Tessa's POVNAGISING ako kinabukasan na medyo nananakit ang buong katawan, pero may ngiti sa labi. Lalo pa nang mapagmasdan ko ang guwapong mukha ng asawa ko na nahihimbing pa rin sa tulog.Halos buong araw may nangyari sa amin kahapon. Napakasaya ko dahil sa ilang beses namin nagtalik, ramdam na ramdam ko ang pag-ingat niya sa akin at ang matinding pananabik.Gusto kong makabawi kaya maaga akong bumangon at naligo. Mamamalengke sana ako dahil gusto ko siyang ipagluto, pero malakas ang ulan. Nagtungo na lang ako sa kusina at tiningnan ang mga puwedeng lutuin sa ref.***"Tessa, why didn't you wake me up? Paggising ko, wala ka na."Narinig ko ang boses ni Darius sa likuran ko. Kapapasok lang nito sa kusina. Matapos kong magsandok ng mainit at malapot na sabaw ng ginataang manok, nakangiti akong humarap sa kaniya.Natuon agad sa dala ko ang paningin niya. Malapad siyang ngumiti nang lumapit sa akin."Mukhang masarap, ah? At ang bango!" Umikot ang kamay niya sa kaniyang tiyan.Nilapag ko
Tessa's POVSA TATLONG araw ng pananatili namin sa probinsya ng uncle ni Darius, masasabi kong naging close kami sa isa't isa. Puro saya lang ang naramdaman ko habang kapiling siya.Hindi ko alam kung anong totoong nararamdaman ni Darius para sa akin. Kung gusto niya ba talaga ako o napipilitan lang siya dahil sa pangako niya, ewan ko. Basta ang alam ko, masaya ako at ayaw kong matapos ang kasiyahang ito.Sa huling araw namin doon, namasyal kami at namili ng kung ano-ano. Pagbalik sa Manila, kumain muna kami sa labas bago niya ako pinahatid sa isang taxi.Hindi kami puwedeng umuwi nang magkasama. May iiyak na namang kabit."Nakauwi na pala kayo, ma'am! Kumusta naman po?"Pinagbuksan ako ng pinto ni Manang Cecil nang makarating ako. Malaki ang ngiti sa labi nito na parang tuwang-tuwa siya at excited sa pag-uwi ko."Ayos naman ho.""E, iyong si Mamang mo, ma'am? Maayos na ba ang pakiramdam niya?""Si Mamang?""Oho. E di ba nga, siya ang rason kung bakit umuwi kayo sa inyo? Dahil masama
Tessa's POVLIHIM akong napangiti nang makita ang pagdungaw ng luha sa gilid ng mga mata ni Martha. Halatang nasaktan ito sa nalaman niya. Akala ko nga, magwawala na ito, pero nakatingin lang siya sa baba ng hagdan."Sumuko ka na kasi. Mag-asawa na kami ni Darius, at buntis na rin ako. Hindi hamak na mas may karapatan ako sa kaniya kaysa sa iyo!"Hindi siya umimik. Napuno na rin talaga ako sa babaeng ito kaya balak ko na sanang sabihin sa kaniya ang totoo, pero nagulat na lang ako nang umangat ang kamay niya sa ere at dumapo iyon sa pisngi ko.Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakagalaw. Hindi naman iyon ganoon kalakas, parang dampi nga lang ng bulak, pero hindi pa rin ako papayag na apihin niya."Ah!" Bumagsak siya sa sahig nang gantihan ko ng sampal. Malakas iyon, sinigurado kong masasaktan at mabibingi siya sa lakas."Gaga! Hindi ka na mahal ni Darius! Tanggapin mo na lang!" Sa init ng ulo ay hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses."Tessa!"Bigla akong nanigas sa k
Tessa's POVMATAGAL akong hindi umimik matapos ng mga sinabi ni Darius. Nakatingin lang siya sa akin na para bang binabasa ang nilalaman ng isip ko.Alam kong wala siyang balak tumanggi sa hinihiling ni Martha. Nakikita ko iyon sa mga mata niya kaya para akong napraning. Nag-iisip ako kung anong puwede kong sabihin para pigilan.Nang hindi pa rin ako nagsalita ay bumuntonghininga na ito. Tumayo siya sa harap ko at nanatili roon nang ilang minuto. Nang akmang lalapit na siya sa pinto para umalis, agad ko siyang pinigilan sa kamay."Hindi! Hindi ka puwedeng umalis kasama siya!"Puno ng pag-aalala ang mga mata niya nang lingunin ako. "Tessa.""Hindi ako papayag! Gaganti lang ang Martha na iyon kaya niya ito ginagawa! Gusto niya akong gantihan kaya gusto niyang sumama sa iyo sa Hacienda Altagrasia!"Hinawakan ako ni Darius sa magkabilang braso. "Tessa, huminahon ka.""Sabing ayoko! Ayokong isama mo siya! Ayoko!""Isang araw lang kami doon—""Ayoko!" sigaw ko na ikinatigil niya sa pagsasal
