Ano pa ba ang kayang gawin para sa pagmamahal sa isang tao? May karapatan din ba akong mag mahal kahit pa duwag akong ipaglaban ang pag ibig sa puso ko? Totoo nga na ang hangganan ng pag ibig ay kamatayan, at ang labis na pagmamahal ay nag dudulot din ng kamatayan sa puso.
" Tulong! Tulungan niyo ko! Yung anak ko pakawalan niyo na parang awa niyo na po!" Sigaw ng babae habang basa ng luha ang kaniyang pisngi.Hawak siya ng dalawang tauhan ni gray sa mag kabilang kamay habang siya ay pilit na pumipiglas at sinusubukan na makawala sa kamay ng mga lalakeng naka itim.Bakas sa mga mata niya ang takot at pag aalala sa anak niyang inilayo sa kaniya ng mga masasamang lalakeng kasama ko ngayon, labag man sa kalooban ko ang mga nakikita ko, wala akong magawa kundi ang itago ang pag aalala at magpanggap na wala akong pakealam." Pakawalan niyo na ang anak ko! Ako nalang, ako nalang ang saktan niyo!" Pagmamakaawa nito, bumaling siya sakin habang ako ay nakatayo sa pintuan at pinapagmamasdan siya." Miss tulungan mo ako....." bulong niya.Mariin akong pumikit at agad ko siyang tinalikuran. Hindi pwedeng makita ng mga tauhan ni gray ang awa ko sa mga inosenteng babae na kinukuha nila upang gamitin sa prostitusyon. Isang sindikato na dumukot sakin at dalawang taon akong ikinulong sa napakalaking bahay na ito." Saan ka na naman nag punta Ria kanina pa kita hinahanap!" Singhal sakin ni manang, siya ang nag iisang katulong dito sa black house." May bago na naman silang dalang babae at may kasamang bata, manang kailangan ko malaman kung nasaan ang batang yun pano kung saktan nila yun" Bulong ko." Huwag ka ng makialam gusto mo bang pati ikaw saktan ni master gray? Pabayaan mo na...."" Hindi pwede! Hindi ako mapapakali kapag nalaman ko na pati ang batang yun ay pinatay nila. Manang, dalawang taon na akong binabalot ng konsensya dahil sa pananahimik ko Dahil wala akong ginawa!"Nangilid ang luha sa mga mata ko habang si manang ay mariing naka titig sakin ng may pag aalala sa mga mata." kung ganon Ano ang plano mo?" Aniya, Naupo ako sa kama at panandalian natulala." Hahanapin ko ang bata kung saan nila itinago, kailangan ko siyang iligtas."Dahan dahan kong kinuha ang maliit na kutsilyo na naka ipit sa pantalon ko at mariin itong hinawakan." Delikado ang gagawin mo iha, siguradong malalagot tayo kay gray"Hindi ko pinansin si manang at agad akong tumayo para lumabas ng kwartong yun. Walang mangyayari kung wala akong gagawin, walang awa ang mga tauhan ni gray at sigurado akong kahit bata kaya nilang patayin wag lang itong makatakas.Dalawang taon akong nag kunware na ayos lang sakin ang lahat, sinakyan ko ang lahat ng mga maduduming gawain ni gray at ng grupo niya para hindi nila maisip na may balak pa akong tumakas sa impyernong lugar na ito." Queen anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni heron na kanang kamay ni gray." Nag lilibot lang, Nasaan si Gray? Kanina ko pa siya hinahanap" Pagkukunwari ko at pilit ko siyang nginitian." Umalis diba? Hindi mo alam?" Nakakunot noo niyang tanong sakin." Ah... o...oo nga pala, nakalimutan ko!" Palusot ko at agad ko siyang tinalikuran." Kutsilyo ba yang hawak mo? Hindi ba pinag babawal ni pinuno na humawak ka ng ganiyan?"Napakalakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, alam