Share

CHAPTER 6

Author: Ischeee
last update Huling Na-update: 2023-05-25 19:22:23

KINABUKASAN agad akong nag-ayos para sa pagpasok ko sa trabaho. Shit, kailangan ko na naman magexplain nito kay boss. Inaayos ko ang long sleeved na suot, gusot gusot ito. Nakalimutan kong ipaplantsa kay manang Esme sya kasi ang naglilinis ng bahay, gumagawa ng gawaing bahay at mag-aasikaso sa pagkain. Tinatawagan ko lang ito kung kailan ko kailangan ng mag-aayos ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay agad na akong sumakay sa motor ko. Sira kasi ang pinakamamahal kong kotse dahil ibinangga ito ni Pilo. Nagddrive kasi ito habang nakapiring. Mabuti na lang walang nasaktan sa amin. Halos patayin nga ni Selena si Pilo, habang si Klash tawang tawa pa. Proud pa ito dahil ang galing daw sumabunot ng girlfriend nya.

Pagkarating ko sa kumpanya agad akong sinalubong ni Mang Jose, isa sa guard ng kumpanya.

"Magandang umaganda, sir Dion!" nakipag-apir pa ito sa akin. "Magandang umaganda rin sayo, Mang Jose. kumusta chix natin dyan?" natawa ito.

"Ikaw talagang bata ka, walang chix hijo baka mapatay ako ng nanay Kuring mo." napatawa naman ako. Si nanay Kuring ay ang asawa ni Mang Jose, sa tagal na nilang magasawa hindi parin sila mabiyayaan ng anak. Siguro hindi lang sinuwerte pero hindi parin sila nawawalan ng pag-asa.

"Malalagot ka talaga kay nanay Kuring." sambit ko pa. Nanigas sa kinatatayuan si Mang Jose nang makitang papalapit na ang kanyang asawa. May dala itong basket na naglalaman ng mga kakakanin.

"Hep, hep, ano itong naririnig na malalagot?" napacross arm pa ito habang tinitingnan si Mang Jose. Napadako ang tingin nito sa akin kaya biglang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

"Dion hijo! kumusta kana? hindi kita nakita nitong mga nakaraang araw, may nangyari ba?" napakamot ako sa batok bago ko sinagot ang tanong nya. "Nagkasakit lang ho ako pero okay na ako 'nay. Kayo ho kumusta? pasaway pa ba itong si Mang Jose?" natatawang tanong ko pa.

"Surmaryosep hijo kung alam mo lang! noong nakaraang araw napagkasunduan naming mamalengke. Ito namang si Jose alukin lang ng mga babaeng naka shorts at labas na ang kaluluwa bibili agad! hindi pa nga alam kung ano ang paninda nito. Hindi ko nga alam kung bakit pa ito naakit pa ito sa mga dalagingding samantalang may alindog at may iaasim pa ako." sabay flip hair pa ni nanay Kuring. Humagalpak ako sa tawa at halos maluha luha pa. Si Mang Jose naman ay pulang pula na.

"N-Nay grabe talaga k-kayo." natatawang sabi ko.

"Alam mo hijo ang pogi pogi mo talaga! ang swerte ng mapapangasawa mo." namula ako sa sinabi ni nanay Kuring.

"Salamat sa compliment nay Kuring, una na po ako baka malate pa ako." paalam ko. Kaagad naman itong pumayag. Hindi pa nga ako nakakalayo rinig na rinig ko pa rin ang pagtatalo ng mag-asawa. Napangiti ako. What does it feel to have someone in your life? I sighed.

"Dion!" natigil ako sa paglalakad.

"Hay.. buti nahabol pa kita! Alam mo bang kanina pa ako nakaabang dyan sa kanto bakit ba kasi ang tagal mo?" she pouted. I bited my lower lip.

"Nagkausap lang kami nina Mang Jose," sabi ko pa.

"Are you okay? have your fever gone?" nag-aalalang tanong nito. Reine..Reine.. these mix signals again.

"Don't do this I might get the wrong idea," bulong ko sa hangin.

