CHAPTER 81: Dead or Alive.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Buong lakas na binuhat ni Nathan ang malaking batong nakaharang sa daanan. Napakabigat nito at talaga namang hindi pang karaniwan ang laki kaya naman kailangan niya ibuhos ang lahat ng enerhiya upang maialis ito sa daanan. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bato upang maigalaw ito. Maya-maya lamang ay nagtagumpay din ito sa kanyang ginawa at nawala ang malaking harang sa daanan.
Tinulak niya ang ilang mga bitak na bato upang makaraan nang maayos. Masikip ito at halos hindi na nga siya magkasya ngunit pinilit pa rin niyang makaraan dito. Hindi na niya mainda ang mga alikabok na dumapo sa suot niyang unipormeng pang sundalo. Isa pa ay natural lang naman na madumihan ang kanyang suot dahil sa kalagitnaan i
CHAPTER 81.2: PART TWO. FLASHBACK 3 WEEKS AGO, HELL GATE. “Mr. Santos, right?” tanong ng sekretarya ng dating namatay na head master. Nakasuot ito ng itim na pencil skirt at puting blusa. Sa paa naman nito ay nakasuot ang isang mataas na itim na takong. Ang kanyang mahabang buhok na may pagkakulot sa dulo ay malayang nakalagay sa magkabilang balikat niya. Sobrang disente ng itsura niya at bata. Kung titingnan mo rin ay mukha siyang inosente. Mahahalata mo rin na propesyunal ito base sa kanyang mga galaw. Iyong tipo na halos lahat ginugugol niya sa kanyang trabaho at gagawin ang lahat upang mapagpabuti ang lahat ng kanyang ginagawa para sa pinagtratrabahuan. Seryoso rin ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Ano kaya ang pakay nito?
CHAPTER 81.3: PART THREE.Ibinalik nito ang tingin sa likuran ng babaeng kasama. Nakahinto ito sa 'di kalayuan mula sa kanya. Wala siyang nagawa kung ‘di ang sumunod kay Jessica na hinihintay lang siyang sumunod. Humakbang na ito patungo sa direksyon ng kasama at nang makita nitong palapit na si Nathan ay saka lang siyang naglakad muli. Inililibot lamang ni Nathan ang kanyang paningin upang maging pamilyar sa kanya ang lahat-lahat.“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung sino ka ba talaga. Ngunit hindi naman ako nababaliw ‘di ba? Totoong nasa ‘di pangkaraniwang lugar tayo, tama ba?” naguguluhang tanong ni Nathan sa kasama. Hanggang sa puntong ito kasi ay tila nababaghan pa rin siya sa lahat ng mga nangyayari.Patuloy lamang ang paglalak
CHAPTER 81.4: PART FOUR.Diretsyo lamang ang kanilang paglalakad at patuloy din ang kabang nararamdaman ni Nathan sa kanyang dibdib. Ang puso niya ay parang tambol na nagwawala at kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mapigilan. Ilang minuto pa ay napatigil sila sa tabi ng talon kung saan may nakatayong bahay kubo sa gitna ng ilog at kailangan mong gumamit ng bangka upang makapunta rito. Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay ‘di nito namalayan na wala na ang kabayo na may apat na paa. Ayon pala ay nauna ng nakarating ito sa nasabing bahay kubo. Wala siyang ideya at hindi rin nito alam kung paano ito nakapunta roon. Siguro tumalon o lumipad, sa itsura pa lang ng kabayo hindi na ‘yon imposible sa kakayahan na mayroon ito. Isa pa ay mukhang posible ang lahat ng bagay dito. Hindi na siya magtataka pa kung may masa
CHAPTER 81.5: PART FIVE. Kinapa niya ang pulsuhan nito at pinakiramdaman kung mayroon pa siyang buhay. Hindi niya hahayaang mamatay si Stasia, hindi niya hahayaang mawala ang nag-iisang alas na mayroon siya. Ito ang magiging daan para mabuhay ang Reyna ulit nila. Ilang linggo niyang nakasama si Sandro at marami itong natuklasan. Napagtanto rin nito na tama nga ito at kabilang siya sa mundo nila. Noong una ay akala niya ay pinagloloko lang siya ng mga ito ngunit noong paglipas ng mga araw ay napaniwala na siya sa mga sinasabi nila. Hindi siya pangkaraniwang tao, maging si Stasia. Parehas na mayroong hiwaga na bumabalot sa kanilang mga pagkatao. Natatawa na lamang siya sa tuwing maiisip niya na kasinungalingan lamang pala ang naging buhay niya sa mundo nga mga tao, na hindi talaga siya nabibilang dito. Bumalik sa ulirat si Nathan at pi
CHAPTER 81.6: PART SIX. Maging ang hideout nina Nathan ay naroon sa ilalim ng lupa. Ilang minuto lamang ay nakarating na sila rito. Ipinarada niya muna ang sasakyan sa tabi ng isang pintong tila nakadikit sa umbok ng lupa sa likod nito. Kung titingnan, mukha lang itong banyo o ‘di kaya’y pintong nailagay sa gitna ng kawalan. Ngunit para sa nakaaalam ng lahat, daanan ito patungo sa pasilidad na pinagtataguan ng mga mabubuting sundalo na nagsanib puwersa ang Pilipinas at ibang bansa. Sinadya itong gawin upang hindi paghinalaan ng mga kalaban kung sakaling makikita nila ito. Mabisa itong proteksyon laban sa nagtatangkang hanapin ang kanilang kuta. Pagkaparada ay pinatay na niya ang makina ng jeep at saka humarap sa direksyon ng walang malay na dalaga. Muli niyang binuhat si Stasia at humakbang na papasok rito. Pagkasara ay nagbibigay aksyon ang sis
CHAPTER 81: The Five DemonsSTASIA’S POINT OF VIEW"I command you to open your eyes and hear my voice.”A powerful wave of energy wakes up my slumbering system and slowly brings myself to reality. It somehow feels like I am shot by a thousand volts and it is crawling in every bit of my brain. It electrified my whole body and brought back the life which feels like it was stolen from me. Upon waking up, the sight of a man in a black robe is what greeted me. His face is covered with a hood and I can’t clearly see his face. All I know is that his lips are formed in a thin line because it is the only feature which can be seen on his face. My forehead slightly creased because of the mysterious aura which is surrounding him. It is putting me in an unne
CHAPTER 82.2: PART TWO. "Won’t you ask who you are and why you are here?" It distracted me from the train of thoughts encircling around my head. The cold voice of the man made me immediately turn towards his direction. I saw him leaning on a table while his eyes were fixated on me. It seems like he is carefully watching each of my moves. 'Kanina pa ba ako pinapanood nito?' His face is kind of familiar to me. I think I've seen him somewhere but I can't point out where it is. Weird. His presence is also not foreign, like I am used to it. Maybe he really has a connection with me. I kept on thinking on where I’d seen him before bu
CHAPTER 82.3: PART THREE. Nakapako lang sa akin ang paningin ng apat na pumasok. Ganoon din ako. Nagkatitigan lang kami at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Ano ba ang nangyayari? My heart’s beating suddenly races and it is threatening to escape my chest. I felt chills down my spine as fear started eating the entirety of my system. 'H-Hindi sila mga tao kun'di mga demonyo.' Silang apat ay may sungay, bitak-bitak at magkakaiba ang porma ng kanilang mga katawan. Mayroon pang mahabang buntot ang ilan sa kanila. Ni hindi kaaya-aya ang kanilang mga mukha. Mukha silang mga diablo. Katulad nila ang mga inilalarawan sa mga nakakatakot na libro. Parang nagmula sila sa bangung