ko na may pag dududa sakin si heron noon pa at hindi ko na alam kung paano ako lulusot sa kaniya ngayon." Ahh...oo, pero napulot ko lang ito diyan sa labas ng kwarto ni manang ibabalik ko din ito sa kaniya." Sabi ko at mabilis akong nag lakad pero sinundan niya ako at hinawakan sa braso.Ihinarap niya ako sa kaniya at tinitigan habang ang mga mata niya ay nanlilit na tila nag dududa sa mga kilos ko." Anong plano mo? " Nakataas kilay niyang tanong " Tatakas ka ba? "" Bakit ako tatakas? Satingin mo makakatakas ako sa lugar na ito ng ganun kadali?" Sagot ko sa kaniya at ngumisi siya sakin.Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinitigan ko siya ng matalim." At sino ka para hawakan ako? Gusto mo ba na isumbong kita kay Gray? " Ngumisi siya sakin at humakbang palayo." Sorry Queen" Sagot niya habang na nanatili ang ngisi sa labi, inirapan ko siya at agad akong nag lakad palayo kay heron.Alam ko na matalino si heron, pero bakit pinili niyang mag tiis at maging sunod sunuran lang kay Gray. Sa dami ng ginawa nilang labag sa batas sigurado akong magtatapos din ang kasamaan ng grupo nila.Habang nag lalakad ako ay nilibot ko ang tingin ko sa paligid, ang itim na dingding at mga lumang mga gamit ay nag bibigay ng kakaibang kaba sakin. Pakiramdam ko napaka bigat ng lugar na ito at dalawang taon ko na yung tinitiis.Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong umiiyak sa isang kwarto, nilapitan ko ito at sumilip ako sa pinto na naka awang." T....Tulong....Tulungan niyo ko....." bulong ng babaeng hubot hubad.Napatakip ako sa bibig ko ng makita si leo na nakatayo sa harap ng babae habang walang suot na pantaas." Walang tutulong sayo dito Miss" Wika ni leo habang sinusuot ang kaniyang sinturon.Nangilid ang luha ko ng makita ang dugo na umaagos sa hita ng babae nanghihina siya ngunit pilit siyang gumagapang sa sahig habang bumubulong ng tulong.Nagulat ako ng dumapo ang tingin ng babae sakin, napaatras ako dahil sa takot at hindi ko alam ang gagawin ko." Tulungan mo ako!" Sigaw nitoUmalis ako sa tapat ng pinto at narinig ko ang malakas na putok ng baril. Ang mga tilamsik ng dugo ay nagdumi sa puwang ng pintuan.Mabilis akong tumakbo palayo habang hawak ang bibig ko, gusto kong sumigaw! Gusto kong mag wala dahil sa sobrang galit sa sarili ko. Bakit? Bakit ako nandito sa lugar na ito? Hanggang kailan ako mag papakaduwag! Gaano pa karaming buhay ang mawawala bago ako makagawa ng tama para sa iba." Iha..."Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ang boses ni manang. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit." Gusto ko ng umalis dito, hindi ko na kaya! Wala akong kwentang tao!" Sabi ko habang patuloy na umiiyak sa balikat ng matandang babae na nagsilbing ina ko sa impyernong lugar na ito." Wag mo sabihin yan, hindi ka walang kwenta. Wala ka lang magawa sa ngayon pero darating din ang panahon na magagawa mong harapin ang takot at kahinaan ng loob mo."Aniya" Kailan pa? Kapag ako na ang sunod nilang papatayin? Kapag ikaw na? Kapag lahat na ng taong mahalaga sakin ay marahas nilang tatanggalan ng buhay!" Sagot ko" kailangan mong mabuhay para makalabas ka dito sa lugar na ito, at kung hindi tayo magiging matalino ma mamatay tayong