"Diego, Can you help me take care of things for the wedding" tanong nya kay Diego ng sumagot ito sa kanyang tawag. [Now?] tanong ni Diego na parang bagong gising pa lang ito, "Yes Bro, I want to marry Lenie now." masayang turan ni DYlan sa kaibigan. [Okay, Okay Bro. Give me time. In the afternoon, I just need to contact ninong Sebastian,] ani Diego sa kanya. [OMG, Kailangan andyan ako Sir. Dylan ha] kinikilig na singit ni Raiza sa kabilang linya. "Of course, Lenie will be happy if you two come to our wedding," [Okay. hon Mauna na ako maligo---- sabay na tayo--- Sige na bro, I have to go.] nag mamadaling binaba ni Diego ang tawag. Natatawa naman si Dylan sa narinig nya sa kabilang linya. ''I think they will be the next to get married' sa kanyang isipan. tumingin sya sa gawi ni Lenie na natutulog pa din, gusto nya pag gising nito ay nakaayos na ang lahat para sa kanilang kasal. Nag dial muli ito sa kanyang telepono at tumawag sa designer nya upang mag padala ng isang white dres
"Ano!? Bakit hinayaan nyong makasal sya kay Dylan Hyun?" gulat na gulat na tanong no Bryan ng malaman nya sa mga Sandoval na kasal na si Lenie. hindi ito makapaniwala na hinayaan lang ni Ramon na mangyare iyon, gayong may usapan ang kanilang mga pamilya na ipakakasal sakanya ang anak nitong babae. "Biglaan din ang lahat," ani Ramon at marahang hinaplos ang kanyang sintido. "Huwag kang mag alala, hijo. hindi din mag tatagal at mag hihiwalay din sila. gagawa ako ng paraan" puro ng kumpyansang turan ni Ramon. Bahagya naman gumaan ang ekspresyon ng binatan "Siguraduhin nyo lang, uncle Ramon. Malaking kahihiyan ito saamin" saad ni Bryan sa kanya. Madami na din kasi silang napag sabihan na business partners na mag iisang pamilya na ang Sandoval at Hernandez. malaking eskandalo kapag kumalat na ikinasal ito sa iba, lalong lalo na sa mga Hyun. ----- [Kamusta ang buhay Mrs. Hyun?] masiglang bati ni Raiza mila sa kabilang linya. "Ayos lang naman," ani Lenie habang nag hahanda ng lunch
Nakangiting umupo si Maxine sa opisina ni Ramon Sandoval, tinawagan kasi siya ng matanda dahil may mahalaga daw itong gustong sabihin. "So what is it, Mr. Sandoval?" malandi ang mga tono ng pananalita nito, puno ng kumpyansa ang sarili--- akala niya'y may gusto sa kanya ang matandang lalaki. "I have something to propose with you," nakangiti ding turan ni Ramon. "I know you like Dylan Hyun, right? I am more happy if you'll flirt that man." mapaglaro ang mga tingin nito na may binabalak na masama. Kumunot ang noo ni Maxine, nawala ang malanding mga ngiti dahil sa mga narinig. "What do you mean, Mr. Sandoval?" tanong nya dito. "I what you to destroy Dylan Hyun to his wife," Diretso at walang paligoy-ligoy na ani Ramon. Tinitigan siyang maigi ni Maxine, halata ang pag tatanong sa mga mata nito. Mabilis din na inalis ni Maxine ang kuryosidad sa mga mata. "But why? I mean, What is it for you if I destroy Dylan Hyun?" "It so simple, I don't want him for my Daughter," kaswal na saad
