"Zachary man, nandito ka rin pala? Ano bibili ka ng laruan para sa anak mo?" nakangising tanong ni Elijah Light sa kan'ya, ngunit kita ang pang uuyam sa mga mata nito."I'm not! Para sa mga anak ng kaibigan ko," seryosong sagot n'ya rito."Ohhh? Kaibigan my ass," pasaring nito sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa inakto ni Socrates. Alam n'ya nang may pagkasalbahe ito ng ugali, pero sa tono ng pananalita nito, mababanaag n'ya ang galit ng lalaki sa kan'ya."Papa Light, do you know him?" natigil sila ng pagsusukatan ng tingin ng magsalita si Zacheus."Yes Zacheus, just randomly know him," sagot ni Light sa bata."P-Papa? So, he is your son?" tanong n'ya kay Light."Yes he is! Bakit may problema ka?" pabalang na sagot nito. Hindi na sila narinig ni Zacheus, dahil naging busy na ito sa paglalaro ng laruan na inabot n'ya rito."May galit ka ba sa akin Socrates?" seryosong tanong n'ya kay Light."Galit? No! Offcourse not! Bakit naman kita pag aaksayahan ng oras Ferrari?" mabil
ZACHARY...Umuwi s'ya ng Pilipinas dahil sa triplets ni Maybelle. Naunang umuwi si Maybelle at silang dalawa ni Nix ang naiwan sa mga bata.Kahit sinabi na ni Maybelle sa kanila na huwag na huwag nilang iuwi ang mga ito, pero hindi sila nakinig, ginawa pa rin nila.Nag-usap na sila ni Monteverde at sa palagay nilang dalawa, oras na para ayusin ni Maybelle at Lee ang kanilang pamilya, para sa mga bata.Naaawa na din sila sa triplets at napag-alaman sa imbestigasyon ni Nix na hindi naman babae ni Geo ang ibinahay nito.Iniligtas daw nito ang babae sa mga gustong pumatay rito kung kaya kumapit ito sa kan'ya dahil sa pangalan at impluensya ni Lee.Matapos ihatid ang mga bata mula sa paggala nila sa mall ay dumeritso s'ya ng uwi sa kan'yang penthouse.Nakasalubong pa nila kanina si Geo Lee sa mall at iba ang reaction nito ng makita ang triplets. Alam n'ya na sa mga oras na ito, naghihinala na ito sa mga tatlo.Bahala na si Maybelle na umayos ng buhay nilang mag-asawa. Hindi na sila kasa
Tahimik n'yang minaniubra ang sasakyan at binaybay ang daan pauwi sa kanilang condo.Tahimik lang din sa upuan ang asawa at nakita n'yang malalim ang iniisip nito. Hindi n'ya na muna ito kinibo at hinayaan na muna na makapag-isip, ngunit hindi n'ya na ito hahayaan pa na mawalay sa kan'ya.Ano man ang maisip nitong desisyon mamaya, rerespetuhin n'ya, huwag lamang hilingin nito na maghiwalay na sila for good.No way! There's no such thing, lalo na ngayon na sigurado na s'yang si Zacheus ay anak n'ya.Hindi n'ya pa itinanong kay Paulyn ang tungkol kay Zacheus pero malakas ang kutob n'yang anak n'ya ito.Matapos n'yang makita kanina ang wallpaper nito, patay malisya at nagkunwaring walang nakita n'yang ibinalik sa asawa ang cellphone nito.Ilang minuto ang lumipas at narating nila ang building kung nasaan ang kanilang penthouse.Nauna s'yang bumaba ng sasakyan at umikot sa kabila at pinagbuksan ang asawa. Tahimik naman itong bumaba at tipid na nagpasalamat sa kan'ya.Hinawakan n'ya ang ka
