Chapter 2 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERHindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkakita ko sa kanya. Kinikilig na nahihiya, ewan ganun ang nararamdaman ko ngayon. Sa katunayan, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon, gusto ko siyang lapitan to say hi lang sana pero may mga alipores siyang kasama na nakaupo sa kanyang tabi at nakikipag landian sa kanya.Kung wala lang akong pinag-iingatan ngayon na career ay talagang titirisin ko ang mga babaeng ito. "Anong drink sa'yo beshy? The same flavor pa rin ba?" Tanong ni Moshin sa akin. Nakaupo sa kanang bahagi ko habang katapat ko naman ang crush ko na si Xyvielle. Galing siguro sa office ang crush ko na ito dahil naka office attire pa siya. Pinilit na naman siyang pumunta dito sa club kung sino man yang friend na tinutukoy ni Moshin na kaibigan. Hindi lang kasi isa o dalawa ang lalaking andito na friend niya kundi lima kasama na ang crush ko at pinto na babae, kasama na ako, kasama na rin si Moshin sa binibilang ko."Yep, wh
CHAPTER 3THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERNagising ako dahil sa paglubog ng kama ko na alam mo na merong humiga. Minulat ko ang mata ko at si ate Jean ang nakita ko."Wake up, sleepyhead! Hindi ka nagtext na nakarating ka na pala nung isang araw." pagtatampo niya. Inunat ko ang katawan ko para ma stretch ang mga buto-buto ko.Si ate Jean, actually Pretty Jean ang totoong pangalan niya pero sanay ako na Jean lang."Hey! Inaantok ka pa? Magpapasama sana ako sa'yo sa gallery museum ng friend ko, may bibilhin ako na art doon, please." aniya."Huh? Ate.. alam mo naman na hindi ako sanay na pumunta sa mga ganyan. Hindi ba available ang mga kaibigan mo o di kaya si mama mo?" mungkahi ko dahil sa totoo lang, hindi ko talaga forte ang pumupunta sa museum dahil may naalala ako. Pero ang ate ko kasi mahilig siyang mangolekta ng mga painting, ewan ko kung para saan na ang dami ng naka-display sa bahay nila na nasa Makati na iba't-ibang klase ng art painting na yan. Ngumuso siya, ayan na naman ang p
CHAPTER 4THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER"Basta manong Edgar, kayo na po ang bahala ha, may tiwala ako sa'yo, naka wire na po ang pera sa bank account mo and dadagdagan ko pa po yan kapag nagawa niyo po ng maayos lahat!" panigurado ko kay manong na kung saan isa sa tauhan na gagawa ng mga plano ko na pagkidnap kay Xyvielle. I'm really desperate for this. Really, really. The heck, huli ng na realize ko, oo nga pala. Babae ako tapos ginagawa ko itong bagay na ito na kilalang model at architect sa bansang Pilipinas ay may lihim na maitim na plano.God… What did I do?Pero bahala na, dahil everytime na ayoko na sanang gawin ay saka naman pumapasok sa utak ko ang pinagsasabi ni lola at ang pinaka inisan ko pa sa lahat na parang nabibingi na ako sa paulit-ulit na nagrereply sa utak ko ay ang hindi ko yata matanggap nung sinabi ni Xyvielle na hindi ako yung tipong babae niya. Tapos may tawa effect pa na akala mo parang nandidiri sa akin, tapos ako pa yung babae ang nagbibigay ng chocolate
