[ELYSIA's POV]Unti-unti akong nagmulat ng mata at nag-inat ng katawan ko. Napabaling ako kay Xavi na nakayakap sa'kin. Ngumiti ako at inilagay ang kamay ko sa pisngi niya."Thank you"pabulong na sabi ko habang nakatitig sa gwapong mukha niya saka iyon hinaplos ng marahan.Hinuli niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya at masuyong hinagkan. Malawak akong ngumiti ng magmulat siya ng mga mata at tinitigan ako."Good morning, babe"bati ko sa kanya."Good morning, baby"ganti niyang sabi.Ilang segundo kaming nagtitigan at walang gustong magsalita sa'ming dalawa. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang mga mata niya 'don."We need to celebrate, babe.Kalimutan na natin 'yong nangyari kahapon"pahayag ko.Hinapit niya ang beywang ko at hinila ako papalapit sa katawan niya kaya mas lalo kaming naglapit. Lumunok ako ng laway nang mapatitig sa mga mata niya."Yeah. I think, we need to celebrate"bulong niya sa labi ko.Napapikit ako ng hagkan niya 'ko. Smack kiss lang 'yun pero napangiti ako."
[JOANA's POV]Halos makalimang basong tubig ako. Sobrang nalulunog ako sa hotness overload ni Gino habang pinapanood ko siyang mag basketball kanina."Tinatakasan mo 'ba ako?"-GinoHalos mapatalon ako sa gulat sobrang gulat sa pagsulpot niya dito sa kusina. Napahawak ako sa gilid ng mesa para pang-alalay sa mga tuhod kong nanlalambot."N-No"nauutal kong sabi.Umatras ako ng lumapit siya sa'kin. Tiningala ko naman siya dahil mas matangkad siya kaysa sa'kin.Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang beywang ko. Kakainom ko lang pero parang natutuyuan na naman ang lalamunan ko.Nag-angat ako ng mukha para makita a ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko."What are you doing?"salubong ang dalawang kilay kong tanong.Seryuso naman siyang nakatitig sa'kin."Hulaan mo kong ano ang naisip ko?"aniya.Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko habang nakatitig sa mga mata niya. I really don't know what he is thinking right now.Umiling ako."I don't know"Umawang ang bibig ko ng yuk
[ELYSIA's POV]Pabalik-balik ang ginagawa kong paglakad sa labas ng delivery room. Habang tahimik na dumadasal na sana maging maayos ang panganganak ni Angelica.Napatigil ako sa harap ng pinto ng lumabas ang doctor, kaagad itong nilapitan ng Mama at Papa ni Angelica."Kumusta po ang anak ko, doc?"nag-aalalang tanong ng Mama ni Angelica sa doctor. Maging ako ay naghihintay sa sasabihin niya. Hindi ko maiwasang mag-alala, napalapit na 'din sa'kin si Angelica."Huwag na po kayong mag-alala. Nakalabas na po ang bata at ililipat na namin ang anak ninyo sa ward"paliwang ng doctor.Napangiti naman ako. Salamat naman dahil maayos ang panganganak niya."Salamat po, doctor"pagpapasalamat dito ng Papa ni Angelica. "Tara muna po. Kumain muna po kayo"alok ko sa kanila.Binalingan naman nila ako."Maraming Salamat sa laging pagtulong mo sa'min"Ngumiti naman ako sa kanilang mag-asawa. Bukal sa loob ko ang tumulong kaya masaya ako dahil nakikita kong unti-unting nagiging maayos ang kalagayan ng pa
