SUMMER POV:“Sabihin mo sa akin. Kailangan kong malaman.” Giit ko. Higit sa lahat, napakahalaga sa akin ng katapatan.Sana ay hindi niya sa akin ipagkait ang bagay na yon.Nagbuntong-hininga siya, naglandas ang daliri sa panga ko, humaplos sa pang ibabang labi ko ang hinlalaki niya. Hindi nawawala ang takot. Mas lumalaki pa nga habang dumadaan ang oras.“Nakausap ko na ang doktor at totoo ang sinabi mo na may health problem ang lolo ko kaya umalis ng bansa.”Diyos ko naman. Nasa panganib ba kami?Wala na siyang ibang masabi, nakatulala na lang sa akin.Ang alalahanin niya, dinaan niya sa paghalik sa labi ko. Mabilis na bumaba ang kanyang mukha. Mapusok.“Oh!” Tumakas yon sa bibig ko nang humagod ang mga kamay at labi niya pababa sa leeg ko. Mabilis rin siyang gumapang pababa sa katawan ko, nag iiwan ng apoy at naibuka agad ang mga hita ko. Inaabala ang tuliro kong pag iisip. Ipinalilimot sa akin ang mga tanong na walang sagot. Nasa pagitan na agad niyon ang ulo niya, ibinuka na aga
SUMMER POV:Heto ako at baliw na rin sa pag ibig.“Summer,” mababa at paos ang tinig niya, nag aalala. Magilas na kumibot ang kalamnan niya sa buong torso nang sakupin ng mga kamay niya ang bewang ko, dumulas sa aking balakang at bumuka ang kanyang bibig nang igiya niya ako pababa sa pagkalalaki niya, sumisinghap siya sa sarap.Kumibot ang masikip kong laman, mainit at masakit, pero nabato balani na ako ng kanyang titig. Puno iyon ng kamunduhan at pagnanasa. Iginiling niya ako pababa sa puno ng kanyang pagkalalaki at umarko paliyad ang malambot kong katawan bilang tugon. Isang pulgada pababa at pababa pa.“Diyos ko,” usal niya, nanginginig sa sabay naming pagsisikap na maging isa. Yong ganap, buo at sagad hanggang sa ugat at hindi bahagi lang. “Mahal na mahal kita.”Nagsilbing aphrodisiac ang mga katagang yon kaya humilab ang laman ko at nakapasok siya nang mas malalim, sa wakas, sagad sa puno ng kanyang kahabaan. “Ah. God.” Singhap ko, sobrang puno at sarap ng aking pakiramdam sa p
SUMMER POV: Umigkas siya sa kinahihigaan at ako ang ipinailalim. Maingat ang mga kamay na umaalalay sa aking katawan. Isa sa batok ko at isa sa bewang ko. Para akong porcelain doll na inilatag niya sa ibabaw ng kama.Sumabog sa ibabaw niyon ang mahaba kong buhok at nakita ko kung paano siya napasinghap sa tanawing yon, humahanga. Higit sa lahat, gusto niyang makita ang reaksyon ko. Ang mga mata ko. Kung paano magbabago ang kulay ng irises ko habang nagsasalita siya.“Wala akong hindi kayang unawain, Lyndon. Kailangan mo lang maging tapat sa akin.” Hindi pa rin bumabalik sa normal ang aking paghinga at heto siya at hindi na makapaghintay na pag usapan ang problema katunayan kung gaano siya binabagabag ng mga yon. “Dahil kahit maunawain ako, hindi ko maiiwasan magdamdam at magtampo sa ‘yo kung iiwan mo ako sa ere ng maraming tanong.”Pumatak sa pisngi ko ang butil ng mga pawis niya kasabay nang paghugot niya nang malalim na hininga. Huminto sa pagkilos ang kanyang balakang, nag focus