KINUHA ni Lenie ang kanyang telepono, kakatapos lang nya mag shower no'n habang si Dylan naman ang sumunod na nag shower.Masaya nyang sinagot ang tawag ng makitang si Raiza iyon."Rai-Rai, napatawag ka?" masaya nyang bati, ngunit agad din nawala ng marinig nya ang mga hikbi ng kaibigan sa kabilang linya, Kinabahan sya dahil hindi naman ganon ang kanyang kaibigan, sigurado siya na may mabigat itong problema."A-anong problema Rai?" nag-aalala nyang tanong sa kaibigan.[P-pwede mo ba k-kaming tulungan Len?" putol putol na tanong ni Raiza sa kanya, bumalot ang kaba sa dibdib ni Lenie ng marinig ang boses ng kaibigan, alam nyang may mabigat itong pinag dadaanan.."Oo naman, Para san pa't mag kaibigan tayo. ano ba iyon Rai?" tanong nyang muli dahil kinakabahan siya sa mga iyak ng kanyang kaibigan.Napatingin siya sa pinto ng banyo ng lumabas do'n ang kanyang asawa, Sinenyasan nya na kausap nya ang kanyang kaibigan kaya tumango lang ito at hindi na nag usisa.Huminga ng malalim si Raiza sa
Nasa bahay ng mga Hyun si Raiza, kasama nito si Rose at Diego na kasalukuyan din nag aantay ng balita mula kay Dylan. Lahat sila sa sala ay pawang mga seryoso at ni isa sa kanila ay wala manlang nag sasalita. Napalingon silang lahat sa lalaking kadarating lang at mabilis na kumapit kay Lenie upang humalik. "Bro, What happened?" Maagap na tanong ni Diego, hindi na sya makapag antay gusto na nyang malaman ang ginawa nito sa lumapastangan sa kanyang nobya."Wala si Mr. Lee," panimula ni Dylan habang inalalayan maupo si Lenie sa sofa, Sinenyasan nya ang kasambahay na mag dala ng maiinom dahil ramdam nya ang tensyon sa kanyang asawa."Wala na sya?" Tanong ni Rose ng may pag tataka."Oo, Wala na syang kahit anong negosyo, Babalik na din sya sa Korea. wala tayong matibay na ebidensya na makakapag diin sa kanya, Pasyensya na kayo," saad ni Dylan dahil alam nya na gusto ng mga to ng hustisya ngunit hindi nya maibigay dahil mahina ang hawak nilang ebidensya. makapangyarihan din si Mr. Lee ku
NAGHANDA ng hapunan si Lenie, alas syete na ng gabi. inaantay na lamang nya si Dylan na makauwi para sabay na silang kumain. Kanina pa nakakain si Marco, dahil kailangan nitong uminom ng gamot kaya nauna na ito. Nakaupo siya sa Sofa habang matsagang nag aantay sa kanyang asawa. Malamig na lang ang kanyang hinain na pagkain ay wala pa din ito. Kinuha nya ang kanyng telepono at nag message kay Dylan. "Anong oras ka makakauwi," pag ka send niya ng kanyang message, inilapag na nya ang kanyang telepono. Hindi sya nireplyan ng kanyang asaawa. Naisip nya'y siguro busy ito kaya hindi pa siya nirereplyan. halos dalawang oras din siyang nag antay sa kanyang asawa, tatayo na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang bahay. NAkita nya ang kanyang asawa, mabilis niya itong nilapitan at niyakap. Hahalikan sana niya si Dylan ngunit umiwas ito. "Pagod ka ba? may hinain akong pgkain. halika sabay na tayo kumain---" "G-Gusto ko nang mag p-pahinga," ani Dylan na hindi na pinatapos ang as
MAGHAPON lang na nanood ng movie si Lenie at Dylan, Hindi maalis sa mga labi ni Lenie ang saya ng kanyang nararamdaman dahil kasama nya maghapon ang asawa. "Ang saya ko ngayon," bulalas ni Lenie habang naka sandal siya sa matiponong dibdib ni Dylan, tinignan siya nito at hinalikan ang kanyang buhok. "Siguro'y dapat dalasan ko ang pag lalaan ng oras sayo, hayaan mo. Aayusin ko ang schedule ko para mas madami akong oras sainyo," sambit ni Dylan sabay hawak sa tiyan ni Lenie. Ramdam na niya ang umbok ng tiyan nito. biglang pumasok sa kanyang isipan ang pre-natal Check up ng kanyang asawa. "Oo nga pala, Bakit hindi tayo mag pacheck up upang malaman natin kung okay at malusog si Baby?" suhestiyo ni Dylan sa kanya. Mabilis na naupo si Lenie, bakas sa mukha nito ang pagka sabik sa mga narinig. "Sige, Gusto ko iyan." masigla niyang turan. Napangiti si Dylan sa sayang nakita sa mga mukha ni Lenie, ang kaligayahan ng kanyang asawa ay hindi matutumbasan ng kahit na anong materyales. "Uh
MABILIS na naisugod ni Ramon ang kanyang Ina sa pinaka malapit na Hospital sa kanila, Kasalukuyan itong tinitignan ng doktor na naka a sign kay Rosalina, Palakad lakad si Ramon habang nasaloob ng Emergency Room ang kanyang Mama, na nag aagaw buhay.Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita na inilabas ito sa Emergency Room."Anong nangyayare, saan nyo dadalhin ang Mama ko?" Nag-aalalang tanong ni Ramon sa doktor, ngunit hindi siya sinagot ng mga ito bakgus ay mabilis na tumakbo tulaktulak ang stretcher kung saan nakahiga ang kanyang magulang.Naupo siya sa labas ng OR kung san ipinasok ang kanyang mama, nag aalala siya ngunit napaisip siya sa mga tinuran ng matanda kani-kanina sa kaniya.Napaawang ang kanyang ulo ng mapag tanto na tila umuurong na sa plano ang kanyang mama.'Hindi kaya'y nakapag usap sila ni Lenie?' panaka-nakang tanong niya sa kaniyang isipan. dahil parang nag iba ang ihip ng hanggan at bigla na lamang itong tumututol sa kanyang mga plano na naging dahilan pa ng pag sug
PINILIT ni Lenie na mag mukhang maayos kahit pa namumugto na ang mga mata, Hindi niya kayang manatili sa bahay ng kaniyang ama. Parang hindi siya makahinga sa loob ng bahay na iyon. Narinig niya ang busina mula sa labas ng kanilang bahay, Alam niyang si King na iyon. lumabas siya agad at walang sabi sabing pumasok sa sasakyan ng lalaki. Napansin ni King ang mugtong mga mata ni Lenie, Nag tataka siya, kanina lang ay masaya ito ngayon Nakita niyang galing sa pag iyak ang babae. "May nangyare ba?" nag aalalang tanong ni King sa babae, Hindi siya sinagot ni Lenie sa halip ay tipid itong ngumiti sa kaniya. "Happy birthday, Kingkong." bati ni Lenie sa kaniya, Kahit alam niyang may mabigat ma problema ito, hindi na lang niya pinilit na mag kwento ang babae, nirerespeto niya ang desisyon nito. Malumanay na pinaandar ni King ang kaniyang sasakyan, Tahimik lang ang byahe nila. hanggang sa makarating sila sa Mansyon nito, Nanatiling tahimik si Lenie. Bumaba sila ng sasakyan, Pin
NAKA tingin lang si Lenie kay Dylan, Pinag iisipang maigi kung dapat paba niyang malaman ang buong katotohanan o hayaan nalang iyon at ibaon sa limot. Malalim na bumuntong hininga si Lenie, Kailangan niyan harapin iyon, kung hindi niya aalamin. parang tinanggalan niya ang kaniyang sarili na malaman ang buong katotohanan, kung bakit lubos siyang nawasak. "Makikinig ako," Matapang na saad ni Lenie. ngumiti si Dylan, at nag simulang ikwento ang nangyare kanina. ----- "Dylan, maawa ka b-buntis ako," Pakiusap ni Maxine sa sobrang takot dahil sa labis na bilis nang takbo ng kotse. Hindi siya pinakinggan ni Dylan, Tila wala na itong takot sa kamatayan, wala nang saysay ang buhay niya dahil wala na sa kaniya ang babaeng pinaka mamahal niya. Nakita ni Maxine ang pag tulo ng