[ELYSIA's POV]Kagaya ng lumipas na araw, halos hindi kami nagpapang-abot ni XaviNakakatulog na ako sa paghihintay sa kanya sa gabi. Sa umaga naman, paalis na siya kapag gumigising ako. Kapag pinupuntahan ko naman siya sa office para hatidan ng pagkain, hindi ko siya masyadong nakakausap dahil abalang-abala siya sa trabaho.Nangako siyang pagkatapos ng mga kasong hinahawakan niya, babawi siya sa'kin. Napatingin ako sa kahon na nakapatong sa bed side table, bracelet ang laman 'non.Today is my birthday. Hinaplos ko ang umbok ko sa tiyan. Hindi pa 'yun masyadong halata. Pero ang sabi ng Ob-Gyne ko, kasing laki na ng avocado ang baby ko.Tatlong buwan na akong buntis. Sabi ng doctor kailangan kung mag-ingat dahil sa buwan na 'to ay magde-develop ang mga body part ng baby ko. Sinusunod ko lahat ng pinapayo niya sa'king gawin ko at hindi ko pwedeng gawin.Pilit akong ngumiti. Pupunta ako sa Mall ngayon. I need to shop, lalo na iyong mga dress na pangbuntis talaga. Ilang buwan pa baka lu
[ELYSIA'S POV]Tuwang-tuwa ako ng mag text sa'kin si Xavi.Pinapapunta niya ako sa isang restaurant para sabay kaming mag dinner tonight.Kaagad akong naligo, nagbihis at nag-ayos. Gusto kung ako ang pinakamagandang babaeng makikita niya ngayong gabi.Nakailang sukat ako ng damit bago ako nakapili ng perfect outfit for me. Pinag ponytail ko ang buhok ko para maiba naman.'Nang makuntento ako sa looks ko, umalis na 'ko ng bahay.Pagdating ko sa restaurant, kaagad akong iginaya ng isang waiter sa VIP table. Hindi pa dumadating si Xavi, hindi na 'din siya ulit nag text kung kailan siya dadating.This is the perfect night to say that I'm pregnant to our child. Nitong mga nakaraan halos wala talaga akong mahanap na perfect timing para sabihin 'to dahil halos hindi kami magpang-abot na dalawa. Hindi 'din kami makapag-usap dahil napaka-abala niya. Ayaw ko namang mag demand ng oras dahil baka masakal siya. At alam kung hindi 'yun ang tamang gawin kaya ako na lang ang nag a-adjust. "Sorry. I'
Maagang pumunta dito sa bahay si Joana kaya nagtimpla ako ng kape. Mahilig kasi talaga akong magkape, nasanay na siguro ako dahil sa magdamagan kong photoshoot 'nong nagta-trabaho pa ako sa New York.Hindi naman mahilig sa kape si Joana kaya hindi kuna siya tinimplahan kaya ipinagluto kuna lang s'ya ng omellete. Naghila ako ng upuan at umupo doon nang matapos akong magluto. Sa harapan ko naman umupo si Joana saka nilantakan ang omellete."Mukhang masaya ka ata, ah?"sabi ko sa kaharap kong tahimik na kumakain habang pasulyap-sulyap sa phone niyang nasa ibabaw ng mesa."Yeah. I think, I'm inlove with him"nakangiting tugon niya. Napabuga ako hangin. Hindi ko siya masisi, mabait naman talaga si Gino, pero ang bilis niya naman atang mainlove?Tapos na si Joana kumain ng dumating ako."Elysia.Magluto kaya tayo para sa mga lalaki natin?"suhestiyon niya."Madami pa naman ang adobong natira kagabi kaya 'yun na lang ang kakainin ko mamaya"tugon ko sa kanya."Ayaw mo bang ipagluto ang asawa m
[Elysia's POV]Naabutan ko si Xavi sa sala. Tinitiklop niya ang manggas ng suot niyang long sleeve bago ako binalingan."Good morning"bati niya sa'kin ng makita ako.Kaagad naman akong ngumiti at binati siya pabalik. Naglakad ako papalapit sa kaniya, hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at inayos 'yon."Thank you, baby"pagpapasalamat niya ng matapos ako."Welcome. Goodluck"nakangiti kong sabi.Yinuko niya naman ako at hinalikan. Kaagad naman akong tumugon, napasabunot ako buhok niya ng kagatin niya ang labi ko."I have to go, babe"bulong niya ng maghiwalay ang mga labi namin.Tipid akong ngumiti at tumango bilang tugon."Bye"paalam ko.Muli niya akong hinalikan bago tuluyang umalis. Napabuga na lamang ako ng hangin at umupo sa sofa. Hindi man lang niya napansin ang umbok sa tiyan ko. Yinuko at hinawakan ko ang tiyan kong unti-unti ng lumalaki. Umupo ako sa sofa at hinaplos-haplos iyon.Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Ngumiti ako ng pumasok si Jonah na may dalang prutas, n
It's already 11pm. Pero kahit text or tawag mula kay Xavi wala akong natatanggap kung uuwi pa'ba siya or hindi na?Ipinikit ko ang mga mata ko, sabi ng doctor na huwag akong magpa-stress. Kailangan kong alagaan si Baby. Unti-unting bumigat ang paghinga ko hanggang sa nawala ako sa sariling kamalayan.Naramdaman kong may tumabi sa'kin pero hindi kuna kayang imulat ang mga mata ko kaya tuloy-tuloy ang pagtulog ko. Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Pero wala na ang taong katabi ko, bumangon ako at hinahanap siya sa banyo pero wala. Dali-dali akong bumaba ng marinig ang pag-ugong ng sasakyan niya.Napabuga ako ng hangin ng hindi siya maabutan dahil mabilis niyang pinasibad ang sasakyan.Dismayado akong bumalik sa loob ng bahay. Nagtungo ako sa kusina para magluto ng makakain. Kahit wala akong ganang kumain, para na lang kay baby.Sinangag ko ang lamig na kanin. Nag-prito ako ng itlog at ham. Magtitimpla sana ako ng kape pero pinigilan ko ang sarili ko. Subo at nguya ang ginaw
"How is it?"nakangiti kung tanong kay Mama ng subuan ko siya ng niluto kong sopas. Sinadya kong damihan ang cabbage at karot para madaming vitamin ang pumasok sa katawan niya.Tumango-tango siya at ngumiti sa'kin."Napakasarap, anak. Salamat"komento niya.Malawak akong ngumiti at muli siyang sinubuan."Kinausap ko ang doctor mo. Sabi niya hindi kapa daw pwedeng lumabas ng hospital dahil baka daw bumuka ang tahi o kaya ma-infection ka kaya o-obserbahan kapa daw nila in three days"paliwanag ko.Kinuha ko ang baso na may lamang tubig, may straw naman iyon kaya hindi mahihirapang uminom si Mama."Kaya kailangan mong maka-recover kaagad.Ipapakilala kita kay Ellaine"dagdag kongsabi at muli siyang sinubuan ng pagkain."E-Ellaine?"ulit niya sa pangalang binanggit ko.Tumango ako."Sa anak ko po, Mama. I'm sorry, hindi ko sinabi ang tungkol 'don. Hindi pa po kasi ako handang sabihin sa lahat na nagka-anak ako""A-Ano?"hindi makapaniwalang tanong niya.Lumunok ako ng laway at diretsong tumingin
[JOANA's POV]Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naging normal na lang sa'kin na wala si Elysia. Hanggang ngayon, tinatawagan ko pa'rin ang number niya pero mukhang wala na 'yon dahil hindi ko siya makontak kahit isang beses.Pinanindigan na 'din ni Xavi ang anak niya sa ibang babae. Nalulungkot lang ako dahil sayang ang marriage nila ni Elysia pero wala naman akong magagawa para maayos nila ang relasyon nilang mag-asawa. Tanging silang dalawa lang ang makakaayos 'non wala ng iba.Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ng magising ako. Napatingin ako sa likod ni Gino habang wala siyang suot ng damit na nakaupo sa gilid ng kama. Ngayon ko lang siya nakitang naka-topless sa tagal ng relasyon namin.Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng makita ang mahahabang peklat sa likod niya."B-Babe, anong nangyari sa mga peklat mo sa likod?"curios na tanong ko.Nilingon niya ako at umiling."Pangit bang tingnan?"tanong niya sa'kin."No, ano bang nangyari diyan?"pangungulit ko.Ilang sandali
[GINO's POV]Napabuga ako ng hangin nang mapasukan ang bahay ni Gino at Elysia na parang bahay ng ahas. Nagkalat ang mga damit na Elysia sa sala, kusina maging sa hagdan.Nagkalat 'din ang mga bote. Wasak 'din maging ang flat screen T.V maging ang mga baso at pinggan ay mga basag 'din.Yinuko at pinulot ko ang lahat ng magazine na si Elysia ang front cover. Napabuga ako ng hangin at napailing-iling.Naka-higa si Xavi sa couch mukhang lasing na lasing dahil amoy ko ang matapang na amoy ng alak sa damit niya."Pare!"gising ko sa kaniya.Daig niya pa ang namatay sa hitsura niya ngayon.Hindi ko masisi si Elysia kong iniwan niya ang asawa niya, tarantado kasi talaga 'to.Nasa kaniya na ang babaeng pinapangarap ng halos lahat kalalakihan, pinakawalan pa."Elysia"tawag niya sa pangalan ng asawa habang tulog.Napailing-iling ako. Kahit hindi tama ang ginawa niya, kailangan ko pa'ring panindigan ang pagiging magkaibigan. Kung malalaman 'to ni Joana, paniguradong makikipag-break na naman siya s
[ELYSIA's POV]Halos maghapon at magdamag akong nag ta-trabaho. Tatlong offer ang tinanggap ko ng sabay-sabay kaya halos wala akong tulog at wala akong kain.Mabuti ito para maging busy ang utak at ang katawan ko para hindi ako mag-isip ng mga bagay-bagay na magdadala sa'kin sa matinding kalungkutan.Matapos kong itapon ang phone ko. Bumili na 'din ako ng bago pero wala akong contact sa Pilipinas kahit si Gigi na nag-iisang taong alam na nandito ako sa New York."Good job, everyone!"bati ko sa mga staff na kasama ko ng matapos ang photoshoot ko.Kaagad akong nagsuot ng jacket dahil ramdam kuna ang lamig. Malapit na kasing mag-pasko kaya umuulan na ng yelo."Good Job, Elysia.Please sleep at least for a while you are hardly resting"pahayag ng photographer.Malawak naman akong ngumiti sa kaniya at tumango sa sinabi niya."Yeah, I'll do it. Thank you"nakangiting sabi ko pagkuwa'y nagpaalam na ako sa kanila at nagtungo sa Van para magpalit ng damit.Sunod-sunod ang pagbahing ko. Inuubo na
[JOANA's POv]Binisita ko ang kuwadra, hindi ko maiwasang mapangiti ng masilayan ang mga kabayo.Nabalitaan kong ipinagamot ni Daddy ang paborito kong kabayo dahil hindi na maganda ang kondisyon nito. Sa iisang linggo daw maging ayos na ang kalagayan ni Puti.Bumalik ako sa bahay nang magutom ako. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal."Good morning, Joana"nakangiting bati sa'kin ng Mama ni Gino ng magtungo ako sa kusina.Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan."G-Good morning po"bati ko sa kaniya pabalik.Napabaling ako kay Gino ng dumating siya. Kaagad akong nag-iwas nang mata ng nagsalubong ang mga tingin namin.Mabilis akong tumalima at umakyat sa baitang ng hagdan patungo sa kwarto ko. Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa ibabaw ng table ko ng sunod-sunod ang pag-ring 'non.Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng mabasa ang pangalan ni Xavi sa screen. Ano bang problema ng lalaking 'to?"H-Hello, Joana?"namamaos ang boses na bungad niya ng sagutin ko ang tawag niya."Hi?"tugon ko sa k
[JOANA's POV]Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan habang pauwi kami ng probinsya ni Gino. Gusto niya akong ipakilala sa pamilya niya kaya pumayag ako.Nagkataon lang 'ba na pareho ang probinsya ng Stepfather ni Gino at ng Daddy ko? Paulit-ulit ako lumunok ng laway ng papalapit nang papalit ang bahay ni Daddy."G-Gino malayo pa'ba ang bahay niyo dito?"tanong ko sa kasama kong nagmamaneho."Nope, malapit na babe"tugon niya.Napatingin ako sa kamay niya ng ipatong niya 'yon sa maputi kong hita. Hinaplos niya ang hita ko, that's why I feel better."Where here"aniya saka inihinto ang sasakyan.Halos maubusan ako ng dugo ng ihinto niya ang kotse sa tapat ng bahay ni Daddy. Nagkakaroon na ako ng idea kong sino ang Stepfather ni Gino. Parang ayaw kunang lumabas ng sasakyan.Lumabas ng sasakyan si Gino kaya napilitan akong lumabas na 'din ng sasakyan kahit hindi okay ang pakiramdam ko. Lalo na ng lumabas ang lalaking nag mamay-ari ng bahay kasama ang Mama ni Gino.Hindi ako mapakali, para
Tanaw ko mula dito sa kinatatayuan ko ang nagaganap sa loob ng bahay nila Xavi.Gusto kong makita sila bago ako umalis. Hindi alam na aalis ako bansa, mas mabuting si Gigi lang ang nakakaalam ng pag-alis ko.Karga-karga niya ang bago nilang silang na anak ni Mildred. Kitang-kita ko ang malawak na ngiti sa labi niya habang nakatitig sa sanggol na nasa mga braso niya.Napahawak ako sa dibdib ko dahil naninikip iyon. Masayang-masaya kayo habang nagluluksa at nagdudusa ako ngayon sa pagkawala ng anak ko!"Ang gwapo niya. Mana sayo, iho"tuwang-tuwang sabi ng Mama ni Xavi, nasa tabi naman nito si MildredKaagad kong pinahid gamit ang hintuturo ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko. Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko. Pigil ang luhang nagmaneho ako papunta sa puntod ng anak ko.Nagtirik ako ng kandila at inilagay ang dala kong sampaguita sa gilid ng lapida ni Ellaine.Kaagad na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak noon."A
[ELYSIA's POV]Unti-unti akong nagmulat ng mata at inalala ang nangyari. Kusang tumulo ang mga luha ko ng maalalang nahulog ako sa hagdan.Taranta kong kinapa ang tiyan ko."A-Ang baby ko!"usal ko ng wala akong makapang bukol 'don."Nasaan ang baby ko!"tarantang sabi ko habang patuloy sa pagkapa ng tiyan ko."Elysia"tawag sa'kin ni Gigi ng mapasukan akong nakaupo sa hospital bed.Nag-uunahang umagos ang luha ko ng lapitan niya ako at hawakan ang mga kamay ko para pigilan ako sa pagkapang ginagawa ko sa tiyan ko."I'm sorry, Elysia"malungkot na sabi ni Gigi.Umiling-iling naman ako."Gigi, ang anak ko---""She's gone, Elysia.Wala na ang baby mo"napahikbi siya at niyakap ako.Napatulala ako habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. A-Ano bang sinasabi niya?"Condolence"bulong niya habang yakap-yakap pa'rin ako.Bigla akong nanghina. Para akong binato sa kinauupuan ko at parang nakalimutan kong huminga. Napailing-iling ako, hindi ito totoo."Nag reauest ako na ililibing natin 'yong fetus
[ELYSIA's POV]Nakatutulala ako sa flat screen T.V habang pinapanood si Xavi sa guesting niya sa isang show. Limang kaso ang naipanalo niya within two months kaya hangang-hanga sa kanya ang publiko.I'm proud of him. Walang duda iyon, pero masakit ang ginawa niyang pangluluko sa'kin and until now hindi pa kami nakakapag-usap na dalawa. Paano niya naatim na tumabi sa'kin sa pagtulog kong may ginagawa siyang milagro behind my back?"Matutulog na 'ko"paalam ko kay Joana na kasama kung nanonood."Elysia, hindi kaba natutuwa sa achievement ng asawa mo?"tanong niya sa'kin.Bumuga ako ng hangin at umiling."Inaantok na 'ko"Naglakad na ako patungo sa hagdan at umakyat sa baitang 'non."Elysia.Aalis nga pala ako, baka next week na ako bumalik"rinig kong sabi ni Joana."Sige"matamlay na sabi ko.Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto.Naupo ako sa gilid ng kama, gulong-gulo ang isip ko ngayon, hindi kuna alam kong ano ang gagawin ko.Gusto kong komprontahin si Xavi pero gusto kong s'ya ang unang magsabi s