“Isda?” Natigilan si Alex. “Yung Hell Fish ba ang tinutukoy mo?”Tuwang-tuwa na ikinaway ni Winniefred ang kanyang maliliit na kamay at sinabing, “Oo, oo, oo! Yung Hell Fish, siya nga! Daddy, ang cute ng Hell Fish! Puwede ko ba siyang pakainin?”Kinarga ni Alex si Winnifred sa kanyang mga bisig. “Halika, tingnan natin.”Ang itlog ng isda na kinuha niya sa libingan ni Caesar ay nasa yungib sa ilalim ng lawa. Pagkabalik, inilagay ni Alex ang itlog sa pond sa bahay.Sa totoo lang, hindi siya umaasang buhay pa ito.Ang mga ganitong uri ng mga bihirang species sa pangkalahatan ay napaka-partikular sa kapaligiran na kanilang kinaroroonan, at ang pond sa bahay ni Alex ay napakakaraniwan, yung tipong kung saan ang isa ay mag-aalaga ng goldpis, carps, at iba pa.Hindi nagtagal, nakarating sila sa pond.Saka lang nalaman ni Alex na marami nang tao sa paligid ng pond.Nandoon din sina Holly, Waltz, at Maya.Pinagmamasdan lang nila ang maliit na nilalang na kakapisa lang mula sa shell nito.“Senio
Inihagis ni Alex ang Hell Fish pabalik sa lawa bago nagtanong, “Nandito pa ba si Captain Sky?”Sagot ni Maya sa kanya, “Kanina pa siya umalis. Akala mo ba dito siya nagpalipas ng gabi?”Humuni si Alex bilang tugon, pagkatapos ay kinuha ang Spiritual Demon Pills at hinati ito kina Waltz, Maya, at Holly, binibigyan sila ng tig-sampung piraso. “Ang mga tabletang ito ay sampung beses na mas malakas kaysa sa Blood Energy Pill. Hinay-hinay lang sa pagkonsumo ng mga ito, at mabuti para sa inyo na magsanay nang magkakasama. Pupunta ako sa Divine Constabulary para hanapin si Captain Sky.”Hindi niya layunin ang hanapin si Sky.Sa totoo lang, gusto niyang hanapin si Shochiku.Dahil naalala niya na si Shochiku ay mula sa Hygieia Valley.Alam ni Sky na nagtagumpay si Alex sa pagpino ng Energy Recovery Pill, kaya natural siyang natuwa. Nang maglabas si Alex ng tatlong tabletas, hindi handa ang kanyang puso. “Bakit tatlo? Matagumpay mo bang napino ang mga tabletang ito mula sa tatlong bahagi ng mga
Sa expressway.Merong pinakamataas na klase ng Ferrari sports car.Mabilis ang sports car, at nalampasan nito ang hindi mabilang na mga kotse.Tumingin si Alex sa dashboard, na nagpapakita ng bilis na aabot sa tatlong daan at tatlumpung yarda. Tahimik niyang inilabas ang Mystic Armor sa buong katawan niya. Nabalitaan niyang madudurog sa pira-piraso ang isang Ferrari kapag nabangga ito. Sa bilis na ito, medyo nataranta rin siya...Ang pangunahing dahilan ay hindi siya ang drayber, kundi si Luna.Nang makita niyang pinapanatili nito ang ganitong bilis habang tumitingin pa rin sa tanawin, nagkaroon ng kagustuhan si Alex na idiin ang kanyang kamay sa kanyang mga mata.“Ahem, napansin mo ba na medyo maganda rin ang tanawin sa kahabaan ng expressway? Hindi mo kailangang magmaneho ng napakabilis. Hindi naman tayo nagmamadali.” sabi ni Alex.“Nagmamadali ako,” sagot ni Luna.Tapos, hindi na nagsalita si Alex.Iba talaga ang mga karakter nina Luna at Freya; Bagama’t hindi naging maayos sina Alex
Sumagot si Luna, “Sinasabi ko kasing bigat ka ng baboy!”Napahanga si Luna nang makita itong nakatayo sa espada, at sinabi niya, “Ikaw na nga bahala.”Agad niyang tinabi ang basang sapatos at hinubad ang medyas. Gamit ang kanyang mga paa, mahinang lumukso si Luna at dumapo sa likod ni Alex. Siya ay malumanay at mapang-akit na tumayo sa likurang kalahati ng Sword of the Universe, “Ituloy mo. Ang ilog na ito ay malalim na umaabot sa Witch Mountain. Pagkatapos ng canyon, darating tayo sa bukana ng Hygieia Valley! Malamang na aabot tayo bago sumapit ang gabi!”Medyo malapit silang nakatayo sa isa’t-isa.Ito ay dahil ang Sword of the Universe ay mahigit isang metro na lamang ang haba.Nang magsalita si Luna, parang orchid ang hininga nito. Hindi alam ni Alex kung sinadya ba iyon habang ang labi nito ay malapit sa kanyang tenga. Damang-dama niya ang mainit nitong hininga.“Tara na!”Pagkatapos niyang magsalita, ginamit ni Luna ang isang kamay niya para kumawit sa tiyan ni Alex.Bumaba ang ti
