Nang magising sina Emerald at Sean ay agad na silang umalis sa resthouse ni Yanah. Hindi na sila nakapag paalam pa dahil malamang natutulog pa ang mga ito."Babe, kinakabahan talaga ako. Paano kung buntis nga ako?" Mahinang bulong niya at napa-sulyap dito."Be happy, Babe. Nasa tamang edad na tayo. At gusto ko na din na mag-settle down tayo. Kailangan pa ba tayong mag plano? Except kung balak mo pa maghanap ng iba?" Seryusong sinulyapan siya nito."Baliw ka ba? Bakit ako maghahanap ng iba. Kung naghanap ako, 'di sana noon pa." Inirapan niya ito. "That's my girl, syempre naninigurado lang ako. At isa pa, alam ko naman na patay na patay ka sa akin kaya mahal na mahal kita e." Sinulyapan niya ito at kinindatan. Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang phone nito kaya napasulyap si Emerald sa kanya."Sino ang tumatawag sayo?" Tanong niya na humalukipkip. Gusto niyang sulyapan ang screen ng phone nito baka ang babaeng kasama nito sa hotel ngunit nagpigil siya."Pakitingin at pakisagot
Naalimpungatan si Yanah nang maramdaman na may yumakap sa baywang niya at may mabangong hininga na sumiksik sa may leeg niya. At parang may paa na nakadagan sa may tiyan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Masakit ang katawan at mabigat ang pakiramdam niya. Parang binagsakan siya ng bakal sa paa at sa balakang. Biglang nag-sink in sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Kaya bigla siyang napamulagat. "K-Kylle Christian!!!" Biglang napasigaw siya kasabay ng pagtulak sa lalaking nakayakap sa kanya. Ngunit dahil malakas din ang pakiramdam nito bago ito nahulog sa sahig, nahila na siya nito. Dalawa silang nahulog sa sahig at nasa ibabaw siya nito at halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. At nakayakap pa ito sa baywang niya.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang isang matigas na bagay sa ibabang bahagi ng puson niya.Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya kasabay ng bulta-bultahing kuryente na nagpapainit sa buo niyang katawan. Ramdam niya ang pagpintig
Kinakabahan si Emerald habang binabaybay nila ang daan papuntang bahay nila Sean. First time niyang makilala ang mga magulang nito kaya nanlalamig ang mga kamay niya. "Calm down, Babe, mabait sina Mommy at Daddy. Wala kang dapat na ipag-alala." Nakangiti itong sinulyapan siya. Hindi kasi siya mapakali sa upuan niya at hindi niya mawari kong maiihi siya o ano."Babe, baka hindi ako magustuhan ng mga magulang mo?" Napapakagat labi na sagot niya at namamawis na din ang kamay niya."Ano ang hindi nila magugustuhan sayo? Maganda ka at sexy, mabait at maalaga. Bunos na ang pagiging mayaman mo. At ikaw ang magiging ina ng baby natin." Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa mga labi habang ang tingin ay nasa daan."Dapat sana kay Granny muna tayo unang nagsabi ng kalagayan ko bago sa mga magulang mo." Nakangusong sambit niya."Huwag kang mag-alala, magkakasundo kayo ni Mommy. She's nice and humble. Trust me, lahat ng gusto ko binibigay nila Mom at Dad sa akin." Hininto ni Sean ang sasaky
Nasa Naphintas Mall si Marian para mag-grocery dahil wala na silang stock sa bahay. Hindi kasi lumalabas ng silid nito ang mommy niya mula ng iwan sila ng daddy niya. Nangangayayat na din ito dahil hindi kumakain. Ang negosyo ng mommy niya na minana pa sa mga magulang nito ay siya na rin ang namamahala dahil pinabayaan na ito ng mommy niya. Natatakot siya baka maapektuhan ang business nila dahil sa mga nangyari at ayaw niyang mawala ang pinaghirapan ng lolo niya.Nasa vegetable section siya ng mabangga ang cart niya ng isang babae. Mabuti na lang at mabilis niya itong nahawakan kaya hindi dumiretso sa kanya. Punong-puno pa naman ito ng mga groceries."What the! Ano ba? Bakit pahara-hara ang cart mo sa daan?" Sigaw ng matandang babae na kasing edad ng mommy niya. Sopistikada ang babae ngunit hindi maikakaila ang kamalditahan nito. Sa kilay pa lang nito at ang mga tingin nito na nakakamatay. "Matandang ito! Siya na nga ang nakabangga, siya pa ang may ganang maninghal." Sa loob-loob
