AlmiraNatahimik ako sa sinabi ni Michell. Masarap sa pandinig ang sabihin niyang mahal niya ako pero hindi pa rin maalis ang takot sa puso ko pagdating sa kanya.Kahit pa sabihin na nagbago na ako, hindi pa rin nawawala ang Almira na malaki ang takot na masaktan. Mahal ko pa rin si Michell at alam ko naman yan. Wala akong ibang minahal pero sa twing naaalala ko ang nakaraan, hindi ko maiwasang magalit sa kanya.Tumayo ako at iniwan ko siya sa couch nang maalala kong muli ang ginawa niyang pag-iwan sa akin. Kailangan ko siya noon pero nagawa pa rin niya akong iwan para kay Hyacinth.“Umalis ka na Mir. Thompson!” sabi ko dito as I started to gather my things“Hindi mo ba ako pakikinggan, Almira?” “What difference will it make, Mr. Thompson? Masyado ng maraming nangyari at gusto ko ng kalimutan ang lahat ng masasakit na alaal sa nakaraan ko. Unfortunately, kasama ka doon!”Malamig ang dating ng pananalita ko kay Michell at alam kong ramdam niya iyon.“Huwag kang magpakasal! Please, ma
AlmiraBridal shower ngayon ni Bea at ang lahat ng ito ay plinano ng mabuti ni Charlotte. Nagkaroon kami ni Bea ng pagkakataon na makausap ang mga dating kapitbahay namin ilang araw pagdating namin sa Maynila.Masaya sila na makita kaming muli ni Bea at kinuha din ni Bea si Charlotte at Joebelle para makasama sa entourage niya.Hindi nga makapaniwala si Charlotte sa nangyari sa buhay ko pero masaya siya para sa akin. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noong una niyang malaman ang kwento ko tungkol sa pagkatao ng inay.“Mabuti kang tao Almira kaya naman niloob ng Diyos na makuha mo ang nararapat sa iyo!”Habang naghihintay kami sa isang hotel suite para sa ibang kaibigan ni Bea ay masinsinan kong kinausap si Charlotte.“Mabuti naman at umalis ka na sa dating trabaho mo.” Napahinga ng malalim si Beas bago siya tumango sa akin.“Medyo nagkahigpitan na din kasi Almira. Isa pa tumatanda na tayo, marami ng dumating na mga bago. Mas bata at mas sariwa!” Nakuha pang magbiro ni Charlotte
Almira Nakaramdam ako ng pamilyar na kaba habang papasok kami sa bahay nang marating namin ang hacienda. Ganitong- ganito ang pakiramdam ko kapag nasa ospital noon si Andrei at hindi ko maiwasang matakot sa pagbalik ng ganitong pakiramdam sa sistema ko. “Mama!” nag-aalalang sabi ni Kuya Dustin nang makapasok na kami sa kwarto ni Tita Connie Nakahiga si Tita Connie sa kama at nandoon din ang doktor niya na agad namang nilapitan ng Kuya Dustin. “How is she?” narinig kong tanong ni kuya na punong puno ng pag-aalala habang papalapit naman ako sa nakahigang si Tita Connie Ngumiti ito sa akin na para bang sinasabi niyang huwag akong mag-alala at okay lang siya. “Well, mukhang nagpagod masyado ang Mama mo, Dustin kaya ayan, bumagsak ang BP niya.” mahinahong sabi ng doktor “I told you that I’m fine, bakit ba tinawagan mo pa ang mga bata Nanding?” sita ni Tita Connie sa doktor “Hay Connie, mabuti nang alam nila!” kontra naman ng doktor sa sinabi ni Tita “But is she alright?” si Patty
MichellTinitigan ko ang invitation na pinadala sa akin ng mga Alegre at dahil alam ko na kasal ni Almira iyon ay hindi ko na pinagkaabalahang buksan. Bakit ko pa ba babasahin gayong ang nilalaman noon ay siguradong makakasakit lang sa akin.Dalawang linggo na ang nakaraan buhat nung maaksidente ako at okay naman na ako kaya agad na akong bumalik sa trabaho.Mas gusto kong pagurin ang sarili ko sa trabaho kaysa ang isipin na wala ng pag-asa ang sa amin ni Almira.Napaangat ang uko ko at nakita ko si Daddy na papasok ng office ko.“Hey Dad!” tumayo ako at sinalubong si DadNiyakap niya ako saka tinapik ang balikat ko.“How are you? Kaya mo na bang magtrabaho?” tanong pa ni Daddy sa akin“Of course Dad! Okay na po ako!” sagot ko saka ako bumalik sa upuan koNaupo naman si Daddy sa upuang nasa harap ng mesa ko. I called Gab at nagpadala ako ng kape para sa amin ni Daddy.“I’m just worried iho!” nakita ko na napatingin si Dad sa invitationKinuha niya iyon at siya na ang nagbukas noon.
Almira“Dustin, you may now kiss the bride!” Napuno ang simbahan ng masigabong palakpakan matapos hagkan ni kuya Dustin si Bea. They are married at walang pagsidlan ang kaligayahan ko para sa mga taong mahalaga sa puso ko. Alam kong magiging masaya si Bea dahil nakikita ko kung gaano siya kamahal ni Kuya Dustin.Matapos ang seremonya at pirmahan ng mga marriage certificate ay lumapit na kami nila Patty at Tita Connie para sa picture taking.Pati ang mga malalapit na kaibigan namin ni Bea ay nakisali na din and everyone was so happy para sa bagong kasal.Hanggang sa mahagip ng mata ko ang ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa may gawing gitna ng simbahan.Si Michell ba iyon?At kasama pa si Hyacinth? Napailing na lang ako pero wala naman akong karapatan na pigilan siya sa pagpunta. Siguradong ang kuya Dustin ang nagpadala ng invitation dito since kasosyo ito ng pamilya sa negosyo.Pero bakit naman nagpunta pa siya? At isinama pa niya si Hyacinth? Talaga bang wala ng gagawin an
AlmiraSa isang isla sa gitna ng dagat ako dinala ni Michell at kahit galit ako ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng lugar na ito.May bahay na yari sa bato na may dalawang palapag at napapaligiran ito ng mga iba’t ibang klase ng bulaklak at mga ornamental plants.“You like the place?” malambing na tanong ni Michell at kahit gusto ko siyang ikutan ng mata ay pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mapapak na naman ang mga labi ko“Sa iyo ba ito?” tanong ko sa kanya saka ko ibinaling ang paningin ko sa malawak na dagat na pumapalibot sa buong isla“Property ng mga Thompson ito, sweetie! So I guess, akin din ito!” biro niya sa akin kaya napasimangot na ako ng tuluyan“Simulan mo na kung ano ang gusto mong sabihin Michell at ibalik mo na ako sa amin!” inis na sabi ko ng magsimula na siyang maglakad papunta sa bahay“Magbihis ka muna, sweetie! May swimsuit din akong binili just in case you want to try the waters!” cool na sabi niya sa akin at doon ko napansin ang ilang paper bags na d
AlmiraNakatanaw kami ni Michell sa dagat matapos kaming maglakad-lakad sa dalampasigan after his proposal. Nakaupo kami ngayon sa isang shed na nakaharap sa dagat para magpanhinga ng sandali. Nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Michell habang hawak niya ang mga kamay ko.“I want us to get married as soon as possible, sweetie. Pagbalik natin sa Manila, asikasuhin na natin!” masayang sabi ni Michell sa akin“Kausapin muna natin sila tita Connie Love. Kailangan nating magpaliwanag lalo pa at tinangay mo ako!” biro ko dito pero hindi ko naman siya kinakitaan ng kaba“Handa naman ako, sweetie! Pero kapag hindi sila pumayag, malamang tangayin kita ulit!” Natawa ako sa sinabi ni Michell saka ako humarap sa kanya.“Hindi naman siguro, Love! Mababait naman sila and I guess wala naman silang ibang gusto kung hindi maging masaya ako.” Napahinga ng malalim si Michel saka niya hinaplos ang mukha ko.“I love you so much, sweetie! Akala ko talaga hindi na kita makakasama!” Agad akong yumakap k
