TRACE“Ano?” natatawang tanong ni Louisianna sa akin. “Sabi mo kasi crush mo ko…” I smiled coyly."Hindi ikaw.” Natawa siya. “Ang bata-bata mo pa kung ano-ano nang sinasabi mo.""Eh sabi mo—""Sabi ko na wala akong makita na ibang gwapo rito maliban sa 'yo kaso baby ka pa kaya hindi kita pwedeng gawin boyfriend at baka magwala pa ang mama mo."I smiled shyly. Pwede niya siguro ako ma-crush-an kapag eighteen na ako. Kapag eighteen na ako ay liligawan ko talaga siya.Nasa gano'n akong pangarap nang may malakas na pagbasag na naman akong narinig mula sa taas. Natigilan ako at nagkatinginan kami ni Louisianna."Narinig mo 'yon?" she asked me.I nodded. "Kilala mo ba si Mela?""Sino 'yon?" tanong niya na kunot ang noo."Dating secretary ni Papa.""Hindi naman Mela ang pangalan nang pinalitan ko dati eh, si Josie man 'yon.""Iba si Mela at iba si Josie. Nauna si Mela.""Ahh, okay... Eh bakit mo tinatanong kung kilala ko si Mela ay matagal na palang wala dito 'yon?"I went silent. Iniisip k
Sta. Monica City, SalvacionTRACETwo weeks after..."What is happening with you and Kuya Patrick, Ana?" Tita Mommy asked Mama na tahimik lang at nakatingin sa mga nadadaanan namin.Mama deeply breathed in and out. Her breathing sounded sad. "Don't ask, Dorcy. Dito na lang muna kami ng mga bata sa inyo. Kapag okay na ako ay babalik din kami sa El Tierra.""No problem for me na dito kayo," agad na sabi ni Tita Mommy, "I am just worried. Actually natutuwa ako na nandito kayo at gusto ko nga na may mga kalaro si Logan kaya okay lang... pero nagtataka ako... May problema ba kayo? Napapadalas na kasi—""Normal na away mag-asawa lang, don't mind us," Mama answered safely.Gusto ko sana sabihin na sinungaling si Mama pero baka maparusahan ako mamaya kaya hindi na lang.They continued talking but it's all about the orphanage that they are sponsoring at wala na ako alam doon. I didn't listen anymore. Ang isip ko ay nasa magandang mukha ni Louisianna at iniisip ko na sana hindi na lang ako isin
El Tierra City, Salvacion 2004 to 2005 TRACE Bye, Trace!” Kumakaway si Analia habang papalayo ang kotse nila. Nakangiti naman akong hinintay muna makalayo ang sasakyan bago ako pumasok sa gate namin. Galing akong school at tumawag sa akin si Yaya Cora at sabi ay hintayin ko ang sundo ko dahil hindi ako masusundo ni Mama. Alam ko na ang dahilan nag-aaway na naman sila ni Papa. Iyon lang naman ang bagay na pwedeng maging dahilan na makalimutan ang existence ko. Priority na ni Mama ang makipag-away ngayon. Hindi na ako nagpasundo. Ang sabi ko na lang kay Yaya Cora ay makikisabay ako sa kaklase kong pauwi na rin. Si Analia. Ang totoo ay gusto ko maka-experience na sumakay sa tricycle kaso delikado si Yaya Cora kay Mama kapag nalaman na sumakay ako sa tricycle. Kaya gano’n na lang, para pumayag si Yaya Cora na hindi na umuutos na sunduin ako ay sinabi ko na lang na kay Analia na ako makikisabay. Kilala nila si Analia kasi ang ama ni Analia ay isa sa mga konsehal sa siyudad namin.
