Share

Chapter 18

Author: twtl_trtd
last update Huling Na-update: 2021-03-31 14:38:17

   “Tee, anong sitwasyon ni Heneral Isle?” Ikinumpas ni Devlin ang mga kamay. Mabilis na yumukod ang babaeng tagapagsilbi upang punuin ng tsaa ang kaniyang baso. “Tatlong araw na ang nakalipas. Wala pa rin akong liham na natatanggap.”

Hindi interesado si Mary Joy sa magiging tugon ng kuya ni Devlin. Alam niyang busy ito sa sitwasyon ng Danari Pass. Noong una'y minaliit ng mga opisyal ang mga bandidong galing sa lumubog na bayan ng Capiz. Pinabayaan nila ito hanggang sa lumobo ang problema.

May hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dating pinuno nito at ng ama ni Belial kaya naman noong humingi ng tulong ang Capiz sa gitna ng pagkakasakop, umaktong bingi ang hari. Ngayon nagpupumilit pumasok sa kanilang kaharian ang mga nakaligtas na mga sundalo't mangangalakal mula sa gyera. Hindi ang kaharian nina Belial ang pinakamalapit sa mga ito ngunit may delusyon ang mga taong iyon na may atraso sa kanila ang hari kaya dapat lamang silang papasukin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 19

    Huminga nang malalim si Mary Joy at isinara ang librong kabubuklat pa lamang—wala siyang maintindihan. Lahat ng libro rito ay nakasulat sa hindi matukoy na lengwahe. Sigurado siya na kahit ang mga tao rito ay hindi binabasa ang mga ito, sa limang oras na inilagi niya sa silid-aklatan ng palasyo ay iilan lang ang mga hanay ng librong may espasyo sa pagitan.Nabuburo na siya nang husto. Noong una'y namamangha siya sa kakaibang sulat na iyon. Samahan pa ng mga larawang hindi niya pa nakita noon. Makalipas ang iilang oras, gusto niyang sunugin lahat ng librong nandito. Kaunti lang ang mga librong kaya niyang basahin. Napagtanto niyang hindi mahilig sa libro si Devlin. Ayos lang 'yon sa kaniya. Hindi siya umaasang puro ‘love story’ ang mga narito.Nangalumbaba si Devlin sa mahabang mesa at tiningnan ang tahimik na si Tee. “Saan nagpunta si Prinsepe Belial ngayong umaga?”“Pagkatapos ng pulong kaninang umaga ay nagpunta ang prinsepe

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 20

    Pagkatapos ng nangyari kaninang tanghali ay nagkulong si Mary Joy sa silid. Kinulit niya si Tee patungkol sa kung anu-ano, pinapagod ang sarili upang makatulog. Noong makumbinsi niya ang sarili na magpahinga, madilim na at lumalamig na ang paligid. Inutusan niya si Tee na huwag magpapapasok ng kung sino sa kaniyang silid. Kung sakaling maulit man ang nangyari kay Synthell. Masunuring nagbantay ang lalaki sa labas.Mahimbing ang pag-idlip ni Mary Joy hanggang sa bulabugin iyon ng isang marahas na pagbukas ng pinto na sunundan ng mabibigat na yabag. Pumasok ang nakakasakal na Alpha scent ni Belial sa buong silid. Asar na inginudngod ni Mary Joy ang mukha sa malambot na unan.“Devlin Isle—alam mo ba kung anong kahihiyan ang binigay mo sa 'kin?” tanong ni Belial sa kaniya gamit ang boses na kayang tapatan ang mabibigat na kulog tuwing bagyo. “Isang Omega, sa silid-aklatan ng angkan ko, Devlin? Talagang doon pa?”“Belial, pakiusap.

