Walang gana habang nag-aayos ako ng aking sarili. Hindi pa rin nakauwi si Grantt at hindi na ako umaasa pang uuwi pa talaga ito rito. Baka sa studio ko na lang ito makikita mamaya.Kahit sinabi niyang kailangan kong magpahinga at huwag ng pumasok ay hindi ko iyon masusunod. Meron akong appointment mamaya kasama ang pinakabata kong alaga na si Venice. Balik na naman ako sa pagiging manager ni Grantt. Mas mabuti na lang siguro ang ganon para tahimik ang kaluluwa ko. Lumabas na ako ng bahay at sumampa sa sasakyan ko. Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone. Si Grantt ang tumatawag. Hinayaan ko na lang na patayin niya iyon. Wala ako sa mood makapag-usap at asaran sa kanya.Mula sa bahay ay dumiretso ako ng studio. Magdadalawang oras din ang naging biyahe ko dahil sobrang traffic. Rehearsal day pala ngayon kaya naman maraming tao sa company. Dumiretso ako sa rehearsal room ng mga alaga ko. Marami ang RR dito at bawat manager ay may sariling office na siyang nagiging meeting room p
"Shit, Grantt!" usal ko dahil sa mabilis na galaw niya sa ibabaw ko. Para bang nababaliw ako sa sensasyon na aking nararamdaman dahil sa ginagawa namin ngayon. "Please," puno ng pakiusap ko nang bumagal ang kanyang galaw. Para bang pinaglalaruan pa ako."Please what, baby?" bulong niya pa sa akin sabay marahas na pumasok ngunit lumabas naman kaagad. Parang gusto ko siyang sambunutan dahil sa pangbibitin niya sa akin."Please baby, make it fast. Please, ugh!" naiusal ko na lang nang bumilis na naman siya. Naririnig ko ang ragitnit ng kama namin. Halos hindi ko na rin ma-kontrol pa ang aking mga daing hanggang sa pareho kaming mahina. Bumagsak siya sa akin ng pawisan. Sobrang nanginginig pa ang aking sistema. Hinila niya ang kumot at tinabunan ang mga hubad naming katawan. Kinabig niya ako papalapit sa kanya at pinaunan siya kanyang braso. Sabay kaming natulog habang nakapalibot sa katawan ko ang kanyang kamay. Tuloyan akong nakatulog at umaga na rin nagising. Isa lang ang sigurado
Pareho na kaming bumalik ng practice room. Sinenyasan ko pa siyang huwag masyadong magpahalata kay Wendy na kami ni Kenth ang dahilan ng pagkabadtrip niya. Ang lakas pa naman ng makiramdam ni Wendy. Mabibisto kami ng wala sa oras. Natatawa na nadidismaya na lang ako sa sitwasyon namin ito. Kami itong legal na kasal pero parang kami pa itong may illegal na relasyon. Totoo ngang napakahirap magtago ng sekreto. Hindi kasi pwedeng basta na lang naming ipaalam sa lahat ang totong estado namin ni Grantt dahil paniguradong magkakagulo lang, lalo na sa online world. Ngayon pa nga lang na na-chi-chismis kami kung minsan kahit wala naman kaming ginagawa ay halos sugurin na ako ng GraWen fans eh. How about pa kapag nalaman nilang legal na asawa niya ako at hindi lang basta na manager? Baka i-cancel na nila ako sa mundong ito. "Ma'am Yongsann, may appointment ba mamaya si Grantt?" untag na tanong sa akin ni Wendy. Dahil sa lalim ng lipad ng aking isipan ay huli ko na namalayan na patapos na
Malamang sa malamang ay ihahatid pa ni Grantt ang babae kaya hindi na kami magkikita pa. Hindi rin naman kami makakauwi ng Tagaytay ngayon dahil sobrang aga pa nga ng lakad namin bukas. Sa kanya-kanyang condo muna kami matutulog at magkikita na lang kami sa port. Napabuntong-hininga na lang ako. Makalipas ang ilang minuto pa ay napagdesisyonan ko na ring lumabas ng RR at pumanhik sa aking opisina. Pabagsak akong naupo at tinapos na lang ang mga dapat kong i-submit na proposal at report. Nang makaramdam ako nang pangangalay sa batok ay saglit akong napatingala at hinilot-hilot ang sarili kong batok. "Buhay is life," saad ko sabay hikab. Mukhang dadalawin pa ako ng antok. Akmang tatayo na ako para sana pahinaan ang aircon nang bumukas ang pintuan. Napakunot-noo pa ako nang si Grantt ang iniluwal niyon."Bakit nandito ka?" takang tanong ko. Saglit niya naman akong tinapunan ng tingin at pabagsak na naupo."Dahil nandito ka pa," tipid niyang sagot at pumikit pa. "I lock the door so c