TRACEMonths goes by na naging normal naman. Hindi ko na nakikita si Louisianna na pumupunta dito sa bahay kaya ako na lang ang sumasadya sumama kay Papa kapag wala akong pasok para makita ko siya. Minsan sinasama ako pero kadalasan hindi dahil sabi ni Papa ay busy siya. Hindi na ako nangungulit kay Papa kasi alam ko na marami siyang iniinttindi sa lugar namin.Bihira sila mag-away ni Mama kasi bihira na lang silang magkita. Kakatapos lang din ng 4th grading exam namin kaya pabakasyon na naman kami sa Sta. Monica. Ayaw ko sana sumama pero hindi ko naman matanggihan si Mama at magagalit iyon.Mama wants na kapag bakasyon ay doon kami kina Tita Mommy. Alam ko naman bakit doon gusto ni Mama, kasi kapag sa orphanage siya at nakakakita ng mga ulilang bata ay naiisip niya raw na maswerte pa rin siya… iyon ang narinig ko na sabi niya kay Tita Mommy, na mas gusto niya ubusin ang panahon niya sa pagtulong sa mga madre sa orphanage kaysa ang sumama kay Papa at magpakaplastik.Pero kagabi… ay
Sta. Monica City, Salvacion TRACE “Trace!” malakas na tawag sa akin ni Logan. Logan is already eight and starting to act like me. Hindi na siya iyakin. Nakakatuwa na siya sa tingin ko at paborito ko siya. Sana pwede ko ipalit si Paige sa kaniya, maarte kasi iyon. Pero s’yempre hindi pwede, hindi papayag ang daddy ni Logan at nag-iisang anak lang siya. Ang boring… ang boring ng buhay namin. Si Logan nag-iisang anak. Ako na isa lang ang kapatid na kasama, ang arte-arte pa. Kumusta naman kaya ang kapatid ko kay Mela. May iba pa akong pinsan na lalaki, sa side ni Mama, kapag sa Brazil kami ay nakakalaro ko si Atlas, ang anak ng kakambal ni Mama na si Tito Anton. May kapatid si Atlas, kambal niya rin, si Althea, pero nasa mama nila. Hiwalay magulang nila at masaya naman sila. Mas okay nga siguro ang gano’n kaysa kagaya nina Mama at Papa na lagi nag-aaway. “Trace, tulong!” sigaw na ni Logan at nagtaka ako bakit siya nakikipag-away sa isang bata. Itinulak ng bata na marungis si Loga
2006TRACEEl Tierra City, Salvacion & Baguio CityOctober 7 to 8, 2006Nakatitig ako sa football field ng Sport's Complex dito sa lugar namin. Nandoon ako kasi nagkayayaan ang mga kaklase ko. Ayaw ko sana pero mas ayaw ko rin umuwi sa bahay na hindi naman masaya do'n. Pagdating sa bahay ay magkukulong lang ako sa kwarto kaya mabuti na gumala na lang muna ako."Buti nakapasok ka na..." Analia said that disturbed my thoughts. Tumabi siya sa akin."Kaya nga," I smiled awkwardly. Kahit nga ako ay gusto kong isipin na mabuti na lang nakapasok na ako ulit sa school.Siguro kung hindi lang governor si Papa ay baka matagal na akong natigil sa pag-aaral sa gawa ni Mama. Fourteen na ako at third year high school na, two months to go at fifteen na ako. Two school years na lang at college na ako, at sa Manila na ako mag-aaral. Ayoko na rito sa Salvacion at nakakasawa na ang away ng mga magulang ko.Ang pinakamahirap kasi sa kalagayan ko ay ang magpanggap na okay lang ako. Kunwari okay lang kahit