Dumating sa bahay nila si Yanah na tila wala sa sarili. Ayaw niyang makita siya ng mga magulang kaya sa likuran siya ng bahay nila dumaan.Dahan-dahan na pumanhik siya sa hagdanan, dahil naririnig niyang may kausap pa sa phone ang mommy niya."Where have you been?" Napalundag siya sa gulat nang marinig ang boses ng daddy niya kaya napalingon tuloy ang mommy niya sa deriksyon nila."Daddy! Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot at nanggugulat?" Singhal niya sa nakatawang ama habang nakahawak siya sa dibdib niya. "Bakit ka ba kasi umaakyat na parang magnanakaw? Nakalimutan mo ba na bahay mo 'to?" Napapailing na kantiyaw ng daddy niya. Napanguso na lang siya sa sinabi nito."Ivy Yanah, katatawag lang ni Kylle ngayon. Hinahanap ka. Iniwan mo daw siya sa resort? Ano bang nakain mong bata ka at iniwan mo siya doon?" Nakataas ang kilay ng mommy niya habang papalapit sa kanila."Makabata ka naman, Mom, wagas! Malapit mo na nga akong ipakasal kay Kylle." Umirap siya at hindi sinagot ang
Nasa hapag-kainan ang lahat habang nagkukwento at magana sa pagkain. Nagkukulitan din ang Mommy Messy at Mommy Megun nina Yanah at Kylle. Ang mga Daddy naman nila ay seryoso lang ito na nag-uusap tungkol sa business nila.Si Yanah at Kylle ay nagpapakiramdaman lang sa isa't-isa. Kapag kuwa'y nagpunas ng bibig si Kylle gamit ang tissue. Pagkatapos tumikhim ito para makuha ang atensyon ng lahat, "I would like to inform you, Tito Miguel and Tita Messy, that I want to marry Yanah as soon as possible, that's why we are here."Halos mabulunan si Yanah ng marinig ang sinabi nito, kaya napunta sa kanya ang mga mata ng lahat. Nag-peace sign lang siya at mabilis na kinuha ang tubig sa harapan niya. Nakita niyang napa-smirk si Kylle kaya nagpupuyos sa inis ang kalooban niya."Huwag na kayong mag-alala sa preparasyon, Mars. Ready na ang lahat. Bago kami pumunta dito, ginawa na namin ang mga dapat gawin. At kayo ang gagawin nyo na lang ay ang pagsipot sa simbahan." Wika ni Mrs Roshan na tila exc
"Mars, takbo!" Bulong ni Marian at mabilis na tumakbo sa direksyon ng punong mangga na kapantay ng bakod nila Emerald.Mabilis naman na kumilos si Yanah pasunod kay Marian, tinalon nila ang matayog na puno at mabilis na sumampa sa gate nila Emerald."Run away, Mars" Nakangising wika ni Yanah at kasabay ni Marian na tumalon sa bakod palabas ng bahay nila Emerald."Safety!" Bulalas ni Marian ng lumapag ang mga paa nila sa sahig. Nag- high five pa sila at mabilis na sumakay sa dalang motorsiklo ni Yanah. Hindi kasi ito nagdala ng car ng pumunta siya kina Emerald dahil traffic sa lansangan kapag gabi. Tumakas nga lang siya sa bahay nila kanina dahil ayaw nitong makaharap si Kylle ngunit nasundan pala siya. Mabuti na lang pala talaga at sa labas niya lang ito pinark kanina. Girl Instinct."Bakit ba laging nakabuntot ang mga lalaking yan sa atin? Wala na tayong privacy! God!" Nagmamaktol na sabi ni Marian."Ewan ko ba sa tatlong tukmol na mga yan! Parang engot!" Binigay niya ang extra he
