Ang babae ay si Maya Howards, isang university senior ni Alex. Siya ay mas matanda nang isang taon kaysa kay Alex at isa sa mga pinakasikat na mga babae sa kaniyang taon. Mayroon siyang talino at ganda, literal na isang hiyas sa eskwela.Siya ang student council president sa kaniyang ikatlong taon hanggang sa makapagtapos siya; matagumpay na nag-aayos ng maraming malalaking events sa eskwela; isang social butterfly; at mayroong malakas na diwa. Siya ay pinupuri ng lahat sa eskwela at isang tunay na kahanga-hangang babae.Pagkatapos ng unibersidad, hiniling sa kaniya ni Alex na tulungan si Dorothy na buohin ang kumpanya na ‘to, ang branch sa City South. At ginawa nga niya, binubuo ito sa kung ano ito ngayon. Si Maya ang pinakamahusay na assistant ni Dorothy.Gayunpaman, hindi madalas si Maya sa kumpanya. Madalas niyang pinapangunahan ang isang pangkat upang mag-ayos ng mga event sa ibang lugar. Hindi inasahan ni Alex na makikita niya si Maya ngayong araw.“Alex, ano’ng nangyari sa pagit
Lubos na natuwa si Beatrice. “Salamat, Felix!”Si Felix ay nakatitig sa matangkad na gusali, nagmamalaking nakangiti.Gayunpaman, ang hindi niya alam ay ang kaniyang ama ay papunta na sa kanila, sa kabila ng pagkakaroon ng cast sa kaniyang binti. Ang nagmamaneho ay ang kaniyang bodyguard, si Jay Sanders.Si Jay ay tatlumpung taong gulang na at mahusay sa pakikipaglaban dahil dati siyang isang first runner-up sa national kickboxing competition. Siya ay lubos na nalilito kung bakit kailangan ni Edgar na magmadaling humingi ng tawad sa iba kahit na wasak ang kaniyang binti. Nagtanong siya, “Ginoong Shepherd, hindi ka pa magaling. Kahit na gusto mong humingi ng tawad, hindi ba’t pwede ka namang maghintay hanggang sa maayos ka na? Mahalaga ang kalusugan mo.”Nababalisa si Edgar, “Bakit nga ba? Ang g*gong Felix na ‘yon ay gusto tayong ipapatay! Nagpopropose siya sa asawa ni Lord Rockefeller. Ngayong gusto akong papuntahin ni Lord Lex Gunther doon, paano akong hindi magmamadali?”Nang marinig
Bakit luluhod si Edgar sa harap ng publiko, binabalewala ang kaniyang dignidad nang ganito?Ito ay dahil natatakot siya.Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Lord Lex Gunther.Dahil, ang estado at kapangyarihan ni Lord Lex Gunther ay mas mataas kaysa sa Pegasus International. Ngayong ginugulo ang kaniyang inaanak na babae, si Edgar ay tiyak na mayayari.At saka, ang kaniyang pamilya ay naghiwa-hiwalay at ang lahat ng matagumpay niyang mga kumpanya ay nawasak, sinakop na ng iba.Si Edgar ay nag-aalala kung ano ang susunod na mangyayari sa kaniya.Pagkatapos lumuhod, sinampal niya ang kaniyang sarili nang malakas at ilang beses at hindi man lang tumingin sa kaniyang anak na lalaki.Hindi man lang siya naging mahinhin sa kaniyang sarili dahil ang kaniyang mukha ay namaga mula lamang sa walong sampal. Ang lahat ng nasa kumpanya ay nagulat, kasama si Maya.‘Ano’ng nangyayari?’Ang may mga matalas na mga mata ay napansin na ang sasakyan ni Edgar ay isang Bentley na may halagang 500 libong
“Natatandaan ko na ngayon. Ang ‘di gaanong matandang lalaki na ‘to ay ang CEO ng Pegasus International, si Edgar Shepherd. Ang nagpopropose ay si Felix Shepherd na matagal nang ginugulo si Lady Dorothy.”“Paano nagawa ni Alex na lumuhod ang CEO ng Pegasus International para sa kaniya?”Ito ay isang misteryo na gustong malaman ng lahat.Agad na inutusan ni Edgar si Jay na ibigay sa kaniya ang tseke na hinanda nila kanina. Binigay ito ni Edgar kay Alex nang may lubos na paggalang at sinabi, “Master Alex, ito ay dalawampung milyong dolyar. Pakiusap ay tanggapin mo ‘to! Maliit na regalo lang ‘yan. Hindi ako tatayo hanggang sa tanggapin mo ‘to!”Muling nagulat si Maya, nagtatakang pinapanood si Alex.Tumitig si Alex sa tseke nang walang emosyon.Nang bigla, ang phone ni Alex ay nagsimulang tumunog. Ito ay isang tawag mula kay Lex Gunther.Tumingin si Alex sa direksyon ni Edgar at kalmadong sinagot ang phone. “Hey, Lord Lex!”Nang marinig ang pangalan, tumulo ang malamig na pawis sa noo ni E
Tumitig si Dorothy nang malamig sa kaniyang kapatid.Nasaksihan niya ang lahat sa meeting room.Dinala ni Beatrice si Felix sa kaniyang kumpanya upang magpropose kay Dorothy sa harap ng publiko. Hindi lamang nito sinaktan at ininsulto si Alex, ngunit lubos din nitong pinahiya si Dorothy.Paano na siya magpapakita sa publiko ngayon?Tumingala si Dorothy at nakita si Alex na papalapit. “Hindi ako makikialam dito. Sa’yong sa’yo na siya.Ang malamig na tingin ni Alex ay napunta kay Beatrice.“Kapatid, kapatid kita! Paano mo ‘to nagawa sa ‘kin?”Nang walang alinlangan, sinampal siya nang malakas ni Alex sa mukha, nagsasanhi sa isa sa kaniyang mga pisngi na mamaga.Nanigas si Dorothy. Gayunpaman, agad siyang umiwas ng tingin—napagdesisyunan niyang ‘wag tumingin kay Beatrice.Si Beatrice ay parang maiiyak na noong mapanganga ang kaniyang bibig.Walang awa, sinampal siya ni Alex sa kabilang pisngi.Ang mga mata ni Beatrice ay napuno ng takot at ang kaniyang katawan ay nagsimulang manginig. Ang
1:30 P.M. na noong dumating si Alex sa Hell’s Angels na pagmamay-ari ng Thousand Miles Conglomerate.Ilang mga tauhan ang naghihintay sa pinto. Sa sandaling mapansin nila si Alex, yumuko sila nang magalang. “Maligayang pagdating, Master Alex!”Nagsisimula nang masanay si Alex sa titulo na ‘to at tumango. “Nasaan si Lord Lex?”“Nasa loob si Lord Lex. Mauna ka, ginoo.”Si Lex ay mukhang mas maayos na kumpara sa noong may isang demonyo na sinisipsip ang kaniyang chi at dugo. Ang kaniyang mga pisngi ay bahagyang namumula at mukhang masigla rin siya.Nakapansin si Alex ng malakas na amoy ng tradisyunal na medisina at alam kung aling mga damo at kung gaano karami ang ginamit mula lamang sa amoy… Ito ay isa pang kakayahan na kasama sa Ultimate Book of Medicine.Ang medisina ay mayroong kasamang ginseng, ligaw na celery, chinese knotweed, saussurea, at marami pang mamahaling mga halaman. Mukhang iniinom ni Lex ang medisina na ito upang maayos ang pagdaloy ng dugo niya.Gayunpaman, ang bilang n
“Oh? Azure, inimbita mo talaga si Jarsurya ng Obloha Nuvem?”Tumalikod si Lex, nagulat sa paglitaw ng monghe. Isang maliwanag na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha noong mabilis niyang pinakita ang kaniyang lubos na paggalang sa monghe. “Ah, Jarsurya the Venerable One! Salamat sa pagpunta sa aking bahay. Hindi ito masyadong malaki, patawad.”Hindi pa nakikita ni Alex si Lex na kumilos nang ganoon kagalang.Nanigas siya at inisip, ‘Ang monghe ba na ‘to ay isang makapangyarihan na anyo?’Nang tingnang mabuti, may napansin siya.Ang monghe ay mayroong malakas-lakas na Chi—mayroon nga talaga siyang antas ng kapangyarihan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nakita si Alex na katulad niya at hindi mapigilan na magtaka. Ninais niyang tumingin muli sa Chi ng monghe.Noong suriin niyang mabuti sa huling pagkakataon ang monghe, nakaramdam siya ng pagkabigo.Sinanay nga ng monghe na ‘to ang kaniyang Chi. Gayunpaman, ang kaniya ay hindi kayang tapatan ang kay Alex. Kumpara sa Chi ni Alex, a
Ang mga mata nina Lex at Azure ay nanlaki—hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.Sumulyap nang sandali si Jarsurya kay Alex, umaasa na makita si Alex na nagulat at hindi rin makapaniwala. Gayunpaman, ang binata ay kumakain pa rin ng sitsirya, tumatawa noong panoorin nito ang kaniyang trabaho na para bang ito ay isang palabas sa sirko.Ang monghe ay sobrang nagalit muntik na siyang magkamali sa kaniyang spell. Agad niyang pinakalma ang kaniyang sarili at sumigaw upang kontrolin ang talisman upang lumapag sa lugar kung saan nakagat si Waltz.Ang talisman ay dumilim sa sandaling ito ay lumapag sa sugat. Sa isang iglap, nagpira-piraso ang talisman. Ang itim na lugar sa hita ni Waltz ay naging maliwanag din.“Waltz, kumusta ang nararamdaman mo?” Nag-aalalang tanong ni Azure kay Waltz.Tumango nang bahagya si Waltz. “Medyo maayos na.”Gayunpaman, mukha pa rin siyang may sakit at hindi mapakali.Sinabi ni Jarsurya, “Ang lason sa kaniyang katawan ay mukhang malakas. Kahit sa kapangyarih