CHAPTER 5THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERManong:Paalis na raw po ng bahay Miss Cole. Text ni kuya Edgar, paano niya nalaman na paalis na ng bahay si Xyvielle? Easy… Kapag gusto mong makuha ang target mo, dapat marunong kang makipagkaibigan sa mga taong napapaligiran nito. Like Kuya Edgar, isa sa katulong na nagtatrabaho sa bahay ni Xyvielle ay pinsan niya kaya alam ko kung ano na ang ginagawa nito.Nasa airport na si manong Edgar at ang isa pa niyang kasamahan na kung saan maghihintay na lang na dumating ang sasakyan nina Xyvielle sa airport.Doon gagawin ang plano, bago pumasok si Xyvielle sa airport ay nakuha na siya ng mga tauhan ko, bago siya ilipat sa sasakyan at dadalhin saan naroon ang chopper, kung paano na hindi malaman ng mga tao doon ang mga balak nila na pagkidnap sa binata ay 'yon ang hindi ko na alam.Basta gawin ni manong Edgar ang plano sa lalong madaling panahon at walang palpak na mangyayari at baka walang pera sirang makukuha sa akin.I'm shaking, really… I'm re
CHAPTER 06THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER"Sigurado po kayo Miss Cole na hindi na namin babantayan? Baka mamaya po pumiglas at makalaya at baka saktan pa kayo?" napangiti ako sa sinabi ni Kuya Edgar.Inabot ko na sa kanya ang cheque para sa bayad na matagumpay niyang dinala sa harapan ko ang bitag ko, safe and smooth."Yes, kuya Edgar! Hindi ako sasaktan ng taong kinuha niyo. Kilala niya ako at kilala ko rin siya, nanakit lang siya sa mga taong sinasaktan ako.""Sure ka ba talaga ma'am?" "Kuya… kanina pa po yang sure niyo na yan!" kunwari naiinis ko na sabi."Nanigurado lang ma'am at baka kami malilintikan ng boss namin," yeah, thanks to Dark dahil sa mga tauhan niya. Naturuan ng maayos, hindi ko naman maiwasan na mamangha dahil sa ganito sila ka concern sa kalagayan ko knowing na I'm a girl, a model and architect and the one who kidnapped the CEO, no other than Xyvielle Mornett. "Yes kuya, kung sasaktan man niya ako and then isa lang ang tatawagan ko at ikaw agad yon. I've already
CHAPTER 7THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER"You kidnapped me, am I right, miss?" ulit niya sa malalim na boses. Ganito ba talaga ang totoong boses niya o dahil bagong gising? "Why? Do you want money from me? How much?" binalik ko ang atensyon sa kanya at hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya.Pero, alam ko na hindi pera ang kailangan ko sa kanya. Anong isasagot ko? Sasabihin ko na ba agad na dahil gusto kong makuha ang yaman ko or oo dahil sa crush na crush kita simula pa noong una, pwede mo ba akong pakasalan? Ito ba ang sasabihin kaya ko siya kinuha? Napapikit na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Gulong-gulong na naman itong utak ko na kanina ay ang lalim na na iniisip ko at ito na naman ngayon. "Miss–" tawag niya sa akin. Sus, don't say nakalimutan niya na ako? "Not exactly Xyvielle. Let me explain, okay?""Xyvielle huh!" ulit niya sa pangalan niya. Nakaupo na siya sa kama malapit sa headboard. Ako naman ay nakatayo na sa gilid ng kama na kinakabahan kung saan aabot
CHAPTER 8THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER"Are you sure, Nathalia? Walang naghahanap sa akin? O balita man lang na may nawawalang Xyvielle Mornett diyan sa Manila, o saang lupalop ng mundo?" tanong ko sa kaibigan."So far, wala naman girl. Malinis ang lahat. Walang tabloid, walang magazine o social media man lang diyan na nagtatanong o naghahanap kung nasaan na yang bitag mo at ang gumawa ng krimen na yan, kaya relax ka lang diyan, okay. Huwag kang mag panic, okay. Ayos lang din si Lola mo, nanggaling ako kahapon sa bahay niyo. Kunwari lang na may ibibigay ako para sa'yo," aniya.Totoo ba? Wow naman kung ganun. Tinulungan ba ako ni Dark na kaibigan ko? Sa kanya galing sina kuya Edgar na tumulong sa akin ngayon. Kung siya nga ay aba ililibre ko siya ng maraming condom. Lalo at nakilala ko ang ipinakilala niyang girlfriend nung may auction sa Cebu.Baliw 'yon. "Akala ko kasi na isang Wanted na ako ngayon, Nathalia. Late ko ng na realize ang mga kagagahan na ginawa ko.""So! What do you m