lahat"" Kamusta ang mag hapon mo Ria?" Tanong ni Gray habang nakatuon ang atensyon sa plato niya." Maayos naman." Simple kong sagot." Hindi ka ba lumabas ng kwarto mo?" Aniya at Napatingin ako sa kaniya na seryoso parin sa hinihiwa niyang steak." Lumabas, nag libot lang ako dahil naiinip ako sa kwarto ko." Bumaling siya sakin at inilapag ang hawak niyang kutsilyo sa mesa at Malamig ang mga tingin niya at ang ngisi sa kaniyang labi ay nag bibigay ng kilabot sa katawan ko." Diba ang sabi ko wag kang lalabas? Mahirap ba na intindihin yun mahal ko?" Aniya" Pasensya na....h...hindi na mauulit." " Hanggat hindi ko sinasabi huwag mong gagawin! Naintindihan mo?" Bulong niya ngunit may diin ang kaniyang boses." Oo Gray." Sagot ko at matamis siyang ngumiti sakinItinuloy niya ulit ang pagkain niya at kahit wala na din akong gana ay pinilit ko nalang din ubusin ang pagkain ko.Malupit si Gray at hindi ko inakala na ganito pala siya, Ang pagkakakilala ko sa kaniya noon ay isa siyang tahimik a
"Nakipag kita ka na naman sa lalakeng yun? Huwag mong hintayin na kumilos na ako para mailayo ka sa lalakeng yan Maria Venus!" Galit na singhal sakin ni Dad habang nakaupo ako sa kama ko."Nag punta lang siya sa school para kamustahin ako Dad anong mali dun?" Sagot ko sa kaniya habang nangingilid ang luha sa mata ko."Anong mali? Itatanong mo pa talaga sakin yan? Yung lalakeng yun ay isang malaking pagkakamali sa buhay mo anak! Hindi kita pinalaking may malinis na pangalan para lang mapunta sa lalakeng yun!" " Bakit Dad? Ano ba siya? Bakit hindi ko siya pwedeng mahalin? Dahil ba sa mga nakikita mo? Dahil ang tingin mo masama siyang tao? Sorry Dad, but I can't listen to you because I know him better." Sagot ko sa kaniya at tumayo ako para kunin ang bag ko." Saan ka pupunta? Sasama ka sa lalakeng yun? Tandaan mo Venus sa oras lumabas ka ng pamamahay ko kakalimutan ko na anak kita! Kahit ang lalakeng yan pag dudusahin ko hanggang siya na mismo ang mag kusa na itapon ka pabalik sakin!"
A night full of happiness, people danced and happily celebrated my nineteenth birthday. Sa iba ang gabi na ito ay isang magandang panaginip, na tulad sa mga fairytales. Humahanga sila sa mga taong mayaman at namumuhay na parang isang prinsesa ngunit hindi nila alam na kahit nasa kanila na ang lahat ay nababalot parin ng kalungkutan ang puso nila." ladies and gentlemen, tonight is the Nineteenth birthday of my beloved princess, Maria Venus Cecilla Zamora."wika ni Daddy at inabot ang kamay sakin at inalalayan ako papunta sa tabi niya.Tanging dinig ko lang ay ang palakpakan ng mga tao at pakiramdam ko para akong nakalutang at walang gana sa mga nangyayari."I am very happy because my Daughter grew up loving and obedient even though her mother died early. Ang nag iisang kayaman ko at ang babae na po-protektahan ko ano man ang mangyari." Aniya at bumaling siya sakin at kinuha ang kamay ko." Maari ba kitang isayaw anak?" Sabi niya at tumango naman ako.Pumagitna kami habang hawak ko ang