AlmiraNgayon ang dating ng mga Thompson sa Hacienda ng mga Alegre para sa pamamanhikan nila.Excited ang lahat kaya katulad nung kasal ni Kuya Dustin ay may gayak muli ang buong Hacienda para sa pagdating ng mga espesyal na panauhin namin.Sabi ni Michell ay hindi lang ang pamilya niya ang darating. Sasama din ang mga tito at tita niya kaya naman lalong naaligaga si Tita Connie sa paghahanda. Although Michell told me na huwag ng mag-abala pa dahil may dala silang pagkain para sa lahat ay hindi naman nagpapigil si tita Connie sa kagustuhan niyang paghandaan ang pagdating ng mga panauhin.Naghanda ang mga taga-hacienda ng dalawang lechong baboy at ilan pang putahe na tiyak magugustuhan ng mga taga-Maynila.Masaya ako pero nandoon ang panghihinayang dahil wala sa tabi ko ang magulang ko, si ate Alicia at si Andrei. “Nandito na sila!” masayang sabi ni Bea nang makapasok na siya sa kwarto koNakabihis na din ako at hindi ko mapigil ang malakas na hampas ng puso ko upon hearing what Bea
AlmiraMasaya akong nakatanaw sa mga anak ko na naglalaro sa dalampasigan habang nakabantay naman sa kanila si Mitchell at si Menggay.Nakaupo ako sa shed dahil buntis na naman ako sa pangatlong anak namin ni Michell. Dahil two years lang ang pagitan ni Matthew at ng kambal ay nagpalipas muna kami ni Michell ng apat na taon bago namin sundan ang kambal.Anim na buwan na ang tiyan ko and this time, it’a only a single pregnancy. And it is a girl!Napagusapan din namin ni Michell na this will be the last time na magbubuntis ako. Ang gusto naman ni Michell ay mag-focus ako sa sarili ko at kapag malaki na ang mga bata, pwede daw akong bumalik ulit sa pagt-trabaho.But then I declined his offer at sinabi ko na mas gusto kong alagaan ang pamilya ko. Hindi naman kasi natatapos ang responsibilidad ng magulang kaya mas gusto ko na masubaybayan ko ang mga bata habang lumalaki sila.John Matthew is now six years old at sa pasukan ay mag-aaral na siya as as Kindergarten student.At his age ay ma
MichellHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Almira sa operating room. Tatlong oras na sila sa loob kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko lalo at wala pang lumalabas sa kwartong yun.Uupo ako sandali, pero tatayo din ako agad dahil kinakabahan talaga ako.“Kuya, sit down! Hilong-hilo na ako sa iyo!” reklamo ni Dylan sa akin pero hindi ko siya pinansin“Kuha ba kita ng kape?” tanong ni Josh pero binatukan agad siya ni Helious“Aray! Bakit ba!” angil tuloy ni Josh kay Helious“Nag-iisip ka ba? Ninenerbyos na nga yang tao, papainumin mo pa ng kape?” sabi ni Helious kay Josh“Huwag kayong maingay! Baka palabasin tayo dito!” suway ni Dylan sa dalawang bugok na tila magdidiskusyon paUupo na sana ako pero bumukas na ang operating room at nilabas mula doon si Almira na hanggang ngayon ay tulog pa.Nilapitan ko siya agad at sinabi ng nurse na dadalhin na sa kwarto niya ang asawa ko.Sumabay na kami habang tulak-tulak ng mga nurse ang kama ni Almira. Inilipat siya sa kama the mo
AlmiraGender reveal namin ngayon sa mansion and everyone is excited sa party na inorganize ko. I am currently in my sixth month at nagpapasalamat naman ako na hindi naging mahirap ang pinagdaanan ko habang nagbubuntis.Wala din akong naranasang spottings palibhasa palaging nakabantay sa akin si Michell. Nagpagawa ako ng tatlong arko made of balloons which is colored blue, pink, and a combination of blue and pink.May nakahanda na din na dalawang confetti bomb na papuputukin ni Michell mamaya in time for the reveal.At gaya ng inaasahan ko, nandito ang lahat ng mga taong mahahalaga sa amin ni Michell.Even Tita Connie and her family ay nandito dahil gusto nilang makibahagi sa masayang okasyon na ito.Hindi alam ni Michell ang gender ng anak namin at sinadya ko iyon para mas maging exciting ang aming party.Mabuti na lang, cooperative naman ang asawa ko at hindi na niya pinagpilitan ang kagustuhan niyang malaman na agad ang gender ng kambal.“Okay, ready na ba ang lahat?” tanong ko
AlmiraMagkahawak kamay kaming bumaba ni Michell sa hagdan nang umagang iyon.Walang pagsidlan ang aming kaligayahan matapos naming mag-test pagkagising namin kaninang umaga.Actually kagabi pa gusto magtest ni Michell pero ipinaliwanag ko sa kanya na mas accurate kasi ang resulta kapag sa umaga ito ginawa.At kaninang umaga nga ginawa namin ang test. Pinatakan ko ng urine sample ang tatlong pregnancy test kits at matiyaga naming hinintay ang resulta.And when it came out with two lines, naghihiyaw si Michell sa sobrang saya niya. Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya pinaliguan ng halik ang mukha ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang excitement ni Michell.“Thank you so much sweetie! You made me the happiest man!” bulong niya sa akinMasaya kaming bumaba at naabutan namin si Daddy at Mommy na nasa sala at nilalaro si Matthew.Dito na sila natulog kagabi dahil nami-miss daw nila ang apo nila. “Nandyan na pala kayo! Mag-almusal na tayo!” sab
AlmiraSecond birthday ngayon ni Matthew kaya naman hindi na magkamayaw dito sa mansion kung saan kami lumipat isang linggo matapos ang kasal namin ni Michell.Wedding gift niya daw ito sa akin at hindi ko napigilang maging emosyonal upon seeing it for the first time.Fully furnished na din ito kaya naman okay na ang lahat noong lumipat kami. May househelp na din kaya naman wala na akong masabi kay Michell dahil inayos na niya ang lahat para sa amin.Alas tres ang party at dahil ang anak palang ni Kuya Dustin at Bea ang bata on both sides ay napagkasunduan namin na mag-invite ng mga bata na galing sa bahay-ampunan.Nakaayos na ang lahat at nandito na din ang mga clowns na magpapalaro mamaya para sa bata. Magpe-perform din sila ng magic show kaya sigurado ako na matutuwa ang mga batang dadalo dito.May mga photo booths din na nakahanda as well as stalls of ice cream and cotton candy.Dumating na din sina Dylan, Helious at Josh para tulungan si Michell sa paghahanda para sa ibang kakai
MichellAraw ng kasal namin ngayon ni Almira at kahit hindi ako naniniwala sa mga pamahiin ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ni Mommy na manatili ako sa penthouse, three days before our wedding.Sa telepono ko lang nakakausap ang mag-ina ko at kahit mahirap, kinaya ko dahil na rin sa takot na baka nga hindi matuloy ang kasal namin ni Almira.Maaga kaming nagising ng tatlong bugok dahil dito sila natulog sa penthouse. Nag-order ng almusal si Dylan sa chef ng hotel at nag-almusal muna kami bago kami naligo at nagbihis.Alas- diyes ng umaga ang kasal and I can’t help but to be excited! Finally, ikakasal na kami ni Almira!Wala ng makakapigil!“Ready ka na kuya?” tanong sa akin ni Dylan ng sumilip siya sa kwarto ko“I am? Kayo? Okay na?” tanong ko naman dito“Yes kuya! We better go baka mtraffic tayo!” babala pa ni DylanIt’s eight-thirty in the morning kaya naman nagmadali na ako dahil ayoko namang maunahan pa ako ni Almira sa simbahan.Nasa sala na kami nang ayain ka