"Ha? did you say something?" I bitterly smiled, "No, it's nothing, tara na pasok na tayo." she nodded before giggling. Napangiti ako ng mapait. That someone you like will be lucky to have someone like you.

"Mr. Dionishiro, why didn't you tell me that you're sick?" i bited my lips once again. Fuck, here's the other problem. Napabuntong hininga ako bago sya sinagot.

"Boss naman sorry na. Nakalimutan ko kasi kung saan ko nilagay 'yung cellphone ko kaya hindi na ako nakapagtext sa'yo." kumbinsi ko rito. What the hell sana maniwala ka..

"Sigurado ka?" tumango ako. "Hindi ka nagsisinungaling?" natigilan ako.

"Why would I, boss? kilala nyo naman ako diba? minsan lang talaga ako umabsent." he sighed before nodding. "Fine, now go back to your work." yes!

Pasipol sipol pa ako bago bumalik sa pwesto ko. Napansin siguro ito ng mga kawork mates ko kaya nagtanong sila kung ano ba ang nangyari.

"Wala naman, masyado lang malakas ang karisma ko kaya hindi ako kinatay ni boss." proud na sabi ko.

"What happened to you, man? bakit ka absent these past few days?" tanong Shinobi sa akin.

"He catched cold that is why," sabad ni Reine. Nanunuyang tiningnan si Reine ng mga katrabaho namin. "How did you know?" someone asked. Bigla itong namula.

"Ofcourse we're friends so natural lang na alam ko, diba Dion?" wala sa oras akong napatango. "yeah we're friends."

" I'm fine now don't worry guys ako pa ba." mayabang na sagot ko pa. After that bumalik na ako sa trabaho. Our boss will be mad at me again kung kukupad kupad ako.

Pagdating ng tanghali, inaya ako ni Reine maglunch sa cafeteria. She told me that she's going to tell me who's the man she likes. I couldn't resist, I like her after all. Even masaktan ako sa mga sasabihin nya.

"So ito na nga..." napatango ako sa sinabi nya, "Hmmm?"

"Kaninang umaga pinareview ko yung CCTV, kaya nakakuha ako ng pic ni future husband! alam mo ba sobrang pogi nya kahit malabo lang 'yung kuha. I hope wala pa syang girlfriend..." para akong sinaksak ng patalim sa sinabi nya.

"You think may chance ako sakanya?" malungkot na tanong nito, I sighed. "Why not? maganda ka at mabait." kumislap ang mga mata nito napatawa naman ako.

"Ikaw, magugustuhan mo ba ako?"

"ha?"

"I mean, kung ikaw sya magugustuhan mo ba ako?" sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko magawang magsalita kaagad. If I were him.. I will definitely fall for you.

"Oo naman," bigla syang namula na ikinangiti ko.

"Gosh, Dion! wag mo nga akong pinagloloko. Pero sana...sana magustuhan nya ako."

I wish you will like me too.

"Here he is!" bigla nyang inabot saakin ang cellphone nya. Kinakabahan ko itong kinuha mula sa kamay nya. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

"See? you can't even move when you saw his face! ang pogi nya diba?"

"ha?"

Sumimangot ito, "Dion naman! pay attention, please?" wala sa oras akong napatango.

"S-so what were you saying?"

"Ang sabi ko ang pogi pogi ng bagong crush ko! agree ka naman diba? di ka nga riyan makapagsalita." humagikhik pa ito.

"I d-dunno,"

"Dion naman!"

"Oo na."

Bigla itong nagtatalon. Hays, kung hindi lang kita gusto. Bigla akong napalingon sa cellphone nitong nakabukas. The photo she took was a bit blurry but, I could clearly tell who's that guy.

Slander.

I clenched my jaw before ako magpaalam kay Reine na babalik na ako sa opisina. She agreed but she definitely couldn't hide those smile on her heart shaped lips.

Mapait akong napangiti. Oh, man, mukhang makakalaban pa kita.

Alas-otso na ng gabi natapos ang trabaho ko. Madilim at wala ng tao sa buong palapag. Napabuntong hininga ako. Nakakapagod ang araw na 'to. Inayos ko ang necktie at ang aking bag, baka kasi may mahulog na naman akong mga bagay na importante. Kagaya noong nakaraan, nahulog ko ang wallet ko ngunit wala man lang nakapagisip na ibalik saakin. Fuck, ang laki pa naman ng pera. Isang daan, malaki na rin yun kung tutuusin hindi ba.

"Hindi ka pa pala umuuwi." napalingon ako sa nagsalita.

"Malamang nandito pa ako diba?" sabay kaming natawa. Naramdaman ko ang pagakbay nito sa akin.

"Ano, tara inom?" napailing ako. "Gabi na at kailangan ko pang magpahinga. Next time na lang." napa "woah" ito.

"Ikaw ba yan D? grabe, ngayon mo lang ata ako tinanggihan." parang bata na sabi nito.

"Gago tigilan mo nga ako Seo," kinalas ko ang pagkakaakbay nya. Sunod sunod naman nya akong pinagmumura.

"Tangina akbay lang naman, mukha ba akong maruming tao?" natawa ako sa inasta nya.

"Ewan ko sa'yo." iniwan ko ito at nagsimula nang mag-lakad. Ramdam ko rin ang pagsunod nito. Napailing na lamang ako.

"D, sandali!" natigil ako sa paglalakad. "Gago ano na naman?" ngumisi ito.

"May gagawin ka bukas? sunday naman kaya pumayag kana." agad ko syang pinakyuhan.

"Mangbabae ka mag-isa mo." Anya bago naglakad muli.

Narinig ko itong tumawa. "Ako naman D! wag puro si Reine!" hindi ko na ito pinansin at tumalikod na. Agad itong tumatawa. Sira ulo. He's Seo, my work mate. Siya ang unang naging kaibigan ko simula nong lumipat ako rito. Napakababaero at higit sa lahat tamad tamad na tao. I'm thankful na hindi pa umaabot sa point na ang nanay nya pa ang maglalaba ng underwear nya.

"Tsk, tsk, babaero." napsipol pa ako.

"Hey D! I can hear you!" natawa ako

"Gago malamang kasi may tainga ka."

"Wait for me! iinom tayo isang bote lang." napailing iling pa ako habang tinanaw syang nagkakaugaga sa paghanap ng bag nya.

"ANO na kayo ni Reine?" bumalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang nakakairitang boses ni Seo. Nandito kami sa labas ng building, nagpapaypay at umiinom. kalas na rin ang aming polo dahil sa sobrang init.

"Tanginang Seo ang init pala dito kahit gabi na."

"Sagutin mo na lang ang tanong ko." sumiryoso ito. Bigla naman ako natawa.

"Seryoso natin ah, ikaw ba yan?"

"Psh, I'm just asking you."

"What if we're not going out? liligawan mo ba sya?" tanong ko pabalik. Biglang nagbago ang facial expression nito. Menopause na ata ang isang ito.

"What? I'm not going to court her, I'm just asking." bigla akong nakaisip ng kalokohan.

"Bakit, ako ba liligawan mo?" pabirong tanong ko.

"Can I?" nabuga ko ang iniinom na alak.

"A-anong s-sinasabi mo? that's a joke right?" tumawa pa ako. "tara na uwi na tayo lasing kana." that's a lie. Malakas ang tolerance ng lalaking ito.

"I'm not joking."

"We're both man, aw man, stop this." tinapik tapik ko ang balikat nya.

"I like you."

Natigilan ako. "Lasing ka na ba? lakas ng tolerance mo pero bakit ngayon parang may tama kana?" pabirong sabi ko pa. this is awkward as fuck.

shit

"I said I'm not joking, why would I?" napahilot ako sa aking batok.

"Tara na, lasing kana."

"I said I'm not."

Bigla ko syang inakbayan para pakalmahin. "Fine, you said you like me, now let's go home." hindi ito umimik kaya bigla akong napabuntong hininga. I couldn't believe he really confessed, but maybe epekto lang ito ng alak or maybe nabagok sya kanina habang hinahanap yung bag.

"Forget it," napalingon ako sakanya.