"Miss wag ka ngang maingay, at Wag ka na umangal saglit lang tayo!" Sigaw ni heron sa babae habang marahas itong hinuhubaran." ANO BA! Bitawan mo ko... parang awa mo na" Sigaw din ng babae.Mabilis akong nag lakad palabas ng kwarto dahil sa pag iwas ko na makita ang mga ganoong sitwasyon, hindi ko alam kung hanggang kailan ko titiisin ang sarili ko na huwag makialam sa mga maling nakikita ko, kating kati ang mga kamay ko na tulungan sila pero hindi ko pa pwedeng gawin yun sa ngayon dahil siguradong pare pareho kaming ma mamatay sa loob nitong black house." Wala ka bang ganang kumain dahil kaharap mo ako ha? Ria?" Wika ni Gray habang mariin niyang hawak ang tinidor na parang gustong gusto niyang baliin sa harap ko." Ma...Masama lang ang pakiramdam ko Gray." Sagot ko sa kaniya at mas lalong tumalim ang mga tingin niya sakin." Kumain ka ng maayos sa harap ko kahit wala kang gana,Ngumiti ka kahit ayaw mo akong makita, mag kunwari ka na masaya kang kasama mo ako kahit hindi. Gaguhin mo
"Kung may kinalaman ka sa pagkawala ng Bata Ria, ngayon palang sabihin mo na dahil sa oras na malaman ko na ikaw ang may kagagawan nun mananagot ka sakin." Galit na sambit ni Gray sakin. Matalim ko siyang tinitigan at tumayo ako upang mag kapantay kami." Bakit papatayin mo ako? Ngayon palang gawin mo na Gray. so that I can be freed from your evil deeds." Matapang kong sambit at isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko hanggang sa mapahiga akong muli sa kama." Do you think I will kill you just like that? Hindi Ria, hindi kita hahayaan na maging malaya." Aniya at ngumisi sakin. Tila wala na sa katinuan ang mga kilos niya mukhang nasakop na nga talaga siya ng kasamaan." Then it's better to kill myself, kung hindi mo kaya ako ang gagawa." Wika ko at mabilis ko na kinuha ang kutsilyo sa pantalon ko at hiniwa ang palapulsuhan ko. Mabilis na tumagas ang dugo habang si Gray ay namimilog ang tingin sakin dahil sa pagka gulat.Kung eto ang paraan Gray para matapos na ang pag durusa
" Nakapag ayos ka na ba?" Tanong ni Gray na kakapasok lang ng kwarto ko. Hindi ko siya sinagot at pinasadahan lang niya ng tingin ang kabuohang ayos ko." Bagay na bagay sayo ang suot mo Ria You are my queen, so you should be the most beautiful tonight" Aniya at lumapit sakin habang nakaharap ako sa salamin at marahan niyang hinalikan ang batok ko."" Gray please..." sambit ko at pilit ko siyang itinutulak palayo sakin." Why? Bawal ba kitang halikan? Pagmamay ari kita Ria baka nakakalimutan mo." Wika niya at tanaw ko sa repleksyon sa salamin ang nakakunot na niyang noo." Masisira ang ayos ko Gray.....please wag muna ngayon."Sambit ko at kaagad naman siyang umatras palayo sakin." Tapusin mo na ang pag aayos mo, babalikan kita dito mamaya I'll just peek at the guests" Aniya at kaagad na lumabas ng kwarto ko.Napabuntong hininga ako at kaagad akong bumaling sa salamin upang pagmasdan ang suot kong black fitted na long gown, may biyak ang gilid nito na nagpapabungad sa mahaba kong bint
Two types of love. A love that can sacrifice life, and A love that can kill you to just don't get happiness.Every day I remember the happy life I used to have, I asked myself if this is the substitute for having a beautiful and perfect life? Na sa bawat saya mayroong lungkot, Na sa bawat pag ngiti mayroong pag luha.Eto na ba yun? " Sakay na Ria." Seryosong sambit ni Gray habang nag hinihintay siyang sumakay ako sa Helicopter." Gray ayokong iwan si Manang." Sabi ko habang nakatitig ng mariin sa kaniya. " We have to leave, Ria sakay na." Matigas niyang sabi.Pilit kong ikinukubli ang luha sa mata ko habang bakas kay Gray ang galit sa kaniyang tingin sakin. Gusto niya akong ilayo sa lugar na ito dahil nalaman niya ang pag punta ni Thor dito, at sa pangalawang pag kakataon mawawalan na naman ako ng pag asa na makatakas sa lalakeng hindi ko kailanman minahal. Paano pa ako makakaligtas? Paano pa ako mabubuhay kung lalayo ako sa lugar na ito?" Ria....Master parang awa niyo na po..." Bu
" Kumain ka na Ria." Wika ni Heron ng ma ilapag niya sa mesa ang dala niyang pagkain." Salamat." Sabi ko at kaagad na bumangon at naupo sa tapat ng mesa. " Nasan si Gray?" Tanong ko pa rito.Sumandal siya sa pintuan ng kwarto at sinindihan ang kaniyang sigarilyo habang hindi naalis ang tingin sakin." Umalis kanina pa, may meeting siya ngayon." Aniya.Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon at agad na akong kumain dahil kagabi pa ako nanghihina dahil sa gutom." Gutom na gutom ka ah? Pinagod ka ba ni Gray?" Nakangising sabi ni Heron." Oo Heron, pagod na ako sa mga pananakit niya sakin."" Ohhh. Akala ko sa ibang paraan." Aniya at napairap nalang ako dahil sa kahalayang nasa isip niya.Kahit anong mangyari hindi ako papayag na pati ang sarili ko ay maangkin pa ni Gray mas mabuti pa na mamatay nalang ako kung mangyayari yun, Dahil Lahat na ay inangkin niya sakin mula ng ikulong niya ako. Ang buhay ko, Ang kalayaan ko, Ang karapatan ko, Lahat ng yan ay ninakaw niya sakin." Bilisan mo
(WARNING SPG)"Anak mauna ka ng pumasok, hihintayin nalang kita dito sa labas." Sabi ni Daddy at agad naman akong tumango sa kaniya. Dahan dahan kong pinihit ang Door knob ng Silid ng ospital at kabado akong pumasok.Isang linggo na ang nakalipas mag mula ng Mailigtas ako ni Thor at ng mga kaibigan niya, hindi ko naisip na aabot pa pala ako sa ganitong punto ng buhay ko. Isang malagim na panaginip ang halos pumatay sakin sa takot, ang akala ko patay na ako, ang akala ko totoo ang lahat ng nangyari Pero agad akong nagising nung paulit ulit ni Daddy na tinawag ang pangalan ko. Punong puno ng bangungot ang buhay ko na pilit kong tinatakasan gabi-gabi akong dinadalaw ng mga multo ng nakaraan na dulot ni Gray." Kamusta..." Bati ko ng mapabaling sakin Si Thor, namilog ang mata niya at mukhang hindi niya inaasahan na bibisitahin ko siya ngayon sa ospital." V...Venus!" Banggit ng namamaos niyang boses sa pangalan ko.Agad akong lumapit sa kaniya at inilapag ko sa mesa ang mga dala kong pruta
The worst thing I have done in my life is the one time I gave up on the person I love, which caused more than two years of pain.Naisip ko kung hindi ko ba sinukuan si Thor noon ay hindi ba mag tatagumpay si Gray sa mga plano niya? Hindi kami mag kakahiwalay ni Thor at walang taong masasaktan. Pero naganap na ang mga nangyari, nag simula man sa maraming sakit, pag durusa, at takot. Mag wawakas naman ito ngayon sa isang Aral na maaari kong dalhin sa habang buhay na paglalakbay ko sa mundong ito patungo sa kamatayan." Anak sobrang saya ko at maayos kang nakabalik!" Sambit ni Daddy na kakapasok lang ng silid ng ospital. Mahigpit akong niyakap ni Daddy habang hinahaplos ang buhok ko, halos maluha ako dahil sa sobrang saya ng puso ko. Sa wakas kasama ko na ulit ang Daddy ko at hindi na ako papayag ulit na mag kahiwalay pa kami." Dad, sobrang na miss kita!" Bulong ko habang namamaos pa ang boses ko." Ganun din ako anak, halos mabaliw ako sa pag hihintay at kakaisip. Ayokong mawalan ng p
OTHER'S POV"HANAPIN MO NA SI VENUS KAMI NG BAHALA DITO!" Sigaw ni Red habang hawak sa leeg ang isang tauhan ni Gray.Mabilis na tumakbo si Thor paakyat sa hagdan habang ang mga kaibigan niya ay pilit na hinaharang ang mga tauhan ni Gray. Hindi ng mga ito inasahan ang biglaang pag lusob ng Black lion kung kaya't maging si Gray ay nag tago sa kung saan at mukhang nag hahanda na din sa pag haharap nila Ng dating mga kaibigan.Isang malakas na suntok ang natamo ni Red sa sikmura napaupo siya ngunit hindi niya yun ininda, pilit niyang inabot ang bakal na tubo na nakita niya sa sulok at malakas na hinampas iyon sa likod ng kalaban hanggang sa mawalan ito ng malay at tuluyang matumba sa sahig. Tumayo si Red na nakahawak sa kaniyang tiyan at pinunasan ang dugo sa kaniyang labi.Nilibot niya ang tingin sa paligid ngunit hindi niya mahagilap si Bradley at Kaizer, ang tangi lang niyang nakikita ay ang mga kalaban na nakahandusay na sa sahig, Kinuha niya ang isang baril na hawak ng walang malay
Marahan ang mga hakbang ko at halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa labis na pag iingat ko na huwag magising si Gray, kailangan kong mahanap ang susi dahil siguradong nag hihintay na si Heron sakin sa loob ng Kulungan.Agad akong nag tungo sa tabing mesa ng kaniyang kama kung saan mahimbing siya ngayong natutulog, dinig ko ang hilik niya habang dahan dahan kong binubuksan ang cabinet." Hmmmm...." ungol niya na nag patigil sakin.Mariin akong napapikit at nakahinga ng mapanasin ko na mahimbing ang tulog niya, hinanap ko agad sa cabinet ang susi pero wala akong nakita. Napabaling ako sa pantalon niya na nasa sahig at agad kong hinanap sa bulsa nun ang susi pero wala din doon.Dahan dahan akong nag lakad at pumasok sa walk in closet niya at nilibot ko agad ang tingin ko sa paligid. Binuksan ko ang mga cabinet na nandoon pero wala akong susi na nakita."Eto ba ang hinahanap mo?" Namilog ang mata ko ng makita si Gray na nakatayo sa likod ko habang hawak niya sa kamay niya ang susi
Love is not always a beautiful dream, it is also a nightmare that takes us to the edge of the pit, close to our death." Tulong....Tulungan mo ako." Bulong ng babae na nakasilip sa rehas na pinag kukulungan niya." Ikaw ang Mama ng batang lalake hindi ba?" Tanong ko rito at mabilis naman siyang tumango.Punong puno siya ng galos sa katawan at tanging Underwear lang ang suot niya at mukhang pinagsawaan na siya ng mga tauhan ni Gray. Bakas sa mukha niya ang pag asa nang makita niya ako." Makinig ka sakin, ang anak mo ay nasa maayos ng kalagayan ngayon masisiguro ko yan sayo. Hintayin mo lang ako dito at babalikan kita para tulungan kayo na makatakas." Sambit ko at sumilay sa mukha niya ang saya ng marinig ang sinabi ko." Meron lang akong kailangan hanapin ngayon." Nag labas ako ng tubig at Tinapay sa dala kong bag at kaagad na ibinigay sa kaniya, mabilis niya yung tinanggap at agad niyang kinain dahil sa sobrang gutom niya." Mag iingat ka Miss." Aniya at tumango nalang ako sa kaniya.