"G-Gio," nauutal na tawag ng asawa sa kan'ya. Umusod s'ya paakyat para magpantay silang dawala.Pinasuot n'ya muna ito ng t-shirt, dahil hindi s'ya makapag-isip ng maayos kapag nakahubad ito sa kan'yang harapan."Yes honey?" sagot n'ya rito."Ano yong s-sinabi mo kanina?" kinakabahang tanong nito."About you being a mother?" balik tanong n'ya rito. Nakita n'ya ang paglunok nito ng ilang beses at halatang kinakabahan."A-Anong alam mo?" nauutal na tanong ulit nito sa kan'ya."Na si Zacheus is my son, am I right honey?" deritsong tanong n'ya sa asawa na ikinalaki ng mga mata nito sa gulat."K-Kilala mo si Zacheus?" mahinang tanong nito."Yes! I meet him once, sa mall. Pero may nangyari noong naghiwalay na kami. Socrates took him and told me that Zacheus is his son— but I don't believe it. Unang kita ko pa lang sa kan'ya, ramdam ko na. Ramdam ko na— na anak ko s'ya. He's the total copy of me Paulyn. Kahit sino hindi mag- aatubiling magsabi na anak ko s'ya," giit na sabi n'ya rito."When
PAULYN....Maaga pa lang gising na s'ya, mahigpit na nakapulopot ang mga braso ng asawa sa kan'yang bewang.Parang takot na takot itong mawala s'ya sa tabi nito. Lihim s'yang napangiti habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ni Zachary.Matagal man na panahon na nahiwalay sila sa isat-isa ngunit hindi nawala ang pagmamahal n'ya rito.Kahit pa nasaktan s'ya sa mga nalaman, hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang pagmamahal n'ya kay Zachary.Marami ang nangyari sa loob ng ilang taon na nawala s'ya. Maraming naganap sa buhay n'ya at nalaman n'ya ang pinakamalaking sekreto na matagal na panahon na itinago ng ina nila sa kanilang dalawa ni Duncan.Isang trahedya din ang nangyari na naging dahilan para hindi s'ya makalabas at hindi nabalikan agad ang asawa.Pero sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating sa buhay nila, nandito s'ya ngayon. Yakap-yakap ng pinakamamahal na asawa.Nang araw na umalis s'ya sa bahay nila, isang insidente ang muntik ng kumitil sa kan'yang buhay kasama sana si
PAULYN...FLASHBACK.."T-Tay?" nauutal na tawag n'ya sa matanda. Tumutulo naman ang mga luha nitong tumingin sa kan'ya at dahan-dahan na lumapit."Paulyn... My princess, my tatay's girl! Anak ko!" tawag sa kan'ya ng ama. Napahagulhol s'ya ng iyak habang nakatingin rito. "T-Tatay ko, tatay ko,.. buhay ka tay?" umiiyak na tawag n'ya rito. Lumapit naman ito sa kan'ya at mahigpit s'yang niyakap."Miss na miss ka na ni tatay anak, miss na miss na kita. Patawarin mo si tatay kung hindi ko kayo nabalikan anak, patawarin mo ako," umiiyak na sabi ng ama sa kan'ya."T-tay bakit? Bakit iniwan mo kami ni nanay at ni kuya? May nagawa ba kaming kasalanan sayo para iwan mo kaming tatlo ni nanay?" tanong n'ya rito."No Paulyn, wala kayong kasalanan ni Duncan pero si Teresita meron at malaki," sagot ng kan'yang ama habang igting ang mga panga at kuyom ang mga kamao."Tay ano bang pinagsasabi mo? Mahal na mahal ka ni nanay. At anong kasalanan ang mga pinagsasabi mo tay? Buong buhay ni nanay tayo lang
PAULYN....Pagkatapos nilang mag- almusal ni Zachary nagpasama s'ya dito para umuwi muna sa bahay ng kapatid.Hindi pa alam ni Zachary ang relasyon nila ni Elijah at magpahanggang ngayon, selos na selos pa rin ito sa lalaki.Ayaw ni Elijah na tinatawag n'yang kuya, dahil ayon dito, wala sa tradisyon nila ang pagtawag na kuya sa mga nakakatandang kapatid na lalaki.Tinahak nila ang daan patungo sa bahay ni Elijah. Tahimik lamang na nagmamaneho ang asawa at ganon din s'ya na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan nito.Itinuro n'ya kay Zachary ang daan patungo sa mansion ng mga Socrates dito sa Pilipinas. At matapos ang mahigit isang oras na byahe narating nila ang isang kulay puti na mansion na nakatirik sa isang malaking solar."Who's house is this hon?" tanong ni Zachary sa kan'ya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa malaking bahay sa harapan nila."You will know later honey. Come let's go!" aya n'ya rito. Nauna itong bumaba at umikot sa kabila para pagbuksan s'ya ng pinto.Lihim
