Sa gaming area, sa ilalim ng kwarto ni Ace doon siya dinala ng kaniyang ama sa nais nitong sabihin. Katulad ng inaasahan niya, unang tanong nito pagkarating sa lugar na iyon ay, "So you and Gwy have a relationship?"Sa tono nang pagtanong nito at reaction ng mukha, pansin niyang hindi ito nagustuhan ang natuklasan. Doon naman siya nagtataka kaya ang sagot niya imbis na deretsong 'yes' at masigla, naging pautal na lang—nalilito sa reaction ng ama. "But you're hiding something from her," anito na mas lalong ikinakunot ng noo niya. "D-Dad..." Hindi niya alam ang sasabihin pero sinikap niyang mag-isip ng nararapat na term. Wala kasi siyang idea kung ano ang nangyari dito. "Diba...diba iyon naman ang goal natin? That's why Gwy is here."Napahilamos ito ng mukha, halatang depressed at dinuro siya, "Exactly. Para sa'yo kahit hindi tama naging goal natin ito. Alam mong mali ito, hindi ba?" Tumango siya. "Pero ginagawa natin dahil hirap ka."He scoffed at tumingala na lang, hindi niya nagus
Nalilito si Gwy sa sitwasyon, wala kasi siyang idea sa pinag-uusapan ng mag-ama na iyon. Wala naman siyang pruweba kung tungkol ba ito sa kung ano ang meron sila ni Ace pero hindi niya maiwasang isipin na ayaw sa kaniya ng daddy nito, kahit pwede naman na about business ang pag-uusapan ng mga ito. Nakaupo lamang siya sa kama, nakasandal sa headboard at nasa kandungan niya ang unan. Kasalukuyan niyang ka-chat si Celestia at sinabi niya rito ang totoong concerns niya. "Baka tungkol lang iyon sa opisina. Remember ila-launch na ang bagong unit ng SansTech di ba?" mensahe nito.Pwede rin kasing ganoon pero nagreply siya, "What if about talaga sa amin? Sinaktan kasi ni Avery si Auntie Eloise at Ace at nagalit noon si Uncle Mark. Baka ayaw niya sa akin kasi magkapatid kami ni Avery?" Naghintay siya ng ilang sandali at hindi niya maiwasang mapakagat ng kuko. Nurse siya pero gawain niyang kumagat ng kuko. Maya-maya natanggap na niya ang sagot nito at binasa niya. "Gwyneth, hindi ikaw si Ave
Halos hindi siya makahinga matapos niyang sabihin iyon. Natawa naman ito ng mahina at tumikhim pa. Sinabi nito, "Okay, sige, maya na." Umiwas siya ng tingin at tinuro ang dagat gamit ang hinlalaki, "So...balik na tayo doon?" Tiniis niya ang pagkailang at nilalabanan ang kabang halos ayaw nang humupa. Hindi niya inasahan na mararamdaman niya ang ganitong pakiramdam ngayon. Wala silang ginagawa, at masasabi niyang iba ang pakiramdam nito sa nararamdaman niya kapag may ginagawa sila. Simpleng pag-uusap lang nila ito pero ang saya niya halos wala siyang paglagyan, saya at hiya magkahalo iyon. Tumango ito, napakamot sa noo, tila ba'y mannerism nito upang takpan ang pagiging awkward at sumagot na halos pabulong na, "Sige."Tahimik silang naglakad pabalik sa tabi ng dagat. Magkasabay kahit hindi magkahawak ang mga kamay. Alam niyang nahihiya rin ito, pareho lang sila kahit na wala namang dapat ikahiya.Pagkarating nila sa tabi ng dagat, tumingin ito sa kaliwa't kanan, animo'y may hinahana
Since nag-sorry ito, pinagbigyan niya. Sayang naman ang moment kung pairalin niya ang tampo niya. Hindi niya alam kung makakabalik pa sila sa lugar na iyon, lalo na't busy ito lagi sa trabaho at ang pagpupuyat na katulad ng ginagawa nito ngayon ay hindi dapat. Ngayon nakaupo sila sa malapad na bato, nasa gitna siya nito, yakap-yakap siya mula sa likuran. Gustong-gusto niya ng presensya nito, init ng yakap, amoy ng katawan at boses nito lalo na kung medyo mahina at malambing siyang kinakausap."Nilalamig ka ba?" tanong nito. Napatingin naman siya sa suot niyang makapal na long sleeves and long pants. Tinignan niya rin ang mga braso nitong nakayapos sa kaniya kaya ang sabi niya, "Kung aalisin mo ang yakap mo, lalamigin ako." Ngumisi siya at napanguso ito. "So hindi ka pala pwedeng maligo. Gusto ko pa naman maligo tayo diyan." Tinuro nito ang dagat gamit ang nguso. "Wala namang tao, tayo lang naman." Mas gusto niya ang naisip nito kaya ang sabi niya. "Sige ba.""Pero sabi mo lalamigi