"Kumain kana Ria." Sambit ni Gray habang hawak ang tray at inilapag sa Mesa na nasa gilid ng kama ko. Kaagad naman akong bumangon at naupo."May bisita ako Mamaya, sana kaya mo ng bumangon diyan." Aniya ngunit hindi ko siya inimik.Inabot niya sakin ang kuyertos at naupo din siya sa upuan na tabi ng mesa at pinagmasdan ako habang nag sisimula na akong kumain." Kapag maayos na ang pakiramdam mo ipapasyal kita, kahit saang bansa mo gusto para hindi kana mainip dito." Malambing niyang sabi at napabaling naman ako sa kaniya dahil sa kakaibang tingin niya sakin.Sigurado akong nag kukunwari lang siyang mabait para makuha ang loob ko, at hindi ako mag papatalo sa kaniya gamit ang mga matatamis niyang salita sakin." Sino ang bisita mo?" Tanong ko sa kaniya." Kababata ko, She is also part of our group, and one of the people I trust."" Babae? " Gulat kong tanong ulit sa kaniya at tumango naman siya bilang sagot sakin."Nagulat ka ata Ria? Bilisan mo na diyan kung kaya mo na, you can come
OTHER'S POVIsang malamig na hangin ang yumakap kay Thor habang siya ay tulala na nakatanaw mula sa terrace. Hindi niya batid kung anong paraan ang dapat niyang gawin upang maibsan ang kaniyang nararamdamang pangungulila, siguro nga ganito talaga kalupit ang mundo para sa kaniya dahil simula umpisa palang na nag mahal ang puso niya ay pilit ng pinagdadamot ng tadhana ang kaligayahan na inaasam niya." Where are you Venus? I miss you so bad..." Bulong niya habang ang mata niya ay kumikislap dahil sa pangingilid ng kaniyang luha.Higit Dalawang taon ang nakalipas mag mula ng makulong siya, inasaahan niya na makikita niya si Venus doon para dalawin siya sa kulungan pero hindi yun nangyari, gabi gabi niyang naramdaman ang sobrang lungkot na halos ikabaliw na niya. Inisip niya na talaga ngang wala na itong pakealam sa kaniya kahit pa si Arthur ang may gawa kung bakit siya nakulong ng ilang buwan, hanggang sa Lumabas na siya ng kulungan bitbit niya ang galit at sama ng loob sa babaeng minah
" Kumain ka na Ria." Wika ni Heron ng ma ilapag niya sa mesa ang dala niyang pagkain." Salamat." Sabi ko at kaagad na bumangon at naupo sa tapat ng mesa. " Nasan si Gray?" Tanong ko pa rito.Sumandal siya sa pintuan ng kwarto at sinindihan ang kaniyang sigarilyo habang hindi naalis ang tingin sakin." Umalis kanina pa, may meeting siya ngayon." Aniya.Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon at agad na akong kumain dahil kagabi pa ako nanghihina dahil sa gutom." Gutom na gutom ka ah? Pinagod ka ba ni Gray?" Nakangising sabi ni Heron." Oo Heron, pagod na ako sa mga pananakit niya sakin."" Ohhh. Akala ko sa ibang paraan." Aniya at napairap nalang ako dahil sa kahalayang nasa isip niya.Kahit anong mangyari hindi ako papayag na pati ang sarili ko ay maangkin pa ni Gray mas mabuti pa na mamatay nalang ako kung mangyayari yun, Dahil Lahat na ay inangkin niya sakin mula ng ikulong niya ako. Ang buhay ko, Ang kalayaan ko, Ang karapatan ko, Lahat ng yan ay ninakaw niya sakin." Bilisan mo
Two types of love. A love that can sacrifice life, and A love that can kill you to just don't get happiness.Every day I remember the happy life I used to have, I asked myself if this is the substitute for having a beautiful and perfect life? Na sa bawat saya mayroong lungkot, Na sa bawat pag ngiti mayroong pag luha.Eto na ba yun? " Sakay na Ria." Seryosong sambit ni Gray habang nag hinihintay siyang sumakay ako sa Helicopter." Gray ayokong iwan si Manang." Sabi ko habang nakatitig ng mariin sa kaniya. " We have to leave, Ria sakay na." Matigas niyang sabi.Pilit kong ikinukubli ang luha sa mata ko habang bakas kay Gray ang galit sa kaniyang tingin sakin. Gusto niya akong ilayo sa lugar na ito dahil nalaman niya ang pag punta ni Thor dito, at sa pangalawang pag kakataon mawawalan na naman ako ng pag asa na makatakas sa lalakeng hindi ko kailanman minahal. Paano pa ako makakaligtas? Paano pa ako mabubuhay kung lalayo ako sa lugar na ito?" Ria....Master parang awa niyo na po..." Bu