BLANGKO ang isipan ni Dylan ng tinungo ang bahay ng nga Sandoval, Lugmok ang ang itsura at puno ng pag sisisi ang mga mata. Nakatayo lang siya sa labas ng malaking gate ng mga Sandoval, Hindi niya alam kung paano at kung saan kukuha ng lakas ng loob para makausap si Lenie. Nangungilila na siya sa babae, Gusto niyang makausap manlang ito. Alam niyan hindi na niya pwedeng ipilit ang sarili sa babae dahil isa na siyang marumi at hindi karapat dapat dito. Tanggap na niya iyon sa kaniyan loob, sadyang hindi lang niya mapigilan na hindi mangulila sa dating asawa. Malalim na huminga si Dylan at malakas na napabuntong hininga, Buong loob niyang nilakasan ang kaniyang dibdib upang humugod ng lakas, Dahan dahan niyang pinindot ang Doorbell na nasa labas ng gate. Ilang sandali pa'y may narinig siyang yabag ng paa, "Sino yan--" natigilan si Lenie ng pag bukas niya ng gate ay tumambad sa kaniya si Dylan. Nagulat siya sa itsura nito, malaki ang eyebags na halatang hindi nakakatulog
ALIGAGA si Dylan, nasa health center sila. Kasama niya si Maxine do'n dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang maselang parte ng katawan. Hindi siya mapakali dahil hindi naman niya iyon nararamdaman noon.Minabuti niyang mag patingin kasama si Maxine dahil masama ang kaniyang kutob dito.Lumapit ang doktor sa kanila dala ang resulta ng HIV test nni Maxine, "Doc, Ano pong resulta?" tanong kaagad ni Dylan."Ms. Smith, I want to discuss your test results with you," panimula ng doktor, hindi sila umimik, tila inaantay ang susunod na sasabihin ng doktor."unfortunately, your HIv test came back positive, which means that you have contracted the human immunodeficiency virus." dagdag pa ng Doktor sa kanila.Labis ang pagka bigla sa mukha ni Dylan, tama ang kaniyang hinala. Nahawa nga siya ng HIV sa babae... napatingin siya kay Maxine na parang nandidiri siya dito."Umamin ka sakin, Sino pa ang nakatalik mo bukod sa'akin? SU
INILAPAG ni Lenie ang Urn ni Amanda sa isang kwarto kung saan ipinaayos ni Ramon para sa labi ni Amanda, masaya si Lenie ng makuha ng mga kaibigan ang gamit niya. Lumabas siya at pinuntahan ang mga ito sa garden nila, agad naman siyang sinalubong ni King na may mga ngiti sa labi at pumunta sa kaniyang likuran upang itulak ang kaniyang wheelchair. "Ano ba yan Len, bilisan mo ang pag galing at mag paganda ka ng bongga, hayaan mong mamatay sa pag sisisi si Dylan dahil niloko ka niya," bungad ni Raiza sa kaniyang kaibigan, napangiti lang si Lenie sa sinabi ng kaibigan. "Hindi na niya kailangan maging maganda, maganda naman na siya," papuri ni King sa babae na dahilan ng pag pula ng pisngi nito. "Huwag na natin siya pag usapan," saad ni Lenie, ayaw na niyang marinig ang tungkol sa lalaki, gusto niyang makalimot sa sakit na ibinigay nito sa kaniya lalo pa't nawalan siya ng anak ng dahil sa ginawa nito sa kaniya. "T
"Anong pinag sasabi mo diyan, Ahas ka!" galit na saad ni Raiza kay Maxine, agad naman siyang hinawakan ni DIego sa braso nang akmang susugurin nito ang babae. "Enough, Hon. Let her explain," saad ni Diego, napatingin sa kaniya ang nobya na hindi makapaniwala sa tinuran ng nobyo. "Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo," ani Raiza at walang sabi-sabing pumasok na sa loob ng bahay nila Dylan. Dumaretso sila sa Living room ng bahay, umupo silang tatlo at naiwang nakatayo si Maxine. Biglang dumating si Dylan do'n. "A-anong ginagawa nyo dito?" tanong niya nang makita ang tatlo sa kaniyang bahay. "Hindi ba't dapat kami ang mag tanong niyan? anong ginagawa ng babaeng yan dito?" taas kilay na turan ni Raiza, halata ang mataray nitong itsura dahil sa nakita. "M-may kailangan kayong malaman," ani Dylan maluman
