"Mukhang puyat ka ata?" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Harris. Naupo siya sa sofa sa tabi ko at nakataas ang kilay habang nakatitig sakin." Hindi lang ako masyadong nakatulog." Simple kong sagot sa kaniya.Paano ba naman ako makakatulog kung ginugulo ako ni Hallen. Pareho kaming walang tulog at mukhang ngayon siya bumabawi dahil maaga na siya nung mapaalis ko sa kwarto ko. Komportable na akong kasama siya ang kaso wala siyang titigil kakakulit sakin." Star Baka next week Mapipilitan akong sumama kay Mommy. Kung hindi man baka mauna ako sa kaniya dahil kailangan ko na din doon mag take ng Exam."" Sa states ka na mag aaral?" " Yup. Pero babalik din ako kaya sana mahintay mo ako." Aniya at matamis na nakangiti sakin. Nginitian ko din siya pabalik at kaagad siyang ang iwas ng tingin." Hindi ba kayo nag uusap ni kuya?" Tanong niya at Napalunok ako sa tanong niya na tila may nag bara sa lalamunan ko." Hi...Hindi pa bakit?" " Uhm Wala naman. Nag taka lang ako feeling ko may k
My mind bothers me every day because of a mistake. My heart was filled with fear.Natatakot ako na baka dumating ang araw na malaman ni Hallen at hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam namin ni Harris na may ihinalo sa inumin namin kaya ganun kalakas ang epekto nito at sigurado naman ako na walang nangyari samin ni Harris Ang kinakatakot ko lang ay baka hindi maintindihan ng iba kaya plit namin itong tinago ni Harris." Star ayos ka lang ba?" Wika ni Hero at inilapag sa mesa ko ang dala niyang Juice." Ayos lang naman. Ikaw? Grounded ka parin?" " Yeah. " natatawa niyang sagot.Napabuntong hininga na lamang ako sa kinahinatnan ng pag sasaya namin nung gabi na yun. Nalaman yun ni Señyora at galit na galit siya dahil isanama pa daw ako ng Dalawa na konsensya naman ako dahil sila lang ang napag sabihan habang ako nakaligtas sa Sermon." Sa susunod na ang alis ni Kuya Harris tayo na lang ulit dito. Ano kaya ang pwede natin gawin ngayong bakasyon?" Hindi ko pansin ang pang dadaldal sa
" Iha ngayon lang kita nakita dito kamusta ang Mama mo?" Tanong sakin ng dati naming kapitbahay na si Aling sena." Nasa manila na po siya."" Ganun ba? E ikaw saan kana tumutuloy? Dalagang dalaga kana!" Masaya niyang sabi sakin at Pilit ko siyang nginitian." Sa Mansion ng Endrelton po. Doon na po ako nakatira." Bakas sa mukha niya ang Gulat at mukhang balak pa niyang mag tanong ngunit kaagad din akong nag paalam sa kaniya.Ngayon ko lang ulit binisita ang dati naming bahay ni Mama. Lumang luma na yun at nasira na dahil sa mga bagyong dumating. Sira na din ang mga gamit namin dahil napabayaan na.Mabigat ang dibdib ko habang nag lalakad pabalik sa Mansion. Balak akong samahan ni Hero pero tinanggihan ko siya dhail gusto ko din mapag isa kahit saglit." Star! Ang tagal mo nasa loob si kuya at nag wawala sa galit." Natatarantang sabi ni Hero at agad naman akong nakaramdam ng matinding kaba." B...Bakit?" " Hindi ko pa alam Star. Dahil sila ni Mommy ang nag usap sa opisina gusto kong
I became numb. My heart is wrapped in pain that I can't even feel the coldness of the rain. Hindi ko pansin ang mga taong nagtataka na nakatingin sakin habang patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko.Mama nasan kana?Paulit ulit kong bulong sa isip ko habang patuloy lang ako sa paglalakad bitbit ang mga gamit ko habang basang basa ng ulan." Miss ayos ka lang ba baka gusto mo muna sumilong?" Tanong ng tindera sa karinderya na nadaanan ko." Saan po dito ang bus papuntang maynila?" " Diretsuhin mo lang diyan iha merong Terminal ng Bus papunta doon." Aniya at tumango na lamang ako at patuloy na nag lakad.Siguro ito ma din ang plano ng Tadhana para mahanap ko na ang Mama ko at makapag simula ng buhay. Dala ko man ang masasakit na sinabi sakin ni Hallen pipilitin akong magiging maayos. Pipilitin ko na matupad lahat ng pangarap ko.Totoo nga na hindi ako nababagay sa kaniya. Hindi ako nababagay sa Pamliyang Endrelton dahil para sa kanila isa akong basura na sampid at walang ibang ginaw