ZACHARY...Matapos ang nangyari sa bahay ni Socrates bumalik agad sila sa kanilang bahay.Hindi mawala sa isip n'ya ang mga nalaman— kung kaya kinausap n'ya si Paulyn at tinanong.Isinalaysay naman ng asawa ang lahat at halos madurog ang kan'yang puso ng marinig ang mga sinabi nito.Nagpupuyos s'ya sa galit sa kung sino man ang may gawa no'n sa asawa. Ipinangako n'ya sa sarili na aalamin n'ya kung sino ang nasa likod ng lahat.Ayon sa kwento ng asawa, hindi naabutan ni Socrates ang taong kumuha sa kan'ya ng iligtas s'ya ng mga ito. Nauna na daw na nakatakas ang naturang tao at hindi na nila nakita pa. Kwento ng asawa, may balbas ang lalaki at kulay green ang mga mata nito.Pilit n'yang kinakalkal sa utak kong sino ang mga naging kaaway n'ya na s'yang pwedeng gumawa no'n kay Paulyn.Sa uri ng trabaho nilang mga assassin, libo-libo na ring kalaban ang nakaharap nila.Maliit man o malaking tao, binabangga ng grupo nila basta may utos mula kay supremo.Nasa malalim s'yang pag-iisip ng b
GLORYBELLE SCARLETT..."Thank you for standing here with me today as we create the ultimate team for life. I promise to be by your side and always love who you are, as well as the person you will grow to be," panimula ng kan'yang vows para sa asawa."I will be there for you when you need me, whenever you need me, and I will support you through misfortune, and celebrate your triumphs. I can’t wait to start this new and exciting adventure with the person I love most in the world," dagdag n'ya at puno ng pagmamahal na tiningnan si Gabrielle."I am so happy to be able to tell you – I do, I will, and I always will.Whatever I have is mine and whatever is yours is mine too.." dagdag n'ya pa na ikinatawa ng lahat ng mga bisita."I love you beyond anything else Esteban Gabrielle Lancaster, my dear husband."Masaya..! Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman n'ya ngayon. Hindi n'ya ito inaasahan. Kaya pala palaging wala ang asawa lately.Busy pala ito sa pag-aasikaso sa kanilang kasal. Mas l
GLORYBELLE SCARLETT...Isang linggo ng panay ang alis ng asawa. Malapit nang humulagpos ang kan'yang pasensya kay Gabrielle.Palagi na lang itong wala at hindi n'ya alam kung saan nagsusuong ang magaling n'yang asawa. Kapag tinatanong n'ya naman ito, ang palaging sagot lamang nito ay may trabaho na importanti at kailangang tapusin.But she doubt it kung sa trabaho ba talaga ang punta ng asawa n'ya. Katulad na lang ngayon na hindi na naman nila mahagilap ang magaling n'yang asawa.Pagkatapos nilang mag-almusal kanina ay nawala na naman ito at hindi na nakabalik hanggang ngayon.Malapit n'ya na talagang makalbo itong si Gabrielle. Parang araw-araw na lang ay sinusubukan nito ang kan'yang pasensya."Mommy bakit may ganyan sa gilid ng dagat? Parang may ikakasal, ang ganda ng decorations," tanong ni Bree na katulad n'ya ay nakadungaw din sa bintana at nakatingin sa dalampasigan na mayroong mga dekorasyon."Hindi ko din alam nak, baka may photo shoot o baka naman may movie shooting," sago
GLORYBELLE SCARLETT..."What the fvck are you doing there Gabrielle? Bakit sa bintana ka dumaan?" inis na singhal n'ya rito. Kinabahan pa naman s'ya ng husto ng makita na may taong gustong buksan ang sliding window ng kwarto nila."You give me eight hours only to be here at ilang minuto na lang matatapos na ang oras na ibinigay mo sa akin, what do you want me to do?" sagot nito sa kan'ya."Then bakit ka sa bintana dumaan? Wala bang pintoan? Pinakaba mo pa akong hayop ka!" inis na singhal n'ya sa asawa."Paano ako dadaan sa pintoan wife kung nilock mo pati sa loob?" nakataas ang kilay na tanong ng asawa sa kan'ya. Natahimik s'ya ng marinig ang sinabi nito. Oo nga naman, paano s'ya makakapasok kung nakalock pati sa loob ang pintoan nila."See? At kanina pa ako doorbell ng doorbell walang nagbubukas ng pinto," dagdag na reklamo pa ni Gabrielle."Eh sa naliligo ako, paano ko marinig ang pag doorbell mo!" taas kilay na sagot n'ya rito."Kaya nga! Kaya wala akong choice kundi sa bintana du
GLORYBELLE SCARLETT..."Mommy masarap ba?" nagulat s'ya ng marinig ang boses ni Bree. Nang silipin n'ya ito, nakita n'yang dilat na dilat ang mga mata nitong nakatingin sa kan'ya."B-Bree...baby g-gising ka na? Totoo ba to? Gising ka na talaga?" naiiyak at parang tanga n'yang tanong sa anak."Gising na gising na mommy, nakita ko na nga na kiniss ka ni daddy eh. Masarap ba mommy?" nakangising tanong nito sa kan'ya. Ngunit imbes na matawa s'ya sa kalokohan nito ay napahagulhol pa s'ya ng iyak.Niyakap n'ya ang anak habang umiiyak. Naramdaman n'ya rin ang pagyakap ng isang kamay nito sa knya."I'm sorry baby, I'm sorry! Patawarin mo si mommy, I didn't mean what I say. Galit na galit lang ako sa daddy mo ng oras na iyon. I'm sorry!" umiiyak na paghingi n'ya ng tawad dito." I'm sorry too mommy. Nang dahil sa ginawa mo baka nag worried na naman si daddy. Baka magalit na yon sa akin," malungkot ma sabi nito. Sinapo n'ya ang mukha ni Bree at hinalikan ito sa noo."Hindi galit ang daddy, na
ESTEBAN GABRIELLE...Naging maayos-ayos na ang lagay ng mag-ina. Medyo napanatag ang loob n'ya matapos ang operasyon ni Bree.Ang akala n'ya na maging ok na ay panandalian lang pala. Nagkaroon ng problema sa operasyon nito pagkatapos ng isang linggo and the doctor advice to bring Bree to America para doon na ipagamot.Mas lalo pang naging magulo ang lahat ng si Lily naman ay sobrang nanghihina na rin at halos hindi na kaya ng katawan nito ang mabuhay. Hindi n'ya alam ang gagawin. Nahahati s'ya sa dalawa. Kung aalis s'ya, iiwan n'ya si Scarlett dito sa Pilipinas at natatakot s'ya na baka sa pagbalik n'ya wala na ang dalaga.Kaya isang desisyon ang nabuo sa kan'yang isip. Agad s'yang pumunta sa kaibigan n'yang judge. Kahit anong mangyari Scarlett is his at hinding-hindi n'ya hahayaan na mawala ito sa kan'ya.Aayusin n'ya lang ang lahat at sasabihin na dito ang tungkol kay Bree. Ipapagamot n'ya muna ang anak n'ya bago ipakilala kay Scarlett. Natatakot s'ya na baka hindi maintindihan ni
ESTEBAN GABRIELLE....PAST..!!Pabalik-balik s'ya ng Cebu para kay Scarlett. Maraming nakaabang na misyon sa kan'ya, ngunit hindi n'ya nakaligtaan ang bumiyahe papuntang Cebu at sumaglit para lang makita ang dalaga.She's doing well and he is a proud fiancee para sa mga achievements ni Scarlett sa buhay. Masaya s'ya na may mabuting naibunga ang katigasan ng ulo nito. Parang normal na lang na routine para sa kan'ya ang makipagbakbakan sa laban at pagkatapos ay uuwi sa Cebu para naman sa babaeng minamahal.Hindi pa rin s'ya nagpapakita rito at nakuntento na lang na pagmasdan ito mula sa malayo. Nakatapos na ito ng nursing at kasalukuyang nagtatrabaho sa hospital na pag-aari ng kaibigan na si Elijah Light Socrates.Katunayan isa din s'ya sa mga investors sa hospital nito kaya madali para sa kan'ya ang papasukin si Scarlett. Walang kaalam-alam ang dalaga na s'ya ang nasa likod sa mabilis na pagkatanggap nito bilang nurse sa hospital ni Socrates.Bumili din s'ya ng bahay sa Cebu para hind
