WALANG imikan sina Anna at Brett nang makabalik sila sa condo kasama si Tekla na hindi rin nagsasalita simula kanina nang malaman nitong pina-pulis ni Brett.Naiinis si Anna sa binata sapagkat ang bilis nitong husgahan ang kaibigan niya gayong napakabuti naman nito sa kaniya."Anna, let's talk." Brett abruptly holds her arm. Lalagpasan sana ni Anna si Brett pero hinablot nito ang braso niya at pininid siya nito sa pader."Wala tayong pag-uusapan, Brett," may diin na sagot ni Anna na pinilit makaalis sa pagkaharang ng katawan ng binata."Mayroon. Tungkol sa kaibigan mo," giit ni Brett na inilapit pa ang mukha sa mukha ni Anna. Mahina lang ang pagkasabi nito ng salita pero naririnig iyon ni Tekla na ngayon ay lihim na nakatago sa isang gilid ng pader mula sa kinasasandalan din ni Anna."Sinabi ko na sayo, Brett, na wala tayong pag-uusapan tungkol sa kaibigan ko dahil mabuti siyang tao at hindi niya magagawa ang mga bintang mo." Ipinaglaban ni Anna ang kaibigan dahil naniniwala siyang hi
KINABUKASAN ay nagising si Anna na ang laman ng isipan ay ang bagay na napagpasyahan niya kagabi. Buo na ang loob niya at hindi na siya uurong pa. Ngunit sa pagbaling niya sa katabing higaan ay wala naroon si Brett. ‘Siguro nasa kitchen siya!’ Ang nasabi ng isipan niya.Napabuntonghininga si Anna. Hindi bale, pupuntahan niya ito ngayon.Nangangalay man ang mga tuhod at sa nananakit niyang katawan ay dahan-dahan siyang bumangon gamit ang kumot na siyang nakatakip sa hubad niyang katawan, upang silipin muna ang anak sa crib nito.Subalit paglapit ni Anna sa crib ay wala na roon ang anak niya."Siguro dinala ni Brett sa kitchen," pag-kumbinse niya sa sarili.Binalingan niya ang wall clock, pasado alas syete na ng umaga. Wala silang pasok ngayon ni Brett dahil araw ng sabado. Siguro nga dinala ng lalaki ang bata sa kitchen. Isinawalang bahala na muna ni Anna ang tungkol kay Brave dahil alam naman niya na hindi pababayaan ni Brett ang bata. Nagpasya na muna siyang pumasok sa banyo at mali
Nakatulala si Anna sa kawalan, patuloy na umiiyak at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari ngayong umaga. Katabi niya si Brett at pinipilit siyang pinapainom ng tubig, pero ayaw niyang uminom. Iyak lang siya nang iyak. Nasa CCTV room pa rin sila at kasalukuyang nakaupo sa pang dalawahan na sofa, habang ang mga pulis naman na kasama ni Rico ay pinapanood ang footage.Niyakap ni Brett ang dalaga at hinalikan sa noo, bago ito nagpaalam na lalapitan muna ang kaibigan na si Rico para kausapin."Just stay here, okay?" paalam ni Brett kay Anna. Tumango lamang ang dalaga sa kaniya at walang salita na lumabas sa bibig nito.Napabuntonghininga si Brett, tumayo ito at kuyom ang mga kamao na nilapitan si Rico."Bro, ano na? May nakakita na ba sa pulang kotse na sinakyan ni Tekla?" tanong ni Brett. Maraming katanongan ang nasa isipan niya ngayon. Like, kung sino ang kasabwat ni Tekla.Malungkot na sinulyapan ni Rico si Anna kaya napatingin din si Brett sa dalaga. Medyo hindi nagustuhan ni Brett a
Chapter 24-NewSOBRANG nangungulila na si Anna sa nawawalang anak na si Brave. Ang tatlong araw na pagkawala ng bata ay nauwi sa isang linggo, at pakiramdam ni Anna ay isang taon na ang katumbas niyon. Para sa kanya ay wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon dahil sa pagkawala ni Brave. Ni hindi siya makakain o makatulog, maging ang pag-iisip ng matino ay hindi magawa. Wala siya sa sarili, parang mababaliw siya sa kakaisip kung nasaan ang anak at kung saan ito hahanapin. It causes her a lot of pain. Sakit na ngayon lamang niya naramdaman. Iba ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa sakit na naramdaman niya noong heart broken siya kay Brett. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag nawala ang iyong anak, nakakabaliw, nakakasira ng isip.Anna is sitting on the chair from the balcony of the suit, while she is looking nowhere. Nakatulala siya sa kawalan at walang ibang iniisip kundi ang anak. Brett, on the other hand, was looking at Anna too. Nakatayo lamang siya at nakasanda
NEW Chapter 25-Brett BRETT couldn’t take the pain, so he left and went to a most visited bar in Makati. Hindi niya kinaya ang nalaman, tila sasabog ang utak niya sa kakaisip, at pakiramdam ni Brett sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman siya ng isang babae, and that woman is Anna. Parang sasabog ang utak niya sa kakaisip sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay niya, kaya pinagkasya na lamang niya ang sarili sa paglalasing. Kahit doon man lang ay mabawasan ang mga iniisip niya.Subalit makaraan ang ilang oras, ilang bote na rin ang naitumba niya pero wala namang nagbago. Patuloy pa rin tumutugtog sa isipan niya ang mga sinabi ni Anna kanina.Naiiling na natatawa si Brett mag-isa sa kinauupuan niya sa bar counter. Akalain ba naman niyang anak pala niya ang batang iyon. Ang batang nagbibigay saya at nagpapangiti sa kaniya, ang isa sa dahilan kung bakit madalas ay nagmamadali siyang umuwi upang makita lang ito. Tumulo ang masaganang luha ni Brett. Iyon pala ang dahilan kung bakit m
Nagising si Anna kinabukasan na ang hinahanap kaagad ng mga mata ay si Brett, pero nalungkot siya nang hindi niya makita ang lalaki sa loob ng silid.Pupungay-pungay ang mga mata ng dalaga na bumangon mula sa kinahihigaan nito, at kaagad dinampot ang mini clock sa bedside table upang tingnan kung anong oras na ba.Pasado alas otso na ng umaga, mataas na rin ang sikat ng araw na tumatama sa glass door ng balcony. Binalik ni Anna ang mini clock sa bedside table, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa balcony. Hinawi ni Anna ang kurtinang nakatabon sa glass door upang salubungin ang sariwang hangin mula sa labas. Panibagong araw, panibagong lungkot na naman para sa dalaga sapagkat hindi niya kapiling ang anak.Ang aga-aga pero naiiyak na naman siya.Hanggang kailan ba siya maghihintay na maibalik ang anak niya? Hanggang kailan siya iiyak? Kailan pa siya maghihintay sa aksyon ng grupo ni Rico o ni Brett para mabawi ang bata?Bakit hindi na lang siya ang gumawa ng aksyon total naman alam
Isinugod sa pinakamalapit na Hospital sa San Pedro si Anna. Ang nag-aalalang si Brett ay nakasunod sa kaniya at ang ginang na si Agnes, samantalang naiwan naman si Gina kasama ang nobyo na si September.Sinakay sa ambulansya ang dalaga, kinabitan ng oxygen at mabilis na dinala sa Hospital.Brett couldn't take his eyes away from Anna. His heart bleeds as he sees the woman he loves, unconscious and a lot of blood covered her beautiful face mula sa sugat na natamo nito sa ulo, mayroon din itong galos sa braso at tuhod. Parang tinarakan ng patalim ang dibdib niya habang hinahawakan ang palad ng dalaga na nanlalamig."Anna, baby, please stay with me…"sambit niya. "I'm so sorry kung iniwan kita." Labis na nagsisi si Brett kung bakit iniwan pa niya si Anna. Sana isinama nalang niya ito. Pero magsisi man siya, huli na. Na aksidente na ang dalaga.Hindi nagtagal ay nakarating ang ambulansya sa Hospital, kaagad na may lumabas na nurses at tumulong na isugod ang dalaga sa emergency room. Sumuno
She was standing on the veranda of a mansion while she was holding a one-year-old baby boy. Nakaharap sa malaking gate ang veranda ng mansion. It has a classy design, black and white ang kulay. Puti ang apakan at itim naman ang kulay ng bawat railing.Umiiyak ang bata at hindi niya malaman kung ano ang gagawin dito. Sinasayaw-sayaw naman niya ito at sinasamahan pa ng pagkanta pero talagang napaka-iyakin ng bata since the day na dumating ito sa kaniya."Stop crying, baby, mommy's here." masuyo niyang sabi sa bata. Pero walang epekto iyon sa bata at lalo lamang ito umiyak nang umiyak.Hindi niya maiwasang mainis, may pagkakataon pa na gusto na lang niyang ihagis ang bata palabas ng veranda, pero bumabalik siya sa katinuan kapag nakikita niya ang imahe ng yumaong anak."Shhh… what do you want, baby? Are you hungry?" aniya. Hinawakan pa niya ang bata at itinaas ito sa ere upang amoyin ang puwetan kung amoy popo nga ba. "Ay, hindi naman nag-popo, eh. Ano ba want mo?" pagkausap niya sa bata
NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it
ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?
NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan
Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m
Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A
MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin
PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie bago pa ito mamatay. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico. Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan ni Brett kaya kaagad nitong ipinaliwanag kung sino ang taong binanggit. "Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico kay Brett. Naliwanagan si Brett sa ipinahayag ni Rico. Ngayon ay nauunawaan na niya. Kah
ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano