"Nathalie anong plano mo? tila makakarating sa pinuno nila ang nangyari na ito, mag-iingat ka palagi Nathalie, dahil hindi natin alam kung sino na ang mga kalaban natin. Saka nga pala Nathalie binabati kita dahil napigilan mo ang plano ni vice president sa bansang ito at hindi na niya magagawa ang binabalak niya," sambit ni boss Niel."Hindi pa po tayo sigurado boss Niel dahil ang Tito ko ang kasabwat ni vice president para sa binabalak nila na kontrolin ang bansang ito. Ngunit sa mga nalaman ko tungkol sa pagkatao at kasalanan nagawa ng aking tito ay hindi ko siya hahayaan na matuloy pa niya ang kaniyang binabalak. Magbabayad din siya sa pagkamatay ng mga mga magulang ko, dahil napag-alamanan ko sa mga tauhan niya na aking pinagsalita, na ang Tito Markus ko mismo ang kanilang tinururo sa pagkamatay ng magulang ko ng dahil sa inggit dahil sa papa ko ipinamana ng aking Lolo ang lahat ng kaniyang kayaman, nalaman ko rin na si Tito Markus ay isang ampon lang at hindi niya tunay na kapa
Kinabukasan maaga akong nagising ngunit tinatamad pa akong bumangon, nakita ko naman sa aking tabi ang batang si Angel na mahimbing pa ang kaniyang pagkakatulog napahawak din ako sa aking ulo dahil nararamdaman ko na parang bigla akong nahilo, bakit kaya? Hindi kaya ako ay buntis, pero hindi naman ako nasusuka, ahmm--- siguro dahil kagabi naputol ang aking pagkakatulog dahil kay Manang tapos bumalik muli ako sa aking kama para tuluyan na matulog.Napatingin ako sa orasan na nasa wall napansin ko na magalas-shete na ng umaga, ano kaya ngayon naba ako pupunta sa mansion para harapin ang Tito ko? ngunit parang masama ang pakiramdam ko, tiyak kapag ganito ang aking nararamdaman at humarap ako sa kaniya mabilis lang niya ako matatalo kung sakaling maglabanan na. "Kaya mamayang gabi na lang ako pupunta roon sasabihin ko na lang sa Tito ko na masama ang pakiramdam ko at kailangan ko ng konting pahinga, saka pwede naman kahit ano oras ako pupunta sa mansion tutal gusto lang naman niya ako m
"Pagkatapos kong mahuli ang Tito Markus ko ay nagdisisyon na akong bumalik sa rest house ni boss Frank, kampante na naman ako dahil alam kong hindi na makakatakas ang Tito ko sa mga kamay ng kasama kong NBI, tiyak na matutuwa nito sila Manang dahil mawawala na rin ang takot na kanilang nararamdaman ngayon, kailangan din malaman ito ni Frank Smith at sigurado ako na matutuwa 'iyon dahil pinangako ko sa kanya na kapagmahuli ko si Tito Markus at nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko ay tatangapin ko na siya bilang asawa ko, sana naman ay tuparin din niya ang pangako niya na papakasalan ako at makokontento siya sa akin dahil oras na magloko pa siya puputolin ko ang kaligayahan niya..." bulong ko.Naglakad na nga ako palabas ng compound nakita ko naman ang ibang tao na nakatira rito, napansin ko na lahat sila ay nakatingin sa akin na may pagtataka dahil sa nang-yari, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hinayaan ko lang ang mga mata nila hanggang nakalabas na ako ng gat
Namilog ang aking mga mata ng ako ay magising dahil bumungad sa aking harapan ang katawan ni Frank na boxer lang ang suot at kahit ako ay inaantok pa ay napilitan akong bumangon sa aking pagkakahiga.Ilang beses din akong napalunok ng aking laway ng masilayan ko ang sandata ni Frank na namumukol sa kaniyang boxer, bigla naman akong natakam ng makita ko ito, hinayaan na lang ako ni Frank na pagsawaan kong pagmasdan ang kanyang hot na katawan.Bigla akong nagulat ng magsalita si Frank Smith dahilan para bumalik ako sa katinuan."Nathalie, bakit ganyan ang reaksyon ng mukha mo? pinagnanasaaan moba ang katawan ko?" tanong ni Frank."Ahmmm--- hindi po--- nabigla lang ako boss Frank, dahil hindi ko naman po akalain na gising kana pala--- tapos makikita ko na ganyan ang itsura mo hindi ka manlang nagsando, tapos mukhang galit pa yong ano mo," nahihiyang sambit ko."Pasensya Nathalie kanina kasi ng pumasok ako rito galing sa banyo ay nakita kong tulog kapa, kaya hindi ko na naisipan pang mag