MichellNakatayo ako sa harap ng lote kung saan nakatayo ang mansion namin ni Almira. Nabili ko ang loteng ito two years ago before our wedding at nagsimula na ang construction nito bago pa siya mawala sa akin dahil sa pag-aakalang patay na siya.Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagkawala niya ay ipinagtuloy ko pa rin ang pagtatayo nito.Isang taon ang binuno ng mga tauhan ni Helious para maipatayo ito. At lahat ng gusto ko ay nasunod naman. Ngayong malapit na akong ikasal ay nagpatawag ako ng mga tao para ayusin itong muli.Gusto ko, after ng kasal namin ay dito na kami lilipat. Malapit-lapit naman ito sa mansion ng parents ko kaya magiging madali kung gusto nila kaming dalawin.This will be my gift to Almira after our wedding. This will be our home! Our paradise! Our lovenest!My phone rang and I smiled when I saw that it was Almira.“Hey sweetie!” sabi ko sa kanyaAng alam ko ay nasa labas ito ngayon dahil magkikita-kita sila nila Charlotte at Joebell.“Where are you?” malamb
AlmiraMeeting namin ngayon with the wedding planner na kinuha ni Michell para sa kasal namin at kitang-kita talaga ang excitement sa mga mata ni Michell.Sa office ni Michell ang meeting dahil after that ay may mga kailangan pa siyang pirmahan sa opisina. Mamaya din namin kikitain si Tita Sophia sa Bella Dolcezza para masukatan ako ng gown dahil ito ang gusto niya even two years ago.Kaninang umaga nga, medyo na-late pa kaming bumaba kaya hindi na naman kami nakaligtas sa pang-aasar ng mga kapatid ni Michell.At dahil good mood naman siya, hindi na niya pinatulan ang mga kapatid niya.Naiwan si Matthew kay Mommy dahil lalabas din daw sila mamaya dahil gustong ipag- shopping ni daddy ang unang apo niya.Manifesting for baby number two nga daw, sabi pa ni daddy kaya napailing na lang ako habang namumula ang mukha ko.Mahirap magbuntis at nang ikwento ko kay Michell ang mga karanasan ko habang pinagbubuntis ko si Matthew ay nababasa ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Maybe because
AlmiraHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nandito ako sa banyo. Nakapag-shower na ako at nakapagbihis na din pero hindi pa ako makalabas lalo at nasa labas na ng kwarto si Michell.Nasa kwarto ng parents ni Michell si Matthew at ito ang unang beses na magsosolo kami ni Michell sa iisang kwarto matapos naming maghiwalay for two years.Although alam ko sa sarili ko na wala naman talagang naganap sa amin ni Jake at tanging si Michell lang ang naka-angkin sa akin, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng banyo. Nasa kama na si Michell dahil nauna na siyang mag-shower sa akin kanina. Nakaharap siya sa TV habang hawak ang remote pero nakita ko na agad siyang tumingin sa direksyon ko when he felt my presence.Naupo ako sa vanity mirror and I started doing my skin care routine after blow-drying my hair at mula sa salamin, nakikita ko ang pagsunod ni Michell sa bawat galaw ko.Nang matapos na ako ay lumapit na ako sa kama at sumampa doon. Niya