Poot, galit, hinanakit at pagkamuhi ang nangibabaw sa puso ni Marian. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit at ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon ay ang paghihiganti. "Kung sino man ang lapastangan sa mommy ko, magtago ka na! Dahil kahit magtago ka man sa saya ng demonyo, lintik lang ang walang ganti sayo!" Naninigas ang mga panga niya dahil sa gigil habang pinapa-cremate ang mommy niya.Hindi niya kayang pagmasdan ang mommy niya na nasa kabaong kaya minabuti niyang gawing abo ang bangkay ng ina niya.Halos hindi tumitigil sa pagpatak ang mga luha sa pisngi niya. Tahimik lang siya habang umiiyak habang hinihintay ang abo ng ina.Nasa tabi niya sina Yanah at Drix, kahit hindi niya kinakausap ang mga ito hindi pa rin siya iniwan at pinabayaan. Si Emerald ay umuwi na muna kasi nga hindi siya pwedeng mag puyat dahil nga sa buntis ito.Tahimik lang ang dalawa habang nagtatagis ang mga bagang sa sinapit ng pamilya niya. Ang malakas na ringtone ng phone niya ang bumasag sa katahimi
Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni
Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O
Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon
Sa gitna ng isang nag-aalab na sagupaan sa loob ng magarang resort, ang tunog ng mga putok ng baril at sigawan ay bumabalot sa paligid. Lumiliyab ang hangin ng tensyon habang tumatakbo si Emerald sa gitna ng mga nagkakagulong tao, ang kanyang mga mata’y tumutok sa batang nakuha muli ng armadong kalalakihan pabalik sa loob ng resort. Mabilis ang kanyang mga galaw at lahat ng mga humaharang sa kanyang mga armado ay mabilis niyang napapatumba. Isa lang ang nasa isipan niya ang makuha ang batang babae. “Shit!” Muntik na siyang mabaril ng isang babae na humarang sa kanya mabuti na lang nakatalon siya sa may pader. Ngunit nasundan siya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at parehong gulat ng mapag sino ang isa't isa. Ngunit mas unang nakabawi ang babae, “What a small world, nagkita din tayo, Emerald. At buhay ka pa pala.” Napangisi ang babae habang nakatutok ang baril sa kanya. “At talagang nagladlad ka na pala sa totoong kulay mo, Tanda. Ikaw ba ang may pakana ng pagpa
Umalingawngaw ang malakas na putok sa resort, napasigaw si Amanda sa galit ng makita ang anak na bumulagta sa harapan niya. “Sino ang bumaril sa anak ko?” Sigaw niya at dinaluhan ang anak na naghihingalo na. Mabilis naman na tumakbo si Rafael sa direksyon ni Marian at hinila ito palayo. Nagkakagulo ang mga tauhan ni Amanda habang hinahanap kung sino ang bumaril sa anak ng amo. “Hanapin n'yo ang taong mapangahas na bumaril sa anak ko, ngayon din! Dalhin n'yo sa akin dead or alive! ” Maawtoridad na sigaw niya. Samantala sunod-sunod ang pagsabog sa paligid ng resort dahilan para magiba ang pader sa pagitan ng kabilang resort.“Bitawan mo ako. Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang nanghihila.” Inis na singhal ni Marian sa nakabuntot na lalaki. “Umalis muna tayo dito before I explained everything to you, okay. .” Sagot nito habang pwersahan na siyang hinihila. “Stop! Saan kayo pupunta?” Isang babae ang humarang sa dinaraanan nila. “Get lost!” Sigaw ni Rafael sa babae. Dumating ang mg