" Mama...." Bulong ko at agad naman bumaling sakin ang taong matagal ko ng pinapangarap makasama.Nakatulala lang siya sakin at kaagad ko siyang nilapitan para yakapin ng mahigpit." Mama Sobra kitang na miss." Niyakap niya ako pabalik ngunit seryoso parin ang mukha niya sakin. Bakas man sa mukha niya ang edad niya hindi parin natakpan ng kulubot ang ganda niya at Siya lang ang kaisa isang babae na hinangaan ko ng husto. Masipag at mapagmahal na Ina na hindi dapat mahusgahan ng mga taong walang alam." Ikaw ba si Selene?" Tanong niya at agad naman akong tumango." Opo mama ako po ito. Ako po si Star anak mo po ako."Tumulo ang luha ko ngunit agad niya yun pinunasan ng kamay niya." Sorry kung hindi kita maalala sa ngayon. Pero ramdam ko sa puso ko kung gaano ko kamahal ang anak ko kahit hindi ko maalala kung paano ko siya hagkan at alagaan noon. My heart is always looking for love and I'm trying to search in my mind who is the person who can give it to me At sa tingin ko ikaw nga yun
" Bagay na bagay sayo ang uniform mo Selene." Sambit ni Mama habang sinusuklay ang Buhok ko. Nakatapat kami sa salamin at tanaw ko ang magandang ngiti niya." Ma hindi ba masyadong maikli itong palda nila?" " Naku hindi naman at bagay naman sayo dahil maganda ang mga binti mo." Puri ni Mama. " Hindi pa ba kayo Tapos diyan?" Sigaw ni Papa mula sa labas ng Kwarto ko. Agad naman namin tinapos ni Mama ang ginagawa namin bago kami lumabas at naabutan nga namin Si papa na nasa tapat ng pintuan at nag hihintay samin." Hindi pa pwedeng mag paligaw Selene Do you understand? " Seryosong sabi ni papa matapos niya akong titigan mula ulo hanggang paa.Kung alam lang nila na nag ka boyfriend na ko dati at muntikan na din may mangyari samin. Mabuti na lang at wala dahil baka buntis na ko ngayon at imposible ng matupad ang nga pangarap ko." Ricardo bilisan mo naman baka ma late ni ang anak natin!" Singhal ni Mama na ikinatawa ko."Sorry honey I'm just being careful."Hindi ko alam kung normal la
" Hi Selene omg you're so Pretty!" Masayang salubong sakin ni Claudia. Napabaling ako kay Sophie na kumaway sakin mula sa kinauupuan niya." Naku muntikan pa nga itong hindi sumama mabuti na lang at napilit namin ni Elle si Tita Selena." Halos sumigaw sila sa isa't isa habang nag uusap dahil sa lakas ng music sa bar. Nag tungo kami sa kinauupuan ni Sophie at naupo naman kami sa tabi nito habang pinag mamasdan ko ang mga taong abala sa pag sasayaw at pag inom.Mabuti na lang at pumayag si Mama dahil nahihiya naman ako kay Elle at Yvon dahil nag abala pa sila na Sunduin ako sa bahay." It's better to drink and enjoy because we can't stay long dahil maya maya lang ay tatawag na ang Mama ni Selene!" Sambit ni Elle at natatawa pa." Masyadong mahigpit ang parents mo Selene. Pero kung sabagay, maganda ka at bata pa mahirap na baka mauto ka ng mga lalake." Si Clau.Inabutan niya ako ng isnag baso ng Wine at agad ko naman yun tinanggap." Wag ka mag alala wine lang yan at hindi ka din namin
" Goodmorning po Miss Dimiantez nasa loob pa po si sir may kausap pa po siya pero nag bilin siya na papasukin kana lang daw." Sabi ng Secretary ni Papa." Ganun ba? Pero pwede naman ako mag hintay dito sa labas."Ngumit siya sakin ng pilit at parang may takot." Okay papasok na lang ako padala na lang ako ng Coffee Thanks." Sabi ko at kaagad kong pinihit ang Doorknob at pumasok sa Office ni Papa." Goodmorning." Bati ko at agad na bumungad sakin ang nakatalikod na lalake. " Goodmorning Anak." Tumayo si papa at hinalikan ako s apisngi bago ako makaupo sa tabi niya.Halos mamilog ang mata ko ng makaharap ko ang lalake na nakasuot ng itim na Suit at matalim ang tingin sakin." Selene this is Hallen Casperion Endrelton jr. CEO ng H&E ." Nakangiting sabi ni Papa habang hindi parin naalis ang tingin ko sa matalim na titug sakin ni Hallen. Anong ginagawa niya dito? Posible kaya na alam niya noon pa kung saan ako mahahanap?" Hi Mr. Endrelton nice to meet you." Nakangiti kong sabi at inab