"Sabi na nga ba nagbibiro ka lang!" natatawang sabi ko pa. "Tsaka parehas tayong lalaki ano ba."

"Right, just forget what I said." mapait itong napangiti.

—VIENS

Kaugnay na kabanata

  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 7

    I like youNapailing ako nang maalala ang sinabi ni Seo noong nakaraang linggo. It's been a week simula noong nangyari iyon, pero walang nagbago. Ganun pa rin ang pakikitungo nya sa akin na para bang walang nangyari. He's acting like a kid again."Inom daw tayo sabi ni boss," napaigtad ako nang may bumulong sa aking tainga."S-seo..""You good? bakit para kang nakakita ng multo? o parang nakakita ka ng gwapo?" kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. "Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo?"Agad itong nagmumura. Pinigilan ko ang matawa dahil baka pagtripan na naman nya ako. Isa syang gago kaya wala akong tiwala sa mga pinaggagawa nya."Para namang nakagawa ako ng krimen.""Hindi ka nakagawa ng krimen, sadyang mukha ka lang kriminal.""Reine! pakibalot tong boyfriend mo!" nanlaki ang mga mata ko dahil bigla syang sumigaw. Fuck, nakakahiya. Nandito pa kami sa opisina, lahat nandito pa. Biglang napalingon si Reine sa direksyon namin. Kumunot ang nuo nito."Nasaan si future husband? nakita

    Huling Na-update : 2023-05-25
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 8

    "Hey, wake up." napamulat ako dahil sa isang tawag. Napakunot ang nuo ko nang Makita kung sino ito. Shit, umagang umaga."Where I am? don't tell me kinidnap mo na naman ako, ibang klase ka talaga." mapait na biro ko."What are you talking about? I didn't kidnapped you, you're here because you throwed up while seducing me last night. Don't you remember?" napanganga ako sa sinabi nya. bigla ko syang binato ng unan."Ako? I seduced you? bakit ko gagawin yun sa'yo." patay malisya kong tanong rito. I remember all the things that I've done from jerking off from being— never mind. I couldn't even believe myself that I did those."Really, you don't remember?" "I don't remember, you're so fucking annoying." natawa ito."Fine, rest here and leave. I don't let other people stay at my place." nagtagis ang bagang ko sa sinabi nya."So this is how you treat your friend?" tiningnan nya ako."But, we're not friends." hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. I'm still processing it, damn it."And if yo

    Huling Na-update : 2023-06-02
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 9

    BUONG araw akong nakatulog. They didn't even bother to wake me up. I can't feel my leg, how can I go down. Napasinghap ako nang sinubukan kong tumayo. Sinubukan ko pa nang sinubukan pero di ko pa rin magawang tumayo."Kuya D.." napatingin ako sa may pintuan. Sniper was sitting on the floor. Mukhang antok na antok."What are you doing there?""I'm here to protect yah but I fell asleep." matamlay na sabi nito. "Come here," inaantok itong lumapit saakin. Natawa naman ako nang muntik itong masubsob."Lay down with me," tumango ito at nahiga sa tabi ko. Narinig ko ang mabibigat nitong paghinga. He fell asleep."Hey,"Napangiwi ako nang makita kung sino na naman ang nasa pintuan. Prente itong nakatayo habang seryosong nakatingin sa akin. "What the fuck are you doing here?""I just want to be here.""Get out." Galit na asik ko. "I'm staying here.""Umuwi kana," "Do you want me to die?"Natigilan ako. Napabuntong hininga ako bago pinikit ang mata. I'm safe here right? Sniper is here so I'll

    Huling Na-update : 2023-06-03
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 10

    AFTER a week na hindi ako pumasok, naisipan ko nang pumasok sa trabaho total hindi naman gaano masakit ang aking hita. Pilo and Slander decided to stay with us until everything is fine. Sniper is doing good too, we told him to play with other kids, but he refused. He'd rather be with us than playing with other kids, that's what he said. That kid is so matured compared to his age. I guess it's because of his father? speaking of his father, that bastard didn't stop from tracking his own child. For now, we need to protect the kid whatever it takes. "Are you sure about this?" napalingon ako kay Tristan na kasalukuyang nagddrive ng kotse."Yeah,""It's too dangerous, man. They already knew your face, what if they—" "I know, but I need to work." napabuntong hininga ito bago sumangayon sa sinabi ko. "Be careful, okay?" tumango ako."Don't get close with anyone, even its Reine. It's too dangerous if pati sya mada—""Calm down, okay? bakit nadamay si Reine dito?" natatawang sabi ko pa. "You

