Padabog na sumunod si Cheska sa assistant secretary na si Hanna. Umaga palang at umiinit na ang kanyang ulo. Paano ba namang hindi sya mawawala sa mood? Ang office ng secretary ay dapat nasa labas lang ng office ng CEO, iyon ang sabi ni Hanna na dati palang secretary ng lalaki. Ngunit ipinag utos daw ni Nico sa assistant secretary na ilipat sa loob ng office ni Nico ang mga gamit ni Cheska. "Akala ko po talaga kahapon ay hindi na kayo babalik" panimula ni Hanna. "Paanong hindi ako babalik, eh parang ayaw na akong pakawalan ng magaling nyong Boss!" Sagot ni Cheska sa kanyang isipan. Ngumiti nalang sya at mahinang natawa. "Wala na kase akong ibang kompanya na pwedeng pasukan" Kagabi ay nag che check sya online sa mga hiring ng Ibang company. Ngunit sa tuwing nag papasa sya ng requirements ang laging sinasabi nila ay ubos na 'raw o kaya naman ay hindi na sila tumatanggap. Siguro ay madami na ang mga nangangailangan ng Trabaho sa panahon ngayon. Labag ito sa kalooban nya ngunit wala
Nagising si Cheska ng maramdaman ang pag baba ng eroplano. Agad nyang iminulat ang kanyang mata. Hindi namalayan na naka tulog na pala sya kanina. Mahapdi ang kanyang mata, hindi nya alam na umiiyak sya kanina sa kanyang memorya sa panaginip. Nahihilo rin sya siguro ay dahil sa byahe nila. Sumilip sya ng tingin kay Nico na matigas ang experesyong nakatingin sa kawalan na parang tinakasan ng kaluluwa. "Andito na tayo diba?" namamaos nyang tanong. Tumango si Nico ng hindi tumitingin sa kanya. At basta nalang syang tumayo. "Problema non?" tanong nya sa isipan. Dinaluhan sya ng Isang flight attendant. Buong akala nya ay tutulungan sya dahil nahihilo sya ngunit masama ang tingin na iginawad sa kanya ng magandang Babae. "Ano ang gayumang ginawa mo kay Nico? Pinakuluan mo ba ang buhok mo at pina inom sa kanya?" natatawang panunuya ng Babae. Talagang may pakpak ang Balita at hanggang himpapawid nga naman ay umabot at nasagap ang tsismis. Ibang klase. "Kung aawayin mo lang ako dahil sa
Nagtatakang tinignan ni Cheska si Nico. Halatang wala pa sa mood ang lalaki sa mga nangyari kanina. "Pwede bang mag hanap nalang ako ng Ibang kwarto?" Tanong nya. Hindi maipinta ang mukha ni Cheska kanina ng malamang mag hahati sila sa iisang kwarto. Agad syang umapila na mas lalo atang ikina inis ni Nico. Ayaw nyang kasama ang lalaki sa iisang kwarto. Bukod sa hindi sila pareho ng kasarian ay baka iba ang isipin ng Ibang tao. "It is way more better if we shared rooms" sumbat ng lalaki. "At nasaan ang better doon?" Nag kros ang kanyang balikat. "Makakatipid." Tipid din na sagot nya. Bahaw na natawa si Cheska. Kailan pa ito nag tipid?"Wow! Makakatipid? Eh halos bilihin mo nga ng one bilyon ang pagawaan ng pabango. Nahihibang kana ba?" "That's a different purchase.""Kailan kaya kita maiintindihan?" Hindi kumibo si Nico. Pati ata ang Alien ay hindi maiintindihan kung ano ang nasa kukote si Nico baka mag sawa pa ang mga nilalang sa kanya at bumalik nalang sa kanilang planeta. M
"May nawawala atang impormasyon na hindi mo naidagdag sa pag iimbestiga?" Pang kikilatis ni Nico kay Bruce sa kabilang linya. "Why do you find anything suspicious?" Tanong nya. "Yeah, a child is calling her mommy through a phone call. And to think that the child's voice kinda sound familiar""Maybe you're just hallucinating""If you think that there's a missing piece in my investigation. Dig it up by your self. Who knows""Kaya nga kita binayaran ng malaki para ibigay sa akin ang lahat ng impormasyon. Bakit ka pa nag iwan?" Naiiritang sabi ni Nico. Tumawa si Bruce sa kabilang linya. "I just did my job, Nico. May limitasyon din ang trabaho ko""Limitations ment to be surpassed. Now, tell me. May alam ka pa bang hindi ko nalalaman?" Naningkit ang mata nya na parang kaharap lang ang kaibigan. "Maybe a lot?. But it's not my job to reveal some secrets" napa hawak sya sa sintido sa sinabi ng kaibigan. Mukhang mauubos ang pera nya sa kababayad sa mga mukhang perang kaibigan. Lahat ng s
"I will never be her." Ilang oras na ang lumipas matapos ang mga nangyari pero hanggang ngayon ay naririnig pa rin ni Nico ang boses ni Cheska.She's right, she will never be Cheska- specially the old Cheska that he knew. Napa inom sya sa hawak na alak habang pinapanood si Cheska na kumakain. Kasalukuyan silang mag kaharap ngayon nina Don Amor na masayang nakikipag kwentuhan kay Cheska habang kumakain ng gabihan. "Akala ko 'rin kanina ay nawawala ka. Sa pag aalala namin ay halos halughugin na namin ang buong dagat makita ka lang" natawa si Cheska sa sinabi ng matanda. "Napaka imposible naman pong mawala ako. Syaka marunong po akong lumangoy" matamaang sagot nya na pinapatamaan si Nico. Sinulyapan nya si Nico dahilan ng pag tama ng kanilang tingin na agad din nyang iniwas. Napa hawak sya sa kanyang batok. "Are you nervous of something?" tanong ni Don Amor. "Paano nyo po alam?" "You're similar to the special woman that I knew, ganyan na ganyan. You have a lot of similarities..."
Nagdaan ang mga oras na hindi namalayan ni Nico ang sarili na pinapakatitigan ang walang malay na si Cheska. Kasalukuyan silang nasa private hospital ng Manila. Matapos ang nangyari kanina sa Siargao ay napag desisyonan nilang bumyahe papuntang Manila.Nawala si Nico sa lalim ng pag iisip at naalerto ng biglang gumalaw ang daliri ni Cheska. Tumayo si Nico at saktong pipindutin na sana ang kulay pulang button ng Hospital upang matawag ang Doctor. Ngunit huminto ang kanyang hintuturo sa ere ng mag salita ang Babae ng pabulong. "Mahal..." Nahihirapang wika ng Babae. Tila huminto sa pag ikot ang mundo ni Nico. Bakas sa mata nya ang gulat. Dahan dahan syang napa baling kay Cheska na parang kinakapos ng hangin at pabaling baling ang ulo. Humakbang si Nico papalapit sa kanya at marahang hinawakan nito ang kamay nya. Humigpit ang pag kakahawak ni Cheska sa kamay ni Nico. "H'wa-g..." "Lagi kabang ganito? Lagi ka bang nananaginip?" Mahinang tanong ng Lalaki. "Hindi ko kaya" may muntin
Paglabas ni Nico sa kwarto ng kanyang anak ay bumungad sa kanya si Aling Merna. Ang isa sa kanilang mga kasambahay noon sa mansion. Ang Isang naka saksi sa pagmamahalan nila Cheska at kung paano ito nag tapos. Napa baling si Nico sa nanginginig na kamay ng matanda. Nag aalala ang mga mata nitong naka baling sa kanya. "Totoo ba ang sinabi mo kanina?"Alam ni Nico na tungkol ito sa sinabi nya kanina sa anak. Pagkasabi nga ni Nico kanina na natagpuan nya na si Cheska at tila ito nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang kintatayuan. Tumungo si Nico sa sala ng condo at umupo sa Isang sofa. Sinundan naman sya ng matanda. "Opo...""Talaga?!" mangiyak ngiyak na tanong nito. Hindi makapaniwala sa sinabi nya. "Paan-o? Hindi ba't-?" pinutol nya ito. "Buhay sya. Buhay ang asawa ko...""Kumusta sya? Maayos ba sya? Nagkita na ba kayo? Kumakain ba sya ng maayos?" Tila nanay na pag uusisa nya. "Hindi nya po ako maalala. Hindi nya po ako kilala..." kumikirot ang pusong sagot nya. Nanghihinan
