Namutla ang mukha ni Rhea Hauffer.Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Azure habang nanginginig ang boses na sinabi niya, “Ikaw... Anong ibig mong sabihin? Tinataboy mo ba ako?”Sinabi ni Azure, “Puwede mong isiping ganiyan.”“Bakit? Puwede mo bang sabihin sa akin kung anong nagawa kong mali? Nagmamalasakit lang ako sa’yo. Nag-aalala akong baka may masaktan kang tao. Ano ba ang nagawa kong mali? Sa tingin mo natatakot ako? Nag-aalala lang ako sa’yo. Hindi mo ba naiintindihan?”Tumingin ng diretso si Azure sa kanyang mga mata. “Naiintindihan ko, pero ito rin ang dahilan kung bakit hindi tayo para sa isa’t-isa. Kung tutuusin, magkaiba tayo ng tinatahak na landas! Kaming mga tao mula sa Thousand Miles Conglomerate ay mas gugustuhing mamatay sa aming mga paa kaysa mabuhay sa aming mga tuhod. At saka, karapat-dapat siyang mamatay dahil sa lakas ng loob niyang insultuhin si Master Rockefeller!”Pagkatapos niyang magbigay ng pahayag ay inutusan niya ang kanyang mga tauhan na paalisin kaaga
Pahamak na babae.***Hindi nagtagal, nalaman ni Gill Xenos ang tungkol sa balita mula sa kanyang panig. Alam niyang hindi lang si Winel ang nabigo sa pag-imbita kay Master Rockefeller, kundi lahat ng mga paa’t kamay nito ay binali rin ng mga tao mula sa Thousand Miles Conglomerate. Agad siyang nagalit. “Winel, huwag kang mag-alala. Ako, si Gill Xenos, ay maghahanap ng hustisya para sa’yo. Talagang ipapaalam ko sa Thousand Miles Conglomerate ang mga kahihinatnan ng pagkakasala sa akin.”Pagkatapos ibaba ang tawag na ito, may tinawagan ulit si Gill. “Uncle Johansson, si Gill ‘to. Pwede mo ba akong bigyan ng pabor?”***Makalipas ang isang oras, nagkaroon ng kaguluhan sa California.Mahigit sa isang dosenang opisyal na departamento ng California ang nagsasagawa ng mga inspeksyon sa Thousand Miles Conglomerate.Sa huli, ipinasara nila ang mahigit isang daang malalaking tindahan na pagmamay-ari ng Thousand Miles of Conglomerate sa isang bagsakan. Kahit na ang pinakamalaking mall sa Califor
“Sino kayong mga tao? Sinong nagpapasok sa inyo?”“Anong klaseng lugar ito sa tingin ninyo? Magsialis nga kayo dito!”Ang mga taong maaaring sumali sa pulong na ito kasama si Waltz ay ang ganap na top management ng Thousand Miles Conglomerate. Sila ang mga pangunahing tauhan at merong maraming martial artist sa kanila. Nang makita ang ilang lalaking nakaitim na pumapasok at tinawag si Waltz, ang CEO, na umalis kasama nila, agad na tumayo ang isang martial artist.Sampal!Gayunpaman, sa sumunod na segundo, isang sampal ang dumapo sa kanyang mukha.Ang taong gumawa nito ay si Lennox Johansson.Ang taong ito ay may pares ng malalaking mata at baluktot, maliit na bibig. Sa unang tingin pa lang, halatang makitid ang utak ng taong ito.Bumagsak sa lupa ang martial artist na isang director matapos makatanggap ng sampal mula kay Lennox. Sa isang kalabog, iniluwa niya ang mga bumagsak na ngipin at dugo, na ikinagulat ng lahat sa eksena.Hindi lamang ang mga taong ito ay naglakas-loob na pumasok
“Halos Grandmaster ka na? Bakit napakalakas mo?”Umatras ng ilang hakbang ang lalaking may mahabang buhok hanggang sa dumampi ang likod niyasa dingding. Nakahawak siya sa nabali niyang braso na may maputlang mukha.Sabay-sabay na nagulat ang ilang tao mula sa Department Six.Maling impormasyon ang natanggap nila.Ayon sa impormasyong meron sila, si Azure Storm ang pinakamalakas na martial artist sa Thousand Miles Conglomerate at siya ang may kontrol sa underworld ng California. Maliban kay Azure, walang ibang magagaling na martial artist. Si Waltz Fleur naman, dapat may ranggong Intermediate-Royal na martial artist lang siya. Paano siya naging half-stepped Grandmaster?!“Karapat-dapat sa inyong mamatay dahil sa pagpasok ninyo sa Thousand Miles Conglomerate at pananakit sa aking mga tauhan!”Tumayo si Waltz na may dominanteng aura.Sa oras na ito, ang iba pang mga shareholder at senior executive ng Thousand Miles Conglomerate ay humanga sa malakas na aura ni Waltz.Nagpalakpakan ang lah
Tumigil ang mga putok ng baril, nag-iiwan lamang ng patay na katahimikan sa eksena.Tiningnan ni Lennox ang natumba na si Waltz na may panghahamak sa kanyang mga mata.‘‘Hmph! Maliban sa chief steward, walang sinuman sa Amerika ang nangahas na banggain ang Department Six. Isa kang hangal para lumaban sa amin. Huwag mong sisihin ang sinuman kung mamamatay ka dahil may ginusto mo iyan!’Samantala, tinitigan ng mga tao mula sa Thousand Miles Conglomerate si Waltz at ang mga bahid ng dugo sa lupa. Nagulat sila at natakot.Si Miss Fleur mismo ay binugbog hanggang kamatayan. Paano pa kaya sila?Habang sumusugod si Azure sa gilid ni Waltz, sumigaw siya na may namumulang mga mata, “Waltz! Waltz! Hindi–!”Kinakapatid niya ito, isang taong mas malapit kaysa sa tunay niyang kapatid.Ito rin ang babaeng minsan niyang minahal. Gayunpaman, binaril ito patay sa harap ng kanyang mga mata ngayon. Kinasusuklaman niya ito!“Ipaglalaban kita gamit ang buhay ko!” Umungal na parang hayop si Azure.Handa na
Narinig ni Waltz ang malamig at walang awang boses ng isang lalaki, ngunit wala siyang kakayahan ni Alex. Pumasok ang tear gas sa kanyang mga mata, dahilan para bumuhos ang mga luha. Hindi niya maimulat ang kanyang mga mata, at hindi niya malinaw na makita ang sitwasyon sa paligid.Napahigpit lang ang hawak niya kay Lennox at gumalaw ayon sa kanyang alaala.Sa sandaling ito, narinig niyang may sumisigaw, “Waltz, dito. Waltz, dito…”Nang maramdaman ni Waltz na may tumama sa kanyang likod, bigla siyang tumalikod, sinusubukang imulat ang kanyang mga mata.Dahil dito, nakita niya ang itim na nguso ng baril na nakatutok mismo sa pagitan ng kanyang mga mata.At, walang pag-aalinlangan na hinila ng may-ari ng baril ang gatilyo.Bang!***Sa gusali ng Thousand Miles Conglomerate, merong pulang Porsche 911 na nakaparada sa pasukan.Si Rhea Hauffer, na tahimik na nakaupo, ay tumingin sa loob ng gusali ng Thousand Miles Conglomerate mula sa bintana ng kotse.Sa sandaling ito, hindi mabilang na mg
Ang dumating ay walang iba kundi si Auntie Rockefeller.Pagkatapos ng huni, nilaslas niya gamit ang kutsilyo ang leeg ng miyembro ng Department Six na nagpaputok, at agad itong naputol.Patuloy na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Waltz, ngunit hindi pa rin niya nakayanan ang hapdi mula sa tear gas at mabilis na pumikit muli.Namumula ang magkabilang mata niya dahil sa pananakit. Maging ang kanyang paningin ay naging malabo.Gayunpaman, malinaw niyang nakita ito.Maliwanag at malapad ang mga mata ni Auntie Rockefeller na walang kahit isang bahid ng luha sa mga ito. Parang walang epekto sa kanya ang tear gas. Hinawakan ni Auntie Rockefeller ang kamay ni Waltz habang ginagabayan ito sa conference room. Paminsan-minsan, humahampas siya gamit ng palad o kutsilyo, na naging sanhi ng tahimik na pagbagsak ng mga miyembro ng Department Six sa lupa at gumawa ng sunud-sunod na kalabog.Naririnig din ni Waltz ang mga sigaw na nagmumula sa mga walkie-talkie ng mga ito, ngunit madalas ay wala
Gayunpaman, naunawaan din ni Lennox na sa pagiging mainitin ang ulo ni Geronimo, talagang bubugbugin siya hanggang kamatayan kapag nagpatuloy ito. Bukod dito, kapag dumating ang oras, imposibleng asahan na ang Lord Commander ay makikipaglaban ng todo sa Divine Constabulary dahil lamang sa pagkamatay ng isang tauhan.Hindi sasang-ayon dito ang Department Six, at gayundin ang mga nakatataas sa departamento.Kaya naman, kailangan niyang iligtas ang kanyang sarili, tumindig na may mataas na moralidad at gumawa ng opinyon ng publiko.Malakas siyang tumutol, “President Melvis, alam kong hindi ako makakapantay sa’yo at maaari mo pa akong patayin anumang oras. Ikaw ang marangal na presidente ng Divine Constabulary, at ang pagpatay sa akin ay kasingdali ng pagpatay ng manok. Pero, hindi ako natatakot sa’yo! Nakatayo sa likod ko ang Department Six, at hindi ko sila ipapahiya! Naninindigan ako sa panig ng katwiran at katarungan. Hindi kailanman mananaig ang kasamaan sa kabutihan mula noong sinaun
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l