    Huling Na-update : 2023-06-03
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 11

    PAGDATING namin sa isang liblib na lugar biglang nangantog ang tuhod ko nang maalala ang mga nangyari. Kasama ko palang si Sniper.. he's hugging me a while ago.. and now he's gone. Tears automatically fell on my cheek. Oh, god. He's too young for this."Let's go inside." inalalayan akong makatayo ni Xinon. Si Pilo ay hindi pa rin mapakali habang karga nila si Slander."Wait here," napahinto kami nang pigilan kami ni Tristan. "I'll call them,""Make it fast man, tangina he lost too much blood." si Pilo. Kung kanina ay halos magpatayan na sila ngayon ay parang batang takot na takot. tumango si Tristan bago tinungo ang malaking bahay. Pagbalik nya ay may kasama na ito. "Get him inside." the man with Tristan commanded. Pagkapasok namin sa bahay ay agad nitong ginamot si Slander. Hindi ako mapakali dahil baka may masamang magyari sakanya. I don't know what to do if something happens to him."You need to rest D," napalingon ako kay Xinon. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. Ngumiti ako.

    Huling Na-update : 2023-06-03
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 12

    HATINGGABI pa ng magising ako. Natanawan ko ang natutulog na sina Xinon, Pilo, at Slander. Where's Tristan? bigla akong nakaramdam ng gutom kaya nagdesisyon akong lumbas para kumuha ng pagkain. Hindi naman siguro magagalit si Vasti? shit, ano ba para akong gagawa ng krimen. Pagkarating ko ng kusina ay agad akong kumuha ng pagkain. What if mahuli ako? tangina bahala na talaga."What are you doing?""Ay anak ka ng tangina!" napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Vasti. Sobrang lalim ng boses nito at aakalain mo talagang isang higante."What did you say?" napaangat ako nang tingin kay Vasti. Sobrang tangkad nito. Ang laki rin ng kanyang katawan. And when it comes to looks may ibubuga ang isang 'to. "K-kumukuha ng pagkain hehe." namula ako."Do me a favor." napakunot ang nuo ko. So hindi sya galit? "you're not mad?" tanong ko dito."I'm not. it's just a damn food." kinakabahan akong ngumiti."What do you want me to do?" tanong ko dito. Anong klaseng pabor ba ang gusto nya?

    Huling Na-update : 2023-06-05
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 13

    "Fuck, why I didn't remember?" "I should've checked my phone,""Hell.."Napamulat ako nang makarinig ko ng boses. Bumungad saakin sina Pilo na nagalalang nakatingin saakin. Napatingin ako sa may bintana. Umaga na pala."What's wrong?" Tanong ko. Lahat sila natigilan nang magsalita ako."A-Are you okay?" nagaalalang tanong ni Tristan. Tumango ako. "I'm okay don't worry." natanawan ko silang nakatitig pa rin saakin. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko."Anong nangyayari sainyo? I'm alright, look," pabirong sabi ko pa. Natigil ako nang hindi man lang sila naniwala sa sinabi ko."S-Sabi ko, ayos lang ako. Didn't you hear me?" paguulit ko. Hindi sila sumagot. Hinawi ko ang buhok kong nakaharang nang maramdaman ko ang hapdi saaking pulsuhan. Natigilan ako nang makitang may nakapataling puting tela dito."I didn't do this." natatawang sabi ko. "I didn't. I didn't." Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Pilo."Baby D, it's okay. You didn't do that. Shhh calm down, okay?" hindi ako sumagot. hin

    Huling Na-update : 2023-06-05
  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 14

