Si Scott Pattingson ang nangungunang pamato sa mga nakababatang henerasyon sa pamilyang Pattingson.Siya ang may pinakamataas na antas ng likas na talento at talino. Samakatuwid, ginawa ng pamilyang Pattingson ang kanilang makakaya upang tulungan siyang paunlarin ang kanyang sarili.Sa katunayan, ipinanganak siyang henyo. Sa edad na dalawampu't limang taong gulang, nakamit na niya ang ranggong Intermediate-Mystic at umabot sa ikaanim na yugto ng Golden Crushing Punch na minana ng pamilya. Sa isang suntok, magagawa niyang durugin ang mga makakapal na bakal.Sa sandaling iyon, ginamit ni Scott ang 100% ng kanyang panloob na lakas.Nais niyang patayin si Alex Rockefeller gamit ang isang suntok para makita ng mga mula sa pamilyang Yowell at Divine Constabulary na siya ang taong hindi nila dapat tangkaing ipahiya.Matapos magbitaw ng mabangis na dagundong, ang panloob na puwersa na nakatuon sa paligid ng kanyang kamao ay nagsimulang pumutok.Ang mga puso ng bawat isa ay tumigil saglit, tako
Sobrang normal ito. Tutulungan lamang ng mga tao ang iba kung sila ay mahalaga. Kung hindi man, ang tutulong ay maituturing na tanga.“Isasama ko si Michelle. Tutulungan ko siyang makabalik sa kanyang normal na estado,” sabi ni Alex Rockefeller”. Binuhat niya si Michelle Yowell bago tumalikod at umalis.Kanina, nakita ni Alex kung paano siya tiningnan ng pamilyang Yowell nang masama. Kasama rito si Keith Yowell, na tila nagsisisi na.Nangyari lamang ang insidente ngayon dahil hiniling sa kanya ni Michelle na tulungan siya.Walang nagawang mali si Alex sa pamilyang Yowell. Sa katunayan, siya ang nabiktima.Salamat sa pagsubok na ito, malinaw niyang nakita ang ilang mga bagay.Pagkaalis ni Alex, mabilis ding lumabas si Sky Melvis. Dinala din niya ang bangkay ni Scott Pattingson.Nanatili si Anna Coleman upang tumawag sa ambulansya at asikasuhin ang mga naiwan.Ang mga mata ni Keith Yowell ay tila mapurol, at may blangkong ekspresyon sa kanyang mukha. “Anna, sa palagay mo tumatanda na ba
Si Priscilla Paytas ay ang babaeng may pinakamalakas na purong dugo na nakilala ni Alex Rockefeller.Sa katunayan, mas malakas pa si Priscilla kaysa sa dalagang nakasuot ng uniporme ng mandaragat na si Holly Yates.Kung kaya ni Alex na gawin siyang alagad at sanayin ito, tiyak na magiging malakas siyang miyembro ng kanyang grupo.Sa kasamaang palad, mapayapa na ang panahon ngayon, at si Priscilla ay estudyante sa unibersidad. Medyo mahirap at walang galang na gawin siyang alagad at pasunurin siya sa kanyang mga utos. Maaring gabayan lamang niya ito sa pamamagitan ni Michelle Yowell.Iiwan niya ang lahat sa kapalaran!“Nawasak ang energy core ni Michella, at nawala ang lahat ng kanyang kasanayan sa martial arts. Pwede ba ‘tong maayos?” Tanong ni Waltz Fleur.Tumango si Alex. “Puwede. Kailangan ko lang gumamit ng isang uri ng tableta na tinatawag na Energy Recovery Pill. Magagawa nitong pagalingin ang kanyang energy core at tulungan siyang maituon muli ang kanyang panloob na puwersa. Ang
Biglaan, si Waltz Fleur ay binaba ang kanyang mga utensil at niyakap si Alex Rockefeller mula sa likod. “Alex, kumuha ka na ng divorce! Ikaw at si Dorothy ay mula sa dalawang magkaibang mundo. Atsaka, ang iyong mother-in-law ay kakaiba!Maaari mo akong kunin bilang pangalawang asawa at si Maya bilang unang asawa. Kung mangyari talaga, maaari mong gawin pangatlong asawa si Michelle. Magiging abala ka nga lang.”Mapait na tumawa si Alex.“Nakumpleto ko na ang pagbabago sa iyong Cuore Force. Ito ay nasa kwarto mo. Pinangalanan ko itong Moon of the Nine Revolutions. Ikaw—” Bago pa matapos ni Alex ang kanyang sinasabi, si Waltz ay binitawan na siya at tumakbo paalis.“P*ta. Anong klaseng asawa ba ito? Siya ay nakakairitang babae!” Bulong ni Alex bago patuloy na nagluto.Kaagad, si Waltz ay tumakbo palabas ng kwarto at tinanong si Alex ng iba’t ibang klaseng tanong tungkol sa cultivation.Medyo naiinis, Nilagay ni Alex ang palad niya sa likod ng likod nito at sinimulang paganahin ang ka