GLORYBELLE SCARLETT...."Bree!""Sabrina!" halos panabay na sigaw nilang dalawa ni Gabrielle sabay takbo palabas para sundan ang bata ngunit huli na ang lahat.Nakita na lang nila si Bree na nakahiga at duguan sa ilalim ng garbage truck na s'yang sinakyan din yata nito noong tumakas ito sa center."Sabrinaaa..!" malakas na sigaw ni Gabrielle sa pangalan ng anak sabay takbo patungo sa truck. Sumuong ito sa ilalim at pilit na kinukuha ang anak.Nagsitakbohan ang mga tao at tumulong para makuha si Bree sa ilalim. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Parang namanhid ang buong katawan n'ya habang nakatingin sa bata na naliligo sa sariling dugo.Maya-maya pa ay may ambulansyang dumating at tamang-tama naman na nakuha na ni Gabrielle si Bree sa ilalim ng truck. Agad na isinakay ito sa ambulansya para dalhin sa hospital.Doon lang s'ya nahimasmasan ng makitang ipinasok na ito sa naturang sasakyan. Agad s'yang tumakbo palapit dito at sumampa. "Bree!" umiiyak na tawag n'ya sa
GLORYBELLE SCARLETT..."G-Gabrielle...!!" nauutal na bigkas n'ya sa pangalan ng dating asawa na nakatayo sa harapan n'ya at katulad n'ya ay nakitaan din ng pagkagulat sa mukha.Pareho ba silang hindi inaasahan ang pagkikita nilang ito o niloloko lang s'ya ng lalaki."B-Baby..., I mean Scarlett!" natatarantang sambit nito sa kan'yang pangalan. Mapakla s'yang ngumiti rito at pilit na pinipigilan ang mga luha, ngunit ang traidor n'yang mga mata at puso ay hindi nakiayon sa kan'ya.Nanubig ito at pilit n'yang dinidilat para lang hindi bumagsak ang mga luha n'ya."Daddy ako ba yong tinawag mong baby?" singit na tanong ni Bree kay Gabrielle. Daddy din ang tawag nito kay Lorenzo at daddy din kay Gabrielle. Sino ba talaga sa dalawa ang ama ni Bree."Ahmmm! Yes baby ikaw yon! Hindi bang sinabi ko na sayo na huwag kang lalabas ng bahay na mag-isa at mas lalong huwag kang umalis ng bahay na hindi nagpapaalam?" sita nito sa bata. "Eh kasi daddy natakot lang naman ako ng may dugo ang shirt mo, ka
GLORYBELLE SCARLETT...Tatlong araw nang hindi n'ya nakikita si Bree at sa loob ng tatlong araw na iyon ay para s'yang pagod na pagod. Wala s'yang ganang kumilos at palagi na lang s'ya nakatambay sa balkonahe ng kan'yang bahay para abangan ang pagdating ng bata.Gustohin n'ya mang puntahan ito sa bahay nila ngunit nahihiya s'ya at nag-aalala na baka nand'yan ang nanay nito at kung ano pa ang iisipin sa kan'ya.Araw-araw din s'yang nagluluto at nagbi bake ng cookies at mga sweets dahil sa pagbabasakali na bibisitahin s'ya ni Bree.Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit simula nang makita n'ya ang bata at nakasama ay parang may malaking parte na ng buhay n'ya ang pinunan nito.Bree has a big part in her heart kahit ngayon lamang sila nagkakilala. Hindi na s'ya mapakali na hindi nasisilayan ang magandang mukha nito.Pumasok s'ya sa loob ng bahay ng magdidilim na at wala pa ring Bree na nagpakita sa kan'ya. Pabagsak s'yang naupo sa sofa at malalim na nag-iisip.Tatlong araw na s'y