Share

DRAGON 7

Nathan Santos II’s PoV

Makailang ulit na akong napahilot ng sintindo. Ibinaba ko na muna ang binabasang papel saka humigop sa tasa ng kape. Kaunti lamang ang tao sa coffee shop na ‘to gayunpaman nanatili akong alerto at mapagmatyag sa paligid. Muli kong dinampot ang mga papeles, mga impormasyon tungkol sa krimeng ginawa’t kinasangkutan ng Red Dragon at Black Dragon Clan.

Ilang taon ko na ‘tong pinag-aaralan pero para bang naghahanap lamang ako ng karayom sa dayami dahil puro maling impormasyon ang nakukuha ko. Habang tumatagal ay lumalakas ang pakiramdam kong pinagtatakpan ng mga matataas na tao sa gobyerno ang dalawang clan. Kung sabagay, hindi na iyon imposible sa panahon ngayon.

Humigpit ang hawak ko sa papel at napabuntong-hininga. Nawawalan na ako ng pasensya sa binabasa kong hindi naman siguradong tama lahat.

“Inspector Santos, if I were you, I’ll stop that futile investigation against the Dragon Clans. Ilalagay mo lang sa peligro ang buhay mo dahil sa kahibangang iyan,” nangibabaw ang nakakairitang tinig ni Agent Castro, katrabaho ko sa Unit 2 ngunit tila ba kakompetensya na rin.

Matalim akong nag-angat sa kanya ng tingin. Naroon siya sa katapat na mesa at nakatuon sa hawak na tasa ng kape ang tingin ngunit nasisiguro kong nakangisi siya, nang-aasar. Akalain mong tunay nga ang mga balita, nag-aalaga ng ahas sa bakuran ng katarungan ang ilang ahensya ng gobyerno. Tulad na lang ni Agent Castro na walang ibang ginawa kun’di mangurakot.

"Salamat, pero ‘di ko kailangan ng pag-aalala mo," tugon ko at inalis sa kanya ang tingin.

Hindi niya masisira ang determinasyon ko. Nangako ako sa bangkay ng aking pamilya na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila. Gaano man katagal, ilang taon man ang abutin kaya kong tiisin dahil walang-wala ang lahat ng ‘to sa kung anong pinagdaanan ng pamilya ko. Ang pamilya kong walang awang pinatay ngunit walang nakamit na hustisya. Kung titigil ako sa pag-iimbestiga mas mabuti pang mamatay na rin lang ako. Ano pang saysay ng pagiging isang inspektor kung aking tatalikuran lamang ang bagay na nagtulak sa akin para maging alagad ng batas?

Umugong ang tunog ng paggalaw ng upuan sa kabilang mesa. ‘Di nagtaggal ay naroon na siya at tatawa-tawang nakatayo sa harap ko dala ang kape, ang mesa sa pagitan namin. Tumiim ang bagang ko’t napakuyom ng kamao.

"Wala akong pakialam sa iyo bata, masyado ka namang mapagbiro. Ang pinupunto ko ay masyado ka pang bata para mamatay," iiling-iling nitong saad, "Matagal na ako sa propesyong ito at kabisado ko na ang pamamalakad dito. Kaya ikaw, kung gusto mo pang mabuhay nang matagal, piliin mo kung sinong kinakalaban mo. Sabihin na nating, oo, magaling at tanyag kang imbestigador, pero ‘yang galit at poot na nararamdamn mo diyan sa puso mo...” Itinuro niya ang dibdib ko. “ ’Yan din mismo ang maghuhukay sa sarili mong libingan.”

Kumurba sa isang nanggagalaiting ngisi ang aking labi. “Parang napakarami mo nga atang nalalaman, Agent Castro. Tell me, are you part of the Dragon Clans?”

Kung makapagsalita at makapagbigay siya ng payo ay para bang alam na alam niya ang regulasyon sa loob ng dalawang grupong iyon. Para bang...

Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas saka humigop sa tasa. Ibinaba niya iyon sa mesa bago nagsalita, “Mahina ka pa, Santos. ‘Yang mga katulad mo ang madaling mamatay sa labang ito. Hindi mo kilala ang mga binabangga mo.”

Imbes na matakot ay mas lalo pa akong naghinala. Sa lahat ng kaso, ito ang hindi niya binibigyan ng pansin. Hinahayaan niyang makawala ang mga posibleng suspek na nahuhuli namin. Kaya ganoon na lang rin ang galit ko sa kanya.

"Sumagot ka nang maayos, Agent Castro, isa ka ba sakanila?" may diin ang bawat salitang binibigkas ko.

"Oo, kaya tumigil ka na."

Agad na umkyat ang dugo sa ulo ko’t mas humigpit ang pagkakakuyom. “At hindi mo itinatanggi ‘yon?”

"Nagtanong ka, sinagot ko lang---"

Hindi ko mapigilang hindi siya kwelyuhan. Hindi ako tanga para hindi malaman ang binabalak niya.

“Isa kang pulis! Hindi mo ba naisip ‘yon?! Hindi ka ba natatakot na matanggalan ng lisensya kapag tinuloy-tuloy ko ang imbestigasyong ito?”

Nagkibit balikat lamang siya. "Para saan? Marami pang mas mataas ang ranggo sa akin diyan ngunit hindi man lang sila nababahala, ako pa kayang pipitsuging imbestigador lang?” nakangising aniya.

Humigpit ang hawak ko sa kanyang kwelyo. Nanginginig ang kamao habang pilit na pinipigilan ang sariling huwag tuluyang paduguin ang kanyang mukha. Ayaw kong magpadalos-dalos. Matabas ang dila nitong si Agent Castro at hilig niyang paglaruan ang mga nakakusap.

Napalunok ako’t sinamaan siya ng tingin. “Patunayan mo sa akin na kabilang ka nga sa kanila.”

Ngumisi siya ng nakakaloko saka nagsalita, “Ice Queen---"

Agad akong napaatras nang umagos mula sa bibig niya ang dugo. Nanlalaki ang pareho naming mata. Napamaang na lamang ako nang humandusay na siya sa sahig. Agad namang nagtilian ang iilang naroon. Mabilis kong ibinaling ang tingin sa labas ng shop at hindi na nagdalawang-isip pang habulin ang lalaking naka-itim na kaputsa.

Habang tumatakbo ay parang sirang plakang nagpa-ulit-ulit sa isip ko ang huling mga salitang binitiwan niya.

Ice Queen?

Ano ang ibig niyang sabihin?

At... Bakit siya pinatay?

Pilit kong itinuon ang sarili sa paghahabol sa lalaki na ilang metro na ang layo sa akin. Naging mahirap ang pagsunod ko sa kanya dahil sa kumpol ng mga tao sa daan, saka ko lang napagtantong may piyesta ngayon. Buti nalang ay kabisado ko ang pasikot-sikot dito sa Intramuros; lumiko ako sa isang kanto, isang shortcut.

Ice Queen.

Kung hindi ako nagkakamali ay kabilang nga sa dalawang clan si Agent Castro. Pero bakit niya nagawang umamin ng walang katakot-takot gayong alam nga niya ang batas sa loob ng dalawang kampo?

Ano ang rason?

Punyeta! Lalo lang gumulo ang isip ko!

Nakita kong pumasok sa isang eskenita ang lalaki. Pinanatili ko ang distansya mula sa kanya bago tahimik na sumunod. Inalerto ko ang sarili bagaman wala halos nagagawi sa lugar na ito. Inilibot ko ang tingin at pinakinggan ang paligid. Tanging mga tambak na b****a at sira-sirang gamit lamang ang narito.

"Are you looking for me?"

Mabilis pa sa kidlat na lumingon ako sa likod. Prenteng nakatayo roon ang lalaking nakakaputsa. Hindi ko gaanong maaninag ang itsura niya dahil sa maskara niyang may naka-ukit na dragon. Kumuyom ang aking mga kamao saka ako pasinghal na nagsalita, "Nakakatawa, pumapatay kayo ng mga kagrupo niyo. Hindi ba kayo binabangungot?"

Siya naman ang humalakhak. "I don't care about that bastard. I came here for you," aniya sa malalim na boses.

Nangunot ang noo ko. "Me? What about me?"

Pero imbes na sagutin ako ay dumukot ito ng bagay mula sa bulsa niya at ibinato sa akin. Isang brown envelope, na agad ko rin namang nasalo.

"What's this?" tanong ko.

"Why don’t you open it to see what’s inside?" hindi normal ang lalim ng tinig niya, malamang ay may ginagamit ito upang baguhin ang sariling tinig.

Tumingin muna ako sa direksyon niya bago ko binuksan ang envelope.

Isang... babae?

"Anong gagawin ko rito?" Itinaas ko ang hawak na envelope at litrato. Akala niya ba ay nakikipagbiruan ako?

Tumabi ito at humakbang naman palapit ang isang matandang nakasuot ng lab gown. Tanging buhok, ilong at bibig lamang niya ang naaaninag ko dahil sa suot niyang salamin.

"In exchange of the information that you wanted for how many years. I will give you a mission to accomplish. The girl in the picture. You need to protect her at all cost in exchange of justice for your family's death," he said in authority.

Nanliit ang mga mata ko habang pinapasadaan siya ng tingin, tinatansya kung nagbibiro ba ito o hindi. Napakawirdo ng istilo ng pananamit niya gayong wala naman siya sa ospital. Ang mga katulad niyang pamisteryoso ay alam mong hindi magagawang magbiro sa ganitong sitwasyon.

“Sino ka ba? At bakit naman naisip mong paniniwalaan kita?” wika ko.

Kahit madilim ay kita ko ang pagsilay ng isang mala-demonyong ngiti sa kanyang labi.

“Just do what I’ve said and you’ll get the information you wanted,” buo ang tinig niyang sambit saka tumalikod. Sumunod naman sa kanya ang lalaking nakamaskara.

Akma akong hahakbang upang habulin sila nang mapansin kong may pulang ilaw na tila ba nakatutok sa damit ko. Napahinto ako’t palihim na luminga-linga kung saan ito nanggaling.

Punyeta!

Napamura na lamang ako nang makitang nagtago ang isang lalaki mula sa gusaling 'di gaanong nalalayo sa eskinita. Nang muli kong hanapin ang matandang lalaki’t kasama nito ay naglaho na silang parang bula.

Napapadyak ako sa inis. Hindi ko alam kung gagawin ko ba ang sinabi ng matandang ‘yon. Natuon ang atensyon ko sa hawak na litrato at masusing tiningnan ang mukha ng babae.

‘Ano ang kailangan nila sa babaeng ‘to?’

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status