Naniniwala si Mark sa kaniyang anak, wala itong magawang kasalanan. Ngunit, sa kanilang dalawa siya ang mas hindi mapakali, alam niya ang mangyayari rito sakaling iwan ito ni Gwyneth. Hindi niya ito masabi sa kaniyang asawa dahil hindi rin siya sigurado kung ano ang maging desisyon nito. Masyado nang abala ang ginawa nila kay Gwyneth, hindi na pwedeng abalahin pa lalo. Wala pa naman silang permission at kapag malaman ito ng babae siguradong iwan nito ang anak niya. Wala na siyang naisip na solusyon ngayon kundi at tumungo sa kapatid niya. Naistorbo niya ang pahinga nito, nahihiya siya pero alam niyang naintindihan naman nito. Pagdating niya roon, hinarap naman siya nito.Kasalukuyang nilalapag ni Hivo ang kape sa ibabaw ng lamesang nasa harapan niya. Nakatutok lang ang paningin niya sa tahimik na pool, halos hindi kasi masyadong gumagalaw ang tubig roon. Umupo ito sa tapat niya at inusog ang tasa palapit sa kaniya. "Now, spill it. Tungkol ba ito sa negosyo?" Napahimas siya ng mukh
Bago umuwi si Mark dumaan muna siya sa shiphouse ni Vilkas, ama ni Belle Soulvero, pero hindi naman sa mismong shiphouse ang tungo niya. Madadaanan lang niya ito papuntang seafoods restaurant. Gusto lang niya i-surpresa kahit sa simpleng bagay lang ang asawa niya kaya naisipan niyang bumili ng paborito nito. Isang set ng seafoods ang in-order niya, sapat na iyon para masilayan ang ngiti ng asawa niya pagdating niya mamaya. Alam niyang mas pipiliin nitong hintayin siya kaisa sa matulog. Katulad ng inaasahan niya kakaunti lang ang costumer roon, kaya mabilis siyang nakasingit. "Paki-balot na lang ng maigi, Jes, para mainit pa pagdating ko," ani niya sa waitress na anak rin ng may-ari."Kuya, ibo-box ko na lang po," ani naman nito. "Sige mas okay iyan," aniya na may kaakibat na tanong. Habang naghihintay tumunog ang phone niya. Napadukot siya sa kaniyang bulsa at tiningnan ito. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang asawa, "Anong oras ka uuwi?" Napangiti siya dahil hindi tala
"Sinira mo ang style ko," ani Ace na kasalukuyan nang nagmamaneho. Nangunot naman ang noo ni Gwy sa pagmamaktol nito, kaya napatingin siya sa lalaki na na kasalukuyang nagmamaneho. Ang sabi pa nito, "Dinala kita doon para, iparamdam sa'yo na hindi ano lang iyong habol ko eh. Tapos ganito, umalis tayo doon..." Tumingin siya sa bintana at pangiti-ngiti, natatawa kasi siya sa pinagsasabi nito. Nagpigil lang siya lalo na't tinapos nito ang sinasabi, "...butas kana."Nangalumbaba siya, tila napansin nitong natatawa siya kaya sinita siya agad, "Ba't ka natatawa?" "Ba't ka ba galit diyan?" asar ring tanong niya. "Hindi ako galit, naiinis lang, dapat hindi pa dapat iyon eh," anito. "Dapat hindi pa...hindi mo pa bubutasin?" paglinaw niya, nahirapan din siya sa term. "Dapat kasal muna bago gano'n," ani pa nito. "You mean bago asal?" Tumingin siya rito. Hindi ito sumagot pero nagdabog. Nagtanong siya, "Hindi ba sapat iyong ikaw na ang nauna?" "Shempre..." he trailed off na itinaas pa ang
"Oh nyare sa'yo? Para kang minulto diyan," aniya at natawa pa. Nagtikom ito ng bibig at napansin niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito sa lalamunan. Umiwas rin ng ito ng tingin. Kaya bumangon siya upang mas mapalapit ang mukha niya rito at pinatong ang baba niya sa dibdib nito. "Halata naman eh, nakiusap ka kay Auntie Belle."Hindi na ito tumingin sa kaniya. Pinagmasdan lang niya ang pagkaliwa-kanan ng galaw ng eyeballs nito. "Masaya ako," dugtong na lang niya para mawala ang pagkailang nito. Tumingin ito sa kaniya, at pansin niya ang gulat nito sa mukha, hindi gulat na nababalisa kundi gulat na tila hindi nito inaasahan ang sinabi niya. "Thanks to Auntie," aniya, "kung hindi dahil sa punishment niya sa akin hindi tayo humantong sa ganito.""So hindi ka galit?" tanong nito. Napangisi siya at umiling, "Hindi, bakit naman ako magagalit? May kasalanan ako kay Auntie Belle, tsaka naintindihan ko siya." Ngayon titig na titig na ito sa kaniya. Nagpatuloy siya, "Alam ko ang pag-alis ko
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain