Si Hailey ay napakarilag at makurba; mukha siyang magandang painting.Agad na pumikit si Alex, pinipilit ang sarili na huwag tingnan o isipin ito. Sinubukan niyang alalahanin ang baluktot na mukha ni Claire habang sinisigawan siya. Nakatulong ito sa kanya na pakalmahin ang sarili mula sa mga maruming kaisipang meron siya kani-kanina lamang.Sa loob ng isang minuto, ang lahat ng pitong mga puntos ng acupuncture ay nasundot na.Kailangan lang ng pitong segundo ang karayom ng kuryente na Chi upang magkabisa.Pagkatapos ng pitong segundo, tinanong ni Alex, “Okay, tapos na ako Hailey. Anong pakiramdam mo?”Hinaplos ni Hailey ang kanyang mga templo at ibinulalas, “Diyos ko, hindi na masakit ang ulo ko ngayon! Ang sakit ng mga templo ko dati. Oh kuya, ikaw ay talagang kamangha-mangha! Kung magkakasakit ulit ako balang araw, pupuntahan kita!“Habang nagsasalita, inikot-ikot ni Hailey ang kanyang katawan sa tagiliran, dahilan para umalog din ang kanyang dibdib.Huh, sa loob lamang ng ilang mi
Tumakbo si Nicholas sa ward ni Brittany at sinabi, “Madame Brittany, gising ka na talaga! Hay salamat…”“Ikaw pala ‘yan, Nicholas!”Nag-usap sila saglit, kinukumusta ang isa’t-isa.Sinabi ni Alex, “Sakto lang ang dating mo. Tutulungan ko ang aking ina na makalabas mula sa ospital. Maaari mo ba akong tulungang asikasuhin ang kinakailangang mga papeles? “Hinila siya ni Nicholas para tumabi. “Alex, kapag napalabas na si Madame Brittany, saan kayo pupunta? Dadalhin mo ba siya sa Assex mansyon?“Alam mismo ni Nicholas kung gaano kalupit ang mga Assex kay Alex.Nag-isip-isip si Alex at sumagot, “Maaaring tumira muna kami sa hotel. Bibili ako ng angkop na matutuluyan kinalaunan.“Nanlaki ang mga mata ni Nicholas, “Meron kang perang pambili?”Pekeng umubo at nagsinungaling si Alex, “Meron ang aking ina!”Sa paliwanag na ito, gananp na pinaniwalaan ni Nicholas ang kanyang kasinungalingan.Pagkatapos ng lahat, si Brittany ay dating CEO ng Rockefeller Group, at kilala siya ng lahat bilang malaka
Tumawa si Merida at kinurot ang tenga ni Nicholas. “Makinig ka sa iyong bayaw, batang walang muwang. Anong uri na ng mga tao ang kinakaibigan mo ngayon? Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga villa sa Maple Villa? Kahit ang iyong mismong bayaw ay hindi magkakaroon ng sapat na pambili sa milyong taon!”“Sinusubukan mo kaming linlangin gamit ang pekeng keycard? Talagang nakakatawa ka!”Walang imik si Alex. Ayaw niyang harapin ng kanyang ina ang anumang mga panlalait. Kakalabas lang niya sa ospital. Humarap siya kay Nicholas. “Nicholas, kayo-kayo na lang mag-usap ng pamilya mo. Aalis na kami.“Tinanong ni Nicholas, “Saan kayo pupunta?”Ngumisi si Merida at nagbiro, “Saan? Tiyak na pupunta sila sa Maple Villa at mananatili sa grand villa syempre! Bakit sila mananatili sa lumang tirahan, tama? Magagawa ba nilang sanayin ang kanilang mga sarili sa ganitong klase ng kahirapan?“Tinawanan din sila ni Sean, tinatrato sila na parang mga payaso sa sirko.Sumagot si Alex, “Ang aking keycard ay tuna
Nasaksihan lamang ni Charles si Alex na iniligtas ang kanyang anak na babae at pinagaling ang karamdaman ng kanyang asawa. Si Dr. Coney pa nga mismo ay lumuhod sa sa harap ni Alex! Maaari lamang siyang managinip na maging kaibigan ang gayong makapangyarihang tao, pero ang lalaking ito na si Sean ay sinusubukang sirain ang kanyang mga pagkakataon.Parehong nagulat sina Sean at Merida sa kanilang kinalaman.Doon lang, idinagdag ni Charles, “Mobila furnishing ba, kamo? Ang iyong CEO na si Mr. Edward, ay nais akong imbitahan maghapunan nito lang. Sabihin mo sa kanya na kailangan kong tanggihan ang kanyang alok at nais kong kanselahin ang aming pakikipagsosyo.““Ah!” Kinilabutan si Sean; kaagad na nawala ang kulay sa mukha niya.Siya ang manager ng Mobila furnishing, ngunit si Mr. Edward ay ang CEO, ang direktor ng kumpanya. Kapag nalaman ni Mr. Edward ang tungkol dito, hindi siya basta-bastang papakawalan nito!Ang masisante ay ang pinakamagaang parusa na maaaring makuha ni Sean.Nang may
Nakilala nila Beatrice at Claire ang mga Carter kahapon.Dahil nabanggit ni Charles na bibigyan niya si Alex ng villa at sampung milyong dolyar, buong araw siyang makapaniwala. Gayunpaman, matapos itong pagnilayan, naisip niyang nagsisinungaling lamang si Charles upang inisin sila.Nagkaroon din ng konklusyon si Claire na hindi gusto ni Alex kung paano siya pinalayas, kaya't hiniling niya kay Charles na tulungan siya sa pamamagitan ng pansamantalang pananatili sa kanilang villa upang inisin sila.Nag-isip din siya ng dahilan kung bakit handang tumulong si Charles.Nakipagtalik naman si Alex kay Cheryl kung tutuusin. Dahil nailigtas ni Dr. Coney ang anak na babae ni Charles, hindi mahirap para sa kanya ang humingi ng tulong.Si Alex ay wala pa rin kundi walang silbing basura sa mga mata ng mga Assex.Medyo nagulat si Alex. “Bakit ka nandito?”Humingal si Beatrice. “Narito ako para bumili ng kotse. Bakit pa nga ba ako pupunta sa dealership store ng mga kotse? Sa palagay mo ba napakababa
‘Hindi siya nararapat nito; akin na lang iyan!’ naisip ni Wilson Jordan.Tumango si Alex Rockefeller. "Marami na ang isang daang beses. Pagbibigyan kita sa pagkakataong ito. Sapat na ang pagsasabi ng isang beses.”Pagkatapos ay nilabas niya ang kanyang bank card at ibinigay sa saleswoman. "I-swipe mo ito!"Agad na nag-trabaho ang saleslady. Malaking ang pansin na binigay ng kumpanya sa pagbebenta ng isang dalawang milyong dolyar na kotse, kaya ginawang mas madali ang proseso ng transaksyon. Hindi nagtagal ay pumasok ang purchase.Beep!Ang tunog ng isang successful payment.Inabot ng saleslady kay Alex ang kanyang bankcard at iba`t ibang resibo sa tuwa. “Sa inyo ito, brother. Pakitabi ang mga iyan. Aasikasuhin ko na agad ito. Babalik ako sa loob ng kalahating oras!"Nagulat si Beatrice Assex. "Paano...paano... ka nakakuha ng napakaraming pera?"Ngumisi si Alex. "Aba, aba, Beatrice Assex. Umaasa ba ako sa iyong tutuparin mo ang iyong pangako, lalo na bilang campus belle ng Calif
”Princess Fleur? Wala akong kilalang hanggal na prinsesa dito. Umalis ka sa aking daanan!” Sigaw ni Alex Rockefeller.Nagalit ang kalbong lalaki. “Ininsulto mo si Princess Fleur!”Na nginitian ni Alex, “Sino ang kilala, ang putang prinsesang iyon? Bakit niya ako hinahanap? Siguro siya ay isang escort sa club? Sorry, hindi ako interesado.”“Sugurin siya, mga tropa!”Nagmura si Alex at inipon ang kanyang inner energy. Sa sumunod na segundo siya ay nasa harap ng kalbong lalakiSmack!Sinampal niya siya, diretso sa mukha, ng buong lakas.Ang kalbong lalaki ay hindi inaasahan si Alex na umatake at una siyang inatake. Wala siyang oras na kumilos at isang iglap na nasa sahig, inalis ang ilang madugong ngipin. Lumobo ang kanyang mukha, namaga na parang pufferfish.Matapos pabagsakin ang isa, si Alex ay hindi na naghintay. Sa halip, sumugod siya sa sumunod na tao.“Argh!”“Kuhanin ang ating mga armas! Paligiran siya!”May ilan na bumalik sa kanilang kotse at kumuha ng mga baton, stic
Tinaas ni Alex ang kalbong lalaki hawak sa kanyang collar at sinabi, “Kailangan mong magbayad sa mga pinsala, tatlong milyong dolyar!”“Um, well, wala akong ganung klaseng pera!”“Siguro kailangan nating dalawin ang Prinscess Escort kung gayon!”Tinapon ang nakataling kalbong lalaki sa kanyang BMW M8, hinatak ni Alex ang nakabaon na machete mula sa bintana at pinutok na sumabog na airbags.Vroom!Ang makina ay nabuhay muli.Masswerte, kahit na sira, ito ay magagamit pa din.Kinaskas ang Volkswagen patabi, minaneho ni Alex ang M8 palayo mula sa lugar ng aksidente, papunta diretso kay Princess Fleur.Siya ay nagtaka ng sobra. Sino ba talaga si Princess Fleur?Sa kanyang pagpunta doon, ang kotse ay gumagawa ng iba’t ibang klase ng tunog, ang mga parte nito ay nalalaglag habang nagmamaneho siya. Ito ay kakaibang tanawin mula sa mga nanonood at kumuha ng maraming atensyon, higit pa kaysa sa isang bagong BMW.“Gosh, hindi ba M8 iyon? Nakakaawa!”“Mukhang bagong bili din ang kotse,
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l