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 21

    Dumaan ang tatlong araw na pare-pareho lamang ang nangyayari. Dadalaw si Synthell sa kaniyang silid, makikipag-usap si Devlin dito ng iilang minuto pagkatapos ay magbabasa siya ng libro buong maghapon. Kinagabihan ay magigising siya dahil sa paninitig ng bidang lalaki na si Belial. Pagagalitan siya nito sa patuloy niyang pakikipaglapit kay Synthell at mayamaya ay matatameme, uutusan siyang matulog muli at huwag itong pansinin.Kung magtatagal pa ito ng isang linggo ay hindi na kakayanin ni Mary Joy ang takbo ng laro.Para mabawasan ang pagkabagot ay pumunta siya sa mga kabayo. Sinabihan siya ng mga ito na huwag manganayo nang wala ang Prinsepw Belial. Hindi alam ni Mary Joy kung seseryosuhin niya ang mga ito o pagahalitan dahil sa pag-iinsulto sa kaniya. Bakit kailangang nariyan si Belial? May alam naman si Devlin sa mga kabayo!Sinubukan niya ring magpaturo ng paggamit sa iba pang sandata kay Heneral Onee pero narinig niya mu

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 22

    Noong umugong ang usap-usapan patungkol sa imbestigasyong nagaganap ay saka naman dumating kay Mary Joy ang balita na mas lalo muling humigpit ang sitwasyon sa Danari Pass. Wala ng kahit na sino ang basta-bastang pinapapasok sa kanilang kaharian lalo na kapag walang papeles na dala. Nag-aalala na si Tee para sa kapakanan ng Kuya Apollo ni Devlin.Hindi sinayang ni Mary Joy ang pagkakataon upang takasan ang imbestigasyon na patuloy pa ring nangyayari. Kaagad siyang tumakbo sa opisina ng ministro upang humingi ng ilang araw para mabisita ang kanilang mansyon at magpunta ng Danari Pass.Personal siyang pinuntahan ni Belial upang sagutin ang kaniyang hiling gamit lamang ang dalawang malulupit na salita. “Hindi puwede.”Hindi naitago ni Mary Joy ang inis sa mukha ni Devlin. “Belial, ang kapatid ko ang namumuno sa gulo ng Danari Pass. Baka kung ano na ang na—”“Gagawin ko ang lahat upang manatiling ligtas ang kuya mo.” Ngumiti

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 23: III

    TO WRECK A HOUSE OF PEARLS NARAMDAMAN kaagad ni Mary Joy na may kakaiba noong pagmulat niya. Sinubukan niyang silipin si Si upang itanong kung ano ang nangyayari. Sa tingin niya nagkaroon ng problema. Ngayon ay totohanan na. Dumilim ang paningin niya, saglit na naalarma bago napansing...nakapikit ang katawang kaniyang kinalalagyan.Nakapikit ito kahit na hindi dapat. Si Mary Joy na ang masusunod sa katawang ito. Siya ang magdadala, aarte at magpaplano nang naayon sa kaniyang kagustuhan. Hindi na siya aasa ngayon sa ugali ng karakter na kontrabida upang pumili ng solusyong naaayon sa pag-iisip at pag-uugali nito.Sa wakas ay na-unlock na niya ang restriksyong ito. Hindi na niya kailangang pigilan ang sarili na umarte ayon sa kaniyang kagustuhan.“Hay nako, Ana,” malamyang pinagalitan ng katawan ang sarili. Tinitigan ni Mary Joy kung paanong pumikit, magsalita at huminga ang katawan nang hindi niya inuutusan. Noong ibaba n

    Huling Na-update : 2021-04-07
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 24

    Hindi inasahan ni Mary Joy ang pagragasa ng alaala sa kaniyang isip. Ang emosyong kalakip ng mga ito ay nakapanghihina ng tuhod. Upang itago ang nadarama, nanatili siyang tahimik habang iniinsulto siya ni Madame Freeda. Ang nag-iisang kapatid ni Don Frederico. Kilala na niya ito ngayon hindi dahil kay Si. Ang mga alaalang hindi mapasa kay Mary Joy ay nasa kaniya na ngayon. Hindi siya si Ana. Siya ay si Nastya. Iyon ang huling bulong sa balintataw ni Mary Joy.Si Nastya ay ang babaeng kinupkop ng mag-asawang naninirahan sa malayo. Hindi maganda ang pagtrato ng mga ito sa kaniya. Hindi ito kumupkop ng bata upang ituring na anak gaya ng sagot nito sa mga madreng nagtatanong. Gusto pala ng mga ito ang kumuha ng katulong na hindi na kailangang bayaran. Hindi natuwa si Nastya rito.Malupit man siya at madalas walang hiya, may dignidad naman siya.Noong umabot sa puntong gagahasain na sana siya ng kaniyang ‘ama’, walang pagdadalawang

