“Thank you,” malumanay na sabi ni Clark habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Celine. Nakahiga siya sa kandungan nito habang dinadampian ng yelo ang kaniyang labi. "Wala 'to. Maliit na bagay," tugon ni Celine."Kaya hindi ako takot na masaktan ni Dustin eh. Alam ko kasing nandiyan ka para gamutin ako."“Pasensya ka na ha. Alam kong pagod ka sa biyahe tapos kamao pa ni Dustin ang sumalubong saýo,” nakayukong sambit ni Celine."Expected ko na ýon. You don't need to apologize. Hindi naman ikaw ang nanakit sa akin eh."Iniangat ni Celine ang ulo ni Clark para makatayo siya. Kumuha siya ng isang unan at doon niya pinahiga si Clark. Alam niya kasi ang magiging reaksyon ni Dustin kapag nakita nitong ganoon ang kanilang puwesto. Pamihadong magkakagulo na naman kapag nagkataon."Masakit pa ba?" Celine asked in a worried tone.“Ikaw?”Kumunot ang noo ni Celine. Sa halip na sagutin ni Clark ang kaniyang tanong ay binato rin siya nito ng isang tanong na hindi niya maintindihan.“Ha?” Tangin
Nang makarating ang tatlo sa kakahuyan ay agad na nagpakitang gilas sina Dustin at Clark kay Celine. Mayroon silang dalang tig iisang sako. Lingid sa kaalaman ni Celine ay napagkasunduan ng dalawa na kung sino ang unang makapuno sa sako ng mga panggatong ay siyang tatabi kay Celine sa kuwarto paglubog ng araw at ang matatalo naman ay sa may bangko sa kusina matutulog.Napaawang ang bibig ni Celine nang makita niya kung gaano kataas ng energy ng dalawa sa pangangahoy. Umiling siya at lumakad sa ibang direksyon. Naririndi siya sa bangayan ng dalawa. Nagbibilang ang mga ito sa tuwing makakapaglagay ng panggatong sa loob ng dala nilang sako."Nahipan yata ng hangin ang ulo nila. Jusko. Bahala nga kayo riyan," aniya habang naglalakad palayo sa dalawa.Sobrang focus nina Dustin at Clark sa pangunguha ng kahoy. Hindi man lamang nila napansin na nag-iba ng direksyon si Celine.'Sisiguraduhin kong sa kusina ka matutulog mamaya, Mr. Clark Simeon.''Unang gabi ko ngayon sa isla. Hindi ako makaka
Pakanta-kanta si Clark habang naglalakad sila pauwi. Nasa unahan si Celine at nasa pinakahuli naman si Dustin. Bitbit nila ang kani-kanilang mga sako na punong-puno ng mga tuyong sanga ng iba't ibang uri ng punongkahoy. Lumingon si Clark sa kaniyang likuran at ngumiti ng nakakaloko kay Saavedra. Nagkibit balikat lang si Dustin at tumakbo papunta sa direksyon ni Celine.“Celine, anong gusto mong ulam mamayang lunch?" Dustin asked with a twinkle in his eyes.“Hmmm, parang gusto ko ng sikar o kaya suso."Umikot ang mga mata ni Dustin. Tinapik-tapik niya ang kaniyang noo. Ngayon lamang siya nakarinig ng ganoong salita. Nagulat siya nang naisatinig niya ang tumatakbo sa kaniyang isip. “Nakakain ba ýon? Anong hitsura ng mga ýon? Masarap ba ýon?” Tumango si Celine at ngumiti sa kaniya, “Magpalit muna tayo ng damit tapos turuan kitang manguha ng sikar at suso.”Mabilis namang pumagitna sa kanila si Clark. “Mangunguha tayo ng sikar at suso?” Tumindig ang mga balahibo sa braso ni Clark. Laki
Pumikit si Celine at dinama ang hanging nagmumula sa direksyon ng dagat. Nakasuot siya ng sandong puti at short na maong. Sina Dustin at Clark naman ay parehong topless. Naka boxer lang ang dalawa. Sa kanilang bewang ay may nakataling recycled container. Tig-iisa silang bote ng 1.5 liters coke. Binutasan nila iyon at nilagyan ng tali para hindi sila mangalay magbitbit.“Celine, ano bang hitsura ng hahanapin natin?” Dustin asked with a black face.Hindi siya sinagot ni Celine bagkus ay yumuko ito para humanap ng sikar at sus*. Nang magkita siya ay agad niya iyong ipinakita kay Dustin.“Ganito ang hitsura. Kalimitan ay makikita ang mga ito sa damuhan o kaya sa batuhan. Buti na lang at saktong mababa ang tubig ngayon.”Naghiwa-hiwalay silang tatlo para makarami. Tuwang-tuwang tumakbo si Dustin palapit kay Celine nang magkita siya ng sikar.“Celine! Tingnan mo! Nakakita ako ng dalawang sikar!”Ngumiti si Celine at hinintay na makalapit sa kaniya si Dustin. Nang ilahad na nito ang kaniyang