SUMMER POV:Naglipstick din ako ng manipis. Nagpabango. Pero hindi ko alam kung nasuklay ko ang buhok ko. At dinala ko ang susi ng kotse na regalo niya. Ganoon din ang passport. Ginamit ko ang mamahaling bag na iniabot niya sa akin nang palabas na ako ng pinto.Pababa na ako ng hagdan para tuluyang umalis nang hindi siya makatiis.Hinila niya ako sa siko, niyakap ako nang mahigpit at ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko at sa mahaba kong buhok. “Salamat sa pang unawa. Babalik agad ako ng San Luis kapag naayos ko na dito.”Kinagat ko ang labi ko. Ang alam ko, kapag may problema, magkasama namin yong haharapin. Hindi ganitong pauuwiin niya ako sa probinsya namin na parang bata dahil wala akong silbi.Pabigat.Kung mali ang iniisip ko, ano pa ang puwedeng dahilan?Hindi niya ako pinakawalan. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. At kahit gusto ko siyang itulak palayo, hindi ko rin magawa. “Okay. Aalis ako kung yon ang gusto mo.” Hindi ba talaga niya ako pipigilan?“Mahal na mahal kit
SUMMER POV:“Sinabi rin niyang magtiwala ako sa kanya.” Hinihilot ko na ang ulo ko dahil bigla na namang sumakit. “Ayokong mapalayo sa kanya, Helga.” Balak kong mag isip ng paraan para makabalik sa piling ng asawa ko.“Puede ba,” inis na salo niya sa kabilang linya. “May mga mag asawang OFW na pagkakasal, magkalayo na pero nakakatiis. Sarkripisyo. Sa kaso mo, safety first bago landi. Sa tingin ko naman, kahit nasaang lupalop ka, susundan ka ng asawa mo kung talagang mahal ka niya.” Safety first? Ano ba ang sinasabi niya?Sandali siyang huminto, pero naunahan akong magsalita. “Naalala ko tuloy, alam mo bang halos hindi siya tumitingin sa ibang mukha noong ikinakasal kayo? As in three seconds lang at nakatitig na uli sa yo. Trust me, wala siyang natatandaang ibang tao ng araw na yon kundi ikaw.”Napipi ako. Pero kahit hindi niya sabihin yon, alam kong mahal ako ng asawa ko. Pero sana, hindi ng iwan ako ang pinili ni Lyndon. Kasi para din akong patay kapag wala siya.“Ewan ko, beastie.”
SUMMER POV:Hindi ako dapat na magduda. Tama na ang pag iisip ng mga walang kuwentang bagay.Pagbalik ko sa silid ko, dinala ko roon ang mga bulaklak. Inilagay ko sa ibabaw ng tokador, sa harap ng salamin. Saka ko uli pinagmasdan at paulit-ulit na sinamyo. Dinala ko sa dibdib ko, at parang baliw na hinagkan ko nang paulit-ulit.Ang puso ko, punong-puno ng pag ibig at pananabik sa asawa ko. At sa ngayon ay sa ganitong paraan ko na lang maibubuhos.Dahil wala siya.Naligo ako at nagbihis. Hinanap ko ang phone ko pagkatapos pero hindi ko makita.Si Aling Berta ang nag abot sa akin ng bagong phone. “Pinapapalitan ni Sir ang phone at sim mo. Diyan daw siya tatawag sa ‘yo kapag kailangan.”Kapag kailangan.Salamat naman. Sapat na sa aking malaman na tatawagan pala niya ako kahit 'kapag kailangan.'Sa huli, pang unawa uli ang pinairal ko. Oo na. Baka nga talagang magiging busy siya.Pero hindi ko maiwasang masaktan kung bakit kailangang ganito. Sa kasama pa namin dumaan ang mga bagay na
SUMMER POV: Magkasunod kaming naglakad sa damuhan. Tahimik naming binagtas ang daan. Halos 500 metro mula sa bahay namin, nakita ko ang isang kubo na ginagawa pa lang. May isang maliit na silid na walang dibisyon pero kalan o lutuan ang kalahati. Tipikal na kubo talaga. Nang lumapit kami at buksan ko ang pinto na walang pang sara, nakita ko ang manipis na banig at duffel bag ang nagsisilbing unan.Sanay kami sa ganitong buhay pero ewan kung bakit nalungkot ako para sa tatay ko. Pangarap ko ang makita itong nasa maayos na kalagayan higit dito.“Diyan na siya natulog kagabi,” ani Jojo, maingat na ibinaba ang bag sa mahabang bangkong kawayan. “Magdamag naming binubungan kasi hindi raw siya komportable sa bahay mo. Pagkatapos ng sa kanya, magpapatulong ako na magbayanihan para sa aming kubo ni Charlotte.”“A-Alis din kayo sa bahay?”“Yon naman ang tama," pinunasan niya ng puting towel na nakasampay sa balikat ang pawis niya. Hindi uso ang panyo sa bayan namin. Tipikal na probinsyano
SUMMER POV: “Alam mong gagawin ko yan kahit hindi mo sabihin.” Pinahid niya ang luha ko. “Ang anak ko…” umiiyak din ang tatay ko. “Ang maganda kong anak…” humagulhol ito, hinahaplos ang mukha ko, “akala ko hindi na kita makikita uli. Salamat at nakilala mo ang asawa mo. Nakabalik pa ako dito at nakasama ko kayo uli.”Niyakap ako ng tatay ko, mahigpit. At umiyak kami sa balikat ng isa’t-isa.Hindi na ako nahiyang ibuhos ang sama ng loob ko. Daig ko pa ang batang nagsusumbong ng mga bagay na hindi ko masabi na dinaan ko na lang sa pag iyak.“May hihilingin din ako sa yo, Summer, anak.”“Ano po yon?”“Mangako kang hindi ka mag aalala sa akin at sa kapatid mo. Mangako kang mabubuhay ka nang tahimik dito habang wala kami. At mangako kang hindi ka gagawa ng kahit anong bagay na hindi namin alam. Na dito ka lang hangga’t hindi kami nakakabalik ni Jojo. Mangako kang magtitiwala ka sa akin at sa magagawa namin para sa ‘yo.”“Opo. Nangangako ako.”“Ibabalik ko siya sa ‘yo nang ligtas. Iuuwi k
SUMMER POV:Kinabukasan, ako na ang unang pumunta sa tatay ko para naman hindi mapahiya nang sobra ang asawa ko.“Tama lang naman na ilagay niya sa ayos ang mga taong nasira niya ang buhay. Lalo na ang mga karaniwang tao na walang malalapitan kapag nagigipit. Kasi ang mga taong walang wala at nakakaranas pa ng matinding pang aapi, hindi na sa tao lumalapit kapag nawalan na ng pag asa, sa Diyos na nagsusumbong at yon ang mabigat. Nakakatakot ang palo ng Diyos. Hindi yon matatakasan ng kahit sino. Kaya dapat lang na maingat tayo sa pakikipag kapwa. Hindi palaging sarili ang iniisip. Dahan-dahan sa pagbibitaw ng salita lalo na kapag mainit ang ulo. Mas matalas talaga ang dila kaysa sa matalim na espada. Dapat mahalin din natin ang iba kung paanong mahal na mahal natin ang ating sarili at sariling pamilya. Dahil sa mundong ito, hindi lang kayamanan ang naiiwang pamana sa mahal natin sa buhay. Minsan, kahihiyan, galit, sama ng loob at paghihiganti ng mga taong hindi kayang magpatawad.”“
SUMMER POV: Matagal kami sa posisyong yon. Pinagagala ang mainit niyang bibig sa mukha ko, sa pisngi, sa lahat ng kanyang maabot. At ganoon din ako sa kanya.Sa loob ko, matigas pa rin siya at halos hindi lumambot.Kinarga niya ako pasaklang sa balakang niya. Sumayaw sa hangin ang itim na roba na nakabalot pa rin sa makapangyarihang bulto ng kanyang katawan.“Hindi pa ako sa yo tapos.” Dinadala niya ako sa gitna ng malaking sofa. “Sulitin natin ang pang aakit mo.” Inilatag ako pahiga, hinahawi palayo ang mahaba kong buhok na kumapit sa pawis ng aking mukha. Isinagad ang ulo ko sa armrest ng sofa. Sa pwestong hindi ako makakawala.“Dapat ba akong magsisi?” Malambing kong tanong sa kanya.Hindi. Dumaan yon sa mga mata niya. Natutuwa siya, pilyo ang ngisi.“Dapat lang na ginagawa yan ng mga babae. Hindi laging lalaki ang nag-i-initiate ng sex. Wala ng tatalo sa pakiramdam na gusto ninyo rin kami sa kama. Na kailangan ninyo kami. Napaka-astig no’n at swerte ko dahil kaya mo yong gawin.
SUMMER POV:Nakita kong isinubo niya ang dalawang daliri at maingat na ipinasok sa loob ko habang nakatitig sa mga mata ko. Nag urong-sulong saka binalikan ang nipple ko na tayong tayo.Napakagat ako sa aking labi, nang pumalibot doon ang kanyang bibig saka mariing sumipsip. Nangatal ako sa ligaya, buong katawan sa puntong mahirap tiisin ang sarap kaya napadaing ako.Walang sawa niyang ginawa ang sabay na pag ulos sa pagkababae ko at pag angkin sa mga dibdib ko. Bigla ang pagdating ng bayolenteng panginginig sa katawan ko at nakaraos ako, impit ang mga sigaw.“Ngayon na…” kumikiwal ako sa ibabaw ng mesa, init na init pa rin ako. “Gusto kong angkinin mo ako ngayon na.” Nagmamakaawa na ako.“Hindi,” humampas sa balat ko ang napakainit niyang hininga, sa ibabaw ng aking matambok na dibdib, nagbagsak siya ng halik sa ibabaw, sa gilid, iniikutan ang tuktok, dinadarang ako. “Kung magkakapasa ang pagkababae mo ngayon, matagal bago makabawi dahil katatapos lang ng mens mo. Puede yon kung m
SUMMER POV: “Nahihiya ako sa sarili ko kapag naalala kong nagagawa ko yon kahit saan at kahit kaninong babaeng matipuhan ko.” Masuyo niya akong tinitigan. “Pero ngayon pa lang, sasabihin ko sa yo at kailangan mong tandaan—sapat ka at higit pa sa kailangan ko ang naibibigay mo. At mahal na mahal kita, my angel.” Hinagod ng daliri niya ang upper and lower lip ko. “At ang mga labing ito, hindi ko nakikita bilang aprubadong butas para sa p********k. These sweet lips of yours are meant to be kissed like this.” Hinalikan niya ako nang mas masuyo, mapusok. Mainit at humihigit. S********p sa aking namamagang labi. “Dito lang ako nakakarinig ng magagandang bagay. I don’t want to fuck your mouth, Mrs. Santiago. Your cunt is so much for me.." Parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya tungkol sa oral sex. Hindi ako makapag isip dahil nag iinit ako kung paano niya ako binubunggo ng pagkalalaki niya habang nakaposisyon siya sa pagitan ng mga hita ko. Siniil uli ako ng halik habang inilalapat ak
SUMMER POV: Pero bakit hindi siya tumawag man lang gaya nang dati? “Hey,” bati ko, itinutukod ko ang isang tuhod ko sa pagitan ng mahahaba niyang hita na bahagyang nakabuka sa pagkakaupo. Nakadausdos pababa ang katawan at basta na lang ang posisyon sa sofa, medyo slant, pahiga. “Masakit ba ang ulo mo?” May problema ba? Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa dibdib sa halip na sumagot, nakapikit. Bagong ligo siya at umabot sa ilong ko ang bango ng kanyang bodywash at after shave at sumikdo ang pangangailangan ko sa kanya. Sa sobrang busy niya na parang may mga deadline na hinahabol, ilang araw kaming hindi nagtalik. Dumaan pa ang period ko kaya baka sexually frustrated na siya. “Hey,” bulong sa akin. “Kamusta ang araw mo?” Sumaklang ako sa kandungan niya, “Mabuti,” inayos ko ang puwesto ko paharap sa kanya, kinuha ko ang kamay niya na nakadikit sa kanyang noo. Matitigas yon at tensyonado kaya awtomatikong nagmasahe ang mga kamay ko. Pero ang pagod niya, parang hindi pisik
SUMMER POV:“Naku, kasumpa-sumpa raw,” ginitgit ko ang asawa ko para makaupo ako sa tabi ni Lolo, nakipagpalit na ako ng upuan pero hinagkan ko muna sa pisngi. Kinuha ko ang tasa ng salabat niya at ininom ko ang kalahati. “Worth it po ang lasa nito. At para hindi kayo mahirapan at mabigla, konti lang muna ang ilalagay ko, one is to one, tapos may asukal.” Nagsasalita ay nagmi-mix na ako ng bagong timpla para sa kanya. Natural sugar ang ginamit ko, walang bad side effect, stevia. Mahal kumpara sa commercial na asukal pero iwas cancer na rin. Yon din ang dinala ko sa bahay ni tatay dahil may pambili na ako. Saka ko iniabot sa kanya. Pinanood ko siyang tikman yon.“That’s better,” bulalas niya, tumatango at nasisiyahan. Binitiwan ang folder ng kung anong papeles.Pinisil ng asawa ko ang kamay ko. Tahimik na sinasabing ang galing ko dahil napasunod ko na naman ang lolo niya. Pinatakan ako ng halik sa sentido.“So, sa weekend, aakyat po ba tayo sa busai?” Todo-ngisi ako. Hinahamon ko t
SUMMER POV:“Sinundan ko siya,” sabi ng asawa ko, nilapitan kami ni Craig habang naglalakad. “Hindi kasi siya nagpaalam sa akin. Kay tatay David lang.” May himig ng pag aalala sa kalmado niyang tinig.Nagkamay ang dalawa, saka tahimik na naghiwalay.“Masama ba ang mood mo? May nangyari ba?” Tanong niya sa akin, inaalalayan ako papasok ng sasakyan.Bumagsak ang luha ko nang maisara niya ang pintuan ng sasakyan. Naaawa ako kay Helga. “Ngayon ko naisip na mahalaga pala ang tracking device. Sana alam ko man lang kung nasaan na siya.” Para akong mababaliw sa pag aalala dahil hindi dapat nagkalayo sina Lola Maria at Helga. Nasa mga huling araw na ang lola niya at kung walang matinong mag aalaga, baka mas madaling mamatay ang matanda.Ano ang gagawin ko?“Matapang si Helga, sweetheart. At matalino. Kahit saan siya makarating, magiging okay lang siya.”“Tingin mo?” Nakatingala ako sa kanya. Alam ko naman yon pero kailangan ko talagang marinig. Matiyak. Sa dami ng pagkakataong iniligtas, bina
SUMMER POV:KINABUKASAN, binisita ko si Lola Maria at inabutan ko siya sa balkonahe, sa kanyang tumba-tumba. Medyo matamlay at malungkot siya at matagal na akong nasa paligid bago niya napansin.Isa ako sa iilang tao na hindi tinatahol ng kanyang mga alagang aso, hindi bababa sa anim o walo. Mga askal pero disiplinado.Maingat akong naglakad palapit sa kanya, nagdala ako ng adult milk na paborito niya. Yon ang madalas na pinag iipunan ni Helga kapag sumasahod sa wine bar na pinagtatrabahuhan sa bayan.May kamahalan kung wala kang maayos na trabaho. Pero dahil kumita ako sa unang order sa negosyo ko, nakabili ako ng isang malaking lata at paborito niyang tsinelas na alfombra. Nagtahi din ako ng apron kapalit ng luma niyang gamit noong nagtitinda pa siya sa palengke ng mga halamang gamot. Nakita ko kasi minsan na sinusulsihan niya ang dati niyang apron.Higit sa lahat ng regalo, dinala ko ang scrapbook ko ng mga larawan namin ni Helga nang magkasama. Si Helga kasi, mahilig mag notes pe
SUMMER POV:“GANITO pala ang tahimik na buhay,” si Lyndon habang nakatingin sa langit at nakaunan ako sa braso niya. Nasa rooftop kami kung saan ko siya niyayang mahiga. “Napakasarap sa pakiramdam.”Sa langit, parang mga diamante ang kislap ng mga tala at bituin. Malinaw na nakikita ang iba’t-ibang stars constellations dahil walang kaulap-ulap at banayad pa ang ihip ng hanging Amihan.Ang higaan namin, parang niyebe sa lambot. In-order ko online para sa mga pagkakataong ganito. Malalaki ang aming unan at komportable. Dim ang ilaw sa bahaging yon ng bahay para ma-enjoy namin ang star-seing.Pero nang nagdaang gabi, napakalakas ng ulan, parang nakikiramay sa pag alis ng bestfriend ko, si Helga.Umusal ako sa hangin na sana ay okay lang ito at huwag sobrang mag alala tungkol sa lola nito. Ito kasi ang unang beses na napahiwalay si Helga kay Lola Maria.Isa pa, wala itong maintenance na gamot para sa isang edad na malapit nang mag 80s pero makapritso sa pagkain, sa smoothie at klase ng t