    Huling Na-update : 2021-04-07
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 25

    Hinihintay ni Mary Joy na magbalik si Ana noong makarinig siya ng pagkatok sa pinto. Hinayaan niya ang magulong buhok at sinagot ang pagtawag ni Francis mula sa kabila. Isa sa mga nakasanayan na ni Nastya ay ang paglandasin ang kanang kamay sa buhok tuwing nag-aalala o kinakabahan. Namana ito ni Mary Joy dahilan upang sabunutan niya ang sarili habang wala siya sa sarili dahil sa kakaisip.“Francis,” pagbati ni Mary Joy na kaagad niyang pinagsisihan. Kumurap ang lalaki na tila ba nawiwirduhan sa kaniyang sinabi. Kaagad na tinabunan ni Mary Joy iyon gamit ang pekeng tawa. Dahil madalas siyang nag-iisip ngayon, madalas din siyang nakakalimot sa pagkatao ng kaniyang karakter. Ngayon tuloy napapaisip siya kung mas mainam ba noong hindi pa nawawala iyong out-of-character restrictions nitong laro. Noon mas madaling umarte.“Bakit ka nandito, poster boy?” tanong ni Nastya. Naging komportable muli ang ekspresyon ni Francis. Tila ba nakahinga

    Huling Na-update : 2021-04-07
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 26

    Nagising si Mary Joy na hindi makontrol ang katawan kinabukasan. Hindi siya masanay-sanay sa ganito. Para siyang taong dumaraan lamang sa kalsada pero kinaladkad at puwersahang pinapanood ng palabas na ayaw niyang makita.Nag-umpisa iyon sa nakasanayang gawi ng babae. Ang agawan ng trabaho lahat ng nakikitang tauhan, umaaasang makuha ang loob ng mga ito. Subalit dahil sa kondisyon ni Ana at Nastya, walang gustong makipaglagayan ng loob sa bida maliban kay Joshua, iyong hardinero.“Sigurado ka, ha, Ana?” pag-uulit ni Manong Gerald na siyang tagapagluto, “Baka mapagod ka.”“Sinong napapagod sa paghihiwa ng sibuyas, Manong Ge?” Humalakhak si Ana. Kung hindi alam ni Mary Joy ang totoong pag-uugali nito, siguradong mauuto siya sa malaman nitong tawa. “Heto na po—”“Ana,” sabi ni Aling Zena pagpasok ng kusina, “si Sir Francis nasa sala.”“Si Francis?” Hindi na naghintay ng kumpirmasyon si Ana at dali-daling lum

    Huling Na-update : 2021-04-07

Pinakabagong kabanata

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 35

    "Ang tangkad mo talagang lalaki, ah. Ibang iba ka kay Doc Alex!" Ihinampas ng nars ang isang kumpol ng papel sa balikat ni Sandro. "Anong kurso ba kukunin mo sa kolehiyo, ha? Sayang kagwapuhan mo kung magdodoktor ka din! Makukulong ka lang sa operating room at naka-mask!"Napakamot-ulo si Sandro. Inayos niya ang kaniyang buhok at inihapit sa kaniyang noo upang matabunan ang kaniyang mga mata. "Kumusta na si Joy? Hindi ba siya gumalaw?""'Tong si Ms. Sungit? Hindi pa! Alam mo, iniisip ko baka sinasadya niya talagang magmaldita kaya ayaw magbigay ng sign. Kahit kibot man lang ng labi, ayaw ibigay!""Ikaw Sandro, ha. Alagaan mo si Doc Alex. May umaali-aligid pa namang gwapong engineer sa kaniya." Umirap ang babae bago tumalikod. "Uunahan pa yata kaming mga resident workers dito sa ospital na umariba d'yan sa tito mo!"Kumunot ang noo ni Sandro. "Hindi 'yon. Magkaibigan lang sila. Si Kuya Alex... imposibleng maging binabae s'ya. Nagka-girlfriend na siya noon. Isa pa, kilala ko 'yang engin