    "WE'RE here, get ready assholes." Tristan whispered to us. Hindi pwedeng lumikha kami ng ingay lalo na't baka may makarinig saamin at mabolilyaso ang planong to. Hindi pwedeng hindi namin makuha si Sniper dahil baka kung ano ang mangyari sakanya. He's too young, he deserves to live in a peaceful life. Nasa harap kami ngayon ng dapakaling abandonadong lugar, ngunit ang problema ay ang napakatayog na gate. Hindi namin kayang akyatin ito nang basta basta lamang."I'll go find a way inside." si Tristan. Tumango kaming lahat. "Wait, I'll go with you." si Drew.Natanawan namin ang papalayong sina Drew kaya nagtago muna kami sa isang madamong sulok. Narinig ko na naman ang pagtatalo ni Pilo at Seo. Fuck, these two..."Ang kati na nga, bakit ka pa dumidikit?" galit na sabi ni Seo, "Hindi naman kita dinidikitan ah?" patay malisyang sabi ni Pilo. Napahilot ako sa aking batok."Ano ba naman kayong dalawa?" suway ko dito. Mukhang hindi pa talaga sila nadadala kaya agad ko silang binatukan."Aw,"

    Huling Na-update : 2023-06-05

Pinakabagong kabanata

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 29

    Nagising ako dahil sa mahinang katok. Mukhang si Xinon nga ito. Kaagad ko naman itong tinungo at pinagbuksan ng pintuan. Natigilan ako nang hindi lang si Xinon ang bumungad saakin. Lahat ng sintu sintu ay nandito. Tangina talaga. Bigla tuloy nawala ang antok ko. Nagbaba ako ng tingin sa wristwatch ko. It's 2:30 in the morning. Isa isa ko silang inirapan."Paano kayo nakapasok?" ngumisi lang sila saakin at hindi nagsalita. Dumako ang tingin ko kay Xinon. Seryoso ako nitong tiningnan. Napansin kong nakayakap sakaniya si Canon. Talaga naman talaga. Napansin kong halos lahat sila ay hindi pa inaantok. Nagawa talaga nilang bumyahe para dito? "Ako lang dapat ang nandito, pero itong mga ulupong na to---""What? kung hindi ko sinabi sa'yo ang naging usapan namin kanina hindi mo malalaman. May ambag ako Xin, alam mo yan." pagmamayabang ni Tristan. Nagtaka ako dahil wala si Vasti. Mukha kasing by pair silang pumunta dito e. Buti na lang talaga hindi sumama yung dalawang buntis. Nah, Klash and D

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 28

    "Oh D? bakit ka napatawag?" narinig kong sabi ni Tristan mula sa kabilang linya. Narinig ko rin ang boses ng boyfriend nitong si Vasti. Mukhang nagising ko ata sila. It's almost 11 pm pero naisipan ko pa rin siyang tawagan. "Sorry, man. Did I disturb the both of you?" narinig ko ang mahinang tawa nito."Nah, so.. why did you call? hindi ka raw umuwi sa mansyon sabi ni tita. You know what? si Pilo sobrang lonely kuno, pati si Seo napilit niyang pumunta sa mansion. Ang drama ng gago." tumawa ako sa sinabi niya. "Sintu sintu talaga ang lalaking yun kahit kailan." sabay kaming natawa. Narinig ko ang pagtikhim nito mula sa kabilang linya. "Do you need something? or do you have something to tell me, am I right?" narinig ko ang pagtunog ng kama. Hudyat na bumangon ito mula sa kama. Narinig ko pang nagpaalam ito kay Vasti."Fuck, will you believe me?" hindi ko na napigilan pa ang sarili."Hm.. depends. Ano ba kasi ang sasabihin mo? you sounds uneasy. Where are you?" napabuntong hininga ako b

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 27

    "Tulala ka na naman," napalingon ako kung saan nanggaling ang boses. Natigilan ako nang makita kong nakatayo si Tita Aviola sa harapan ko. "Nagpapahangin lang, tita." pilit akong ngumiti sakaniya. I don't even know why I'm forcing myself to smile. Hindi ako pumasok sa trabaho dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong gana pagdating sa lahat ng bagay. I tried, but I ended up being drained. I wonder kung hanggang kailan ko ito mararanasan?"Your eyes can't lie," natigilan ako bago nag-iwas ng tingin. Sobrang halata ba na umiyak ako kagabi? that dream.. is kept on replaying on my mind. Hindi ko nga alam kung ilang oras ba akong umiyak sa harap ni Pilo. Gusto kong mahiya sa ginawa pero hindi nagpaawat ang sarili ko at umiyak lang na parang isang bata. That was the first time he appeared on my dream. I keep on hoping that I'd see him again."I heard you crying last night.. did you dream of him?" dahan dahan akong tumango sakaniya."You know what Tita? we started in bad terms, I canno

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 26

    Lumipas ang araw, linggo, at mga buwan pero heto pa rin ako, hindi ko pa rin mipaliwanang ang nararamdaman ko. Bakit parang may bumabagabag sa isip at puso ko? hindi ko alam kung ano pero sigurado akong may kailangan akong malaman or matuklasan. Shit, this feeling keep on bothering me for the past 4 months."Ayos ka lang?" tanong saakin ni Tristan. Nasa sala kaming lahat, nagmomovie marathon pero ang isip ko kung saan saan lumilipad."Hmm, inaantok na ako." rason ko. But that's a lie. Halos wala akong maayos na tulog dahil sa patuloy pa rin akong binabagabag ng pakiramdam na hindi ko maintindihan. I tried seeking for help, nagtanong na rin ako sa kanila kung nangyari na ba to sa kanila, pero hindi ang lagi nilang sagot. Well, noong si Xinon ang tinanong ko inamin nitong naramdaman na niya ito. Pero sa panandalian lang. Bigla rin daw nawala."Go matulog kana," ngumiti ito saakin. Biglang nahagip ng mata ko ang papalapit na si Pilo. Huminto ito sa harap ko. "Ano?" masungit kong tanong s

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 25

    Matapos naming kumain ay kaagad naman kaming umalis ng restaurant. Pasulyap sulyap ako kay Nhel, mukha kasing hindi pa bumabalik sa katauhan niya."Ayos ka lang?" tanong ko. Wala namang masama sa tanong ko pero biglang namula ang kaniyang mukha. Mukhang hindi pa talaga siya nakakamove on sa nangyari kanina.—Flashbacks—Habang naghihintay kami ng order namin ay nagkwentuhan muna kaming tatlo. Sobrang tahimik nga ni Seo para bang ibang tao na naman ang kasama namin. Si Nhel, as usual, naka mega phone na naman ang bunganga. Ewan ko ba sa babaeng to, ang lakas ng boses kahit na bumubulong naririnig pa rin."Alam niyo ba guys, sobrang yaman ng sugar daddy ko, feeling ko nga kaya niya akong bilhan ng mansyon." sabat ni Nhel. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Seo. Mukhang babarahin na naman nito si Nhel. "Feeling mo lang," kaagad na ngumuso ito."Epal ka talaga kahit kailan no?" natawa ako sa kanilang dalawa. Kakain na lang lahat lahat bangayan pa rin sila ng bangayan."Wala ka lang mahanap

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 24

    "Ano ba Seo ang bagal bagal mong kumilos." Suway ni Nhel kay Seo. Papasok kami sa isang restaurant. Mukhang mamahalin nga. Anong nakain ni Nhel at dito niya kami dinala? para naman siyang bigatin na tita. "Bakit ba kasi dito? may pambayad ka?" tanong ni Seo. Tumaas naman ang kilay ni Nhel."Anong akala mo saakin ha, pipityugin?" natawa ako sa naging asaran nilang dalawa. Namiss ko to. Sobrang namiss ko kung paano sila magbangayan noon. Pero siyempre hindi ganito ang bangayan nila noon. Medyo flirty noon si Seo e, ewan ko nga kung anong nangyayari sakaniya ngayon."Malay ko ba kung sa illegal galing yan na pera mo at madamay pa kami ni D." ganti ni Seo. Halos umusok ang ilong ni Nhel dahil sa sinabi nito."Tumagil na nga kayong dalawa diyan." suway ko bago naunang pumasok sa entrance ng restaurant. Bahala silang magtalo doon. Gutom ako e. Wala na akong pakialam kung sobrang mahal ng mga pagkain dito. Talagang hindi ko na kaya pang tiisin ang gutom. Simula pagkapasok ko sa trabaho ay ka