Matapos magluto ni Clark ng ginataang sus* (snail) at niluyahang sikar, nagluto naman siya ng nilabong itlog. Si Celine naman ay naghahayin na sa mesa samantalang si Dustin ay prenteng nakaupo at pinapanood sila.“Are those things really edible? Ma turn off kaya si Celine kung nilabong itlog na lamang din ang kainin ko?” Dustin murmured while tapping his hands on the table.Tumaas ng bahagya ang mga kilay ni Celine, “May sinasabi ka ba, Pony?”Napalingon si Clark. He thought, “Pony? Is that an endearment?”“I’m just .. ahmm .. singing. That’s right. I’m just singing, Toro,” tugon ni Dustin.Clark’s mind reacted again, “Toro?” Hindi na napigilan ni Clark ang kaniyang sarili na magsalita. “You have your own names. Bakit ayaw niyong gamitin?” masungit na tanong ni Clark.“Hala may naiinggit,” pasaring ni Dustin.Hindi siya pinansin ni Clark at dinala na lamang ang mga niluto niya sa mesa. Hindi na niya pinatulan dahil ayaw niyang mag-aaway pa sila sa harap ng pagkain. Isa pa, iiyak din
Alas dos na ng madaling araw nang maalimpungatan si Dustin. Agad niyang kinapa ang kaniyang katabi sa pag-aakalang si Celine iyon. Ngumiti siya ng mahawakan niya ang mukha nito ngunit agad siyang tumalikod rito dahil ayaw niyang matukso. Kung gagalawin man niya si Celine, gusto niya ay pagkatapos iyon ng kanilang pangalawang kasal. Nahagip niya ang unan sa kaniyang ulunan at niyakap iyon. Napapitlag siya nang bigla na lamang gumapang ang mga kamay ni Clark sa kaniyang dibdib. Buti na lang at nailagya niya ang unan sa tapat noon dahil kung hindi, baka hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili.Napangiti si Clark nang hinayaan ni Dustin ang kaniyang pagkakayakap. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Wala siyang makita dahil napakadilim ng paligid. Nang maramdaman niyang humarap sa kaniya si Dustin ay hinaplos niya ang mukha nito.‘Napakakinis,” turan niya sa kaniyang sarili.Napangiti rin si Dustin sa ginawang iyon ni Clark, ‘Hindi ko akalain na siya ang gagawa ng first mo
Mag-a-alas dyis na ng umaga pero humaharok pa rin si Celine. Umalis sina Mang Tonying para pumunta sa kabayanan. Ang tanging naiwan lang sa bahay ay si Ronan, ang panganay na anak ni Mang Tonying.Nakatayo si Ronan sa may pintuan habang nakangiting pinagmamasdan si Celine. Matangkad, chinito, matangos ang ilong, manipis na mala kulay rosas na labi at mga matang kulay abo - iyan ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya hindi lang sa isla maging sa siyudad.“Who’s this pretty lady? She’s .. She’s cute while snoring,” he murmured.Si Ronan ay isang inhinyero gaya ni Clark. Minsan lamang siya umuwi sa kanila at mukhang sinuwerte pa siya sa pag-uwi niya. He’s still single and ready to mingle. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa kung sinong babae. Mayroon na siyang sariling condo unit, isang bahay sa Villa subdivision, isang Ford Ranger Raptor at eight digits savings sa edad na bente singko. Paulit-ulit niyang kinukulit ang kaniyang mga magula
Nakayukong lumabas ng pinto si Celine. Hindi siya makalingon sa kaniyang likuran dahil namumula na parang sauce ng spaghetti ang kaniyang mga pisngi. Nahihiya pa rin siya sa anak ni Mang Tonying. Hindi niya alam kung bakit nakasunod ito sa kaniya."Ba-Bakit mo ako sinusundan?" nauutal na tanong ni Celine."I want to know your name," tugon ni Ronan."Kapag ba sinabi ko, hindi mo na ako susundan?"Ronan paused for a while then he took a big leap. Ngayon ay nasa harapan na siya ni Celine."Susundan pa rin kasi I also want to know where you live."Kumunot ang noo ni Celine, "For what reason?""Well, I guess I'm interested on you."Halos masamid si Celine sa sinabing iyon ni Ronan. Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas bumilis ang kaniyang mga hakbang kumpara kanina pero hindi pa rin siya tantanan ni Ronan."I'm Ronan," sabi nito sabay lahad ng kaniyang kamay.Since ipinagluto naman siya nito at may nakakahiya siyang nagawa rito ay nakipag-shake hands si Celine."Celine. Mrs. Celin
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani