Nagising ako na nakadantay pa din si Grey sakin at nakasiksik ako sa kaniya. Napangiti ako ng malaki at impit na tili ang pinakawalan ko.
Ito na ata ang pinakamagandang gising na nangyari sa'kin sa loob ng anim na buwan naming pagsasama.Ganito pala ang pakiramdam kapag magkatabi kami matulog.I forced myself up to level our face. I stared at him while caressing his face. A smile appeared on my lips while watching him sleeping. Ito 'yong hobby ko. Ang tingnan siya sa umaga habang natutulog. Dito ko kasi siya napagmamasdan. Dito ko siya nahahawakan ng hindi siya magagalit.Napatingin ako sa kaniyang labi. The red wet lips of him was salivating. Para itong isang pagkain na gusto kong tikman. Napalunok ako habang tutok na tutok ang mata ko sa kaniyang labi.What If I take advantage of him while sleeping? It's just a simple kiss. 'Di naman siya siguro magigising.Natatakot ako pero kailangan ko subukan. Baka kasi hindi na ako makasubok sa susunod.Dahan-dahan kong nilapit ang aking labi sa kaniya hanggang maglapat ang aming mga labi. Kaagad akong lumayo pagkatapos. Isa lang 'yong napakabilis na halik pero napakabilis na ng tibok ng puso ko. Grabe, ang lambot ng labi niya.Hindi ko masiyadong nafeel kaya susubukan ko ulitI was about to kiss him again when I heard him hummed."Hm.." Mabilis na kumabog ang puso ko 'di dahil sa halik kundi dahil sa kaba nang maramdaman ko ang paggalaw niya.Nanigas ako ng matindi at hindi huminga para lang hindi siya magising ng tuluyan.I close my eyes tightly wishing that he won't wake up yet because I'm REALLY DEAD.Did I wake him up because of my kiss? OH NO!Nanigas ako sa takot kaya hindi ako makabangon. Patuloy akong inoobserbahan ang kaniyang paggalaw. Naramdaman ko ang paggaan ng aking katawan dahil nawala ang mga nakadantay sa akin. Mas lalo akong nanginig sa takot.Omygod!I'm so close of jumping of the bed when I heard him snoring. I sighed in relief.That was so close phew!Bago ko pa ulit siya magising ay dali- dali ngunit tahimik akong lumabas ng kaniyang kwarto.Doon ko lang naramdaman ang mabigat kong pakiramdam at pananakit ng buo kong katawan lalo sa bandang likod. Mukhang napasama ang tama ng likod ko kagabi. Siguradong may pasa ako doon. Icocold compress ko na lang mamaya. Nagtungo ako sa aking kwarto upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako ng kusina at nagluto ng almusal ng asawa ko. Tinawagan ko din ang secretary niya at sinabing malalate siya. Pagkatapos kong iprepare ang kaniyang almusal ay sinunod ko ang susuotin niya sa pagpasok."Cathy!" He's already awake. Gusto ko mang mabilis na makapunta sa kaniya kaso naguumpisa ng bumigat ng pakiramdam ko."Cathy! What the hell?! Faster!" Hinigpitan ko ang kapit sa tray na may lamang pain killer para sa hangover, isang chicken soup at isang basong tubig. Kahit na ako ay kinakabahan, nanatili pa rin ako sa mabagal kong paggalaw. I can't even run because of a heavy feeling."Ang bagal mo!" Umalingawngaw ang sigaw niya at bahagyang sumikdo ang takot sa aking katawan nang makita ko ang kaniyang mukha na galit na galit na nakatingin sakin."Ano na namang pabebe 'yan ha?! 