Yowell, at Bright!Hindi ito rune, ngunit ang mga salita ay nakasulat na parang pirma sa halip. May maliit na tuldok sa pagitan ng mga pangalan, at mukhang ito ang pirma ng dalawang tao sa halip na isa.Saglit itong pinag-isipan ni Alex at sinabing, “Maaaring ito ang mga taong naglatag ng formation at pumirma dito. Ang isa sa kanila ay may pangalang ‘Yowell’, at ang isa ay ‘Bright’.”Tumango ang Fairy Doctor. “Iyon din ang akala ko. Napaka-advanced ba ang antas ng pormasyon na ito?”“Ito ang pinakakumplikado at hindi malinaw na pormasyon na nakita ko,” sabi ni Alex. “Sobrang makapangyarihan nito at malikhain din! Ang maisip na mag-ukit ng pormasyon sa mainit na kama, isang bagay na madaling makuha. Ang paghiga sa kama araw-araw ay maituturing ding paraan ng cultivation.”Tumingin sa kanya ang Fairy Doctor at sinabing, “Hindi ‘to orihinal na kama.”“Hah? Bale, ano pala ‘to?”Sinulyapan siya ng Fairy Doctor. “Isang bathtub.”Ibinuka ni Alex ang kanyang bibig at matagal itong hindi isinar
Kinabukasan, kumalat ang mga tsismis sa buong Flying Eagles Academy.Ang Fairy Doctor at ang bagong estudyante, si Alex Rockefeller, ay natulog nang magkasama!Hindi na kailangang sabihin, ang tsismis ay ipinakalat ni Michael Lawrence. Ang kanyang ama ay si Colton Lawrence, ang left-wing lieutenant ng Flying Eagles. Natural na hindi kailangang mag-alala na hahanapin siya ng Fairy Doctor para sa paghihiganti o utang na ito.Sa katunayan, ginawa niya ito para maisip ng Fairy Doctor ang reputasyon nito at layuan si Alex sa akdemya. Kung hindi, kung ang tsismis ay nakumpirma, kung gayon siya ay mapapahiya bilang isang instruktor.Gayunpaman, hindi niya alam na ang Fairy Doctor ay nag-aaral ngayon ng alchemy kasama si Alex at tinatrato si Alex bilang ang lalaking lulutas sa sakunang kinakaharap nito. Wala itong pakialam sa mga tsismis.Gayunpaman, nang lumabas ang mga alingawngaw, ang buong akademya, mga mag-aaral at mga instruktor, ay natigilan; nalaglag ang kanilang mga panga. Napakaramin
Sa Flying Eagles Academy, napansin ng maraming master ang abnormal na daloy ng espirituwal na enerhiya.Gayunpaman, ang essence sa paligid ng akademya ay napakasiksik na sa umpisa pa lang. Bagama’t abnormal ang daloy, nang makita nilang nakatutok ang konsentrasyon sa tahanan ng Fairy Doctor, hindi na sila gaanong nagkomento tungkol dito.Kung ikukumpara kay Gabby, natural na mas malalim at malayo ang pagkaunawa ng Fairy Doctor sa Flying Eagles Academy.Si Alex ay hindi pumunta dito upang pag-aralan ang anumang bagay noong una ngunit upang magtanong tungkol sa sitwasyon sa loob ng sinaunang forcefield. Ang pangunahing bagay na gusto niyang gawin ay upang kumpirmahin kung ang kanyang ama, si William Rockefeller, ay dumaan sa teleportation array at pinasok ito.Ito rin ay upang paghandaan ang sakuna na tatama sa bansa matapos makinig sa maikling pagpapakilala ni Nora Stewart tungkol sa sinaunang forcefield.Katatanggap lamang ng Fairy Doctor ng mga natatanging saloobin sa alchemy mula kay
Umiling ang Fairy Doctor, “Hindi ko kaya. Napakabihira ng materyal para sa Heaven Mending Pill. Tatlong beses ko pa lang itong nakolekta at tatlong beses na sinubukang gawin. Ngunit kahit na meron akong recipe para sa Heaven Mending Pill, nabibigo pa rin ako sa huli. Sa tuwing magkakaroon ng problema sa condensation ng mga tabletas, nasasayang ang pagsusumikap.”Pinag-uusapan na rin naman…Bigla niyang napagtanto ang isang bagay at nagtanong, “Kaya mo ba?”Sabi ni Alex, “Hindi ko pa nasusubukang gumawa ng Heaven Mending Pill, ngunit kung available ang mga materyales, sa palagay ko ay hindi naman magkakaroon ng malaking problema.”Nang marinig ito, agad na tumalon ang Fairy Doctor. “Punta tayo sa trading market.”“Trading market? Saan yun?”“Ito ay isang lugar kung saan kinokolekta ang mga materyales mula sa sinaunang battlefield. Maliban sa mga bahagi na napili kaagad sa battlefield, ang iba ay ipapadala sa Flying Eagles Academy. Pagkatapos, pag-uuri-uriin sila sa iba’t-ibang kategorya