”May problema ba sa utak ng babaeng ito?”“Talaga bang may gusto siya kay Mask. Diyos ko po!”Pakiramdam ni Alex Rockefeller na tinamaan siya ng kidlat. Isang tabi na ang katotohanan na si Beatrice Assex ay nakababatang kapatid ni Dorothy Assex, siya din ay sarili niyang sister-in-law. Sa higit na sampung buwan, ang babaeng ito ay palagi siyang inaasar na may kakaibang paguugali. Tinatawag siya nitong walang kwenta o isang basura.Si Beatrice ay siguradong magkakameltdown kung malalaman niya na si Mask, ay talagang si Alex.Napailing si Alex. Nagdesisyon siya na hindi siya pansinin at nagpatuloy na maglakad sa loob.Subalit, napansin talaga siya ni Beatrice.Bigla siyang tumakbo at hinatak siya sa kanyang shirt. “Bakit ka nandito? Ano ng ginagawa mo dito?” Tanong niya.Nakatingin si Alex sa kung gaano siya kakaiba. “Sa tingin ko ang presensya ko dito ay walang kinalaman sayo hindi ba?” Kalmado siyang tinulak palayo.“G*go ka. Hindi mo naiintindihan ito, ngunit alam ko na nandit
”Dear Alex, pakiusap huwag mo ito damdamin. Ang kanyang pangalan ay Miranda Finn. Maaari mo siyang tawagin bilang Little Finn. Siya ay apo ng isang matagal kong kaibigan. Simula ng bata pa siya… well, siya ay isang pusang ligaw—” Sabi ni Andrew.Bago pa magpatuloy magsalita si Andrew, siningitan siya ni Miranda. “Andrew, aasarin mo ako kung magsasalita ka ng ganito. Tigilan mo na ang pagsayang sa oras ko. Sobrang bata niya, ngunit tinatawag mo siyang mahusay na miracle doctor. Siguro naloko ka niya.”Kalmadong tumingin si Alex Rockefeller kay Andrew. “Ibig sabihin ba nito na hindi mo pa nakumbinsi ang babaeng ito?” Tanong niya.Kinumpas ni Alex ang kanyang kamay. “Alex, siya ay mahirap na kumbinsihing babae. Umaasa ako na makukumbinsi mo siya.”Malakas na tumawa si Miranda. “Andrew, siguradong naloko ka lang niya. Sa totoo lang, hindi ako pumunta dito para maginterview o ano pa man. Gusto ko lang makita ang klase ng tao n nnloko sayo. Ah, may natutunan akong bago ngayon… traditiona
Si Alex Rockefeller ay inisip ito ng sandali.Ang pinaka magandang paraan para gamutin ang malaking ilong na dayuhang sa kanyang pancreatitis ay ang gamitin ang electrified needle na may lightning attribute. Sa totoo lang, ang paggamit ng sariling daliri ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan.Subalit, karamihan sa mga karaniwang tao ay hindi matatanggap na magamot sa paraan ng panundot ng daliri.Kung hindi gumagamit ng silver needle para gawin ang acupuncture, ito ay magmumukhang hindi lohikal. Karamihan ng tao ay hindi ito maiintindihan.Kung kaya, humarap si Alex kay Cheryl Coney. “Meron ka bang silver needle? Maaari ko ba itong mahiram?”Si Cheryl ay isang doktor na gumagamit ng halong tradisyunal at modernong medisina. Mahusay siya pagdating sa acupuncture. Kaya siya ay siguradong mayroong mga silver needle sa kanyang drawer. Kaagad siyang naglabas ng bagong pack ng mga silver needle. “Akala ko hindi ka gumagamit ng mga silver needle,” Sabi niya.Napabuntong hininga si
Subalit, si Zendaya ay hindi maintindihan bakit merong kumikinang na kislap ng kidlat.“Ito ay isang Chi needle na ginagamit namin sa tradisyunal na medisina. Ito ay nagagawa sa paglagay sa needle ng enerhiya ng Chi. Isipin mo ang mga kislap bilang bio-electricity,” Kalmadong sinabi ni Alex Rockefeller.Ang silver needle ay mabagal na umabante. Ng ito ay limang sentimetro mula sa ibang silver needle, ang mga electric spark dito ay kumalat sa ibang mga needle at sila ay nagsimulang magpasa ng mga electric spark.Crackle!“Ah! Oh!”Sumigaw ng malakas. Ito ay hindi matiis na sakit.Sa totoo lang, hindi ito masyadong kakaiba sa tipikal na surgery. Ang panggagamot na ito ay kasama din ang pagtanggal ng mga calcified na parte ng kanyang pancreas at ang mga cyst sa paligid nito. Ang tanging pagkakaiba lang ay na ang mga Western na doktor ay gagawin ito gamit ang scalpel, habang si Alex ay ginawa ito gamit ang mga electrified Chi needle.Wham!Hinampas ni Alex si Andrew ng sobrang laka
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l