Naghahalong galit at pagkamuhi ang naramdaman ko sa aking sarili ng humarap ako sa aking tito kanina, kahit gusto ko siyang patayin ay wala akong magawa dahil sa ngayon ay wala na siyang kalaban-laban, at may batas din akong sinusunod.Kasalukuyan naman akong nakikipagusap sa dalawang tao na malapit sa akin dito sa loob na Black Stone, na sina Bryan at Samantha, alam akong sila ang susunod na magaling na mga NBI rito kung sakaling ako ay aalis na rito sa departamento sana maging inspiration ako sa kanila at sundan ang pinaglalaban ko at hindi sila maligaw ng landas..." bulong ko."Brayn at Samantha napapansin ko lang na Lagi kayong magkasamang dalawa kahit saan man kayo ma-asign na mission, tanong ko lang may namamagitan ba sa inyong dalawa?" tanong ko."Wala naman Miss Nathalie, hindi lang talaga sanay si Samantha ng di ako kasama at alam mo na miss Nathalie, kapag mag-isa ito ay nalalagay na lang lagi ang buhay niya sa kapahamakan mabuti na lang at dumarating ako kaya naiiligtas k
Pagkatapos ng nangyari sa akin sa daan, mabuti naman at nakarating din ako ng ligtas sa rest house ni Frank, pumasok na ako sa loob ng gate matapos akong pagbuksan ng security, pinark ko na ang motor kong gamit sa harap ng bahay ni Frank, bumaba na ako sa motor at bago ako tuluyan pumasok sa loob ng bahay ay humarap ako sa side mirror ng motor at inayos ko ang aking sarili.Naglakad ako palapit sa pinto ng bahay kumatok ako, mabilis naman akong pinagbuksan ni Manang at pinapasok sa loob, dumiretso ako sa kusina para makainom ng tubig, wala naman kakaibang napansin sa akin si Manang kaya siguro hindi na ito nagtanong, pumasok na nga ako sa loob ng kwarto para mahiga, naabotan kong mahimbing na ang tulog ni Frank, kaya naman pinagmamasdan ko lang ito at hindi ko na naisapan pang kulitin dahil nakakaramdam na rin ako ng antok.Humiga na nga ako sa kama habang katabi si Frank, mabilis naman akong nakatulog at umaga na ng ako ay magising.Bumangon na ako sa aking pagkakahiga, nagtungo na a
Nagmadali na akong pumunta sa mansion dahil nasa panganib ang buhay nila Manang at si Angel, hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin sa kanila ng demonyong Tito ko, oras na hindi ako magpakita sa kanya."Hindi pwedeng may mapahamak na naman sa mga mahal ko sa buhay kaya hindi ko na papayagan pa na mangyari iyon, lalot ngayon kaya ko na silang ipagtangol..." bulong ko.Mas lalo kung binilisan ang pagmamaneho ng aking motor para mabilis akong nakarating at makapagharap agad kami ng Tito ko.Hindi naglaon ay nakarating na rin ako sa harap ng village, pinark ko ang motor kong gamit marahan akong lumapit sa pader, dahil naisipan ko na umakyat rito.Nang maka-akyat na nga ako ay mabilis akong tumalon sa loob nagbaybay ako sa gilid ng mga pader hanggang makalapit ako sa mansion, nakita ko ang mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid nito napansin ko rin na mas lalo yatang silang dumami kumpara noong araw na hinuli namin si Tito Markus dito.Binunot ko ang baril ko saka tinutok ko sa
Lumapit ako sa kasama kong NBI ng dumating ang mga ito sa lugar, nakiusap ako sa kanila na samahan sila Manang patungo sa rest house ni boss Frank, dahil naisipan ko na magtungo muna sa puntod ng mga magulang ko para dalawin sila.Sumang-ayon naman ang mga ito at ka agad din sumama at sumakay sa sasakyan si Manang at si Angel, dumating naman ang ambulance at mabilis sinakay ang bangkay ni Tito Markus sa strenchbeed saka pinasok sa loob at nagmadali ng umalis, ako at ang ibang kapwa NBI ko ang tangging natitira sa loob ng village na ito at lumapit ako sa kay Sarget laczon."Sargent Laczon pansamantala ko muna po kayo iiwan dito sa lugar, kayo na ang bahala kung ano man ang nangyari dito at ipaliwanag mo na lang po kay boss Niel na patay na ang Tito ko. Pakiusap ko rin po sana na mag-iwan kayo ng ibang tauhan mo rito sa masion para magbantay, sa ngayon po ay magtutungo mo na ako sa cementery para dalawin ang mga magulang ko. Pa ano po ma-iiwan ko na po kayong lahat dito," anas ko.
Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas
Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk
Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki