Labis na kaakit-akit ang mga mata ni Waltz, mamasa-masa na ang mga ito.Pak!Gayunpaman, hindi talaga magawa ni Alex na patulan siya. Ang ginawa niya lang ay pahigain siya at paluin nang malakas ang likuran nito habang sinabi niya, “Ipakita mo sa akin ang buong set ng iyong pamamaraan sa paglilinang, hayaan mong malinaw ko itong makita.”Pagkalipas ng sampung minuto, tumango si Alex at sinabi, “Babaguhin ko ‘yan mamayang gabi at ibibigay ko sa’yo bukas.”“Ayos ‘yan! Pupunta ako sa mall mamaya at ipagbibilhan kita ng, sampung hanay ng mga damit dito sa aking bahay!““Oh, alam mo ba ang laki ko?”Sumulyap si Waltz sa ibabang bahagi ni Alex at sinenyasan ito gamit ang kanyang mga payat na daliri.'P*tangina!'Dahil may kailangang asikasuhin si Waltz sa hapon, siya ay tumungo sa Thousand Miles Conglomerate.Si Alex naman ay bumalik sa Maple Villa. Gumawa siya ng plano upang madagdagan ang kanyang mga kakayahan sa loob ng maikling panahon... Nang walang tulong ng divine energy mula sa kany
“Ah, si Mr. Rockefeller! Kung gayon… dapat ka na ngang umalis. Bumalik ka agad. Tandaan na bumalik bago maghapunan.“ Nag-aalangan na ngumiti si Keith habang kumikintab ang kanyang mga mata.Kinaway ni Michelle ang kamay niya. “Bale aalis na ako. Hindi ko alam kung saan siya magpapatulong. Kung gagabihin man ako ng uwi, maaari na kayong maunang maghapunan nang wala ako.“Kasabay nito, agad siyang tumalon sa tuwa at iniwan ang manor.Bahagyang sumimangot si Scott, tila medyo naiinis siya. Si Michelle ang fiance niya pagkatapos ng lahat. Naglakbay siya ng mga milya mula sa Hilagang Tokyo para makabisita. Dahil hindi sila nagkita sa loob ng tatlong taon, dapat ay magkasama sila sa lahat ng oras hangga’t maari. Gayunpaman, talagang iniwan niya siya para makipagkita sa iba. Iyon ay talagang hindi kaasam-asam.Gayunpaman, alam niya na hinala lang niya iyon, hindi niya kayang magtanong. Si Evan naman ay nagtanong lang ng walang kabuluhan, “Uy tanda, sino ang Alex na ‘to? Mas mas mahalaga ba si
“Tsk, tsk, tsk. Boss, pinagtaksilan ka!”Si Scott, na kapapasok lamang sa banyo, ay nakatanggap ng tawag mula kay Evan at narinig ang mga ganitong salita.“Anong ibig mong sabihin?”“Boss, pinagtaksilan ka! Niloko ka ni Michelle at ngayon ay nakipagkita sa ibang lalaki sa labas! Nakita ko gamit ng aking sariling mga mata, maharot siyang kumilos sa paligid ng isang binata, at kumapit pa nga braso nito habang papasok sila ng villa. Naku, natatakot akong baka may nagawa na sila!“Sa sandaling iyon, nagdilim ang ekspresyon ni Scott, halos masira niya na ang toilet gamit ang kanyang paa. Hindi nagtagal, pinakalma niya ang sarili. “Evan, huwag kang magbiro. Nagtitiwala ako kay Michelle, at hindi ako interesado sa iyong kapatid.““Hindi ka ba naniniwala sa akin, boss? Ipadadala ko sa’yo ang litrato ngayon.“Ding!Sa isang iglap, nakatanggap si Scott ng larawan: ito ay larawan ni Michelle na nakakapit sa braso ni Alex. Gayunpaman, kinuha ito mula sa malayo, kaya’t malabo ito.“Wala lang naman
‘Ano?’ Namumutla ang mukha ni Evan dahil sa pagkabigla, na para bang nakakita siya ng multo.Sinasadya niya talagang sabihin ang mga nakakasakit ng mga salitang iyon, upang pikunin lamang si Michelle. Pagkatapos ay nilayon niyang sirain ang inareglong kasal sa pagitan nina Scott at Michelle. Magiging mainam kapag tinanggap ni Scott ang kanyang kapatid na babae kapag siya ay pinanghinaan ng loob.Hindi niya kailanman inaasahang talagang magkakaroon ng nakakagulat na rebelasyon si Michelle. Hindi lamang niya niloko si Scott, ngunit nagdadalang-tao din siya sa anak ng ibang lalaki!Tuwang-tuwa si Evan at halos magpakawala ng tawa. Naiisip niya kung gaano kasawi at bigo ang magiging hitsura ni Scott kapag nalaman niya na ang nasabing balita. Pagdating ng panahon, kaya niya pa ba kayang maging maangas? Hindi naman niya maaring panatilihin ang kanyang pag-aangas at malamig na sabihin, “Tingnan ninyo, naloko ako. Meron pa ba sa inyong naloko nang mas masahol kaysa sa akin?”‘Haha, haha!’Haba