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 34: IV Sandro De Castro

    Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito. Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid. “May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito. N

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 33

    Hindi nagugustuhan ni Ana ang takbo ng mga pangyayari. Wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa balak niya. Mukhang lahat ng pabor ay napupunta kay Nastya. Bagay na pinanggagalingan ng kaniyang poot.Hindi maganda ang resulta ng mga nangyari noong nakaraan. Si Ana, hindi makatulog habang iniisip kung ano ang nangyari kay Nastya at Francis. Hindi niya lubos na matanggap na ang higit niyang katunggali sa lahat ay ang kaniyang sarili.Dalawang linggo na ang nakaraan, at dalawang linggo na ring hindi makatulog nang mahimbing si Ana. Lagi siyang binabangungot. Binibisita siya sa panaginip ng mga taong inagrabyado ni Nastya noon.Si Nastya. Ito ang may dala ng lahat ng kamalasan sa kaniya! Mula noong dumating ito, akala ni Ana, may poprotekta na sa kaniya. Noon inakala niyang kaya na niya ang mag-isa pero habang paulit-ulit na nilalamangan at ginagamit ng ibang tao, halos madurog siya nang husto.Dumating si Nastya, pinaranas ng

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 32

    Nagmulat si Mary Joy at ang unang ginawa ay pakiramdaman ang emosyon ng bida. Alam niyang may wisyo na muli ito—bagay na hinihintay niya kanina pa. Gising na ang kaniyang kamalayan bago pa man magising ang bida.Ninamnam niya ang lamig ng paligid, init sa kaniyang pikuran at sakit sa pagkababae ni Ana. Hindi rin mawala-wala ang nangyari sa kaniyang alaala. Sigurado siyang kahit matapos na ang misyon niya rito, maaalala niya pa rin si Francis sa mga susunod na mundong darating.“Diyos ko...” Humikbi si Ana. Niyakap nito ang sarili, nakapamulagat na nakatitig sa hubad na si Francis sa kaniyang tabi. “May nangyari sa amin ni Francis.”Ilang segundong tumagal din ang ngiti ng babae bago nabasag ang pantasya nito. Hipokrita man si Ana ay matalino ito. Wala siyang maalala na kung anong nangyari sa kanila ni Francis kagabi. Ibig sabihin ay lumabas si Nastya at ito ang...“Nastya,” bulong ng bida sa halos hindi makilalang boses,

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 31

    Nagising si Mary Joy dahil sa maingay na pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid ni Ana. Naging matagal ang pagiging Nastya niya, higit sa mga nauna niyang paglabas kaya naging sapat ang oras niya upang makapagpahinga at kumain ng mga pagkaing gusto ni Nastya bago natulog nang maaga.Nagising siya noong dakong malapit na ang hatinggabi. Inilihis niya ang tingin mula sa alarm clock at tinitigan ang hulto ni Francis na siyang malapit sa kaniyang kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ito umimik at nanatiling tikom. Humalakhak siya.Bumuntong hininga ang lalaki. “Nastya!”“Kaya mo ba hinintay na magsalita ako para masiguradong si Nastya nga ako at hindi si Ana?” Ngumuso si Mary Joy. Huminga siya nang malalim at binuksan ang lampara sa nightstand. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Nakita sa wakas ni Mary Joy ang magulong buhok ng lalaki, walang buhay nitong mga mata at problemadong ekspresyon. Natigilan siya. “Anong problema?”U

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 30

    Bumuntong hininga si Mary Joy sa ikatlong pagpapalit ni Ana ng damit. Pare-pareho namang bestidang puti ang pinipili nito, iba-iba lang ang disenyo. Nababahala si Mary Joy sa gusto nitong gawin ngunit wala siyang kakayahan upang mapalabas si Nastya.Sa wakas ay nakuntento si Ana sa suot. Mahaba ang puting bestida na ito, umaabot sa kaniyang tuhod. Sa malayo, aakalaing isang anghel si Ana dahil bagay na bagay rito ang ganitong estilo ng pananamit.Naglagay ng kolorete sa mukha si Ana. Hindi nito sinobrahan—sapat lamang upang mapansin. Noong ngumiti ang dalaga sa salamin, napatango si Mary Joy nang wala sa sarili. May dalawang mabababaw na biloy si Ana!Bumaba si Ana ng sala, sinasalubong ng tanong ang bawat katulong na nakikita. Ang asta ay tila karapatan ng babae ang masagot ng mga ito.“Si Sir Francis? Nasa hardin, Ana. Puntahan mo ro'n.”Ngumiti muli si Ana at nagtatalong pinuntahan ang sinabi nitong lugar. Hindi