  • THE GREEN TEMPTATION    Chapter 23

    Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Pilo. Wow, they're together all this time? napailing ako, maybe coincidence lang?"Hindi ba sa sahig kayo natulog? paanong nasa kwarto mo si Seo?" naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sakaniya. Nakita ko ang muling pagiwas niya saakin. May tinatago ang lalaking to."Dumating siya kaninang madaling araw.. sobrang lasing.." muli kong pinagsingkitan ng mata si Pilo dahilan para lalong mamula ang mukha niya. Ano ba ang dapat ikapula niya? bakit namumula ang gagong to?"Umamin ka nga sakin," lumapit ako sakaniya at mariin siyang sinuro. Naestatwa naman ito at hindi gumalaw sa kaniyang pwesto."Wala akong aaminin dahil sinabi ko na. Baby D naman e, mukha ba akong hindi katiwatiwala?" hindi makapaniwalang tanong niya saakin. Kaagad ko naman siyang inirapan. "Okay, sabi mo e. Puntahan ko na lang si Seo baka kasi gising na." sabi ko nang tuluyan ko nang maayos ang sarili ko para sa trabaho. Nakita ko ang pagkabalisa sa kaniyang mukha. Maang ak

  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 22

    AFTER 1 MONTHNagising na lamang ako sa dahil sa ilaw na tumatama sa aking mukha. Sobrang bigat din ng pakiramdam ko. Araw araw na lang ba ganito? mapait akong napangiti bago bumangon mula sa kama. It's been a week, since.. fuck, I can't even say it. It hurts. It damn hurts. Kahit anong gawin kong pagdedeny, alam ko sa sarili ko na hindi siya ganoon kadaling kalimutan. He was my friend.."Gising kana pala," napalingon ako sa sahig. Nakahiga roon sina Pilo. Tabi tabi silang natulog doon samantalang nasa kama ako. Kaagad akong tumayo paalis ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag saakin ni Tristan pero hindi na ako lumingon pa. What for? para makatanggap na naman ng comfort galing sakanila? I've heard enough. kaunti na lang ay maiirita na ang tainga ko. "Good morning." natigilan ako nang bumungad saakin si Tita Aviola. Busy nitong pinapakain si Sniper, napakadungis talaga ng batang iyon kahit kailan."Good morning there, buddy." nakipagapir pa ako kay Sniper. "How was your sleep?" tanong

  • THE GREEN TEMPTATION    CHAPTER 21

    "AVIOLA?" Gulat na turan ni Mr.Thomas. Makikita sa mukha nito ang kaba, takot at pagkabalisa nang makita nito ang babae. Ngumiti nang napakatamis ang babaeng hindi pa katandaan, pero kitang kita sa mukha nito ang natural na pagiging maganda."Ang napakasama mo talaga Thomas.. sarili mong anak pinatay mo!" Ang dating ngiti ni Aviola ay napalitan ng lungkot, hinanakit. Lumuluha nitong dinaluhan ang sunog na bangkay ng kanyang itinuring anak. "S-Slander.. my boy..." Alam sa sarili ni Aviola na hindi nya tunay na anak si Slander dahil anak ito sa unang asawa ni Thomas, pero itinuring na nya itong tunay na anak. Naging maayos ang kanilang relasyon bilang mag-ina. Noong una ay hindi maganda ang pakikitungo ni Slander kay Aviola, pero kalaunan ay natanggap na rin nito ang kaniyang step mom. "Hayop ka talaga! Nasaan ang anak ko?! Nasaan si Sniper?!" Sigaw ni Aviola. Halos lumabas na ang lahat ng ugat nya sa kanyang leeg. "Oo hindi mo totoong anak mo si Slander! Pero hindi mo alam ang nangy

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status