CHAPTER 09THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERHindi ko alam kung bakit niya iniba ang pangalan niya, okay naman yung last name na Mornett pero, ''Viño Zane? That is your new name?""Y-yes!""You don't like Xyvielle? It's a nice name though," wala sa sarili ko na sabi. Tapos na kaming kumain pero dahil na curious ako sa pangalan na ibinigay siya sa akin ay parang may natanto ako.Tama kaya si Nathalia na may pamilya na si Xyvielle sa iba at gusto niya, na walang makakaalam sa totoong pangalan niya kaya ito ang binigay niya na pangalan sa akin? Saan ba ang totoo? Xyvielle or Viño Zane? "Viño Zane!" ulit ko kaya nakita ko na may ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. Kung ganun naman pala na gusto niya ang ganitong pangalan eh di ok lang at ayos lang sa akin basta makita ko lang siyang masaya, wala ng problema sa akin hindi naman ito ang reason kung bakit ko siya dinala dito, pero paano nga kung totoong may pamilya na siya? Anong gagawin ko? At kung totoo nga na may anak o girlfriend siya sa iba
THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER (SPECIAL CHAPTER )“Kumusta Shanna?” napangiti ako na makita ang kaibigan ko na si Nathalia.“I'm good and happily married, my dear,” bungad ko sa kanya. “Oh di ba? Appear tayo diyan," natawa kami pareho.Nasa restaurant kami ngayon sa Makati, dumaan lang ako sa office saglit bago pumunta rito. Noong isinilang namin ang bunso namin na anak ni Zane ay huminto na ako sa pagiging modelo at architect pero nagpatayo ako ng modeling agency at pinangalanan ko ito sa anak namin ni Zane na maagang kinuha sa amin.“Where are the other girls?” "Hmm, baka mamaya ay narito na rin sila." Tukoy ko sa mga asawa ng mga kaibigan namin ng asawa ko. “Order na ba tayo ng food?" Tanong ko.“Water lang sa akin, hindi ko kaya ang-" “Hello-" “Hi!" “Nandito na pala sila!" Tukoy namin sa mga bagong dating na naglalakad patungo sa gawi namin. At dahil marami kami kaya binook namin ang restaurant na kinuha, para exclusive lang sa amin. Lalo at sobrang maiingay ang iba. Hindi ko
Epilogue Part 3The Billionaire's Kidnapper I can't take my eyes off of her, hindi niya alam pero lagi akong nagmamasid sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang rason niya at kung bakit niya ito ginawa na pagkidnap. Isa ba ito sa natutunan niya noong panahon na…nevermind. Laman lang siya ng isip ko ay ngayon ay biglang nasa harapan ko na talaga siya. But still, if this is only a dream, mas mabuti pang panaginip na lang talaga ito. Nagmamatigas pa ako sa kanya dahil ayoko na pag bumait ako ay bigla na lang siya naglaho sa paningin ko. Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko na hindi ko na siya nakita paglabas ko ng banyo. Hinanap ko siya, akala ko iniwan niya na ako pero sa pagkakaalam ko na nasa Isla kami. Walang kabahayan at sasakyan kundi tanging chopper lamang.Kung hindi ko nakita ang towel na nakalagay sa lounger chair near the seashore at hindi ko napansin ang kanyang tsinelas na ginamit ay hindi ko alam kung nasaan siya. Kung naliligo siya, bakit hindi pa siya nakaahon? I w