"Wala ka bang gagawin?" tanong ni Lenie sa naiwang lalaki sa kaniyang silid. Tumingin ito sa kaniya habang nag babalat ng mansanas, "Wala, natapos ko naman na ang session ng lola mo," kaswal na saad nito sa kaniya. Inabot ni King ang hiniwang mansanas kay Lenie, "Salamat," ani Lenie sa lalaki, tumabi naman ito sa kaniya at umupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Salamat sa pag dala mo dito kay Lola, ha?" saad ni Lenie sa lalaki, ngumiti si King sa kaniya. "Alam kong gusto ka niyang makita, at ganon ka din." turan ni King sa babae. Bumalot ang katahimikan sa buong silid, Pinag masdan ni King ang itsuran ni Lenie, tahimik lang ito pero alam niyang mabigat ang dinadalang problema sa dibdib ng babae. "Pwede kang mag sabi sakin ng nararamdaman mo," Basag ni King sa katahimikan ng silid, Napatingin si Lenie sa kaniya at tipid na ngumiti. "A-ano namang sasabihin ko sayo?" tanong ni Lenie sa lalaki, natawa naman si King sa tanong ng babae sa kaniya kaya mas pinili nalang niyang tu
NAKITA ni Lenie ang tuluyang pag labas ni Dylan sa kaniyang silid, do'n niya naibuhos ang labis na hinagpis at sakit na kanina pa niya pinipigilan dahil ayaw niyang makita ni Dylan na sobra siyang nasasaktan, ayaw niyang bigyan ito ng kahit kaunting pag-asa na maaayos pa ang unos sa pagitan nilang dalawa, hanggang dito na lang para sa kaniya ang istorya nilang mag asawa. Pinunasan ni Lenie luha sa kaniyang mukha, inayod niya ang tindig ng kanyang balikat. "Kakayanin ko, kailangan kong kayanin" aniya sa kaniyang sarili, hindi madali para sa kaniya ang naging desisyon nya pero kailangan niyang gawin iyon. Kung tunay ang pag-mamahal sakaniya ni Dylan, hindi nito gagawin ang bagay na labis na makakadurog sa kaniya. Mahal siya ni Dylan pero hindi ganon ka puro ang pag mamahal na iyon kaya nagawa siyang pag taksilan ng asawa, Sapat na para kay Lenie na mag desisyon ng hiwalayan lalo pa't wala na ang nag iissng dahilan kung
PINAKALMA ni Ramon si Lenie dahil masama para sa anak ang umiyak ng sobra at mastress, "anong gusto mong gawin ko, Anak. sabihin mo at gagawin ko." malumanay na saad ni Ramon habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nag isip si Lenie, sobrang sakit ng idinulot sa kaniya ni Dylan, Hindi na niya kaya pang makasama o makita manlang ang lalaki, ang buong akala niya'y mahal siyang totoo nito, ngunit nag kamali siya. KAya lang ito nang ibang lalaki, manloloko. Tumingin si Lenie sa kaniyang ama, "A-ayoko na pong... maging asawa ni D-dylan," ani Lenie basag ang mga tinig nito dahil sa matinding pag iyak. "Gusto mo ba ng divorce?" tanong ni Ramon sa anak. Tumango naman si Lenie sa kaniyang ama. "Wala nang say-say ang kasal namin, wala na din naman ang anak ko. Nandidiri ako sa kaniya... Hindi ko na siya gustong makita," ani Lenie kasabay ang pag tulo muli ng luha sa kaniyang mga mata. may pighati sa mga mata nito, halo