HAYES COX FERGUSONPAG TIGIL ng motor ko napa lingon ako sa naglalakad na lalaki. May dala itong malaking box na yari sa styrofoam. "PANDESAL! PANDESAL KAYO D'YAN!!" malakas na sigaw nito.Inayos ko muna ang motor ko at inalis ko na ang helmet ko binaba ko ang mask ko. "Kuya, pabili po ako!" tawag ko dito at kinuha ko ang wallet ko.Agad itong lumapit at binaba ang dala nito sa semento. "Magkano po, Boss?" tanong nito."60 po Kuya," sagot ko at inabot ko dito ang 100 pesos ko dahil wala akong barya."Eh boss.. wala po akong barya kalalabas ko lang kasi.." sagot nito sabay kamot pa nito sa ulo niya. Umiling ako. "Keep the change na lang po, para hindi na kayo mahirapan mag hanap ng panukli.." sagot ko. Nanlaki ang mata nito at agad ako pinag balot ng tinapay nito."Buti Boss, hindi bawal ang plastic dito?" tanong ko dito."Bawal po sa karatig na bayan, pero dito po hati po, basta itapon o sunugin ng maayos." sagot naman nito, kaya tumango ako."Kaya pala parang yung ibang bahay may mg
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN MAAGA AKO BUMANGON PARA PUNTAHAN ANG electric company dito. Para malaman ang opinion nila sa plano ko.Nang maka pasok ako sa opisina nila na agad akong inasikaso ng head nila. "Good morning, Mr. Ferguson. Nasabi na sa amin ang inyong pakay." naka ngiting wika ni Mrs. Meljar nakipag kamay naman ako dito."Yeah thank you, kami ang bahala sa plano pero gusto ko makuha ang panig ninyo." wika ko ng maka upo ako."Sa amin walang problema 'yun, kaso ang pagbabayad ng mga makaka-bitan ay problema ng mga tao dito." sagot nito."Sagot ang isang taong bayad nila. Matapos nito sila na ang mag babayad pero gusto babaan niyo ang singil sa kanila huwag niyo masyadong taasan. Alam niyo din naman ang buhay ng mga tao dito." mahabang paliwanag ko dito.Tumango naman ito at ngumiti sa akin. "Walang problema d'yan Mr. Ferguson. Mag padala ka na lang ng tao para asikasuhin ang pag papalagay ng ilaw dito." sagot nito.Tumayo na ako at nakipag kamay dito.. "I will.." sagot k
CATLEYAH CHLOE TATE"Look guys, magkasama pala si Hayes at Sandra yung supermodel sa probinsya?" patanong na wika ni Bonnie at pinakita sa amin ang IG post ni Sandra.Kasama nito si Hayes ngunit si Hayes hindi nakatingin sa camera. "My video play mo nga." utos ni Monica na ginawa naman ni Bonnie.Nakita ko na naliligo dila sa isang ilog na napaka linaw ng tubig, habang si Hayes ata ang kumukuha ng video sa pag ligo nila.Saglit lang yung video at agad din nawala. "Akalain mo yun? Nag sara muna ang kumpanya ni Hayes pero ito naman ang ginawa nila.." wika ni Bonnie."Pero ha? Ang saya nila ha at ang gwapo ni Hayes mas lalo kapag walang damit pang itaas. Grabe ang ganda ng abs!" dagdag ni Bonnie habang naka tingin sa kanyang cellphone.Pinakita nito ang litrato na naka post online. "Pinag pi-piyestahan siya online, hindi niya ito alam at yung mga tattoo niya naka lagay sa magandang location." wika ulit ni Bonnie.Nakita ko ang mga tattoo ni Hayes mas lalo sa likod sa bandang ibaba ng bat
ELIJAH EVANSPumasok na ako ng kumpanya ng mga Tate matapos ang ilang araw na pamamalagi sa probinsya. Nakita kong pumasok si Caezar Tate sa nagsisilbing opisina ko kaya tumayo ako at niyukuan ito. "Maupo ka may uusapan tayo.." wika nito kaya naman tahimik lang akong sumunod.Nang maka upo kami pareho, nag umpisa ng mag salita ito. "Balak ko ibenta ang shares ko na 51% pero sa isang kondisyon gusto ko ako pa rin ang uupong CEO ng kumpanya." wika nito na kina tingin ko dito ng diretso.Ibang klase talaga mga 'to walang wala na pilit pa rin pinapalipad ang sarili. "And then, bakit po ako ang kinakausap ninyo?" tanong ko. Gusto ko makuha ang information na manggagaling sa bibig nito mismo ."Gusto ko maging confidential ito ayoko na makaka labas ito sa kahit sino, gusto ko ikaw ang mag hanap ng bibili sa mga shares ko. Gusto ko ibenta ito sa iba't ibang company.." paliwanag nito, nag panggap ako na nagulat sa sinabi nito, hanggang ilapag nito sa mesa ko ang isang gray na folder."Andito
