Nagtaas ulit ng kilay si Madame Brittany Rockefeller at ngumiti. “May iba pa ba?”“Iyon lang ang dalawang bagay na hinihiling ko sa’yo,” sabi ni Tucker Melvis.“Sige!” Tumango si Madame Brittany.“Kung naiintindihan mo, pirmahan mo na!” sabi ni Tucker.Pagkatapos…Klang!Naghagis ng punyal si Tucker sa harap ni Alex Rockefeller. “Putulin mo. Dahil magpinsan tayo, binigyan kita ng napakatalim na punyal. Isang hiwa lang iyan! Minsan ninyo nang tinakasan ang pamilyang Melvis dati. Dapat ninyong maunawaan na walang saysay ang pagpupumiglas. Habang tumitiwalag kayo, mas lalo lang kayong masasaktan!” Tumawa si Tucker.Matapos sabihin ni Tucker ang mga bagay na ito, si Nick Seay, na nakaupo sa wheelchair, ay nagsimulang tumawa nang malakas. “Walangya ka! Sinong nagsabi sa’yong pisatin yung mga burat ko? Oh ngayon, ang sarap siguro sa pakiramdam na putulin ang sariling burat, ano? Pagdating ng panahon, si Young Master Melvis na ang bahala sa mga magagandang babaeng pumapaligid sa’yo.”Dinampot
Napisat na din ang burat ni Tucker Melvis.Sa isang hiwa lang, higit sa kalahati ng mga laman-loob ang nahulog. Tiyak na hindi na rin maisasalba ang ilang maliliit na bahaging natira. Tuloy-tuloy na umagos ang dugo.“Hmmh...” Kumunot ang noo ni Waltz Fleur, medyo nandidiri.Mabilis niyang hinugot ang mantel at inilapag iyon sa lupa upang hindi magkalat ang dugo at madumihan ang kanyang sapatos. “Sobrang yung pagdudugo niya. Maaari kayang may natamaang artery?” tanong ni Waltz kay Alex Rockefeller.Tumango si Alex. “Posible. Hindi pa siya pwedeng mamatay. May mga tanong pa ako sa kanya,” sabi niya.Lumakad paabante si Alex at tinapik si Tucker sa isa sa mga pressure point nito para pigilan ang pagdurugo.Gayunpaman, maputla pa rin ang mukha ni Tucker. Ang kanyang mga binti, na ngayon ay dumaranas ng matinding sakit, ay hindi mapigilan ang panginginig. Patuloy na tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang noo.Napabuka ang mga mata at bibig ni Angie Homer sa gulat. Tinuro niya si Alex. “Ik
“Hindi ko alam kung paano kayo nakaligtas ng nanay mo, pero iyon lang talaga ang alam ko... Ah!!! Itigil mo na ang pagkalikot sa punyal, pakiusap! Mapuputol na ang paa ko!” sigaw ni Tucker.Iyon ay dahil hawak pa rin ni Waltz ang punyal mula kanina.Dahil dito, nabigla ang lahat.Lumingon si Maya kay Alex. “Baka hindi totoo ang sinabi niya. Sa totoo lang, wala akong pinaniniwalaan sa anumang sinabi niya.”Umiling si Alex. “Hindi siya nagsisinungaling.”Gamit ang kanyang Third Eye, natukoy niya kung nagsisinungaling si Tucker. Kung abnormal na malakas ang mental power ni Tucker, hindi niya ito maitatago.Gayunpaman, masasabi ni Alex na ang mental power nito ay gaya ng sa pangkaraniwang tao.Sagot ni Tucker. “Oo, hindi ako nagsisinungaling. Kaya pwede ninyo na ba akong pakawalan?”“Ano sa tingin mo?” tanong ni Alex.Hindi na talaga katiis-tiis yung sakit. Lumuhod si Tucker sa lupa gamit ang natitirang lakas. “Pinsan, sobra na talaga akong nasasaktan. Pakawalan mo na ako. Kamag-anak mo ak
Si Nick Seay ay ang ikatlong anak na lalaki ni Murro Seay, ang ikatlo sa pangunahing pamilya. Isa lamang siyang binatang laki sa layaw na hindi mahusay sa pag-aaral o trabaho. Binigyan siya ng mga Seay ng higit sa isa pang pagkakataon, ngunit ang lahat ng pagsisikap na iyon ay napatunayang walang silbi.Kinalaunan, tumigil na silang tulungan siya, sinusukuan na lang siya at tuluyan na lang isinasantabi.Gayunpaman, dahil bahagi pa rin siya ng pamilyang Seay, nakita na niya noon si Zachary. Alam ni Nick na si Zachary ay isa sa Four Great Guardians ng Divine Constabulary, isa sa mga tauhan ni Geronimo.‘Diba isa siya sa amin?’Kaya naman, agad siyang sumigaw ng tulong nang mamukhaan niya ito.Hindi niya alam, si Alex pala ang tumawag kay Zachary.Nang pumasok si Zachary sa kwarto, ganap niyang hindi pinansin ang mga salita ni Nick.Sinubukan pa nga ni Nick na lumapit sa kanya gamit ang wheelchair, ngunit sinipa siya ni Zachary at naglakad papunta sa iba.Nang mapansin niya ang sitwasyon
Natigilan si Tucker.‘Maigi ‘to, hindi ba?’‘Pag sinabi ko sa tatay ko ang tungkol dito, tiyak na magpapakita siya kasama abg pinakamalakas na puwersa na meron kami sa aming pamilya! Anong kinatatakutan ko?’Agad naman siyang pumayag. Gayunpaman, nang ilabas ni Tucker ang kanyang phone, inagaw ito ni Zachary sa kanyang mga kamay.Hinila ni Zachary si Alex at bumulong. “Alex, sa palagay ko dapat mong pag-isipan nang mas maigi ang mga pinaplano mo. Hindi mahina ang pamilyang Melvis. Iba talaga ang kapangyarihan nila. Kung ipapatawag mo sa kanya ngayon si Bennett, dadalhin niya ang kanyang pinakamalakas na pwersa. Magdudulot ito ng malaking kaguluhan!”“Anong iminumungkahi mo kung gayon?”“Dapat tayong maghintay! Maghintay hanggang matapos ang presidente sa pagsasanay. Tiyak na magbibigay siya ng hustisya para sa inyong dalawa! Para naman sa ginawa mo kay Tucker, tutulong akong mamagitan sa sitwasyon.”“Hindi na ako makapaghintay!” Sabi ni Alex habang inilalabas ang nakaka-pressure niyang
Kasalukuyang nakatira si Ruby sa pinakamalaking kwarto ng Melvis manor sa Alaska dahil siya ang unang asawa ni Geronimo. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng ikaapat na palapag ng manor.Sa oras na iyon, maliwanag ang kanyang kwarto.Si Ruby, na nasa edad setenta, ay hindi pa natutulog. Naghihintay siya ng magandang balita, naghihintay na tawagan siya ng apo para sabihing matagumpay na nakuha nito ang Lush Cosmetics.Si Geronimo ay may tatlong asawa, si Ruby ang una at si Lexia ang pangalawa. Si Yvonne ang pinakamamahal niya, kaya naman, nagplano ng mga pakana si Ruby para lang mapalayas ito.Kinokontrol na ni Ruby ang buong pamilya sa loob ng maraming taon, hinahangad na mamana ang Divine Constabulary. Gayunpaman, ang Divine Constabulary ay palaging nagsusumikap sa martial arts at credits. Kaya naman, hindi mahalaga kahit ilang dekada pang magtrabaho si Bennett bilang general manager. Imposible lang talagang siya ang maging presidente.Sa kabilang banda, inilagay ni Lexia ang lah
Natigilan si Bennett. “Tucker, anong nangyari? Anong problema? Nasaan si Shadow?”Maya-maya, may boses ng lalaki na nagmula sa kabilang linya. “Patay na si Shadow, at bihag ko ang anak mo. Halika at puntahan mo ako sa gitna ng Moonlight Lake sa California bago mag alas dose. Hihintayin kita doon, ngunit sa bawat minutong mahuhuli ka ng dating, puputulin ko ang isa sa mga daliri ng anak mo.”Ang lalaking nagsalita ay si Alex, na dinurog ang phone sa sandaling nasabi niya na ang lahat ng gusto niyang sabihin.“Hoy! Sino ka? Sabi ko, sino ka? Hoy…” Nagsimulang mataranta si Bennett, naghihiyaw, at nagsisigaw nang buong lakas.Gayunpaman, nawasak na ang phone ni Tucker bago siya nakasagot.Tumalon sina Ruby at Bailey, tinatanong siya, “Anong nangyari? Anong sabi ni Tucker?”Nagsisimula nang mamula ang mga mata ni Bennett. “Nabihag si Tucker. Patay na rin si Shadow! May nagsabing iligtas natin Tucker sa gitna ng Moonlight Lake bago mag alas dose. Sinabi pa niya na puputulin niya ang isa sa m
Bumilis ang tibok ng puso ni Alex nang marinig ang pangungusap na iyon mula kay Auntie Rockefeller.Walang alinlangan tungkol sa kagandahan ni Auntie Rockefeller.Nasa paraan kung paano niya dinadala ang kanyang sarili kung saan kahit na ang pinakamayaman sa mga mayayaman at sikat ay hindi makakaasa na maabot nila ang ganoong klaseng kumpiyansa.Para siyang mga ulap sa abot-tanaw, nabahiran ng malambot na kulay at patuloy na nagbabago, hindi kailanman mahuhuli o magiging kontrolado, kaya’t ang lahat ay maaari lamang humanga at sambahin ang gayong kagandahan.Kaya niyang gampanan ang pagiging astigin at sopistikado, gayundin ang pagiging malambing at maganda. Minsan masaya siyang kasama, ngunit sa ibang pagkakataon, nakakainis din.“T-tumigil ka sa pagbibiro ng ganyan!” Mabilis na sinira ni Alex ang tinginan nila sa mga mata.“Heh, siyemre, nagbibiro ako. Tiyahin mo ako, pagkatapos ng lahat! Huwag na huwag mong hahayaang mahuli kitang nag-iisip tungkol sa anumang bagay maliban doon, o b
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l