Tumalsik si Evan. Bahagya siyang bumalentong at dumura ng maraming ngipin habang siya ay bumagsak sa lupa.Natigilan siya—hindi na niya magawang magsalita, ang nagawa niya lang ay ang titigan si Alex.“Hoy sissy, bobo ka ba?”“Hindi mo nga ako matalo, at hinahamon mo pa ang aking kasintahan?”Gusto nang umiyak ni Evan, talagang hindi niya napansing si Alex ay dalubhasang mandirigma rin.“Bayaran mo ako ng tatlumpung milyon para sa pagwasak sa aking hardin at sa pandudura mo sa akin. Saka ka lang makakaalis,“ kalmadong sabi ni Alex.“Ano? Paanong nagkakahalaga ng tatlumpung milyon ang iyong lumang hardin?“ Hindi makapaniwala si Evan. “Hindi pa nga aabot ng tatlumpung milyon ‘yang villa mo!”“Limampung milyon.”Nanlaki ang mga mata ni Evan. “Ano? Limampung milyon? Bakit basta-basta mong dinagdagan ng dalawampung milyon? Wala akong pera, maaari mo na lang kunin ang buhay ko kung gusto mo.“Umiling si Alex. “Ayoko ng buhay mo, ngunit maaring may kunin ako sa’yo.”Doon lang, tinapik niya na
“Anong nangyari? Ano iyon?”“Lindol ba ‘yon? Meron bang nai-stuck diyan?“Sumugod kaagad ang mga Yowell nang marinig ang malakas na pagbagsak. Si Colin ang unang dumating sa eksena.Sinabi ng isa sa mga Yowell, “Palagay ko nandiyan si Mr. Pattingson. Kasama niya rin si Mr. Laws.“Nanigas si Colin.Kasabay nito, dalawang lalaking natabunan ng alikabaok ang gumapang palabas ng sirang gusali. Sina Scott at Evan iyon.Patuloy na umuubo ang dalawa, nag-iiwan ng mga alikabok sa likuran habang sila ay umaabante.Sumugod si Colin. “Scott, okay ka lang ba? Bakit biglang gumuho ang perpektong itinayong bahay? Kakaiba iyon, ngunit salamat sa Diyos na okay ka lang.“Sinuntok kaagad ni Scott si Colin sa tiyan.Bilang mandirigmang nasa ranggo ng Intermediate-Mystic, ang pagsuntok kay Colin ay maihahalintulad sa pagsuntok sa bata. Sa isang suntok lang, tumilapon si Colin.Sumuka si Colin ng dugo sa gitna ng hangin, nakatingin kay Scott na may purong takot pagkatapos niyang bumagsak sa lupa.Malinaw n
Sinubukan ni Keith na tawagan si Michelle, gayunpaman hindi niya ito sinagot.Napagtantuan ng maliit na diyablo na tatanungin ni Scott ang kanyang lolo matapos makatanggap ng balita mula kay Evan, kaya't pinatay niya ang kanyang phone at tumungo sa ibang lugar. Gayunpaman, minaliit niya ang pagiging arogante at kayabangan ni Scott—hindi niya na kinuwestiyon ang kanyang lolo, direktang sinampal na lang niya ito sa mukha.Wala rin namang numero ni Alex si Keith.Sinuri ni Scott ang lahat ng kanilang takot na mukha. Nais niyang sirain ang lahat ng ito habang pinagmamasdan silang nanginginig sa takot.Si Scott ay prodigy ng martial arts, batang biniyayaan ng maraming kasanayan. May potensyal siyang maging Grandmaster. Bakit lolokohin ang isang tulad niya?Gayunpaman, dahil nangyari na ito, nais niyang burahin ang pagkakamaling ito sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng pagsisingil sa mga Yowell ng bayad gamit ang kanilang dugo.“Gusto ko si Michelle at ang nasabing lalaking nakaluhod sa har
Tinanong ni Jack, “Anong plano?”Itinuro ni Alex ang parasitong nakakulong sa bote. “Magagamit natin ito.”Nakakatakot ang sakit na parasitiko dahil makikinig ito sa bawat utos mula sa may-ari nito. Ang ina ng nasabing parasito ang nagbigay dito ng gayong lakas. Nangangahulugan ito na ang taong sumumpa kay Leanne ay merong tinataglay na inang parasito upang makakuha ng gayong mga kapangyarihan.Nais gamitin ni Alex ang parasitong ito upang hanapin ang ina nito.Gamit ang maikling paliwanag, naunawaan ni Jack kung anong ibig niyang sabihin.Tumango siya. “Sige, Mr. Rockefeller, magsasagawa ako ng piging upang tipunin ang lahat ng mga empleyado ni Leanne. Pasensya ulit sa abala, Mr. Rockefeller.“Pagkatapos ay kinuha ni Jack ang tsekeng nauna niya nang ihinanda.Ito ay nagkakahalagang dalawampung milyon. Inabot niya ito kay Alex at sinabing, “Mr. Rockefeller, ito ay tanda lamang ng aking pagpapasalamat. Pakiusap, tanggapin mo ito.“Umiling si Alex at itinulak ang mga kamay nito. “Mr. Tre
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l