'Di talaga pumapasok sa kokote mo ang mga sinasabi ko?" Yumuko na lang ako at ayaw kong magsalita pa. Nanghihina ako eh. Ngumiti na lang ako ng pilit."Uminom ka ng gamot para sa hangover----" Ang kaniyang malaking braso ay hinawi ang hawak kong tray at mabilis na tumilapon 'yon. Basag ang baso sa sahig, natalsikan din ako ng mainit na sabaw ngunit nagpapasalamat ako na hindi sa akin tumama iyon."Ang aga pero nag-iinit ulo ko sayo! Linisin mo yan!" Dinampot niya ang gamot at umalis na sa harapan ko. I sighed and start cleaning the mess. Tahimik akong naglinis. Pagkatapos kong maglinis ay nagtungo ako sa aking kwarto, sa maid's quarter.Humiga ako doon at pinikit ang mga mata upang ipahinga. Pero hindi pa ako tumatagal ay nakarinig na naman ako ng sigaw mula sa kaniya. Dahil sa takot na masaktan, tumungo ako ng mabilis kahit masama na ng pakiramdam ko."Ayusin mo ang necktie ko" tumango na lang ako at mabilis na inayos ang necktie niya. Ito rin 'yong mga time na may halaga ako sa kaniya. Ako 'yong nagnenecktie sa kaniya dahil 'di siya gaanong marunong mag-ayos at masiyadong magulo kapag siya ang gumagawa. Pero gustuhin ko mang sulitin ang moment na ito wala ako sa mood. Masama ang pakiramdam ko."Ano? Matagal pa ba yan?" Naiinip niyang tanong."Okay na" kaunting hila pa pataas ng necktie bago ko iyon binitawan. Napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang titig niya sakin. "Bakit?" Tanong ko."Namumutla ka" mahina niyang pagkakasaad at umiwas ng tingin."Ah?" Napatingin ako sa salamin at oo nga, namumutla nga ako."Tsk" Napatingin ako sa asawa ko ulit. He was glaring at me that's why I avoided his stare."Halika nga dito!" Pasigaw iyon.Lumapit ulit ako sa kaniya at nilisan ang pagkakatingin ko sa salamin."Bakit? M-may kailangan ka pa?" Actually gusto ko na talagang humiga dahil nahihilo na ako at feeling ko babagsak na ako kahit anong oras. Itinaas niya ang kamay niya kaya napaatras ako bago napapikit. Baka susuntukin na naman niya akoBut something weird happened at this moment. Instead of punching me, he put his hand on my forehead."Fuck! You're so hot!" he cursed. Para iyong isang magic word na nagpahina ng tuhod ko dahilan para matumba ako. Swerte ko lang talaga at nasalo ako ng asawa ko."Grey...." Nanginginig na ang labi ko at mas lalong naramdaman ang lamig sa buo kong katawan pero ramdam ko rin na pinagpapawisan ako."Oh fuck! fuck!" Umangat ang mga paa ko mula sa lupa at alam kong binubuhat na ako ng asawa ko. Bawat hakbang ay rinig na rinig ko ang matatalas niyang mura bago ako mawalan ng malay._________Nagising ako sa isang puting silid at amoy panghospital.Teka bakit nga ba ako naandito? Ano bang nangyari?Inisip ko muli ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Nag-aayos ako ng neck tie ni Grey tapos hinawakan niya ako at bigla akong natumba pagkatapos ay binuhat ako ng asawa ko bago ako nawalan ng malay."Buti naman gising ka na bitch"Tumingin ako sa bagong pasok na si Hannah. Hannah is my bestfriend and the only person who knew my secret about being a battered wife."Hannah, anong ginagawa mo dito?" Ibinangon ko ang kalahating katawan at agad naman siyang dumalo sa akin para ako'y tulungan.Umikot pa paningin ko habang bumabangon.Shit! I feel weak today."Your husband called me. He asked me to stay with you here in the hospital because your stupid husband can't" May kinuha siyang folding bedside table at inilagay iyon sa aking harapan. Pagkaset-up niya ng table tsaka niya nilagay ang tray ng pagkain, tubig at gamot."May fatigue ka." Bumuntong hininga siya bago padabog na kinuha ang isang upuan upang umupo sa aking tabi. Yumuko ako lalo na nang maramdaman ko ang inis niya. I feel it."Masama ang pakiramdam mo dahil sa sobrang bugbog at pagod ng katawan mo. Really Cath? Are you for real? Bakit ka nananatili sa gago mong--" pinikit niya ang mata at bahagyang minasahe ang kanyang sentido. "How could you let him destroy you bitch?"Ramdam ko ang galit ni Hannah. Alam kong pinipigilan niya lang dahil nirerespeto niya ako as her friend and I really appreciate that.I reached her hand, holding it tightly. "Sorry bitch but you know I can't..." Umiling ako sa kanya."Paano mo natitiis huh? Gago 'yang asawa mo. Tingnan mo ang itsura mo. Ang dami mong pasa at napakaputla mo. Ang taas ng lagnat mo nang dinala ka dito ng asawa mo. Paano kung may malalang mangyari pa sa'yo ah? Hindi ka ba natatakot?""I am.." gumaralgal ang boses ko. "I'm scared. Yes I am, bitch. I don't know what Grey are capable of but I'm more afraid to lose him. I can't let him go. You know t--""You are pathetic" Hannah cut me off as she left out a heavy sigh.Mapait akong ngumiti. "I'm not gonna deny that"Tumahimik ang paligid. Walang nag-usap sa amin ng ilang segundo. Ako ay nakayuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri habang si Hannah na nagpapalipas ng galit niya ngunit hindi iyon nagtagumpay."Arrgh! Inis na inis talaga ako sa asawa mo bitch. Can I atleast beat him up a bit? He deserve it! Or maybe I'll kill him. Darn it! He's getting into my nerves.""Alam ko Hannah pero 'di ko gugustuhing saktan mo ang asawa ko"Sinamaan niya ako ng tingin. "Ayan! Sige magpakatanga ka pa. Talagang pinagtatanggol mo pa 'yang asawa mong walang modo.""Hey, hindi siya walang mod--""Just shut up. Wag mo ipagtanggol ang gago mong asawa" Tinakpan niya ang kanyang magkabilang tainga. "I don't want to hear your stupidness and obssession about that fucking man--""He is not just a man, he has a name. His name was Gr--""Jusko! Malala ka na bitch"Ngumuso lang ako bago ginalaw ang pagkaing hinain niya sa akin. Alam kong gago ang asawa ko pero ayaw ko paring naririnig sa iba na sinisiraan siya o pinagsasalitaan ng masama. That's my husband, it's my duty to defend him kahit sa bestfriend ko pa."Bitch" tawag ko ulit sa kanya."Hmm?" She is now busy on her phone but still respond."Where is my husband?"Kita ko ang paglingon niya sa akin pero agad ding bumalik sa phone ang tingin niya. Hindi siya sumagot pero may ipinakita siya sa akin. Isang I* story. Story ni Andrew, isa sa mga kaibigan ni Grey.Nasa isang exclusive bar sila at nagsasaya doon. Nahirapan akong lumunok at agad na iniwas ang tingin doon."See? 'Wag mo ng hanapin ang asawa mo. He's busy having fun. He's not worried of you"Mukhang tuluyan ng nainis si Hannah kaya nagpaalam muna itong lumabas.Natira ako sa loob at pinagpatuloy ang pagkain ngunit nahihirapan ako itong lunukin. Parang may kung anong bagay na nakaharang sa aking lalamunan."Dapat hindi ka na nag-expect Cathy" usal ko sa sarili habang nararamdaman ang pagbigat ng pakiramdam. "Dinala ka lang niya sa hospital. That's it"Kinalma ko ang sarili bago tinapos ang pagkain at tumitig na lang sa kisame habang dahan-dahang lumalabas ang tinatagong luha sa aking mata."Are you sure you're going home now?" Tanong ni Hannah na matiyagang nagbantay sa akin sa hospital. Tatlong araw rin akong nananatili dito. Bumaba na rin ang lagnat ko kaya sinisiguro kong magiging okay na ako pagdating sa bahay. Hindi ako komportable dito sa hospital at 'di ako makakapagpahinga dito. Mas mabuti ng nasa bahay ako. Kamusta na kaya si Grey? Nakakain kaya siya ng maayos? Ano kayang ginagawa niya?Grey didn't give an effort to visit me here for three days so I'm worried. "Oo, hindi ako komportable dito" sagot ko. Hinipo muli ni Hannah ang aking noo. "Pero 'di pa rin natatanggal ang lagnat mo" tumingin siya sa akin na may halong pag-aalala."Bitch you don't need to worry. I will be fine. Sa dami ng sakit nararanasan ko, ito pa kayang lagnat 'di ko kayang lagpasan? Ayoko dito sa hospital" Ang kaniyang mata ay tanggi pa rin sa gusto ko pero dahil nagpupumilit ako, napabuntong hininga na lang siya at sumuko. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Isa pa muling buntong hininga an
