NAKAUWI na si Lenie galing sa party, tulala lang ito sa kisame ng kanyang silid habang naka higa. bumabalik sa alaala nya ang mga sinabi ni Dylan sa kanya. "Napaka walang kwenta mong tao, ni hindi mo manlang nagawang alamin muna ang totoo, basta mo nalamang akong hinusgahan." ani Lenie habang naka tingin padin sa kisame, tumulo ang luha sa mga mata nya. hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganon na lang ang ipekto ng lalaki sa kanya. nasasaktan sya sa mga tinuran nito sa kanya. Hindi nya lubos matanggap na ganong klase ng babae pala ang tingin sa kanya ng lalaki. "Lenie? andyan ka na ?" napatingin siya sa pinto ng silid ng marinig ang tinig ng kanyang kaibigan, bahagya siyang naupo at mabilis na pinahid ang luha mula sa mga mata. "a-andito ang Rai, pasok ka." aniya sa garalgal na boses, halatang galing ito sa iyak dahil mugto ang kanyang mga mata. Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at nakita nya ang kaibigan na si Raiza kasama si Diego. Napangiti siya ng makita an
HINDI MAWALA sa isip ni Dylan ang nangyare ng gabi noong birthday ng kanyang daddy. nag lalaro sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Lenie sakanya. at kung hindi si Diego ang ama ng kanyang pinag bubuntis ay til kaisipan padin sa kanya."Hindi kaya ako ang ama ng dinadala niya?" napa hawak sya sa kanyang sentido hindi niya, halo-halo ang kanyang iniisip. kinuha nito ang kanyang telepono sa kanyang lamesa at nag dial ng numero.Maya maya lang ay sinagot na agad ng kabilang linya ang kanyang tawag. [Hello, Mr. Hyun.] sagot ng kabilang linya."Detective Sanches." pag bati niya sa kanyang kausap.Si detective Sanchez ay isa sa mga pinag kakatiwalaan niyang detective dahil noon pa man ay hindi na siya nito binigo at ni minsan ay hindi to nasisilaw sa pera kahit na malaki ang ibayad dito upang mag sinungaling ay hindi nito tinatanggap iyon."I want you to Investigate Lenie Falcon." Walang pag aatubiling saad ni Dylan gusto niya makumpirma ang kanyang agam-agam dahil hindi siya nito pinatatah
"Lenie po, Lenie Falcon"Pagkasabi nya non ay agad siyang niyakap ng lalaki, nagulat sya ng gawin iyon ng lalaki pero- mas nagulat siya ng hindi niya ito itinulak, bagkos ay niyakap nya rin ito pabalik. Hindi niya alam pero magaan ang kanyang kalooban sa matandang lalaki. "Nakita na din natin siya, Ramon" ani Lola Rosalina sa kanyang ama, humiwalay sa yakap ang matandang Lalaki at pina-kaitigan siyang maigi. "S-sino ang iyong Magulang?" tanong nito sa kanya,Nakita niya sa gilid na umiiyak si Lola ROsalina hindi niya alam kung anong nangyayare sa mga oras na iyon tila litong lito siya."Patay na po sila pareho.... pero hindi ko po naabutan ang Papa ko, si Mama lang po," aniya sa matandang lalaki. "Anong pangalan ng iyong m-mama?" tanong muli nito sa nanginginig na tinig."Amanda Falcon, po" pagkasabi niya no'n ay napaiyak nalang tuluyan ang lalaki sa kanyang harapan. gayon din si Lola ROsalina ay napalakas na ang iyak. nag tataka siya sa mga ito, hindi niya alam ang nangyayare."Ba
NAKATITIG si Lenie sa kanyang repleksyon sa salamin, pinag mamasdan niyang maigi ang kanyang sarili, madaming nag lalaro sa kanyang isip. mula sa kanyang pag bubuntis hanggang sa mga nalaman niya kanina na buhay ang kanyang ama. Hindi niya alam kung kaya ba nyang tanggapin ang ama dahil hindi naman niya ito nakasama simula pa noong bata siya, tanging si Amanda lang ang nag palagi at tumayong magulang sakanya. Pinunasan ni Lenie ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mata at malalim na huminga. "Malalampasan ko din lahat ng ito." matatag niyang sinabi sa repleksyon ng kanyang sarili sa salamin. Nang matapos siyang maligo, umupo siya sa kanyang kama. malalim pa din ang kanyang iiisip habang pinapatuyo ang kanyang buhok. "Lenie? ano nang nangyare sayo? bakit hindi kapa nalabas riyan," nagulat siya nang may malakas na kumatok sa kanyang silid. ang akala niya ay umalis na ang lalaki, kaya hindi na siya nag abalang lumabas pa ulit. Tumayo siya at binuksan ang pinto ng kwarto. "Napaka tag
NAGISING si Lenie sa isang masarap na panaginip. tinignan nya ang tabi ng kanyang kama, "Panaginip nga lang talaga," bulong niya sa kanyang sarili. Bumangon na sya at dumaretso sa banyo, nag hilamos lang sya ng kanyang sarili at muling tinignan ang kanyang repleksyon sa salamin. "Panaginip lang yon, wag kang delulu na akala mo ganon ganon ka lang matatanggap ng lalaking iyon," aniya sa kanyang repleksyon. Lumabas sya sa kanyang silid, paglabas niya ay may kakaiba siyang naamoy. Hindi iyon nagutuhan ng kanyang ilong kaya dali-dali syang tumungo sa Lababo upang sumuka. "Gising ka na pala, bakit may masakit ba sayo?" ani Dylan na ikinagulat ni Lenie, "H-Hindi ka panaginip?" saad niya sabay hawak sa mukha ng lalaki ng makalapit ito sa kanya, natawa naman sakanya si Dylan. "Napapanaginipan mo ako, ano?" mapang biro nitong saad sa babae. Muling naamoy ni Lenie ang kakaibang amoy na iyon kaya muli siyang sumuka. wala naman nalabas sa bawat duwal niya dahil wala pa din laman ang kan
"Pwede ba tayong pumunta sa Goldenrod Hotel?" Tanong ni Lenie sa nag mamanehong si Dylan, mabilis siyang tinignan nito at ngumiti. "Oo naman, sige dun nalang tayo matulog." ani Dylan habang nakatuon ang mga mata sa daan. Sandaling nag isip si Lenie sa sinabi nito, ang unit ni Dylan ang lugar kung san sila unang beses na mag daupang palad. kinakabahan siya dahil baka dun din mangyare ang pangalawa. namula ang kanyang mukha sa mga pumasok na posibilidad sa kanyang isip. "Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Dylan sa kanya. "H-ha? ano, wala... ayos lang ako," sagot nya dito, natawa naman si Dylan dahil mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ito namumula ng ganon. "Do'n tayo matutulog dahil para makapag pahinga ka agad," aniya sa babae, umayos ng upo si Lenie, kinalma nya ang kanyang dibdib dahil sa kaba ay parang sasabog na iyon. Nakarating sila sa Goldenrod Hotel ng alasingko na ng hapon, mabilis na bumaba ng kotse si Lenie, hinahabol nya ang oras dahil alasingko nag a-out
Nagising si Dylan nang marinig nitong tumunog ang kanyang telepono, Tumingin muna sya sa kanyang katabi na mahimbing ang tulog, Dahan dahan niyang inalis ang kumot at tumayo mula sa kama. Pagtingin niya sa tumawag ay ang detective pala iyon na kanyang inutusan. walang pag aatubiling sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Detective Sanchez," panimula ni Dylan sa kabilang linya. [Mr. Hyun, nakakuha na po ako ng impormasyon tungkol sa pina-imbestigahan ninyo, Pwede ka po ba ngayon?] daretso at walang pag aatubiling ani ni Mr. Sanchez sakanya. Tumingin muna sya sa natutulog na si Lenie bago muling sumagot, "Okay, Sa office ko nalang. pupunta na ako." kaswal na saad nito sa kanyang kausap. binaba na nya ang tawag at lumapit sa natutulog na babae. "Love..." tawag nya dito at marahang kinalabit, ginigising nya ito para sana sumama sa kanya sa opisina ngunit mahimbing pa rin itong natutulog. siguro'y napagod ito sa ginawa nila kagabi. hinalikan nya sa noo si Lenie tsaka tinungo ang
NATAPOS si Lenie sa kanyang kinakain, tumayos na sya at tumungo sa pwesto ng tindera upang mag bayad na. "Miss, Magkano po lahat ng akin?" tanong nya sa Matandang babaeng bantay sa karinderya."singkwenta lang ineng," saad ng matanda sa kanya, ngumiti siya at kinuha ang kanyang pitaka sa kanyang bulsa. "Ito po, salamat po." aniya sabay abot ng kanyang bayad, sandali pa siyang nag antay don para sa kanyang sukli. Napatingin siya sa dalawang magkasintahan nag kapapasok lang sa loob ng karinderya at dumaretso ito sa pwesto malapit sa kanya. "Hoy matanda, Bigyan mo kami nito, ito, atsaka ayan. pakibilisan nyo lang at nagugutom na ang girlfriend ko," ani ng Lalaki sa matandang tindera, tinignan lang sila ni Lenie habang papunta ang dalawa sa kanilang lamesa na uupuan. "neng, ito ang sukli mo," ani sakanya ng matandang babae tsaka inabot nya ang sukli nya---- Mag lalakad na dapat si Lenie ng makita nya ang isang pulubing babae, madumi ito at may dalang sako, lumapit ang pulubi sa pwesto
PINILIT ni Lenie na mag mukhang maayos kahit pa namumugto na ang mga mata, Hindi niya kayang manatili sa bahay ng kaniyang ama. Parang hindi siya makahinga sa loob ng bahay na iyon. Narinig niya ang busina mula sa labas ng kanilang bahay, Alam niyang si King na iyon. lumabas siya agad at walang sabi sabing pumasok sa sasakyan ng lalaki. Napansin ni King ang mugtong mga mata ni Lenie, Nag tataka siya, kanina lang ay masaya ito ngayon Nakita niyang galing sa pag iyak ang babae. "May nangyare ba?" nag aalalang tanong ni King sa babae, Hindi siya sinagot ni Lenie sa halip ay tipid itong ngumiti sa kaniya. "Happy birthday, Kingkong." bati ni Lenie sa kaniya, Kahit alam niyang may mabigat ma problema ito, hindi na lang niya pinilit na mag kwento ang babae, nirerespeto niya ang desisyon nito. Malumanay na pinaandar ni King ang kaniyang sasakyan, Tahimik lang ang byahe nila. hanggang sa makarating sila sa Mansyon nito, Nanatiling tahimik si Lenie. Bumaba sila ng sasakyan, Pin
NAKA tingin lang si Lenie kay Dylan, Pinag iisipang maigi kung dapat paba niyang malaman ang buong katotohanan o hayaan nalang iyon at ibaon sa limot. Malalim na bumuntong hininga si Lenie, Kailangan niyan harapin iyon, kung hindi niya aalamin. parang tinanggalan niya ang kaniyang sarili na malaman ang buong katotohanan, kung bakit lubos siyang nawasak. "Makikinig ako," Matapang na saad ni Lenie. ngumiti si Dylan, at nag simulang ikwento ang nangyare kanina. ----- "Dylan, maawa ka b-buntis ako," Pakiusap ni Maxine sa sobrang takot dahil sa labis na bilis nang takbo ng kotse. Hindi siya pinakinggan ni Dylan, Tila wala na itong takot sa kamatayan, wala nang saysay ang buhay niya dahil wala na sa kaniya ang babaeng pinaka mamahal niya. Nakita ni Maxine ang pag tulo ng
BLANGKO ang isipan ni Dylan ng tinungo ang bahay ng nga Sandoval, Lugmok ang ang itsura at puno ng pag sisisi ang mga mata. Nakatayo lang siya sa labas ng malaking gate ng mga Sandoval, Hindi niya alam kung paano at kung saan kukuha ng lakas ng loob para makausap si Lenie. Nangungilila na siya sa babae, Gusto niyang makausap manlang ito. Alam niyan hindi na niya pwedeng ipilit ang sarili sa babae dahil isa na siyang marumi at hindi karapat dapat dito. Tanggap na niya iyon sa kaniyan loob, sadyang hindi lang niya mapigilan na hindi mangulila sa dating asawa. Malalim na huminga si Dylan at malakas na napabuntong hininga, Buong loob niyang nilakasan ang kaniyang dibdib upang humugod ng lakas, Dahan dahan niyang pinindot ang Doorbell na nasa labas ng gate. Ilang sandali pa'y may narinig siyang yabag ng paa, "Sino yan--" natigilan si Lenie ng pag bukas niya ng gate ay tumambad sa kaniya si Dylan. Nagulat siya sa itsura nito, malaki ang eyebags na halatang hindi nakakatulog
ALIGAGA si Dylan, nasa health center sila. Kasama niya si Maxine do'n dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang maselang parte ng katawan. Hindi siya mapakali dahil hindi naman niya iyon nararamdaman noon.Minabuti niyang mag patingin kasama si Maxine dahil masama ang kaniyang kutob dito.Lumapit ang doktor sa kanila dala ang resulta ng HIV test nni Maxine, "Doc, Ano pong resulta?" tanong kaagad ni Dylan."Ms. Smith, I want to discuss your test results with you," panimula ng doktor, hindi sila umimik, tila inaantay ang susunod na sasabihin ng doktor."unfortunately, your HIv test came back positive, which means that you have contracted the human immunodeficiency virus." dagdag pa ng Doktor sa kanila.Labis ang pagka bigla sa mukha ni Dylan, tama ang kaniyang hinala. Nahawa nga siya ng HIV sa babae... napatingin siya kay Maxine na parang nandidiri siya dito."Umamin ka sakin, Sino pa ang nakatalik mo bukod sa'akin? SU
INILAPAG ni Lenie ang Urn ni Amanda sa isang kwarto kung saan ipinaayos ni Ramon para sa labi ni Amanda, masaya si Lenie ng makuha ng mga kaibigan ang gamit niya. Lumabas siya at pinuntahan ang mga ito sa garden nila, agad naman siyang sinalubong ni King na may mga ngiti sa labi at pumunta sa kaniyang likuran upang itulak ang kaniyang wheelchair. "Ano ba yan Len, bilisan mo ang pag galing at mag paganda ka ng bongga, hayaan mong mamatay sa pag sisisi si Dylan dahil niloko ka niya," bungad ni Raiza sa kaniyang kaibigan, napangiti lang si Lenie sa sinabi ng kaibigan. "Hindi na niya kailangan maging maganda, maganda naman na siya," papuri ni King sa babae na dahilan ng pag pula ng pisngi nito. "Huwag na natin siya pag usapan," saad ni Lenie, ayaw na niyang marinig ang tungkol sa lalaki, gusto niyang makalimot sa sakit na ibinigay nito sa kaniya lalo pa't nawalan siya ng anak ng dahil sa ginawa nito sa kaniya. "T
"Anong pinag sasabi mo diyan, Ahas ka!" galit na saad ni Raiza kay Maxine, agad naman siyang hinawakan ni DIego sa braso nang akmang susugurin nito ang babae. "Enough, Hon. Let her explain," saad ni Diego, napatingin sa kaniya ang nobya na hindi makapaniwala sa tinuran ng nobyo. "Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo," ani Raiza at walang sabi-sabing pumasok na sa loob ng bahay nila Dylan. Dumaretso sila sa Living room ng bahay, umupo silang tatlo at naiwang nakatayo si Maxine. Biglang dumating si Dylan do'n. "A-anong ginagawa nyo dito?" tanong niya nang makita ang tatlo sa kaniyang bahay. "Hindi ba't dapat kami ang mag tanong niyan? anong ginagawa ng babaeng yan dito?" taas kilay na turan ni Raiza, halata ang mataray nitong itsura dahil sa nakita. "M-may kailangan kayong malaman," ani Dylan maluman