"Grantt," untag ko sa kanya habang nagha-hum siya ng kanta. Mukhang good mood siya ngayon. Ang aliwalas din ng mukha. Once in a blue moon ko lang masaksihan ang ganitong awra niya lalo na kapag kaming dalawa lang. "Yes, wife?" patanong niyang tugon. Kaswal lang din naman ang pagkakasabi niya niyon pero natigilan pa ako. Naninibago talaga ako sa bagong pakikitungo niya sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar. Mas sanay ako sa pagsusungit niya. Doon ko siya nakilala, eh. "Why? You're my wife, aren't you?"I simply rolled my eyes at him which made him laugh automatically. "Maldita." "Sasama muna ako sa condo mo."Pilyong ngiti naman ang ibinigay niya sa akin bagay na ipinagtaka ko. Nagtatanong na tingin lang ang ipinukol ko sa kanya. "Sasama ka? Okay.""What's with your evil smile? Sasama ako dahil baka nakakalimutan mong manager mo ako? Palagi naman talaga kitang tinutulungang mag-impake, ha? Palibhasa ay hindi mo naa-appreciate 'yon."Umiikot lang kasi ang mundo mo s
Kasalukuyan kaming nasa LC Bar na pinakamalapit sa BH Entertainment. Pagkatapos ng variety show kanina ay nagyaya ang team nila Wendy na mag-inuman. Since once in a blue moon lang din naman na mangyari ay pumayag na ako tsaka kailangan din ni Grantt na mag-unwind dahil sunod-sunod ang gig niya nitong linggong ito. Simula sa event sa LC Island hanggang sa variety show, wala na siyang halos na pahinga pa. Nasa isang parte lang ako ng bar at tahimik na nakamasid sa paligid. Hinayaan ko na rin munang mag-enjoy si Wendy kasama si Grantt. Hindi ako pwedeng maging extra sa showbiz love story nila dahil alam kong maraming celebrities from other company ang nandidito rin ngayon. "Hey, Yongsann!" bati sa akin ng boses lalaki na mukhang kakarating lang. Marahan naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses nito. Napaismid ako nang mapagtantong si Nikki pala. Hindi kami close noon pa man pero kapag nasa public places kami ay umaakto ito na para bang naging mabuti siyang kaklase sa akin n
"Dumito ka na muna sa bahay, Grantt," deklara ko matapos kaming kumain. Nasa sala na kami pareho. Busy ako mag-monitor ng kaganapan sa social medias habang siya ay seryoso namang nakatitig sa kanyang cellphone"Naririnig mo ba ako?" untag ko sa kugtong sabay hampas sa kanyang balikat. Baka kasi mamaya ay mamalayan ko na lang na sinugod niya na sa Nikki, eh. Napaka-unpredictable pa naman ng isang ito. "Hindi ako bingi. Ka-chat ko lang si Wendy. Gusto niya akong puntahan." Halata sa kanyang boses ang pagka-stress. "Damn that jerk! Son of a bitch! Kung alam ko lang na gagawin niya ito, eh di sana ay tinuluyan ko na siya kagabi.""Huwag kang magmura, Grantt," pananaway ko sa kanya."I'm so damn annoyed, Yong! What should I do, huh? " maktol niya sa paraang matatawa ka na lang talaga. Napabuntonghininga na lang ako. Tarantado lang talaga ang Nikki na iyon. Hindi na nag-mature. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa presensiya niya kagabi. Gulo
"Bitch! Hindi mo ba alam na illegal 'yang ginawa mo? Pwede kitang kasohan...""Bring it on, Nikki. Kakasuhan din naman kita sa ginawa mo kay Grantt, tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang titira sa kulungan," pananakot ko rin. Nagtagis naman ang bagang nito."Kapag pinost mo 'yan ay siguraduhin kong magbabayad ka, Yongsann. Kaya kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo once na pinili mong maging kaaway ako.""Huwag kang mag-alala, kaya naman kitang bayaran. Mayaman ako at mas lalong mas mayaman kaysa sa'yo ang asawa ko." Hindi ko alam kung tama bang may binanggit akong salitang asawa dahil mukhang nagulat ito sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng kaunti pagkaalarma. Hindi ko na dapat sinabi iyon. Knowing this man, paniguradong hahalungkatin niya ang tungkol doon.Aish! Wrong move, Yongsann! Nag-drop ka pa talaga ng bomba para magamit lang ng lalaking ito laban sa'yo mismo. "Asawa, ha? Kailan ka pa nagkaroon ng asawa?" may diing nitong asik. Halata ang pagkadisgusto sa sinabi ko.
"Ito ang bahay mo?" tanong ni Grantt nang makababa na kami. Dinala ko siya rito sa bahay ni Sabrina sa Antipolo. Ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan. Ngayon ko sa kanya ipapagtapat ang tungkol sa kay Graxylla. "Ah, kay Sabrina bahay ito," sagot ko habang kinakalma ang aking sarili."Oh, pwede na tayong bumalik sa bahay natin sa Tagaytay. Nakausap ko na si Mommy and she's fine with that. Gusto ka rin niyang makausap at mag-sorry sa'yo."Ngumiti naman ako at tumango. May natanggap din akong message kahapon mula sa kanyang ina. Hindi ko na lang muna ni-reply-an dahil gusto ko munang malaman nilang lahat ang tungkol sa anak namin."L-Let's get inside," saad ko na lang at hinawakan ang kanyang kamay."Nanlalamig ang kamay mo, ayos ka lang ba? May sakit ka ba, Yong?"Nakagat ko naman ang pang-ilalim na labi ko para hindi niya mahalatang nangangatal din ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang kabang mararamdaman ko."I'm f-fine," simpleng sagot ko at binuksan na ang main door. Igin
Kinakabahan na pumasok ako sa venue ng event ni Grantt. Hindi naman ako mag-isa dahil kasama ko sina Wendy, Judie at Venice. Si Grantt ay nasa backstage na, naghahanda para mag-perform. Naka-set up na rin nang maayos ang sikat na banda na kilala sa MoonSun na magiging ka-collab diumano niya ngayon. Nararamdaman ko rin ang titig ng mga taong nandidito, mas lalo lang na dumadagungdong ang aking dibdib.Umakyat na si Grantt sa entablado at nagsimula na rin ang banda na tumugtog."First time I laid my eyes on someone like you..."Gamit ang aking paningin ay agad na hinanap ko ang may-ari ng boses na pumailanlang. Natagpuan ko ang main vocalist ng banda sa kaliwang bahagi ng stage na siyang kumakanta ngayon."Hey, Yongsann Lim!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtawag sakin ni Grantt, idagdag pa ang paraan ng pagkakatawag niya sakin. Parang asong siga sa kanto."Aish, this jerk!" naiusal ko rin, nakalimutan kong maraming tao pala sa kinaroroonan namin.Pumailanlang ang tawanan habang a
"OMG, Yongsann Lim! Finally, you're back!" malakas na sabi ni Judie. "Oh my goodness! So, totoo ngang nakabalik ka ng bruha ka! Welcome back to the Philippines, ang bansang mataas pa sa kalawakan ang requirements sa mga job hiring!" segunda ni Lou na ikinatawa ko pa. Hindi pa ang mga ito nakontento at niyakap pa ako nang mahigpit."Aray ko naman, dahan-dahan lang," reklamo ko pa dahil hindi na halos ako makahinga. Agad naman silang kumalas. "Ay, sorry! Masaya lang talaga kaming makita ka."Mas nakakaganda ba talaga ang mangibang bansa? Parang kailangan ko na ring idagdag sa bucket list ko," tudyo pa sa akin ni Lou. "Kugtong 'to! Huwag mo ng pangarapin na manirahan sa ibang bansa. Mahirap.""Really? Sabi mo, eh. So?""So, what?""Balik ka na ba sa career mo?""I don't know. Sa ngayon ay wala pa akong plano. May natanggap akong offer na work from home mula sa company na pinagtrabahuan ko sa Canada.""Ohh, iba talaga ang isang Yongsann. How about you, Grantt and Graxylla?"Hindi nam
"Uhm, dito ka na lang matulog. Doon ako sa kwarto ni Lovi," saad ko kay Grantt. Lumabas din kami kanina para kumain at bumili ng damit niya dahil ayaw niya na talagang pumunta ng hotel kung saan sila naka-check in.Bilang respito na rin sa kay Apple bilang manager niya ay ako na rin ang tumawag sa babae para ipagpaalam siya. Mabuti na lang at mabait din ang bago niyang manager at alam din pala nito ang tungkol sa amin. "Stay here," puno ng pakiusap niyang sabi at hinawakan ang aking kamay para hindi ako makalabas ng kwarto."Grantt...""Please? I missed you so much," parang bata niya pang sabi. Napabuntonghininga na lang din ako at sumusukong naupo sa kama."Fine," tipid kong sabi.Kaagad niya akong hinila pahiga sa kanyang tabi at walang salita na ipinikit ang kanyang mga mata. Niyakap niya rin ako at tila ba komportableng-komportable siya na katabi ako kahit halos dalawang taon din kaming hindi nagkaintindihan. Para bang walang nangyaring samaan ng loob sa isa't-isa. Marahil ay pa
Naghahanda kami ni Lovi para um-attend sa concert ni Grantt. Eksaktong 7:00 p. m ang start pero dapat mga 5:00 p. m ay nasa venue na kami. May dalawang oras pa naman kami bago tuluyang pumanhik ng venue."This is me praying that, this was the very first page. Not where the story line ends. My thoughts will echo your name, until I see you again," rinig kong kanta ng alaga ko mula sa kabilang kwarto. Natawa na lang ako. Mas excited pa ito kaysa sa akin, eh. "Tama na 'yan, baka mamaya ay wala ka ng boses para maki-jamming!" sigaw ko para marinig ako nito. Ang lakas pa naman ng volume ng music player nito. "Ay naku, Ate Yongsann! Bilisan mo na diyan!""Ako pa talaga? I'm done, ikaw na lang hinihintay ko diyan. Huwag ka ng magpaganda pa. Hindi ka papansinin ni Kuya Kenth mamaya dahil may girlfriend na iyon!" Ang alam ko kasi ay mag-on na rin sa wakas si Sab at ang kanyang Grayson. Nasabi sa akin ni Kenth na plano niyang mag-propose kay Sab ngayong taon. Naghahanap lang siya ng tamang ti
~ 12 MONTHS LATER~["You have Broken Heart Syndrome, Ms. Yongsann Lim. You must take excellent care of your heart. This is your final opportunity to survive."]Napabuntonghininga ako. Ang sakit kong iyon ang isa sa dahilan kung bakit napaka-protective ni Sab sa akin at kung bakit pinilit ako ng mga magulang ko na umalis na muna ng Pilipinas. Noong nalaman ko ang tungkol kabuuang kwento ng pagkawala ni Greel sa pamamagitan ng letter at video na ibinigay sa akin ni Sab nang araw na iyon ay nalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Hindi na rin ako nakabalik ng trabaho ng araw na iyon dahil isinugod na nila ako hospital. Ayaw ko mang iwan si Graxylla sa Pilipinas pero in-advise ng doctor ko na dito magpagamot sa Canada. Pasalamat na lang talaga ako at may private plane si Sab kaya sa tuwing gustong-gusto ako makita ni Xylla ay kaagad silang bumisita rito. Dito rin siya nag-celebrate ng first birthday niya. Maging sila Judie at Lou ay pumunta rin dito. Noong bago pa lang a
"Mabuti naman at umuwi ka na," bungad na saad ni Sabrina. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. "Tumawag sa akin sina Tita Chan kanina at iyak nang iyak daw ang anak mo dahil hinahanap ka. Seriously, Yongsann?!" dagdag sermon nito sa akin. Kakarating ko pa nga lang ay sermon na kaagad ang inabot ko sa isang ito. Sarap sambunutan, eh. Alam naman niyang busy ang industriyang kinaroroonan ko. Sumaglit nga lang ako, eh. Kailangan kong makabalik bago mag 4:00 p.m. Ang alam ni Charry ay uuwi ako dahil masama ang aking pakiramdam. "Huwag mong gawing excuse ang busy ka dahil responsibilidad mong dalawin ang anak mo kahit pagod na pagod ka na. Ginusto mo ang lahat ng ito, eh. Kung hindi mo kaya ay mas mabuting ipakilala mo na lang si Graxylla sa ama niya…""Shut up, Sabrina," naiinis kong sabi at hinawi ito. Nakaharang kasi sa pinto na para bang security guard, eh. Ni hindi man lang ako pinapasok muna. Pagalitan daw ba ako sa pinto na para bang siya ang magulang ko.Tsk. "Graxylla, baby!"
~2 MONTHS LATER~"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag."Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko."Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma.""Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala. "Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen."Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
Nang tumunog ang alarm clock ko pasadong 4:00 a.m ay bumangon na ako. Dumiretso muna ako ng shower room at naligo. Tatlong araw na kaming nandidito sa bahay ni Sabrina at sa loob ng araw na iyon naging tahimik naman ang buhay namin. Wala ring senyales na alam na ng buong pamilya Gomez ang tungkol kay Graxylla. Nagka-chat din kami saglit ni Ate Olga at sigurado akong hindi niya pa alam na wala na kami sa Tagaytay. Hindi ko na rin sinabi kasi anong sense nang pagmamadali naming umalis kung sasabihin ko lang din naman, 'di ba? Hahayaan ko na lang siyang madiskubreng wala na kami roon. Wala rin akong balak pa na sabihin kung nasaab ang bago naming lungga ng anak ko. Nang matapos ako ay kaagad ko ring tinuyo ang buhok ko. Nakatitig pa ako sa mag-lola na parehong mahimbing pa rin ang tulog. Malamang sa malamang ay napagod din si Mama sa biglaang biyahe niya papunta rito. Ginawaran ko muna nang magaang halik si Graxylla bago tuluyang bumaba para magluto. "Anong balak mo ngayon?" biglang