Madilim ang dagat at walang hangganan.Kung titingnang mabuti ng sinuman ang sandaling ito, makikita niya ang sinag ng mahinang liwanag na mabilis na gumagalaw sa ibabaw ng tubig.Ito ang hitsura ni Alex habang mabilis siyang tumatakbo matapos punan ang kanyang mga binti ng espirituwal na kapangyarihan na may katangiang kidlat.Bahagyang tumatagas ang dalawang paa niya dahil sa bilis ng takbo.‘Sa bilis ng takbo ko, malamang malayo na ang agwat ko sa lalaking iyon, ano?’ sabi ni Alex sa sarili.Gayunpaman, nandoon pa rin ang bahagyang kapansin-pansing mental power na pumupuntirya sa kanya.Bumaling ang mga mata niya, napatingin sa likod.Sa isang sulyap, muntik na siyang magmura.Sinusundan na naman siya ng lalaking iyon.Ngunit maya-maya, may natuklasan siya kaagad. Nawala ang maskara ng baboy ng lalaking nakamaskara, inihahayag ang tunay nitong mukha. Nang tingnang mabuti ni Alex ang mukha, lubos siyang natigilan.‘Ito pala ang Lord Commander mula sa Department Six, si Grant Xenos!’
Sa ilalim ng epekto ng kulog at kidlat, ang kaunting mental power na pinapatong ni Grant Xenos kay Alex ay halos maglaho na, at hindi nagtagal, tuluyan niya nang nabitawan si Alex!“Bwiset!” Nayayamot si Grant.Tinapon na niya ang maskara niya at ipinakita pa ang totoong mukha niya.Akala niya ay mahuhuli niya si Alex sa ganitong desperadong sitwasyon, ngunit hindi niya inaasahan na may ganitong kakayahan si Alex.Habang lumulutang siya sa ibabaw ng dagat at pinagsisihan ang kanyang mga ginawa, isang malakas na ‘boom’ ang nagmula sa kanyang harapan. Ito ay lubhang nakakabigla, at ang tunog nito ay parang may tinamaan ang lumilipad na espada ni Alex sa dagat.Nagmamadali siyang humabol.Isa itong isla!Ang madilim na ibabaw ng dagat sa gabi, kasama ang mga kislap mula sa kulog at kidlat, ang mga alon ay pumapailanlang sa kalangitan.Hindi sinasadyang natumba si Alex sa isang isla.At nasira niya ang maliit na isla.Sagad sa buto ang pagkababad nila ni Phoebe at nagmukhang ewan habang bu
“Sumuko?”Iniisip ni Grant Xenos kung may mali sa kanyang pandinig. Itong parang basurang mahinang babae na sa simula pa lang ay walang malay, na umaasa kay Alex para iligtas at mabuhay hanggang sa puntong ito, ay sinasabihan siyang sumuko. Ngayon, hindi ba nakakatawa lang ito?Gayunpaman, ang mas nakakatuwa ay nang sabihin ni Phoebe ang mga salitang iyon, sinabi niya ito na parang ito ang pinaka-natural na bagay sa mundo.Huminto si Grant sa paghahanap kay Alex at humarap kay Phoebe na may kakaibang ngiti habang sinasabi, “Miss Larsen, mukhang malaki ang kumpiyansa mo. Saan kaya iyan nanggaling? Nandito man ang tatay mo, luluhod din siya at iyuyuko ang ulo kapag nakita niya ang mukha ko at kung gaano ito kagalit. At ikaw, sinasabihan mo akong sumuko?”Phoebe? Ah, halatang hindi si Phoebe ang nagsalita, kundi si Yuno.Sinulyapan lang niya si Grant, saka tumingin sa isla na kinaroroonan nila.Lalo na ang palasyong ilang kilometro ang layo na tahimik na nakatayo sa dilim.May nakita siya
“Hah? Anong ibig mong sabihin, bitawan ka?”“Sabi nang bitawan ako eh!” Malaki ang pagbabago sa tono ni Yuno, at medyo nanginginig din ito.Natigilan si Alex, napagtanto na nasa hindi naangkop na lugar ang kaliwang kamay niya. Sa pagmamadali ngayon lang, napahawak siya sa dibdib ni Phoebe.Hindi nakakagulat na iba ang pakiramdam ng palad niya.“Ay, pasensya na!”Mabilis na tinanggal ni Alex ang mga kamay niya.At pagkatapos, sinabi ni Yuno, “Hindi ako si Phoebe.”Ngayon, mas lalong nahihiya si Alex. Lumabas na si Yuno, at nagmamadali niyang sinabi, “Ah, Senior Yuno. Um, anong nangyari? Ngayon lang, nawalan ako ng malay... Si Senior Yuno ang nagligtas sa akin.”Sabi ni Yuno, “Masyado kang mahina ngayon! Hindi ako kampante na utusan kang protektahan ang katawan ko!”“... Kung ganoon… Bakit si Grant, siya… Bakit siya nakaluhod sa lupa?”“Pinilit ko siyang sumuko!”“Senior, ang galing mo!”Hindi ito pambobola; ito talaga ang naramdaman ni Alex.Ang Lord Commander na ito ay talagang isang t
May tao!May nakita silang taong bumaba mula sa langit at bumagsak sa ibabaw ng GLC na minamaneho ni Alex.Binalikan nila ang eksena sa slow motion.Nakita nilang umakyat ang lalaki sa bubong, at sumabog ang bubong.Sa ganoong sitwasyon, makakaligtas pa kaya ang mga tao sa loob ng sasakyan?Kahit si Cheryl ay naramdaman na ang tsansa ay manipis. Kahit na napakalakas ni Alex at kayang tiisin ang epektong iyon, paano naman si Phoebe? Isa lang siyang ordinaryong tao. Paano siya makakaligtas sa pagsabog na iyon?Gayunpaman, nasaan ang mga tao sa loob ng kotse? Saan sila nagpunta?Wala nang footage ang screen pagkatapos noon.“So... Sobra naman ‘to! Sino ang taong iyon na bumagsak mula sa langit, at saan siya nanggaling?”“Hindi iyon isang ilusyon, tama ba?”“Anong gagawin natin ngayon? Magsumbong sa pulis?”“Tumawag ng pulis. Kailangan nating tumawag ng pulis. Si Phoebe Larsen iyan, ang nag-iisang anak ni Magistrate Wayne!”Napakabilis na nakarating ang balita sa tenga nina Wayne at Grace.
“A-Apo mo? Sino?”“Sino sa tingin mo? Si Alex Rockefeller!”Whoosh!Natigilan si Joel, hindi nakapagsalita, at nanlalaki ang mga mata. Walang nagsabi sa kanya na si Alex ay apo ni Geronimo Melvis!P*tangina talaga. Maaaring hindi alam ng iba kung gaano sumasabog ang mainiting ulo ni Geronimo, ngunit alam na alam ito ni Joel. Hindi ito lihim sa Alaska, at dati, nabalitaan nga niya ang isang apo ni Geronimo na dumalaw. Nabaligtad ang pamilyang Melvis, at kinailangan pa ng dalawang Grandmaster na sumuko sa harap ng superyor na lakas, umaatras nang wala sa oras.Ang bagay na ito ay kumalat na parang apoy sa gitna ng mga mayayaman at kabataan sa Alaska, at ang mga kuwento ay parang kathang-isip lamang kaysa totoo. Hindi mabilang sa kanila ang gustong masilip ang totoong mukha ng apo ni Geronimo, at meron pa ngang hindi mabilang na mga artista sa Alaska na gustong maugnay sa kanya. Maging si Joel mismo ay gustong makipagkilala sa apong ito. Gayunpaman, hindi niya akalain na lubos niyang pinu
Kung may makakaalam na gumagapang sa lupa ang marangal na Lord Commander ng Department Six, punong-puno ng luha at uhog ang kanyang mukha at patuloy na idinidiin ang kanyang noo sa lupa, umiiyak at nagmamakaawa nang malakas, hinihiling na maawa sina Alex at Phoebe sa kanya at tantananan na siya, siguradong lalaylay ang mga panga nila sa gulat.Lord Commander, ang marinig lamang ang pangalang iyon ay sapat na upang malaman na may hawak ang taong ito na maraming kapangyarihan.Ang titulo ay isang hakbang na lamang mula sa karera patungo sa tuktok ng mundo.Sino ang hindi titingin sa ibaba mula sa itaas, na minamaliit ang mga karaniwang tao?Bago ngayon, ganoong klaseng tao talaga si Grant Xenos. Maliban sa mga namamahala sa Amerika, walang karapat-dapat na makaagaw ng atensyon niya, at naniniwala siyang nahihigit siya sa lahat ng tao.Gayunpaman, ngayon, ang lahat ng kanyang pagmamataas, ang kanyang mga iniisip, at lahat ng meron siya ay walang awa at lubos na dinurog.Ang kanyang panana
May bagay na nahulog, at nang malapitan itong tingnan, isa itong talukab ng pagong.Meron itong bilog na butas, at may pulang tali ang nakasabit dito. Dati na itong suot ni Grant.Kinuha ni Alex ang talukab at nagtanong, “Ito ba… Ang Holy Book?”Bagama’t ayaw aminin ni Grant, nandito na siya sa sitwasyong ito, at wala nang saysay na lumaban pa. Tumango siya at sinabing, “Ang itutugon ko kay Master, oo, ito ang Holy Book na kinuha ng iyong ama mula sa abandonadong barko sa ilalim ng dagat. Naipasa ito sa mga kamay ng aliping ito, ngunit ang core sa loob nito ay nakuha na ng iyong ama nang maaga, at ngayon ay dapat nasa kamay na ito ng Master.”Umiling si Alex. “Mali ka. Hindi ko nakuha ang Holy Book. Ilang beses ko nang sinabi sa’yo.”“Paano ito naging posible?” Sabi ni Grant, halata sa mukha niya ang di-paniniwala. “Kung hindi mo nakuha, paano ‘yung baluti ng pagong na ginamit mo? Ano iyon?”Sa oras na ito, malamig na bumuntong-hininga si Yuno at sinabing, “Ang tanga! Akala mo ba ay ma