TRACENapatitig ako sa magandang bata na nasa harap ko. She is so pretty na nakatingala lang sa akin. I smiled at her pero nakasimangot lang siyang nakatingin sa akin. Her pouty lips were pink and her dark blue eyes ay masama ang tingin sa akin. Napatingin din siya kay Loui na noong ngitian siya ay mabilis niyang ibinalik ang tingiin niya sa akin. But no… hindi pala siya nakasimangot. Kinikilala niya lang kami.Pero kaninong anak ito? Tinanaw ko ang paligid pero mukhang wala naman akong nakikitang naghahanap sa kaniya.Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. The girl looks like seven years old, parang kaedaran lang ni Paige but her eyes na kanina pa ako napapatitig ay iba ang dating sa akin. Para lang siyang galing sa ibang mundo na ngayon ay hini-hypnotize ako. Mestiza siya. Her eyes have thick and long eyelashes. Her hair was reddish brown. Mas mukha siyang manika kaysa totoong bata.She's cute. No! She's not that cute... she's beautiful. At hindi ko alam bakit cute at maganda
El Tierra City, SalvacionDecember 8, 2006TRACE"Happy birthday, hijo."I smiled to Tita Mommy na nakarating na pala. My eyes look for Mama and Paige pero hindi nila kasama ni Tito Daddy.Masaya ako ngayon. Sa loob ng two months after namin manggaling sa Baguio, na inilihim namin ni Papa kay Mama, ay naging okay ang relasyon nila. Hindi ko alam, but Papa made his way para maging okay na sila ni Mama. Siguro nasabi ni Papa na wala na ang anak nila ni Mela kaya hindi na galit si Mama sa kaniya. I have no idea pero baka iyon nga.Naging happy na ulit kami at hindi na nag-aaway ang mga magulang ko. Noong birthday ni Paige ay ang saya-saya nga namin kasi kahit paano ay sinisikap nila pareho na maging maayos na sila."Trace!" bati ni Logan sa akin na biglang sumulpot mula sa likod nila Tita Mommy at Tito Daddy."Hey, d'yan ka pala." I grinned. Logan was already ten."Ang sabi ng mama mo ay mauna na kami at susunod lang sila ni Paige. Baka mamaya ay nand'yan na sila," Tita Mommy informed me
TRACE We locate Raiden through Logan. Si Logan ang tumawag kay Dev para hanapin si Gavi. Dev tracked the GPS of his sister kaya narito kami ngayon sa isang hotel, na katapat lang ng hotel namin dito sa Baguio. Lumapit sa amin ang manager ng hotel, inabot ang isang key card saka kami iniwan sa harap ng kuwarto. I used it to open the door. We entered the room at napasinghap si Chloe sa nakita. “Wake up!” gising ko kay Raid. Tulog na tulog. Sa lahat ng anak namin ni Chloe ay itong si Raid ang bihira namin masermunan. Hindi dahil sa wala siyang nagawang mali, pero hindi namin kayang pagsabihan siya ng sobra dahil sa takot namin na baka mawala na naman siya. He used to hide when he was younger, paano pa ngayon? Patuloy kong tinapik ang mukha ni Raid. Napabuga ako ng hangin nang magising na siya. Bahagyang lumaki ang mga mata ni Raid sa gulat nang nakita ang mommy niya na nasa kabilang gilid ng kama at ginigising si Gavi. “Put your clothes on!” utos ko kay Raid. Dinampot ko ang m
CHLOE Busy ang lahat. Today is Gunner’s wedding. He is twenty-seven and will marry Reign Pellegrini, ang anak ni Rex kay Julianna. I sighed as time flew so fast for all of us. Ikakasal na si Gunner and who knows kung sino ang susunod sa mga kapatid niya. Cadence is still engrossed with his art. Narinig ko kay Saint na girlfriend ni Cade ang muse niya. Sa mga nakikita kong paintings niya lately ay kadalasan ang babae na nga ang main objective ng mga gawa niya. And she’s pretty. Killian is living his life to its full simplicity. Masaya si Kill sa simpleng buhay na pinili sa isla kasama ang mga malalaking pusa. He has no girlfriend lately. The last girl he was into was the time he went to trouble kaya siya isinama sa Fielvia ni Alguien para magbakasyon muna doon. Darth is the most famous among my children now being the rockstar he is. Kung hindi lang sina Anghel at Axel ang kasama niya lagi sa mga tours niya ay baka hindi ako pumayag sa buhay na pinasok niya. Yes, kasama niya ang dala