The Billionaire's KidnapperEPILOGUE part 2“How is she?” Ganito agad ang bungad ko sa kamukha ko na si Xyvielle. Ang isa pa namin na kamukha ay kung saan-saan na naman na bansa nakakarating, depende kung saang banda may natipuhan na babae ay doon siya. “She's fine, and let me tell you bro huwag ka sanang magalit.” ani ng triplet ko na nakadestino ngayon sa Pilipinas while me, I'm here in Norway with my grandma and grandpa. Minsan pumupunta rin ako sa Italy dahil may bahay doon ang father ko."What is it?" Kinabahan naman ako. I hate bad news. I hate it so much.“She knows my name rather than your name, I tried to mention your name pero walang reaction ang mukha niya. Though hindi ko naman sinabi na tao ang tinutukoy ko, baka akala niya na isang brand collection natin ang pangalan mo na Zane.” halakhak niya sa kabilang linya."Gago-” inis ko na sabi sa kanya. Masasapak ko talaga ito kapag nasa harapan ko na, mahilig mang-asar pero kung siya naman ang pa aasarin, nauna pa ang batok
EPILOGUE part 1The Billionaire's Kidnapper“Who's that girl?"“Shanna Cole!"“How sure are you about that?" Tanong ko sa katabi ko. Nasa bench kami nakaupo ng kaibigan ko na si Drake para tumambay na muna, kakatapos lang namin mag-practice ng football, isa iyan sa nahiligan ko na sport ngayon. Pinagmasdan ko ang third year highschool na mag-isang nakaupo sa kabilang bench habang may binabasa na libro. Nasisinagan ng panghapon na araw ang kanyang pisngi, kaya hindi ko maiwasan na tumingin sa maamo niya na mukha. Sobrang lambot ng balat at alam ko na natural ang kulay pink ng kanyang mga straight na buhok. Inangat niya ang kanyang ulo at agad akong umiwas ng tingin at baka akala niya nakatingin ako sa kanya. Minsan, iba pa naman mag-isip ang mga babae, baka akala nila kapag tinititigan ay may gusto na sa kanila.Alam ko sa sarili ko na hindi ako mabait, may mga ka fling din naman ako na babae, kunwari liligawan ko, mga ilang araw iba na naman. Pero hindi ako yung tipo na nagbibigay
CHAPTER 72THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERKinabukasan ay tulad ng dati, sinundo kami ni kuya Edgar sa Isla patungo sa Maynila gamit ang eroplano ni Dark Romanoz na ngayon ay nasa kanilang bansa sa Russia pero babalik lang din ng Pilipinas after ng binyag ng kanyang pamangkin.Pagkarating sa hotel na kung saan naglanding ang helicopter ay agad kaming bumaba sa pamamagitan ng elevator at sumakay agad kami ng kotse pagkarating ng driver sa tapat ng hotel lobby ng Montenegro na isa rin sa barkada namin. Tulad ng pinangako namin ni Zane na pupuntahan na muna namin ang aming panganay sa cemetery bago kami umuwi sa bahay. “Wala pong idea ang mga bata ma’am and sir na ngayon po ang uwi niyo.”"Mabuti naman kuya, maraming salamat.” Ani ni Zane sa driver namin. “Nag-eenjoy pa raw sila ngayon babe sa kakaligo sa swimming pool. I texted ate Jean at ang sabi niya, naghuhulaan na ang mga anak natin kasama ang mga pinsan nila na baka ngayong araw ang uwi nating dalawa galing sa bakasyon.” Natatawa a
CHAPTER 71THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERKung itinadhana na talaga kayo sa isa't-isa ay talagang walang alinlangan na ibibigay sayo ng tadhana. Gaano man sinubok ang pagsasama niyo bilang mag-asawa, bilang mag partner kung wala ang komunikasyon, walang pagmamahal kaming nadarama ay baka sa mga panahon na ito, hindi kami ang magkatuluyan, maraming pagkakataon para gibain ang relasyon naming dalawa pero hangga't nananaig ang salitang ikaw lang ay sapat na, para sa kanya ay hindi mo na kailangang maghanap pa ng iba. Hindi kami perpekto na mag-asawa. May pagkakataon na nag-aaway kami, nagbabangayan sa mga bagay na hindi namin napagsunduan. But then, ayon sa mga sabi ng mga nakakatanda sa amin like sa mga Lola namin. Ang laging pinapaalala sa amin na kapag may ganyang away ay huwag ng ipagpabukas pa kung pwede naman bago matulog ay maayos na. Komunikasyon at makinig sa bawat isa hangga't maaari, hindi naman kailangan na pareho kayong maging palaban sa mga sasabihin niyo. Maging mahina
CHAPTER 70THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERBinuhat ako ng aking mahal pagkatapos niya akong mapunasan ng malinis na towel para madala sa kama. Pareho kaming walang saplot sa katawan kaya paglabas palang ng banyo ay nararamdaman ko ang lamig ng aircon.Ngunit nababawasan ang lamig na nadarama ko dahil sa walang sawang paghalik ni Zane sa buo kong katawan. Halos sabunutan ko na ang kanyang buhok dahil pakiramdam ko, nagsisi-akyatan na ang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dahil sa mapusok na halikan naming dalawa. Hindi man lang ako hinayaan na makahinga man lang. “Zane!" Ungol ko sa pangalan niya dahil sa pagkagat nito sa aking ibabang labi. Napasinghap ako dahil busy ang kanyang labi sa aking katawan, ngunit busy naman ang kanyang kanang kamay para dalhin sa pagkababae ko at walang tigil na nilalaruan, habang ang kaliwang kamay ay nasa suso ko at pinipiga ito at kung marami pang gatas ang dibdib ko ay malamang maraming nasasayang unless kung inomin n'ya lahat.“Zane…”Nakapikit a
CHAPTER 69THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER “Careful babe. Be careful, there you go. Nice!" Inalalayan ako ng asawa ko na makababa sa helicopter na kung saan ginamit namin papunta sa Isla na kami na ang nagmamay-ari na dalawa. Na buong buhay ko ay hindi ko makakalimutan na dito ko dinala si Zane na sa una ay akala ko ay si Xyvielle ay si Zane na crush ko. Mabuti na lang at hindi ako hinayaan ng tadhana na mapunta ako sa tao na akala ko hindi naman si Zane. Bagkos siya ang binigay sa akin. Ang tunay na Zane, ang mahal ko simula pa lamang.“Are you hungry?" Malambing na tanong nito sa akin na may pahaplos pa sa aking likod habang naglalakad kami patungo sa beach house.“Medyo! Kumain muna tayo?” tanong ko habang hawak niya pa rin ako sa bewang para hindi ako matisod sa paglalakad. "Sige, para may energy tayo mamaya," ngiting-aso niyang sabi. Agad kong kinurot ang tagiliran niya dahil sa atat na talaga ang lalaking ito sa gusto niyang mangyari. Ilang buwan ba naman na walang romansa dahil
CHAPTER 68THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“See you later, my babe!" Ani ni Zane sa kabilang linya. Napapangiti pa ako dahil sa boses niya na nang-aakit. Tigang na tigang na ang loko. Hindi ko kasi pinagbigyan ng ilang buwan dahil may naglilink sa kanya na ka trabaho. Ilang beses niya mang sabihin na wala siyang ginagawang masama ay hindi ko pa rin siya pinapansin o pinagbigyan hanggat hindi nalilinis ang pangalan niya. Kabago-bago ng kasal namin at maliliit pa ang mga bata ay may ahas na agad gustong tumuklaw sa asawa ko. Ang landi talaga, tapos malalaman ko lang na isa siyang model na may pagtingin sa asawa ko kaya gumawa ng paraan para lamang makapasa sa inaaplyan niya na trabaho para makalapit lang kay Zane, sa mismo main na building niya at sabi naman ng asawa ko na pure and innocent siya na wala siyang kasalanan at ako lang talaga ang mahal niya, pero binigyan ko siya ng parusa, ilang buwan na hindi niya ako kailangan na galawin. Nakasimangot man siya ay nagkibit-balikat lang ako