Natigilan silang dalawa.Hindi nagtagal, nakita ni Alex si Gabby sa gitna ng madla.Kinawayan niya ito, “Gabby, halika rito.”Natigilan si Gabby habang dahan-dahan siyang naglakad, tumitingin sa pagitan ng dalawa ang mga mata niya, naguguluhan, habang bumubulong, “Alex, may nangyari ba sa inyo ng Fairy Doctor?”Napatulala si Alex.Naisip niya, ‘Bwisit, yung Michael na iyon, napakag*go! Anong klaseng kalokohan ang sinabi niya? Bakit alam ng lahat ang tungkol dito pagkatapos niyang maging panangga?’Hindi rin maganda ang ekspresyon ng Fairy Doctor.Wala siyang pakialam, ngunit hindi iyon nangangahulugan na gusto niyang mapag-usapan.Ayaw din ni Alex na magkaroon siya ng mantsa ng Fairy Doctor, dahil may asawa at pamilya na siya. Ayos lang maging panangga sa iba. Ngunit, kung aaminin niya ito sa harap ng napakaraming tao, hindi ba magiging katibayan na iyon? Kapag nalaman ni Dorothy ang tungkol dito, hindi ito maganda.“Kani-kanino ba kayo nakikinig? Humihingi ako ng payo tungkol sa alche
Kalalabas lang ni Alex at ng Fairy Doctor sa madla at papunta na sana sa trade exchange para maghanap ng mga materyales para sa alchemy nang hindi inaasahang hinarangan sila ng isang babae, na walang iba kundi si Jane.Nasa madla din si Jane at narinig niya lahat.Galit na galit siya kay Alex.Nakaturo kay Alex, sinabi niya, “Mahaba ang pasensya ni Fairy Doctor, hindi ka niya masyadong inintindi, at tinanggap ka pa niya bilang estudyante, pero wala akong mahabang pasensya tulad ng Fairy Doctor. Naglakas-loob kang mandaya sa pustahan at niloko mo ang iyong mentor. Kung hindi lang tumango ang mentor ko, hinding-hindi kita papayag na sumali sa Elixir Department namin.”Tumingin sa kanya si Alex at sinungitan siya.Sabi ng Fairy Doctor, “Jane, tumigil ka sa pagsasalita.”Sabi ni Jane, “Mentor, walang magagawa kung walang modo at respeto. Ako ang iyong assistant, kaya tungkulin kong tulungan kang turuan ng leksyon ang masamang estudyanteng ito. Hindi natin hahayaang kumalat ang ganitong uri
“Talaga... Posible ba talaga?”“Siyempre naman, basta mangako kang gagawin mo ang isang bagay para sa akin!”Nang sabihin ni Michael ang mga ito, naalala niya ang maliit na bagay na nalaglag ng Fairy Doctor at kaagad siyang nagliyab sa loob.***Sa sandaling ito...Sinundan ni Alex ang Fairy Doctor at nakarating sa exchange ng Flying Eagles Academy.Noong una, naisip niya na ito ay magiging lugar tulad ng merkado ng kalakalan, ngunit lumabas na hindi pala at mas mukha pa itong modernong opisina na may isang hilera ng mga visual screen na maaaring gamitin, kung saan ang isa ay maaaring direktang tingnan ang mga pangalan ng mga mapagkukunan na maaaring ipagpalit gayundin ang mga presyo.Para itong mag-oorder lang ng pagkain sa isang take-out app.Gayunpaman, ang pagpapatakbo ng makinang ito ay nangangailangan ng pag-swipe ng identity card.Ang bawat instruktor at estudyante ay may isa, ngunit wala nito si Alex.Ito ay dahil sa ngayon, hindi siya itinuturing na estudyante ng anumang depar
“Ano?”“Ano yan?”Natigilan si Alex, at pagkatapos ay nagkaroon ng pagdagsa ng pananabik.Mula sa lahat ng nakaraang karanasan, kung ano ang maaaring maging sanhi ng labis na reaksyon ng Chaos Bead ay talagang magandang bagay, at walang katulad ang pananabik ni Alex tungkol sa imbentaryo sa bodega na ito.Sa pasukan ng bodega ay ilang guwardiya at manager.Nang makita ang Fairy Doctor, agad silang yumuko at sumaludo.Sabi ng isa sa mga may edad na babae, na malapad at mataba, na may ngiti sa labi, “Ang Fairy Doctor. Anong nagdala sa inyo dito? May nakita pa akong magpies na humuhuni nung lumabas ako ngayon. Kaya pala, iyon ay dahil darating ang Fairy Doctor. Isang bihirang bisita. Pakiusap, pasok ka.”Napatingin sa kanya si Alex at halos tumawa siya nang malakas.Nasa kalagitnaan ng taglamig ngayon. Paano nagkaroon ng magpies?Mas katanggap-tanggap pa kung mga maya sila.“Auntie Beck, naparito ako upang maghanap ng mga angkop na materyales sa alchemy na magagamit sa bodega na ito,” sab