Sa malayo, tanaw na ni Yanah ang malawak na resort, nagtataasang pader sa pagitan ng mga kapitbahay na resort—isang tahimik na paraiso para sa karamihan, ngunit sa loob nito’y may mga hindi kanais-nais na mga gawain. Ang mga karatig na resort nito ay isang public at may mangilan-ngilan pa na naliligo. May mga nagsu-surfing, kitang-kita niya kung paano laruin ng mga ito ang alon. Walang takot na nakasakay ang mga ito sa alon. Walang kamalay-malay ang mga ito sa naghihintay na panganib kapag magtagal pa ang mga ito sa resort. Napabuga siya ng hangin. “This is it!” Bulong niya sa sarili, “Hindi ako papayag na hindi ko mabawi si Marian sa kanila.” Matalim ang kanyang mga mata habang nakatuon sa direksyon ng resort sa malayo. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa leeg niya at tumayo. Seryosong ekspresyon ang bumalot sa kanyang mukha habang itinutok niya ito sa direksyon ng resort sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nakita niya ang ilang mga barge na nakapark sa tabin
Nasa kwarto na niya si Marian habang hindi alam ang gagawin. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa sobrang pag-iisip. Parang kilalang-kilala siya ng lalaki kanina. Kung hindi lang ito tinawag ng babaeng kasama nito kagabi baka hindi siya nito bibitawan. “Anong gagawin ko? Kailangan na makaalis ako dito bago ako mapunta sa babaeng yon!” Bulong niya sa isip habang nagpalakad-lakad paparoo’t-parito. Kapag kuway may mga yabag siyang narinig papunta sa silid niya. “No. Hindi ito maaari.” Nagpa-panic na ang kalooban niya. Wala na siyang ibang choice kundi dumaan sa bintana. Mabilis niya itong binuksan at tumalon papunta sa malaking puno. Marami itong mga dahon kaya pwede siyang makakubli doon. “Mars, talon!” Biglang nag-pop up ang isang eksena sa kanyang isipan. Napakapit siyang mabuti sa malaking sanga. “Sino ba talaga ako!” Naguguluhang sambit niya. “Ang mga bata, dalhin niyo na sa hideout. Bilis!” Utos ng isang babae sa mga kasamahan nitong mga armadong lalaki, “Isakay n'yo sil
Ang araw ay kumikislap sa ibabaw ng tubig, at ang mga alon ay dahan-dahang pumupulupot bago bumagsak sa baybayin. Si Emerald, ay nakatayo sa buhanginan, hawak ang malapad na surfboard, ramdam ang halo-halong emosyon, takot, kaba at pananabik sa kanyang dibdib. Isinuot niya ang kanyang rash guard at itinali ang leash sa kanyang bukung-bukong. Tumitig siya sa dagat, handang salubungin ang kanyang unang alon. Ang kanyang mga kalamnan ay bahagyang banat mula sa pag-warm up.Ang unang tama ng malamig na tubig sa kanyang binti ay nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Humiga siya sa board at nagsimulang mag-paddle papalapit sa mga alon, ang bawat stroke ng kanyang braso ay laban sa malambot na hampas ng tubig.Habang papalapit ang alon, ramdam niya ang kilig sa kanyang tiyan. Pinalalim niya ang kanyang paddle, sumasabay sa alon hanggang sa maramdaman niya ang tulak nito sa ilalim ng board. Isang mabilis na galaw, at tumayo siya—ang kanyang mga tuhod bahagyang nakabaluktot, ang mga mata nak
Maagang nagising si Yanah dahil balak niyang balikan si Marian sa resort kung saan niya nakita. Kailangan na makuha niya ito sa lalong madaling panahon. Nasa isang Isla sila ng asawa niya dahil sa isang business trip. Ayaw naman siyang iwan sa bahay na mag-isa kaya kahit saan ito magpunta sinasama siya nito. Nasa isang five star hotel sila ngayon at tatlong araw lang ang ilalagi nila sa Isla. Tinitigan niya ang himbing na himbing na natutulog na asawa. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito kagabi. Gumalaw ito kaya mabilis niya itong tinalikuran. Ngunit niyakap siya nito sa bewang. Napapatili na lang siya sa isipan. Ilang minuto muna siyang hindi gumalaw. Nang masiguro niyang himbing na ang tulog nito ulit, dahan-dahan na kinalas niya ang pagkakayakap nito sa bewang niya ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa maliit na bewang niya at kinabig siya pa harap at dinala nito ang braso niya sa bewang nito. Kaya nakayakap na siya ngayon dito. Kahit matagal na silang magkasama