TRACE “What is he doing?” kunot-noong tanong ko. Mas para sa sarili ko iyon kaysa sa dalawang pinsan ko na nanonood lang din sa ginagawa ni Prime thru monitor. I just got here like ten minutes ago. Hindi lang ako pumasok pa sa loob ng bahay dahil mas gusto kong makita muna ang ginagawa ni Prime. At gusto kong makita rin muna kung ano ang itsura ng anak kong matagal na nawala sa amin. “Kanina pa ‘yan gan’yan…” Atlas said. “Paikot-ikot. Obvious na alam niyang may mga CCTV cam pero hindi naman sinisira.” “He is obviously showing us that he knows we are watching yet he doesn't give a damn at all…” ani naman ni Isidro. “Nanghahamon ‘yan.” “Send men inside…” I uttered. “Katorse na lang ang natitirang tao sa labas. Ilan ang papapasukin natin?” tanong ni Atlas sa akin. “Papasukin lahat. Kinaya niya ang walo sabi niyo. Let him face fourteen this time.” “Akala ko ba gusto mong makumpleto na ang mga anak mo?” natawang tanong ni Atlas. “Bakit parang gusto mong mapahamak iyang isa?” “B
TRACE Bumiyahe ako agad pagkatapos namin mag-usap sa telepono ni Chloe. Umiiyak siya at sinasabing alam na kung nasaan si Prime. Kahit hindi pa tapos ang usapan para sa shipment namin sa Ecuador ay iniwan ko na sina Lev at Logan. Bahala na sila umayos at magpulido ng plano. Kailangan ako ni Chloe at sa sinabi niya ay nabuhayan din ako ng pag-asa na mahahanap na namin si Prime. At sana nga mahanap na namin talaga… “Trace…” Lumapit si Chloe sa akin at yumakap nang mahigpit pagpasok ko pa lang ng kuwarto namin. She was crying. Birthday ng asawa ko bukas at naghanda ako ng sorpresa para sa kaniya. Kinasabwat ko pa nga sina Cade, Gunn at Kill. Magiging masaya si Chloe sana bukas pero sa nangyayari ngayon ay alam kong walang party na dapat maganap kung hindi ko rin lang maiuuwi si Prime. Paano naman kasi kami magpa-party kung si Prime ang nasa isip naming lahat? Dahil sa mga sinabi ni France na nakakausap niya ang Kuya Raid niya ay waring nahinto na naman ang ikot ng mundo ng aming pam
CHLOEI looked at my reflection in the mirror. I smiled. I am turning forty-one after this day, and yet hindi pa rin naman halata. I still look younger than my age. Sabi nga ng Big 3 ay para lang akong nasa early thirties. Na ngayon puro binata na talaga sila ay mukha na lang nila akong ate. Time flies fast… the Big 3 have graduated college. Cade is the one following Trace's love of art, but he is more on painting than architectural art. Gunn is always with his cars and into international races often. Kill, the youngest among the three, is the one who chooses to stay with the beasts in Alma Livre. Mas gusto ni Killian kasama ang mga big cats kaysa manirahan sa syudad. Umaalis lang ng isla si Killian kapag may race si Gunner at sinumpong siyang panoorin o kaya may art exhibit si Cadence at may gusto siyang bilhin na gawa ng kapatid. The Big 3 are now twenty-three. Same age as mine when I got married to their father and they became my son. Same age when I gave birth to Prime. My Prime