"Cathy!" Nagising ako sa sigaw ni Grey.Siya na yata ang alarm clock ko sa umaga. Hindi ko agad naimulat ang aking mata sa sobrang hapdi. As usual, umiyak na naman ako.Ang sakit naman kasi ng sinabi niya. Lagi niyang pinamumukha sa akin na wala akong halaga sa kaniya. Pinamumukha niya sa akin kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. Ni hindi ko nga memention ang pangalan dahil nasasaktan ako. Lagi namang gano'n. Pero kung iniisip niya na ile-let go ko siya, parang ang hirap gawin. Hindi ko kaya. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Inayos ko rin ang mukha ko at nilagyan ng concealar ang mga pasa.Muntikan pa akong ma-heart attack dahil lumuwa ang pinakamamahal kong asawa sa aking harapan at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sakin pagbukas ko ng pinto. "Bakit ang tagal mo?" Naiinis nyang tanong. Humakbang ako paatras. Natatakot na naman ako sa kanya at mukhang napansin niya 'yon kaya kaagad naging kalmado ang mukha niya. "S-sorry kagigising ko lang" nauutal kong ani. "E
Pagkatapos ng pagbisita nina mama at papa balik na ulit kami sa dati. Balik na naman sa mga sigaw at pangbabalewala niya sa akin. Tutok na tutok ako sa animated movie na pinapanood ko nang marinig ko ang yapak ni Grey pababa. Agad akong lumingon sa kaniya. He's on his phone, taking a call. Nakasuot siya ng gray dress shirt at itim na slacks. "Any updates of her? Have you seen...." Agad napawi ang ngiti niya nang mapadapo ang tingin niya sa akin. "What are you looking at?" masungit niyang saad. Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain habang nanonood. "'Wag mo na ko hintayin, may pupuntahan ako" napabaling ulit ako sa kanya. Inaayos niya ang kaniyang suot. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa panonood. "Hoy! Nakikinig ka ba?" napatig-ad ako sa gulat nang makitang nasa harap ko na siya. "O-oo" nauutal kong sambit. Ang kaninang galit niyang mata ay biglang naging blanko. Tsaka ko lang napansin na may luha pa lang tumutulo sa mata ko. "'Yong movie kasi... Nakakai
Paggising ko ng umaga namamaga ang mata ko. Hindi parin ako makamove on sa nalaman ko kahapon. Sana hindi na lang binanggit ni Andrew. He planned it all along. He's making an action na. Naiisip ko na naman tuloy kaya nararamdaman ko na naman ang bigat sa pakiramdam.Nagtungo ako sa banyo para maligo. Maggogrocery ako ngayong araw tutal kailangan ko ng distractions. Paubos na rin kasi ang stock sa bahay. Plano ko ring magbake at bibisitahin ko ang mga magulang ko tutal kailangan ko sila ngayon. Gusto ko ng comfort ng magulang ngayon. Nakasuot ako ng red sundress na pinaresan ko ng strap sandals. May dala akong maliit na white sling bag para lagayan ng wallet at cellphone ko. Niladlad ko lang ang aking buhok at nagsuot ng puting headband. Tinago ko ang lahat ng dapat itagong pasa gamit ang concealar at nagshade para hindi masyadong halata ang pamumugto ng aking mata. Hindi umuwi si Grey kagabi kaya naman 'di rin ako busy ngayon. Hindi na rin ako nag-abalang itext kung nasaan siya.
Cathy's POV..."All done!" Kakatapos ko lang magbake. Satisfied naman ako sa itsura kaso hindi nga lang ganoong ka-perfect. Good thing is hindi siya sunog. Kumuha ako ng isang piraso para tikman at buti na lang hindi maalat at hindi rin gaanong matamis. Pwede na sa mga katulad kong beginners. Iniisip ko rin kung magjo-join ako sa baking class. Iyon naman kasi ang napagiinteresan ko. I also want to purchase more baking equipments. I told Andrew na hindi ko siya maipagbabake ngayon. Okay lang naman daw sa kaniya. Wala na kasi akong time para gumawa ng mas maraming cookies. My parents are waiting for me now. Maghahapon na din kasi. After kong mailagay sa isang malinis na container ang lahat ng cookies, tsaka lang ako nagprepare ng pag-alis. I'm wearing a brown jumper dress with white shirt underneat. Inilugay ko ang buhok at naglagay lang ng isang maliit na clip sa sides.Nilagyan ko ng concealer ang ibang hindi pa naghilom na pasa sa aking mukha bago ako nagmake-up ng light. Para la
Kinabukasan ay nagising ako na nasa kama na ako. Binuhat ba ako ni Grey dito? Uminit ang aking pisngi dahil doon. Talaga bang ginawa niya iyon? Nawala ang antok ko dahil do'n! Kahit alam ko namang ginawa niya lang 'yon para siguro hindi ako makita ni mama na nasa sahig. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo bago bumaba. Hindi ko na naabutan si mama at papa. Nasa work na daw sila sabi ng katulong dito.Hindi na rin ako nagtagal, umuwi rin ako pagkatapos kong mag almusal at maligo. Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad akong naglinis. Actually, gusto ni mama na may katulong sa bahay pero mas pinili kong tanggihan iyon. Gusto kong maging hands on house wife. Kapag maraming lilinisin tsaka lang ako nagpapadala ng housekeeper na maglilinis. Pinuyod ko ang buhok into bun bago ako nagtungo sa laundry room. Maglalaba ako ngayong araw. May automatic washing machine naman ako kaya hindi na ako mahihirapan maglaba. May pangbanlaw na rin kaya naman ang aasikasuhin ko lang ay pagtiti
Cathy's POV...Gumising ako na maganda ang mood. Simula kasi no'ng hindi na ako sinasaktan ni Grey ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi naman siya mabait sa akin pero mas kalmado na siya ngayon kaya kahit papaano 'yong takot ko sa kaniya ay bumaba na din. Bago ako bumangon, naghilamos muna ako at tiningnan ang sarili sa salamin. May mga pasa pa din ako sa braso, binti at meron sa likod. Medyo malaki kaya hindi agad gumagaling. Sa mukha ko naman ay mabuti at wala na. Plano ko gumawa ng cake ngayong araw dahil iyon ang magiging gift ko para kay lola. Birthday na niya bukas eh. I've watched many tutorial videos so I hope my cake doesn't look miserable. Naligo muna ako para maging presko ang aking pakiramdam. Nagsuot ako ng terno cotton shirt and short na kulay pink na may watermelon design. Inipit ko ang buhok into high pony tail. Naghairband din ako ng plain na kulay itim para sa mga baby hair ko. Umakyat muna ako sa taas para tingnan kung umuwi ba ang aking asawa. Hindi ko
Grey's POV...Halos hindi ko maimulat ang mata sa sobrang bigat ng aking pakiramdam. Napakalamig, nanginginig ang aking katawan. Lanta na lanta ang aking katawan. Ni mismong pag-angat ng kamay ay hindi ko magawa. Did I tire myself too much? "Grey gising ka na ba?" I heard Cathy's worried voice. I groaned in response. "Buti na lang gising ka na. Sobrang taas ng lagnat mo. Anong ginawa mo at nagkalagnat ka? Kaya mo bang bumangon saglit? Kumain at uminom ka muna ng gamot bago ka ulit magpahinga." Gusto ko ding gumaling kaya pinilit ko ang sarili na bumangon. Dahil hindi ko kaya ng sarili ko lang, kinailangan ko pang kumapit sa braso ni Cathy para lang makaupo. Mabilis namang umalalay si Cathy. Inayos niya ang sinasandalan ko. Pinatungan niya iyon ng maraming unan bago ako tuluyang isinandal. Nahihilo pa ako dahil sa biglaan kong pagbangon. Minulat ko ang mata at tumambad sa akin ang mukha ni Cathy na hinihipan ang soup na nasa kutsara. "Kumain ka ng marami. Kailangan mo 'yan pa
"What do you feel?" My mom asked while caressing my shoulders as we looked at my reflection. I look elegant in my white one shoulder mermaid tail dress with a lots of beautiful beads and been showered by a lot of shining gold glitters. Napakadetalyado din ng mga burda na makikita mo na binigyan ng sobrang effort ang gown ko. Silver and gold ang theme. Sabi kasi ni Grey masiyado daw akong valuable kaya gold. Ang corny pero napakilig ako. My hair is in a bun and there's a gold with a mix of silver crystal medium size crown at ang belo ko ay sobrang haba na umabot hanggang sa sahig. Grey said that I need to wear a crown because I'm a queen. Ang reyna daw na pagsisilbihan niya. Another cheesy talk coming from Grey. Patagal ng patagal pacorny ng pacorny siya pero okay lang. Alam ko namang bumabawi siya para sa akin at para sa kaniyang mga anak. "I'm so happy mom. Super happy..." Bakas na bakas ang saya sa mukha ko. Abot ang langit ang ngiti na aking pinakikita habang nakaharap sa sa
"We are getting married!"Isang masigabong palakpak ang kumalat sa silid matapos naming iannounce ang kasal namin. Nagkaroon kasi kami ng salo-salo. Nasa isa kaming mahabang mesa at masayang nagdidinner. Kasama namin ang magulang ni Grey at ang magulang ko. Hannah and Andrew and John were invited too. "Yehey buti nagkabalikan kayo ng paborito kong apo!" Si lola iyon na kahit sa tumatandang edad ay nagawa pang tumayo at parang batang sumayaw. Kaagad naman siyang pinatigil ng nurse niyang kasama. "Ako po ang apo niyo la!" Muli na namang reklamo ni Grey. Nagtawanan kaming lahat sa inakto ni Grey at ni Lola. "Congratsss bitch! I'm so happy for you!" Hannah said while clapping. "Grey huwag mo ng sasaktan 'yan ah?! Uupakan talaga kita!" Dagdag pa niyang banta. I felt Grey stilled in my side then he softly embrace me in his arms. "Nah, not gonna happen again" bulong niya na ikinangiti ko. "Congrats dude, goodluck sa pagiging ama natin" sabi ni Andrew na hinawakan ang tiyan ng asawa.
"Sure na po ba 'yan ma'am? Iiwan mo na kami?" One of the employee of the resort asked. I chuckled. Isinara ko kasi ang resort ngayon at naghanda ng munting salo-salo para sa pag-alis ko. "Yes. The new operation head is already on the way. You should respect her the way you respect me. Please do your job neatly. I want my staff to be best." "Congratulation po sa inyo si Kuya Grey ate" ani ni Mila na ngayon ay isa na ring staff sa resort. Dahil aalis na kami ng mga bata, hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa Manila. Naandito ang pamilya niya at ang kaniyang buhay kaya ipinasok ko na siya ng trabaho sa resort. "Thank you Mila. Sana mag-enjoy ka dito" "Thank you rin po ma'am" "Sige na, kumain na kayo." We had a peaceful lunch. Nakipagkwentuhan ako sa kanila at nakipagbiruan kasama ang mga anak ko. After kong makipagkwentuhan, tsaka ko naman nilibot ang buong resort kasama ang dalawa kong anak para magmuni-muni. I feel the fresh and relaxing vibe of the resort for the last timeP
Warning: R18______After we ate and get dressed, we left the room. Pagkalabas pa lang, todo kapit na si Grey sa kamay ko. He didn't even want to let it go. And he kissed my forehead from. time to time. Minsan nagugulat na lang ako sa gesture niya. Hindi kasi ako sanay na ganito siya ka-sweet. Ito palang ang version ni Grey kapag nagmamahal. So this is how he treated Vanessa before. "Are you not comfortable?" Tanong niya nang mapansin ang lagi kong pagkagulat. Umiling ako. "Hindi naman. Naninibago lang ako" Naglalakad lang kami ngayon sa beach side. Dahil maaga pa, hindi pa masakit ang tama ng araw sa balat at ito ang magandang time para magbabad sa araw. "You need to get used of it. Kapag may time ako, gagawin ko lahat ng ito para lang ma-feel mo lagi kung gaano kita pinahahalagahan na hindi ko nagawa noon. I'm making it up to you after all" May pumiga sa puso ko. Hindi dahil sa sakit ngunit dahil sa saya. Ang sarap mag 'aww' kasi parang natutunaw ang puso ko sa sinabi niya.
"Ano may painom ka pa ng soju tapos sasagutin mo din naman?" "Bakit hindi mo na lang ako icongratulate?" Ngumuso ako sa screen habang kausap si Hannah na sarap na sarap sa kaniyang kinakain na apple at alamang. Buntis na ang gaga pagkatapos ng ilang buwan. Magkavideo call kami ni Hannah at kakasabi ko lang ng good news. Gabi na at kakatapos lang namin magdinner. Grey and my father have their drinking session. Nasa isa silang cottage at nag-uusap habang ang mama ko naman ay kasama ang dalawa kong anak. Nanonood sila ng movie. Nasa office ako dahil may tinatapos lang na kaunting work. "Gusto ko lang ipalala sayo mga kagagahan mo. Karupukan level 1000" Inismidan ko siya. "Anong gusto mong gawin ko? May anak na kami. Maghahanap pa ba ako ng iba?" "True tsaka wala ka namang minahal kung hindi si Grey lang bitch" Nag-init ang pisngi ko. Edi ako na nga ang patay na patay kay Grey. Nangingiti akong nginisian siya. "Pero huwag ka, mas patay na patay na sa akin 'yong partner ko" "Naks
Galit na galit ako. Sa puntong ito, gusto kong sabunutan si Grey. Deserve niya mabugbog. How dare him to tell them? Pinagtakpan ko na nga, inexpose pa.Nakayuko lang siya habang nasa kabilang side ng sofa. Nagdudugo parin ang ilong at may sugat pa ata sa labi. I want to check on him but my father dragged me beside him. Kakakalma lang ni papa matapos ang nangyari kanina pero ramdam parin ang tensyon sa sala. Dinala muna ng mama ko ang mga bata sa labas. It's unpropriate for my children to see this. "I can't believe this. Mukhang nagkakatuwaan pa kayo huh?" Tiningnan niya kaming dalawa na puro icing sa katawan. Napanguso na lang ako at walang maisagot. "Why you didn't tell me this Cathy?" Papa asked. "Ngayon ko pa lang plano sabihin.." "Kailan pa?" "After Hannah's wedding"Minasahe ni papa ang kaniyang sentido. Masama niya akong tiningnan. "Bakit mo tinanggap ang lalaking 'yan dito?!" Dinuro niya si Grey. At mukhang ramdam na ramdam ni Grey iyon dahil napapapikit pa siya haban
Hapon na natapos ang swimming. Ang mga bata kasi ayaw paawat. Pero nang mabihisan ko naman, dumiretsyo agad ng tulog. Hindi na kami bumalik sa bahay. Kumuha ako ng kwarto sa katabi lang ng room ni Red. "You should rest too" Grey said while entering the room. Siya ang kumalong kay Clyde habang ako naman ay nakakalong kay Casey. "I will. Magpahinga ka na rin" Iniayos ko si Casey sa kama. Maingat namang binaba ni Grey si Clyde sa tabi ni Casey. Kinumutan ko sila ng maayos at hinalikan sa noo. Hinalikan rin sila sa noo ni Grey. Nasa kabilang side si Grey ng kama nang bigla nitong itukod ang tuhod at ang isang kamay sa kama para tawirin ang pagitan naming dalawa. Using his other hand, he reached for my hand to pull me closer to him. Since it's a sudden move, I don't have time to refuse. Napahila ako kasama niya. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa noo ko. I stiffened. "Pwede ba ako mag-inom?" Kumurap ako ng dalawang beses bago tumingin sa kaniya. "Huh?""Mag-iinom ka
"Ano okay ba 'yong room mo?" I ask Red. Nasa mini sofa kami habang nakatingin sa mga bata na nasa lapag at kalaro si Grey. And Grey always look at us if there's a chance. "Oo naman. You don't need to prepare me a huge room but thanks. Naeenjoy ko ang bakasyon kasi libre" I heard Grey's tsked. "May pera naman tapos nagpapalibre?" Bulong lang niya iyon pero rinig naming dalawa. Napikon si Red kaya naman binawian niya. "Gano'n talaga kapag special. Nililibre" Mahinang tumawa si Grey. "Special child." "Hashtag pag-inggit, pikit na lang" Napatahimik si Grey at hindi nakaimik. "Loser naman pala 'yang manliligaw mo eh" bulong sa akin ni Red. Kinurot ko naman siya. Tumawa lang siya at tumayo. May kinuha siyang paper bags at binigay sa akin. "Books!" Kaagad na nangningning ang mata ko at kinuha agad 'yon. "Shit! You really know my taste!" Niyakap ko 'yong tatlong libro sa aking kamay bago iyon inamoy. "Siyempre. Ako pa? Marami akong alam sayo. 'Yong isa kaya diyan....meron? Did he
When he say uuwi siya, umuwi nga siya. Mas maaga sa inaasahan ko. Kakatulog lang ng mga bata nang dumating si Grey. Suot niya pa rin ang work attire niya kanina at tanging cellphone at wallet lang ang kaniyang bitbit. Halatang mabilisan siyang kumuha ng ticket papunta dito. Noong marinig niya na darating si Red bukas, nagdecide na kaagad siya pauwi. I wonder what will happen tommorow. "The kids?" His voice sounds tired. "They are sleeping. Napagalitan ko sila kaya pinatulog ko ng maaga" Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan. I was about to turn off the light when he suddently came look like that. May duplicate na susi na siya ng bahay. Gano'n na siya kawelcome sa bahay namin pero siyempre hindi sa akin. Tumango siya. Binaba niya ang cellphone at wallet sa coffee table sa sala at pabagsak na umupo sa sofa.Nagpatuloy ako sa pagbaba. Pumunta ako sa kusina para initin ang dinner namin kanina na kaldereta.Mukhang hindi pa siya kumakain. "Take off your office suit. I'll wash them lat