"Kailan kapa nag simulang mag trabaho?" napayuko si Cheska sa tanong ni Renz. Nahihiya syang balingan ng tingin ang lalaki. Alam nyang nasira nya ang kanilang pinag kasunduan na kahit anong mangyari ay magsasabi sila sa isa't isa at walang sekretong maitatago. Napabuntong hininga si Renz at nilapitan nya si Cheska sa kinauupuan nito. Hinawakan nya ang baba ng Babae upang iangat sa kanya ang tingin. Naka ngiti na at maamo ang mukha ni Renz na kanina lang ay mukhang disappointed at salubong ang kilay. "Noong mga nakaraang araw pa" napakagat sya ng labi. Hinaplos ni Renz ang mukha ni Cheska ng maingat na parang sa maling galaw nya ay magagasgasan ang mukha ng Babae. "Kung gusto mo talagang mag trabaho dapat sinabi mo nalang sa akin. There's a lot of position in our company. I can make you a manager or an acting chairman while I'm away" banayad na ani ng Lalaki. Humarap si Cheska kay Renz at ipinatong nya ang kanyang mga kamay sa batok ng lalaki. Ani mo'y bata na gusto ng lambing
Tatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
"What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang
Nagkamali si Cheska, nag kamali sya sa pag aakala na mas masakit ang kanyang naramdaman noong nag balik ang kanyang mga ala-ala. Mas may isasakit pa pala ngayong nalaman nya ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa gitna ng mga kasiyahan nyang nararamdaman ay ang tao namang nadudurog sa gitna ng kanyang mga ngiti. At isa na don ay ang kanyang kaibigan. Si Mia na tinuring nyang kapatid. Naka uwi na sya sa kanilang apartment. Wala sya sa kanyang sarili. Tumakas na ata ang kaluluwa nya sa kanyang katawan. Bumungad sa kanya ang kanilang katulong na nag aalala. "Ma'am, si Sir Renz po pala. Madalas na po ang pagiging balisa nya at pagiging matamlay. Hindi na rin po sya lumalabas ng kwarto para kumain." Nag aalalang sumbong ng katulong sa kanya. "Mag uusap nalang kami mamaya at h'wag kang mag alala... I'll make sure na kakain sya ngayong gabi" Nilagpasan ni Cheska ang katulong ko at tumungo sa Kusina upang uminom ng tubig. Sumama sa kanya ang katulong, ngayon ay may maliit na guhit ng n
Bakit lahat ng tao sa aking paligid ay may mga tinatagong sekreto? Ano pa ba ang mga hindi ko pa nalalaman. Ngayon ay nasa loob sya ng Taxi papunta sa tinitirahang Apartment ni Mia. Ewan ba nya sa kanyang katawan pero nakakaramdam pa rin sya ng malakas na tibok ng puso na parang may masamang mangyayari o ngayon o dahil ba sa mga nalaman nya kanina. Matapos nga ng mga nangyari kanina ay wala sya sa sarili na lumabas ng Mansion. "Matanda na si Mama... kahit anong pilit nyang bumangon mula sa sakit ay hindi na kakayanin ng kanyang katawan." Mahina nyang bulong sa loob ng sasakyan. Pala isipan pa rin sa kanya kung sino ang batang kasama ni Nico noong huli nya itong nakita sa Mall kasama ang Babae. Halata pa sa mukha nilang dalawa ang gulat na parang naka kita ng multo ng makita silang dalawa ni Aden. Hindi nya rin alam kung bakit nakakaramdam sya ng lukso ng dugo sa Bata na 'yon at hindi ipagkaka ila na kahawig nya ang batang 'yon at isa pa ay kung nabubuhay man si Chelsea tiyak na ka
Matapos ang mga nangyaring eksena kanina ay nag sabay si Nico at si Cheska papunta sa dati nilang tinitirahan. Kung saan nag simula ang lahat, kung saan sya naging masaya, malungkot, umiyak, at nasaktan. Walang iba kundi sa Mansion ng mga Enchavez. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daanan. Ang kanyang mga mata ay humupa na sa pag iyak. Kapag nakahanap naman ng tyempo si Nico ay sinusulyapan nya si Cheska. Umigting ang kanyang panga ng makitang nag pipigil iyak nanaman ang Babae at pilit itong tinatago sa kanya. Kalaunan ay nakarating na rin sila sa malaking gate ng Mansion. Kusa itong nag bukas. Nag simula nang kumabog ang puso ni Cheska. Hindi nya inaakalang babalik sya sa lugar na ito. Nang maayos nang naka parke ang kanilang sinasakyan ay nag dadalawang isip sya kung bababa ba sya o mananatili lang sa loob ng sasakyan dahil hindi pa sya handang harapin ang dati nyang mga in-laws. Napansin ito ni Nico kaya naman sya ang naunang bumaba u