"Wala ka bang gagawin?" tanong ni Lenie sa naiwang lalaki sa kaniyang silid. Tumingin ito sa kaniya habang nag babalat ng mansanas, "Wala, natapos ko naman na ang session ng lola mo," kaswal na saad nito sa kaniya. Inabot ni King ang hiniwang mansanas kay Lenie, "Salamat," ani Lenie sa lalaki, tumabi naman ito sa kaniya at umupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Salamat sa pag dala mo dito kay Lola, ha?" saad ni Lenie sa lalaki, ngumiti si King sa kaniya. "Alam kong gusto ka niyang makita, at ganon ka din." turan ni King sa babae. Bumalot ang katahimikan sa buong silid, Pinag masdan ni King ang itsuran ni Lenie, tahimik lang ito pero alam niyang mabigat ang dinadalang problema sa dibdib ng babae. "Pwede kang mag sabi sakin ng nararamdaman mo," Basag ni King sa katahimikan ng silid, Napatingin si Lenie sa kaniya at tipid na ngumiti. "A-ano namang sasabihin ko sayo?" tanong ni Lenie sa lalaki, natawa naman si King sa tanong ng babae sa kaniya kaya mas pinili nalang niyang tu
NAKITA ni Lenie ang tuluyang pag labas ni Dylan sa kaniyang silid, do'n niya naibuhos ang labis na hinagpis at sakit na kanina pa niya pinipigilan dahil ayaw niyang makita ni Dylan na sobra siyang nasasaktan, ayaw niyang bigyan ito ng kahit kaunting pag-asa na maaayos pa ang unos sa pagitan nilang dalawa, hanggang dito na lang para sa kaniya ang istorya nilang mag asawa. Pinunasan ni Lenie luha sa kaniyang mukha, inayod niya ang tindig ng kanyang balikat. "Kakayanin ko, kailangan kong kayanin" aniya sa kaniyang sarili, hindi madali para sa kaniya ang naging desisyon nya pero kailangan niyang gawin iyon. Kung tunay ang pag-mamahal sakaniya ni Dylan, hindi nito gagawin ang bagay na labis na makakadurog sa kaniya. Mahal siya ni Dylan pero hindi ganon ka puro ang pag mamahal na iyon kaya nagawa siyang pag taksilan ng asawa, Sapat na para kay Lenie na mag desisyon ng hiwalayan lalo pa't wala na ang nag iissng dahilan kung
PINAKALMA ni Ramon si Lenie dahil masama para sa anak ang umiyak ng sobra at mastress, "anong gusto mong gawin ko, Anak. sabihin mo at gagawin ko." malumanay na saad ni Ramon habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nag isip si Lenie, sobrang sakit ng idinulot sa kaniya ni Dylan, Hindi na niya kaya pang makasama o makita manlang ang lalaki, ang buong akala niya'y mahal siyang totoo nito, ngunit nag kamali siya. KAya lang ito nang ibang lalaki, manloloko. Tumingin si Lenie sa kaniyang ama, "A-ayoko na pong... maging asawa ni D-dylan," ani Lenie basag ang mga tinig nito dahil sa matinding pag iyak. "Gusto mo ba ng divorce?" tanong ni Ramon sa anak. Tumango naman si Lenie sa kaniyang ama. "Wala nang say-say ang kasal namin, wala na din naman ang anak ko. Nandidiri ako sa kaniya... Hindi ko na siya gustong makita," ani Lenie kasabay ang pag tulo muli ng luha sa kaniyang mga mata. may pighati sa mga mata nito, halo