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN inalam ko kung saan ang kumpanya ng pamilya ng babaeng si Flame.Current CEO nito ay si Thunder Lavistre ang ikalawa sa nakaka tandang kapatid nito. Pangalawa ito base sa information, ang current VP ng kumpanya ay si Storm Lavistre ang ikatlo. May nakaka tanda pa silang kapatid na si Sky pero house wife lang ito.Ang asawa nito na si Harold wala masyadong detalye sa kanya. Same company ito nag ta-trabaho."Umiikot lang ang kumpanya nila sa pamilya lang din nila mismo. Independent company ito at hindi nito kailangan ng maraming board members, tanging sila sila lang ang nag papatakbo. Lahat sila bihasa pag dating sa business." wika ni Luigi habang ito ay nag babasa ng article."Pinaka malaking source nila base lang dito, ay ang pinaka batang mafia sa kaysayan." dagdag nito na kina tango ko. Yun pala ang dahilan bakit ang babaeng iyon ay hindi kilala. " Mag set ka ng appointment sa CEO hindi ko man makita si Flame sa kuya nito ko iaabot ito. " wika ko at
HAYES COX FERGUSONHINDI NAGTAGAL nakarating na ako at doon ko napansin na iba na ng itsura ng paligid. Kung kanina masyadong maaliwalas ng paligid ngayon at nag dark na dahil sa mga kahoy na ginawang wall. "Dito po, pasok na po tayo.." wika ni Celeste ang secretary ng CEO.Tumango ako at pumasok sa loob. "Good afternoon, Sir. Nandito na po ang CEO ng H.C Builders.." wika ng babae Tumayo naman ang lalaki na kina lunok ko, dahil mas matangkad pala ito sa akin. " Iwan mo na kami, mag dala ka muna dito ng kape. "utos nito." Hi, I'm Thunder Lavistre please sit.. " pakilala nito at nilahad ang kamay nito sa akin.Tinanggap ko dito at nag pakilala. " Hayes Ferguson. Thank you.. " pasasalamat ko at umupo na ako sa receiving area nito sa kanyang opisina."I heard, hawak mo ang ATM ng nakaka bata kong kapatid? Paano? Hindi naman siya nag sabi sa amin o sa akin.." pag tatanong nito ng pareho na kaming maka upo. Umupo naman ang dalawa kong kasama habang hawak ang kape na tinimpla ng babaeng
HAYES COX FERGUSON "Thank you, Mr. Ferguson. I hope pag isipan mo ang aking proposal." pasasalamat ni Mr. Herrera" Kapag napag isipan ko ako mismo ang tatawag sayo.. " wika ko at nakipag kamay ako sa taong ito Tumango naman ito at umalis na kasama ang lalaking sekretarya nito. Ako naman ay muling umupo at pinaligpit ni Micro ang plato." Pahingi ulit kami ng menu.." paki suyo ko sa waiter."Okay Sir, kukunin ko lang po." sagot nito at umalis na agad. Ako naman ay tumingin lang sa labas ng malaking bintana.Nasa ika apat kami ng palapag ng hotel na ito, mula dito makikita mo ang busy na kalsada ng Maynila. Makikita din mula ito ang paliparan.Nang dumating ang menu agad akong umorder ng filipino food dahil ito ang gusto kong kainin. Nag order lang ako sinigang na hipon at kare-kare. Si Micro naman ay pareho na lang din sa akin ang gusto nito."Papayag kana sa partnership?" basag sa katahimikan ni Micro.Sumandal ako bago sumagot. " Oo, kukumbinsihin ko din siya na umanib sa akin sa
HAYES COX FERGUSONNang maka pasok kami sa bahay, pinag handa ako ng upuan ni Tita Carmella. "Pagpasensyahan mo na ang bahay namin. Malayo ito sa nakasanayan mo.." may hindi ako maintindihan sa tono ng pananalita nito.Parang may galit, o kung ano pang tono. "Walang problema sa akin 'yan, nasanay ako sa kulungan na mahirapan." sagot ko at umupo ako sa plastic na upuan.Buhat ko parin si Louie, nakita kong lumingon sa akin si Tita Carmella bago ito tumayo at hinarap ako. "Bakit ka ba andito?" tanong nito."Gusto ko tulungan ang mga bata, kahit mga bata na lang kung ayaw mo sa akin. Wala naman problema sa'kin, pero sana huwag niyo na ipag damot sa mga bata ang maliit na tulong.." diretso kong sagot kay Tita Carmella."Bahala ka, pero tandaan mo hindi ko yan hiningi sa'yo." sagot nito halatang galit ito.Hindi ko na lang yun pinansin. "Nag aaral ba kayo?" tanong ko sa mga bata. Apat silang magkapatidUmiling si Cathy at nag salita. "Hindi po, tumigil po ako dahil hindi na po kaya ni Momm
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.