공유

DRAGON 82.4

Ano ba ang pinag-uusapan nila? Tungkol pa rin ba ito sa akin? O, hindi na? Pero imposibleng tungkol sa akin ang lahat ng pinag-uusapan nila. Dahil, una, hindi ako puwedeng mamatay. Alam kong may bumabalot na misteryo sa aking katawan subalit hindi pa umabot sa punto na maisip na isa akong demonyo. O, Mayroon pa bang mas malalim na nangyari sa nakaraan? O baka naman mali silang ng taong kinuha at hindi ako ang tinutukoy nila?

"Huwag mo akong taasan ng boses, Cimeries. Baka nakakalimutan mo... Hari ako ng Underworld at Witchcraft," babala nito sa isang demonyo na sa tingin ko ay Cimeries ang pangalan. Nakataas na rin ang kilay nito at inilagay ang isang kamay sa kanyang beywang bilang tanda na hindi siya natutuwa sa mga sinasabi nito.

'Ano raw? Hari ng Underworld at Witchcraft?! Nagbibiro 'ata

잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status