“Ibang kontinente? Anong ibig sabihin niyon?”“Bale, sa totoo lang, hindi ako sigurado dito...Sabihin na lang natin na maliit itong uniberso, isang lugar na sinelyuhan ng Maykapal. Pero, ayon sa tsismis, maraming espasyo sa loob, na malawak at walang hangganan...Siyempre, bukod sa mga panganib, merong ding mga oportunidad. Ang lugar na iyon ay may saganang espirituwal na enerhiya, na maaaring pumatay ng mga halimaw at mga demonyo. Lahat ng uri ng mga mapagkukunan ng dugo at laman ay naroroon, kaya mabilis na umunlad ang cultivation ng mga white jade commander.”Nagtagal si Alex bago niya unti-unting natunaw ang balitang ito.Sa katunayan, habang kumukuha ng maraming impormasyon tungkol sa Ultimate Book of Medicine, merong maraming mga talaan tungkol sa maliit na uniberso, mga lihim na lugar, at iba pa. Ngunit, hindi kailanman nakipag-ugnayan dito si Alex, at bilang ordinaryong mamamayan ay hindi niya kailanman naunawaan na may ganoong lugar sa Amerika, kaya mahirap tanggapin ito.Patul
“Klang—”Isang soundwave na parang pana ang bumaril sa kanila.Ibinaba niya nang kaunti ang kanyang paa at tumalon sa soundwave arc na parang kidlat.Mabilis siyang lumayo, nakasakay sa soundwave arc.“Ay p*ta!“Sobra na ‘to!”Sobrang lumawlaw ang panga ni Alex na baka hindi niya ito magawang isara muli.Nang makita ang kanyang sitar na patuloy na tumutugtog habang siya ay humahakbang sa soundwave at lumalayo, nagmamadaling pinaandar ni Alex ang Sword of the Universe gamit ang kanyang espirituwal na kamalayan upang makahabol.***Sa ibaba ng tuktok ng Witch Mountain.Sa itaas ng Witch River.May marangyang pinalamutian na bangka sa tubig ay umusad nang dahan-dahan.Gayunpaman, hindi tahimik sa pleasure boat na iyon.“Sampal—”Isang sampal ang dumapo sa mukha ng isang babae, at ang nasabing babae ay agad na natumba sa lupa, may dugong lumalabas sa sulok ng kanyang bibig.Kung nandito si Alex, makikilala niya ito.Ang babae ay walang iba kundi si Shochiku, na umalis sa Divine Constabular
Napatulala si Alex.Hindi siya makapaniwala na makakasalubong niya si Shochiku sa tubig sa gitna ng Witch River.Patay na kaya siya?Mabilis na hinila ni Alex si Shochiku.Hindi ito humihinga!Gayunpaman, mainit pa rin ang dibdib nito.Maililigtas pa siya!Nagmamadali niyang inilagay si Shochiku sa Sword of the Universe. Ginamit niya ang electric needle technique sa Ultimate Book of Medicine upang pasiglahin ang puso nito, na sinusundan ng artipisyal na paghinga.Matagal na niyang nakita ang mga sugat sa katawan ni Shochiku. Tahimik at mabait na babae ito. Noong nasugatan si Alex, inalagaan din siya nang mabuti ni Shochiku.Nasasaktan siya na makitang ganito si Shochiku.Sino ang napakalupit para gawin ito sa isang mabait na babae?“Blergh—”Ibinuka ni Shochiku ang kanyang bibig at iniluwa ang maraming tubig.Nanumbalik ang pintig ng kanyang puso.Nang imulat niya ang kanyang mga mata at nakita si Alex, natigilan si Shochiku. “Alex? Hindi naman ako nananaginip, diba?”Sagot ni Alex, “H
“Masusunod, Third Senior!”Hindi nagtagal, dalawang lalaki at isang babae sa harapan ng barko ang naglabas ng kanilang mga espada na may kasamang swoosh.Sa kanilang mga mata, si Alex at ang dalawa pa ay mga patay na.Gayunpaman, agad na nagbago ang isip ng isang lalaki matapos tingnang mabuti ang hitsura ni Luna Flores. Sinabi niya sa kasamang lalaki sa tabi niya, “Seventh Junior, tingnan mo ang babaeng ito. Talagang nakakamangha siya! Grabe, ilang dekada na akong nanatili sa Hygieia Valley, pero hindi pa ako nakakakita ng ganito kagandang babae. Sa pares pa lang ng magagandang binting mga ito, nalilibugan na ako. Sayang ang pagpatay sa kanya.”Tumingin ang kasama kay Luna at tumango, “Tama ka. Kung gayon, kunin muna natin siya at magsaya nang magkasama. Hindi pa huli ang lahat para patayin siya pagkatapos!”Nakakunot ang noo ng babaeng disipulo, “Hindi na talaga gumagana ang mga utak ninyong dalawa kapag nakakakita kayo ng babae. Anong ibig ninyong sabihin na hindi pa kayo nakakakita