Share

PINKY SWEAR

Author: Jade Tattoo
last update Huling Na-update: 2024-11-01 09:27:25

FREY POV:

“No way,” ibinabalik niya ako sa higaan nang magkadikit ang mga binti at hita namin.

“Naiihi ako!” Sigaw ko. “Hindi ako nagbibiro, Dark!”

Natigilan siya. Tinatantya kong niloloko ko siya. “Diyan ka na umihi o mangangako sa akin na hindi mo ako tatakasan.” Seryoso siya at galit. Nag aalala.

Naging ngiti ang pinipigil kong tawa pero nagbuntong-hininga lang siya.

Hay, Dark.

Itinaas ko ang mga kamay ko. “Promise, hindi na uli ako tatakas. At kung may hindi ako naiintindihan, hihintayin kita na masabi mo yon sa akin sa oras na kaya mo na.” Nagseryoso na rin ako.

“Kaya mo yang pangatawanan?”

“Bakit, handa ka bang mabuhay na nakatali ako sa yo nang ganito? Iniisip ko nga kahapon na bumalik talaga sa San Ignacio, pero sa malamang, piliin ko ang magtrabaho habangbuhay at bayaran ka unti-unti. Kahit unfair, di ba? Sana alam ko ang dahilan kung bakit mo pinakakawalan lang ang perang pinaghirapan mong kitain.”

“Desisyon ko yon, walang pumilit sa akin.” Nagsimula siyang kalasin ang kumo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • THE SEX CONTRACT   LOVE IS NOT ENOUGH

    FREY POV: “Kapag sinasabi mo yan, pakiramdam ko may inililihim ka,” sinusuyod ko nang tingin ang bawat galaw ng kanyang mata, pagkibot ng ugat at pagbabago ng lahat sa kanya.Huminga siya at naramdamang kong tama ako, may inaalala siya. Umiiwas sa akin ang paningin at tagos sa kisame ang mga mata. Kapag ganito, parang bigla siyang tumatanda sa bigat ng kung anong iniisip. Nababawasan ang kanyang pagka sex god, at mas nagiging totoong tao na sobrang konektado sa akin. “Walang ligtas na lugar para sa ‘yo kundi sa isla. Walang problema kung ayaw mo nang pumasok sa opisina bukas. Alam ko ang pakiramdam na maraming matang nakatingin sa yo at hinuhusgahan ang buhay mo ng mga taong hindi ka naman lubos na kilala. Iniisip ko,” tumagilid siya paharap sa akin kaya umusog ako paatras mula sa pagkakahiga sa dibdib niya papunta sa biceps niya, “ano kaya kung magbusiness ka uli sa isla para hindi ka mainip?” Kumurap siya nang makitang nag iisip ako. “Puede kang mag aral uli, mag-travel dito sa pi

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • THE SEX CONTRACT   SEX AND BEYOND

    FREY POV: Napaliyad ako, tinakasan ako ng hininga, matagal akong namilipit sa uri ng pinakamasarap na maliliit na sakit na hahanap-hanapin ko buong-buhay ko, konektado sa kaluluwa ko ang mga pagbundol niya, ang dalawang kamay ko, tumukod sa itaas ng ulo ko, naghahanap ng makakapitan. Bumibiling ako sa magkabilang panig ng higaan, inaabot ang kontrol ko.Ito ang klase ng koneksyon na ni sa hinagap, hindi ko inakalang posible kong maranasan bilang isang babae.Masyado siyang brutal para iparamdam sa akin na may iba pa siyang kayang gawin sa katawan ko sa isang libo at isa niyang sariling pamamaraan.Umungol kami sabay, nakaliyad siya, nilalabanan ang bigat ng hangin na nagsisimulang uminit kahit bukas ang aircon.Hindi pa siya nasiyahan, binasa niya ng dila ang hinlalaki, at iniikutan ang clit ko sa suwabeng paghagod. Ikinakalat doon ang malagkit na katas. Walang diin, ipinararamdam lang niya kung gaano kasensitibo ang sensasyong naibibigay ng butil na yon sa buong katawan ko kung sa

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • THE SEX CONTRACT   SEXUAL CHEMISTRY

    FREY POV: Nakita ko na noong unang araw kaya kabisado ko na agad ang pag akyat sa maiksing hagdan na nakatago sa frontwall ng tindahan.“Okay na ba sa ‘yo ‘to? Hindi ba masyadong maliit?” Nakapamewang siya, inililibot ang mata sa paligid. Naiisip kong sa gaya niya na mas malaki pa dito ang sukat ng bathroom, maliit nga talaga.“May rooftop ito kahit mababa. May mga halaman, benches at masarap ang hangin doon.”Nagulat ako nang lumigid siya sa akin, lumalapit mula sa likuran ko, iniipit ako sa pagkakaharap ko sa mesang nakadikit sa dingding.Horny siya kanina pa lang nang sunduin ako sa apartment. Nahulaan ko agad na kailangan niya ako.Bumulong siya sa tenga ko. “May dingding dito, apat, ano sa palagay mo, Miss Fontanilla?” Nasa mga dibdib ko na agad ang mga kamay niya, sinapo ang mga yon at masuyong pinipisil. Minasahe ako doon na napasandal ako sa kanyang dibdib, lumiliyad.“Dito?” Sabi ko, hinihingal agad. “Baka maalikabok pa dito,” hinipo ko ang lamesang Narra sa harap ko at nap

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • THE SEX CONTRACT   SEXUAL CHEMISTRY 2

    FREY POV: Nang nasa bingit na ako, tumuwid siya sa wakas at walang patawad na ipinasok ang unang pulgada sa loob ko na umunat lahat ng muscles ko sa katawan at umarko ang leeg ko patalikod. Ninanamnam ang kapunuan na parang siya lang ang kayang magkaloob sa akin gamit ang dila, daliri o ang pagkalalaki niya.Ginaganahan sa ungol ko, sumagad siya sa basa kong pagkababae, bumangga sa pinakadulo, habang iniikot ang balakang ko sa pagkalalaki niya. Binangga ng isa pa ang pinaka sentro gamit ang isang todong pagbayo.Inani niya ang dulas na pinaghirapan niyang ihanda.Umiikot at gumigiling siya sa pagkababae ko na para bang yon na ang lahat lahat sa kanyang buhay. Suwabe at walang pahirap sa pagitan naming dalawa.Kahanga-hangang koneksyon dahil sabay kaming tumitibok sa isa’t-isa wala pa mang mabilis na indayog mula sa kanya.“Napakasikip mo, perpekto ka talaga, Frey.” Gahaman ang kanyang mga kamay, dumidiin sa balat ko mula sa balakang paakyat sa aking bewang at asintado kung saan pa

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • THE SEX CONTRACT   WORRIES

    FREY POV:Malala ang tibok ng mga puso namin gaya ng sa inaatake sa puso. Nanginginig ang aming laman at ligong-ligo sa pawis. Hindi na maigalaw ang mga pagod na katawan. At nanlalabo ang paningin ko na kinailangan ko ng mahabang sandali para makahinga nang maayos.Bumagsak ako sa kandungan niya nang maramdaman niya ang epekto ng matinding panghihina, kasunod na bumaba ang mga binti ko sa magkabilang panig ng mahahaba niyang biyas, nakasaklang pa rin sa kanya na hindi umaabot sa flooring ang mga paa.Nang lumapat ang likod ko sa dibdib niya, bumabayo sa likod ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.“Ang sarap mo,” hinahagkan niya ako sa balikat, paakyat sa puno ng tenga sa mahahabang paghagod ng pagod na bibig, tumitibok pa rin siya sa loob ko. Malikot ang kanyang mga kamay kung saan ako hahawakan. Na parang ang sarili niya ang kinakalma sa paraang yon.“Mas masarap ka,” ganti ko, nakakapit ang isang kamay sa batok niya para sa balanse na huwag bumagsak paharap sa sahig. “Magaling

    Huling Na-update : 2024-11-03
  • THE SEX CONTRACT   THE PERFECT ALLY

    FREY POV: ISANG LINGGO akong naging abala, personal kong pinamahalaan ang pagpapaganda ng shop para sa nalalapit na opening katulong ang mga taong binayaran ko para sa labor. At dahil wala pang finished products, nagpaliban pa ako ng isang linggo para ayusin ang stocks, display at kakailanganin kong BIR and business permits.“Sobrang nami-missed na kita,” naglalambing si Dark, nagbibihis siya para pumasok sa opisina nang makita akong naglalakad papunta sa kanya at agad akong hinuli sa bewang. Nakaharap kami sa salamin sa loob ng dressing room sa penthouse. At dahil lagi akong pagod na pagod, nakakatulugan ko siya palagi kaya madalas bitin sa sex o wala na talaga akong lakas para paligayahin siya sa gabi. Tanghali na rin akong nagigising at napaka aga naman niya. “Alam kong lagi kang pagod pero this week, samahan mo ako sa gusto kong gawin, hmm?” Nagsimula siyang pagapangin ang mga kamay papunta sa dibdib ko.Ang oras, kinse minutos bago siya umalis sa umaga. At hindi pa ako nakaka

    Huling Na-update : 2024-11-03
  • THE SEX CONTRACT   PREPARATION

    FREY POV: “Gamitin mo sa bubuksan mong negosyo ang pera mo. Pero dahil gipit ako at maraming new recruits, tatlo sa kanila, puede bang tanggapin mong personnels dito? Kahit below minimum ang sahod. Ang isa sa kanila, si Ruth, maasahan mo sa jewelry making. Si Xander, dating goldsmith sa isla. Si Ellie, mahusay sa sales.”“Hindi kita tatanggihan, alam mo yan,” naiiyak ako sa pagmamalasakit niya. Lahat ng posisyong sinabi niya ay hahanapin ko pa sana isa-isa. Napakalaking tulong nito sa akin. “Ikaw ang nag iisa kong kapamilya mula nang mawala ang nanay ko.” Gumulong ang luha ko, hindi ko namalayan. “At hanggang ngayon, inaalagaan mo ako.”“Ayoko ng drama,” maamo ang tingin na iginanti niya sa akin, dinampot niya ang baso ng juice at pinangalahati yon bago ibinaba. “Aalis na ako. Tawagan mo ako kung anong oras sila magsisimula sa trabaho.”Niyakap ko siya, hindi ko napigilan. “Maraming salamat sa lahat.”Tinapik niya ako sa likod. “Pasensya ka na nang huli tayong nag usap. Sobrang gulo

    Huling Na-update : 2024-11-03
  • THE SEX CONTRACT   HEAT

    FREY POV:Pakiramdam ko malapit ko nang makaharap si Ray at mas magiging handa ako.Nang matapos kami, kinamayan uli ako ni Joaquin. “Natutuwa akong makilala ka, Frey. Hindi ko sukat akalain. May natural grace ka at ilang counter attack moves na wala sa list of skills ko. Kakaiba pero…saan mo natutunan yon?”Hindi ko puedeng ipagkanulo ang isla kaya ang sabi ko: “May movie list ako na maraming fighting scenes. Paborito ko si Yuri Boyka at mahilig akong manood ng MMA fights.”“Nice,” tumatango siya. “Kakaiba rin ang bilis mo para sa isang babae. Kung magiging professional fighter ka sa hinaharap, pang knock out ka na ngayon pa lang. Mukhang marami tayong stages na lalampasan na kaagad.”“Marunong ka rin ba sa baril?”“May trainer ka para doon,” si Dark ang sumagot. Palaging nasa likuran ko, nagbabantay at nagmamasid. Dumiin ang mga daliri niya sa bewang ko at awtomatiko akong umatras palapit sa kanya. “Sa ngayon, unahin nating hasain ang close combat skills mo at sa ibang araw, baka ak

    Huling Na-update : 2024-11-03

Pinakabagong kabanata

  • THE SEX CONTRACT   THEIR ENDLESS CONTRACT

    FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali

  • THE SEX CONTRACT   OUR FOREVER

    FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.

  • THE SEX CONTRACT   THINGS WE DO FOR LOVE

    FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s

  • THE SEX CONTRACT   SILENT WAVES

    FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u

  • THE SEX CONTRACT   ONE ENEMY DOWN

    FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan

  • THE SEX CONTRACT   IN THE HANDS OF DEATH 2

    FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong

  • THE SEX CONTRACT    IN THE HANDS OF DEATH 1

    FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang

  • THE SEX CONTRACT   FEARS

    FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b

  • THE SEX CONTRACT   JEALOUSY

    FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa

DMCA.com Protection Status