NANG sumapit ang huwebes ay muli akong tinawagan ni Tiffany upang siguraduhin na sasama nga ako mamaya sa kanya.
Tinatamad na nagligpit ako ng aking mga gamit. Balak ko sana'ng puntahan muna si Thana upang makapagpaalam, subalit nagulat ako ng bigla na lang itong sumulpot sa aking opisina.
"Hey, good morning honey!" Aniya na kaagad akong ginawaran ng halik sa labi.
"Oh, ba't ang aga mo naman yata ngayon?"
"Bakit, bawal ba'ng bisitahin ng maaga ang boyfriend kong guwapo?" Dagdag pa niya na may halong pang-aasar.
"Syempre hindi! Balak nga sana kitang puntahan kaya lang naunahan mo na ako." Kunwari ay nagmamaktol kong saad.
"Sus, pumunta lang talaga ako rito para i-remind ka sa lakad niyo ni Tiffany."
Kunot-noong tinapunan ko ng isang nagtatanong na tingin si Thana.
"Anong oras ba kayo aalis ni Tiffany?" muli niyang usisa habang prente itong
NAGING mainit ang pagtanggap sa'min sa wedding party ni Mr. Saison kaya naman hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng oras. Lasing na rin ako dahil sa sangkatutak na scotch whisky na inilatag sa'min kanina matapos ng wedding ceremony.Dahan-dahan akong tumayo para sana mag banyo subalit bigla na lang umikot ang paningin ko. Mabuti na lang at agad akong naalalayan ng mga naroon sa table kabilang na rin si Tiffany.Dulot ng aking kalasingan ay hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na rin nagawa pang idilat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay antok na antok na ako. Basta ang huling natandaan ko ay inakay ako ni Tiffany at ni Mr. Suarez patungo sa room na pag-aari ng groom. Isa rin si Mr. Suarez sa may mabangong pangalan sa business industry kaya naman ay hindi ko maitatangging humanga rin ako dati sa angking galing niya sa pagpapatakbo ng negosyo.
ILANG araw din akong nanibago sa mga salita at kilos ni Thana. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ang lahat o sadyang nagbago lang siya. Sa bawat araw kasi na lumilipas ay mas lalo siyang nagiging malambing at maasikaso sa'kin. Subalit sa kabila ng kabutihang ipinapakita niya ay hindi ko pa rin magawang makampante lalo pa't may hindi kanais-nais na naganap sa wedding party ni Mr. Saison. Madalas ko rin'g mahuling umiiyak si Thana ngunit sa tuwing tatanungin ko siya, madalas ay napuwing lamang kanyang sagot saakin."Dadalaw ka ba kay Justin mamaya?" Ani Thana matapos kong isara ang aking laptop."Yeah, after office hour.""Daanan mo na lang ako mamaya huh! Sabay na lang tayo'ng pumunta ro'n." Bilin niya bago lumabas ng opisina ko.Hindi ko na kailangan pa'ng magpa-order kay Beberly ng tanghalian namin dahil si Thana na mismo ang naghatid. Madalas rin na sabay kaming na
NAKAKABINGI ang katahimikan sa condo ko. Simula pa kasi kahapon ay hindi na ako kinikibo ni Thana. Sinubukan ko siyang kausapin'g muli kagabi pero hindi niya ako pinagbuksan ng pinto kaya't hinayaan ko na lang muna na humupa ang kanyang galit. Maging si Molly ay hindi rin sinasagot ang mga tawag ko. Marahil ay galit na galit rin ito saakin.Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan bago ko napagdesisyunan na dalhan ng almusal si Thana. Kailangan ko siyang paulit-ulit na suyuin para lang mabawasan ang galit niya saakin.Ilang beses rin akong kumatok bago niya ako pinagbuksan."Can I come in?" malumanay kong tanong sa kanya."Yeah." Sa wakas ay nagawa niya rin'g sumagot."Thank you." Dahan-dahan kong inilapag ang dala kong tray na puno ng pagkain. "Here's your breakfast." Naiilang kong alok sa kanya.
MATAPOS ang asaran namin ni Beberly, kaagad akong dumiretso sa hospital upang dalawin si Justin at para na rin makausap ko ito tungkol sa nangyayari sa'min ng ate niya.Sa totoo lang ay kinakabahan rin ako sa magiging resulta ng pag-uusap namin ngayon ni Justin. Kaya naman huminga muna ako ng malalim, kinumbinsi ko rin ang aking sarili na maiintindihan ako nito at kapagkuwa'y pikit mata kong binuksan ang pintuan ng ward.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata subalit gayo'n na lamang ang aking pagkamangha sa aking nasaksihan, because Thana and Aston are kissing inside the hospital room.Kaagad akong natulos sa aking kinatatayuan. Maging ang door knob ay hindi ko na nagawang bitawan pa."Simoune!" Bumalik lang ako sa tamang huwisyo ng kapwa nila tawagin ang aking pangalan.Akmang tatalikur
ILANG beses akong kumatok subalit hindi man lang ako pinagbuksan ni Thana. Kaya naman kinuha ko na lang ang duplicate key na nasa aking bulsa at kaagad kong binuksan 'yon.''Thana!" sigaw ko nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan.Nakatalukbong ito ng kumot. Hindi ko alam kung tulog na nga ba ito o nagtutulog-tulugan lang. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit at unti-unti kong ibinaba ang nakabalot sa may parteng mukha niya."Ano ba?" biglang reklamo niya, dahilan upang magulat ako."Hon, kausapin mo naman ako oh!""Ang kapal ng mukha mo! Kanina, hindi mo ako pinapansin tapos ngayon heto ka at para kang pusang lampong na nakabantay sa'kin.""I'm sorry." I said while pouting my lips."Sorry? Tsk... diyan ka naman magaling eh, sa paghingi ng sorry.""Thana, I know that-"
SA halip na dumiretso ako sa kompanya, mas pinili kong puntahan si Tiffany sa bahay nito. Kailangan kong komprontahin siya sa kahayupang ginawa niya sa'kin. Mabuti na lang at nariyan si Justin, siya ang dahilan kung bakit naisalba pa ang relasyon namin ni Thana.Eksaktong pagkababa ko ng saaakyan nang biglang tumawag si Dr. Smith. Kaagad kong sinagot 'yon at halos mapatalon ako sa tuwa matapos niyang ibalita ang eksaktong schedule ng operasyon ni Justin.Dali-dali kong tinalunton ang hallway papasok sa condo ni Tiffany. Ngunit, bigla akong natigilan ng maaninagan ko sa 'di kalayuan ang mamahalin'g kotse ni Aston."Ano kaya'ng ginagawa niya rito?" wala sa sariling naibulalas ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad. At mas lalo pa akong nagulat ng maulinigan ko ang boses ni Thana."Disperada ka na ba talaga?" dinig
HINDI pa man kami tuluyang nakakapasok ng condo ay kaagad ko ng kinabig si Thana. Pinaglapat ko ang aming mga labi ngunit nagulat ako ng hindi siya tumugon. Bagkus ay mabilis siyang umiwas, dahilan upang mapakamot ako sa aking batok. "Oops! I-lock mo muna ang pintuan Mr. Buenaflor!" utos niya saakin na agad ko naman'g sinunod. "Where are you going?" Naiinis na sita ko kay Thana matapos kong malingunan itong umaakyat na ng hagdan. "Sa kuwarto mo!" aniya na ipinagpatuloy na ang pag hakbang. "Tsk." Wala na akong nagawa pa kundi ang sundan siya. Pagdating sa taas ay ilang beses pa akong napamura dahil hindi ko inaasahang ilo-lock niya rin pati ang pinto ng silid ko."Thana, open this damn door!" iritadong sigaw ko. "Inaasar mo ba ako?" singhal ko matapos niyang buksan ang pinto. Hindi ko na
LINGGO pa 'lang ng umaga ay nakatakda na kaming umalis ng bansa upang kahit paano ay makapag-relax pa si Justin bago ang kanyang operasyon.''Hon, pa'no nga pala ang chopper na gagamitin natin?" Ani Thana habang inaayos ang laman ng maleta niya."Wala ka ng dapat na alalahanin pa dahil maayos na ang lahat.""Eh, iniisip ko kasi na baka hindi na tayo tulungan ni Aston lalo pa't hindi pa rin kayo nagkakausap ng maayos.""Sus, ikaw pa, tingin mo naman matatanggihan ka no'n? Eh di'ba't bestfriend mo 'yon?""Hon, ang ibig kong sabi-""Okay na kami ng kaibigan ko. Nagkausap na kami ng masinsinan kagabi.""Mabuti naman kung gano'n. Sandali nga at kukunin ko lang 'yong ibang damit ni Justin." Tinanguan ko lang ito at ako na ang nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit niya.Naudlot ang aking ginagawa ng bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone.
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa