na galit na banta nito.Nang masiguro ng lalaki na walang nakasunod sa kanila ay patulak siya nitony binitawan papasok sa isang silid. Napaluha siya sa sakit ng alisin nito ang nakabusal na tape sa bibig niya.“Subukan mong simigaw pasasabugin ko ang ulo mo!” Nanlalaki ang banta nito sa kanya. “Ganito, Yuri. Kung gusto mo na pareho tayong mabuhay ay sundin mo ang gusto ko. Gusto kong sabihin mo kay Red na huwag magpapaputok.. sabihin mo na mahal mo ako at ayaw mo akong masaktan, sabihin mo na kapag sinaktan niya ako ay magagalit ka kamo! Naiintindihan mo ba ako?!” Nakangising wika pa nito. Akala yata ay susunod siya sa sinabi nito.Nawala ang ngisi sa labi ni Virvin ng tingnan niya ito ng masama. Naging bulag siya s
[Yuri]Nahintatakutan si Nikka na nagsalita. “B-babe, sa likuran na lang tayo dumaan. Sigurado na hindi pa sila nakakarating doon. Mas ligtas kung do’n tayo dadaan—“ Natigil ito sa pagsasalita ng makarinig sila ng malakas na sigaw.“Walang hiya ka!!! Papatayin kita!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jessie sa paligid. Narito si Jessie! Hindi niya mapigilan ang maluha. Narito rin ba si Jessie para iligtas siya? Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib niya sa naisip. Sa kabila ng ginawa niya ay nagawa pa rin nitong sumuong sa panganib. Sa kabila ng pagdududa niya at pananakit sa damdamin nito ay dumating pa rin ito.“Ahhh! Bitiwan mo akong babae ka!” Tili ni Nikka ng mahila ni Jessie ang buhok nito. “B-babe, tulungan mo ako!!!” Hingi nito ng tulong kay Virvin. Subalit hindi ito pinakinggan ng binata, umatras ito ng dahan-dahan nang hindi inaalis ang baril na nakatutok sa sintido niya. Takot na takot ito na malingat at mamatay sa isang kisapmata lang.“V-Virvin, wag mo akong iwan, ahhh