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 29

    Kung sasabihin ni Mary Joy na hindi niya inasahan ang pagiging mailap ni Francis kay Ana, nagsisinungaling siya. At hindi siya sinungaling, o hindi ganoon ang tingin niya sa sarili niya. Baka minsan na siyang naging ganoon at umaarteng hindi, ngunit sino nga ba ang mabilis umako ng mali? Kung hindi si Mary Joy, hindi rin iyon si Ana.“Ana, pasensya na pero wala talagang sinabi si Francis, e. Hindi ka naman no'n paaalisin,” pagpapakalma ni Manong Gerald sa kaniya habang nagpapakulo ito ng sabaw. “Magpaliwanag ka na lang sa kaniya pagdating niya. Isang linggo ka na rin no'n na hindi pinapansin.”‘Hindi ko kailangan ng pagpapaalala mo!’Nitong mga araw, habang hindi makatulog si Ana at hindi makakain nang maayos dahil sa kaba at pagdududa. Habang palala ito nang palala, mas lumalakas din ang boses nito sa isip ni Mary Joy. Noong una'y kinikilabutan siya tuwing naririnig ang matinis nitong boses sa isip.Alam niya ang bawat

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 28

    Sa loob ng tatlong araw, nasanay na si Mary Joy na laging si Ana ang nasusunod sa katawan. Araw-araw ang ginagawa niya lamang ay magmasid at hulaan kung sino sa mga ito ang kaniyang tagasunod. Sa puntong ito buong tiwala niyang sasabihin na wala sa bahay na ito ang taong ibinigay ng system sa kaniya. Wala sa mga ito ang kwalipikado upang maging kanang kamay ni Mary Joy.Ilang araw na rin niyang agam-agam ang posibilidad na agawin ni Nastya mula kay Ana si Francis. Alam ni Mary Joy na hindi gusto ni Francis si Nastya. Ang nararamdaman nito sa kaniya ay kuryosidad, isang naglalakad na sakuna na siyang wala sa buhay nito. Napaka-boring ng buhay ni Francis at si Nastya ang tanging panggulo rito.Hindi gusto ni Francis si Nastya. Sa ngayon. Paano bukas? Ngumiti si Mary Joy sa naisip. Gagamitin niya ang interes ng lalaki kay Nastya upang makuha ito. Ang tanging kailangan niya na lamang ngayon ay humanap ng panahon upang mapalapit dito. Up

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 27

    “Ana!”Narinig ni Mary Joy ang naiinip na pagtawag ni Francis ngunit hindi siya nagmadali gaya ng tipikal na gagawin ng bida. Mabagal siyang humakbang, ninanamnam sa alaala ang mukha ni Aling Zena noong maabutan siyang humuhugot ng alak mula sa nakasaradong lalagyan. Maalam si Nastya sa pagnanakaw, hindi rin nakatulong ang masaya nitong ekspresyon dahilan upang magsisigaw ang ginang at hampasin siya ng tambo. Kapag may nawala o nasirang gamit sa mansyon, magbabayad ang mga ito kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng matanda.“Anastasia?”Natigilan si Mary Joy dahil sa pagtawag nito roon. Sa alaala ni Nastya, walang kahit sinong tumawag sa kaniya ng ganito. Pareho din kay Ana.“Poster boy,” bati ni Nastya noong lumiko ito sa hagdanan. Nakita niya ang pamimilog ng mga mata ni Francis noong makita ang hawak niyang alak. “Ano? Maraming alak si Madame. 'Wag kang mag-alala.”“Pero kapag nalasing ka—”“Hindi ako mag

DMCA.com Protection Status