TRACE“Shut up, old man! I knew it! Walang magandang gagawin ang pugad na ‘yon na kasing kulot ng utak ang buhok! Look at what he’s done to his wife!”That was Maddison. The ‘always’ nagging wife of Indigo. Mukhang hindi pa yata nasabihan sa totoong nangyari kaya ako na naman ang obvious na sinisisi sa nangyari kay Chloe, na napaanak kagabi dahil sa stress sa nangyaring pagkidnap kay Saint. “Bakit? Ano na naman ba ang kasalanan ko?” And that was Indigo Magtanggol talking to his judgmental wife. “Member ako ng Foedus, we have our brotherhood and Trace leads us. At hayaan mo na ang problema nilang mag-asawa.”“But look at Chloe! She—”“Chloe is definitely safe and sound. And stop acting that I will do the same thing towards you. I won’t let you worry…”“Don’t ever think about that, Indi! I swear, iiwanan kita!”I knocked the already opened door to let them know I heard them and stopped them from talking nonsense. “Trace!” bati sa akin ni Indigo. Nilapitan ko ito at tinanggap ang pakik
CHLOEI checked the time in my wrist watch. Ang sabi ni Trace ay parating na sila ng mga bata dahil sa resto ng Sacrebleu ni Matthias kami magdi-dinner, pero two hours na mula nang nakausap ko siya ay wala pa rin sila. Kanina pa rin ako pabalik-balik kakalakad dahil medyo sumasakit pa ang tiyan ko. This is my last month of being pregnant at two weeks na lang ay due date ko na. Excited kaming lahat sa baby girl namin ni Trace na magiging last child na rin namin. Saint just turned seven last month. Darth and Xenon are now ten. And the Big 3 are now eighteen in legal ages and all in their freshmen in college. Nasa HCU dormitory sila inilagay ni Trace para matuto raw sa buhay at masanay na walang mga yaya at bodyguards. At kung akala ni Trace ay malulungkot ang tatlo na wala na sa poder namin ay nagkamali siya. Those three were all excited after their father left them in the dormitory. Ilang beses na nga rin silang tumawag sa akin para sabihin na huwag papuntahin si Trace pa sa HCU at a
TRACE Three days later… I parked my car in front of Willow’s mansion. Sinalubong naman ako agad ng butler na si Alfredo at magalang na bumati. “Buenos días, Señor Trace.” “Buenos días… Saan sina Chloe?” hanap ko agad sa mag-iina ko. “Wala po si Señora Chloe, señor. May pinuntahan sila ni Señora Willow.” “Saan?” Ang malas naman ng punta ko yata. Huwag lang sana pumunta ng Colombia o Italy ang mga iyon. “Hindi ko po alam at walang pasabi.” Magalang na ngumiti ito at bahagyang yumukod pa. “Ang mga anak ninyo, nasa loob po sila. Nasa recreation room kasama nina Señorito Isaia at Señorito Isauro.” Mga anak ni Willow ang binanggit ni Alfredo. Ibig sabihin ay hindi nangibang-bansa sina Chloe at Willow kasi naiwan lang ang mga bata. Tumango-tango ako. “Sige,” sabi ko na lang at tinalikuran na ito para puntahan ang mga bata. Bumalik ako nang may naalala na ibilin kay Alfredo bago dumiretso na ulit sa mga bata. Pagbukas ko ng pinto ng recreation room ay napatingin silang lahat sa akin.
TRACE ‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage a—’ “Tangina!” galit kong sabi at ibinalibag na ang phone na hawak ko. Langya! Hanggang ngayon ay hindi sinasagot ni Chloe ang mga tawag ko. “Kalma lang… Hindi naman lalaban ‘yan.” Inis kong nilingon ang nagsalita. Si Ice na kararating at nasa likod si Lash na nakangisi. “Paano ako kakalma?” tanong ko. “Isang linggo na akong ayaw kausapin. Kung sino man ang putanginang may gawa ng kalokohan na pagdala sa mga bata na ‘yon kay Chloe ay tatamaan talaga sa akin!” “But they are your sons, right?” Ice yawned. Parang sinabi na rin na nauumay na siya sa topic. Sabagay at ulit-ulit na lang din nga ang sinasabi ko tungkol sa inis ko sa nangyari. Paano ba naman? Sino bang matutuwa na bibintangan ka sa bagay na hindi mo ginawa? Wala na akong problema kung anak ko ang dalawa, eksplanasyon na lang ang kailangan kung paano ko sila naging mga anak. Ang hindi ko maunawaan ay ang galit ni Chloe dahil sa pakikipag-orgy ko