Ang hiling na ito ay medyo mahirap!Gayunpaman, naramdaman ni Alex ang isang makapal na sinag ng golden wish power na lumitaw sa kanyang ginintuang core. Kung ang wish power ni Ted Summers ay kasing laki ng balahibo ng kalapati, yung kay Jade Benmore ay kasing laki ng balahibo ng ostrich, isang daang beses na mas malaki kaysa kay Ted.“P*ta!”“Ang napakalaking dami ng wish power, kapag ito ay naging banal na kapangyarihan, malamang ay napakalakas nito. Ang hiling na maging labing-walong taong gulang ulit, sige, pagbibigyan ko!”Gustong-gusto ni Alex na makakuha ng higit na banal na kapangyarihan, at sa pagkakataong tulad nito, halatang hindi niya ito pakakawalan. Sa kabilang banda, naramdaman niyang kakaiba ito. Ano ang batas at alituntunin tungkol sa kung gaano kalaki o kaliit ang wish power?“Tapos na ba?” tanong ni Jade.Wala na siyang lakas ngayon at napapikit na siya nang makausap niya si Alex at bumagsak sa ibabaw ni Alex.Inilagay ni Alex si Jade sa upuan at mukhang nakapagdesis
‘Anak ng tokwa, nakakuha ako ng ganito karaming banal na kapangyarihan?‘Ilan ang natamo ko?!’Natulala si Alex sa mga nangyayari sa harapan niya.Ang banal na kapangyarihan na na-convert dati ni Ted Summers, kung kakalkulahin ayon sa mga puntos, ay sampung puntos. Nang bumagsak ito sa kanyang ginintuang core, ito ay parang ilang mantsa ng tubig, isang wisik lang. Nang maglaon, nang lumitaw ang Persephone’s Folly Bridge at linisin ang dose-dosenang mga Grovel Demons, pati na rin ang pagkaladkad kay Mariah Hamilton sa Infernal Hell, ang banal na kapangyarihan na nakuha niya mula doon ay halos ilang daang libong puntos lamang. Itinuring itong kaunting tubig lamang sa isang tasa ng panukat kapag pinupunan ang ginintuang core ni Alex.Gayunpaman, ngayon, ang conversion ng wish power mula kay Jade ay tumama sa kanyang ginintuang core, na bumubuo ng pool ng divine power.Sa magaspang na kalkulasyon, ito ay hindi bababa sa 100,000 puntos ng banal na kapangyarihan!Hindi lang iyon, binibigyang
“Si Alex ba ang nagpabata sayo?” sabi ni Nora. “Nakakamangha! Kakaibang istilo at lubhang mahiwaga! Alex bilisan mo gawin mo din sa’kin. Gusto ko ring maging eighteen years old.”Ang mga kababaihan ay hindi kailanman makalaban sa tukso ng pagiging mas bata.Maging si Martiny Mayer ay nakatingin kay Jade Benmore na malinaw sa kanyang mukha ang mga intensyon.Sabi ni Jade, “Nora, huwag kang magsalita ng kalokohan. Akala mo ba ay magagawa ito sa pamamagitan lamang ng pag-inom ng gamot o operasyon? Mataas ang gastos. Tingnan mo ang itsura ni Alex ngayon. Ibinahagi niya sa akin ang kanyang buhay.”Ang lahat ay nakatutok sa pagbabago ni Jade; nakalimutan nilang tingnan si Alex na nakaharap sa pinto ang likod.Nang tumingin sila sa kanya, nakita nila ang kanyang buhok ay puti na lahat, at mukha siyang umedad na ng ilang dekada.“Ito…”“Alex, paano ka naging ganyan?”“Alex, naku, ang magiging manugang ko. Huwag mong takutin nang ganito ang iyong ina!”Lumipat ang tingin ni Jade kina Martiny at
Tinawagan ni Alex si Jayden Flemming.Nagkataon lang siya... Okay, dapat siya na ngayon, Snow Whitney.Kasalukuyan siyang nasa sangay ng Blood Cult, at pagkatapos ng mga buwan ng pagkukubli doon, nakatanggap din siya ng maraming impormasyon tungkol sa kanila. Ngunit nang magtanong si Alex tungkol sa Blood Witch, hindi siya makapagbigay ng anumang impormasyon, na nagsasabi na hindi pa niya narinig ang pangalan noon.Alinmang paraan, naroon siya upang magbigay ng suporta, na maaari ring magpadali sa mga aksyon ni Nora at ng iba pa.Si Alex ay kasalukuyang hindi makakapunta sa Japan dahil sa kanyang kondisyon ngayon.Sa isang banda, pagkatapos ng pagpapahiram ng kanyang life force sa ibang tao, ang kanyang katawan ay nakakaranas ng isang tiyak na antas ng patuloy na pagtanda. Kung hindi dahil nasa kanya si Neela mula sa Bemares Dragon, malamang na mas malala ang proseso ng pagtanda.Ang mga mula sa tribong Benares Dragon ay may mahabang buhay.Magkaugnay ang lifeforce ni Neela at ni Alex,
Ilang daang libong taon, anong konsepto iyon?Sa madaling salita, si Dorothy ay isang napakatalinong bigatin sa kanyang nakaraang buhay.Mababaliw kaya ang isang tao kapag nagising na silang may asawa na at may mga anak?Tila alam ni Dorothy ang kanyang mga alalahanin at ngumiti at inaliw siya, “Huwag kang masyadong mag-alala tungkol dito. May pakiramdam ako sa mga oras na ito, kahit na magising ako sa mga alaala ng nakaraan ko sa buhay, wala akong gagawin sa’yo. Ang pakikipag-ugnayan sa mga bata ay isang uri ng mahika. Hangga’t ginagamit niya ang aking katawan, ang koneksyon ng dugo sa pagitan namin ay magpapatuloy.”Namilog ang mga mata ni Alex.Iniisip niya kung paano muling seselyuhan ang nakaraan nitong buhay.Nakuha niya ang mana ni Ksitigarbha. Hawak niya ang isang killer artifact, ang Persephone’s Folly Bridge, sa kanyang mga kamay, na maaaring magpatawid sa anumang uri ng kaluluwa. Posible kayang mapatawid niya ang kaluluwa ng nakaraang buhay ni Dorothy?Iyon ang dahilan kung
Pagkatapos, natapos ang phone call.Si Beatrice Assex ay nagpasa ng isang pirasong nakahiwang mansanas kay Alex at sinabi niya, “Bayaw, bakit tumatawag ang instructor mo? Parang isang babae siya. May magandang relasyon kayo!”Nang sabihin niya ito, nakita ni Alex nsa nakatingin si Dorothy sa kanya.Gayunpaman, walang espesyal sa ekspresyon niya.Kaya nga lang, ang kapatid niya ay iniisip ang asawa ni Dorothy, at sumakit ang ulo ni Dorothy dahil dito.Dati, nagagalit siya ng sobra dahil sa rasong ito at sinasaktan niya pa si Beatrice dahil dito, ngunit mukhang hindi ito nakaapekto masyado. Sa puso ng babae, may hindi mawaring bagay na nakaukit sa mga buto niya. Hindi nagtagal, kinausap ni Dorothy si Beatrice at nalaman niya na maraming kasaysayan sa pagitan nila Alex at Beatrice.Bukod pa dito, may banta rin ng dating buhay niya.Nararamdaman ni Dorothy na malapit na siya sa paggising ng dating buhay niya.At nagbago ang mentalidad niya.Kung hindi talaga kayang bitawan ni Beat
Ang hardin ng Rockefeller Manor ay masigla, at maraming tao ang dumalo.Sarado ang Lust Cosmetics para sa holidays, at si Brittany at ang grupo ng mga babae ay nasa bahay. Nang sumapit ang tanghali, dumalo din si Michelle Yowell. Pagkatapos, dumating sdin si Xyla Stoermer, pati si Hailey Lawson. Nasa Rockefeller Manor sila para ipagdiwang ang bagong taon.Nakasabit ang mga maliwanag na ilaw sa harap ng Rockefeller Manor, at at may malaking grupo ng mga babae na nag uusap at nagtatawanan.Gayunpaman, malungkot ang mood ni Alex.Sina Nora Stewart at Martiny Mayer ay dinala ang grupo ng mga tao tungo sa Japan, at isang linggo na ang lumipas simula nito.Ngunit, wala pa ring balita.Kahit kagabi, ang komunikasyon nila araw araw ay nasira.Hindi niya rin matawagan si Snow Whitney.“May nangyari siguro!”“Pero sa lineup nila, higit sa sapat na sila kung gusto nilang manalo sa Japan. Ang pinakamahalagang punto dito ay imposible na matalo ang buong team nila, hindi ba?”Hinanap ni Al
Ang boses ni Jade Benmore ay malakas at matalas, at mukha hindi matino ang mental state niya pagkatapos itong sabihin.Ang mga mata niya ay nakatitig sa phone screen, at ang mga luha niya ay tumulo sa kanyang mukha.Siya si Jade Benmore!Isa siyang malakas na babae, ang goddess of war, na siyang naghihintay ng kamatayan ng walang bahid ng emosyon. Ngayon, mukhang sabik at malungkot siya na makita ang batang lalaki sa phone screen; mahirap itong paniwalaan.“Blaze? Master, kilala niyo ang batang ito?” Tumingin si Alex kay Jade sa kanyang pagkabigla.Hinawakan ni Jade ang phone niya at sinabi niya ng malakas, “Itutok mo ang camera sa mukha niya. Gusto kong makita ang mukha niya. Ang noo niya, ipakita mo sa akin ang noo niya.”Hindi alam ni Cheryl ang nangyayari, ngunit mabilis siyang tumuro sa camera habang sinabi niya ng mabilis, nakapokus sa noo ng bata. Nakita ni Cheryl na tila may marka sa noo ng lalaki, isang pattern ng isang apoy.Nanginig si Jade sa sumunod na sandali. “Bla