Tessa's POVNANGINGINIG ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ni Manang Cecil at hinihintay ang sasabihin nito. Hindi siya makatingin sa akin, yuko ang ulo at sa sahig nakatutok ang mga mata."Bakit n'yo sinabi iyon, Manang? Nandoon kayo! Nakita n'yo lahat! Bakit kayo nagsinungaling?!""H-hindi po ako nagsisinungaling. N-nakita kita... tinulak mo si M-ma'am Martha."Nilapitan ko siya at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso. "Hindi iyan totoo! Utang na loob, huwag ka naman magsinungaling! Alam kong nakita mo ang lahat!"Umagos ang mga luha sa pisngi ko nang umiwas siya ng tingin sa akin. At para bang wala na siyang balak pang sabihin ang totoong nakita niya."Alam ko na." Tumango-tango ako. "Binayaran ka ni Martha para gawin ito, no?"Sa pagkakataong iyon ay nag-angat siya ng paningin. "Hindi po.""Tama! Binayaran ka niya! Kaya kayo magkausap kagabi! Binayaran ka niya para magsinungaling at idiin ako!""H-hindi po!" natatakot niyang pagpipilit.Nasa kalagitnaan pa kami ng pag
Darius' POVI saw Martha lying on the hospital bed with her eyes closed, but I knew she was awake. Lumapit ako sa kinahihigaan niya saka naupo sa silyang nandoon.She opened her eyes and gave me a faint smile. "Ayos lang daw ang baby natin, pero sa susunod, baka hindi na namin kayanin."Paos ang boses niya habang hinahagod ng kamay ang kaniyang tiyan. Nanatili akong tahimik at nakatitig lang sa kaniya."Napaalis mo na ba siya?"I let out a heavy sigh. "Ano ba talagang nangyari? I know Tessa is stubborn, but she can't hurt other people. Kilala ko siya."Nagbago bigla ang reaksyon ng mukha niya. Ngayon ay halata na ang galit sa kaniyang mga mata."Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?""Martha, that's not what I meant—""Nandoon ka, you saw everything! Even Manang Cecil saw it too! Bakit si Tessa pa rin ang pinapanigan mo!"Nagpakawala ako ng mahabang buntonghininga habang nakapikit. "Tama na. Nagawa ko na ang gusto mo. Umalis na ako at iniwan siya.""I want her out of your life for go
Darius' POVI fixed the cufflinks of the tuxedo I was wearing while standing in front of the mirror. I am wearing a signature tuxedo suit for a birthday party of a well-known businessman held at a famous 5-star hotel.Nang matapos sa pag-aayos ay nagdesisyon akong lumabas na ng silid. I saw Martha, who had just come out of the room wearing shiny clothes. Pero napansin kong hindi akma ang suot niyang iyon para sa party na pupuntahan namin."Aren't you coming?" tanong ko nang makalapit siya."Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I said, I can't come.""Martha, isang linggo na natin itong napag-usapan," malumanay kong turan.If it weren't for Mr. Julius' wife's request to take her with me, I wouldn't give a damn. Mahigit isang taon na kaming kasal ni Martha, pero wala kaming pakialamanan sa buhay at desisyon ng isa't isa.Tumigil siya sa pag-aayos ng kinulot niyang buhok at humarap sa akin. "Darius, honey, this is an important meeting. Ang mga taong kikitain ko, they are the most fa
Darius' POV"Mr. Theo Afeconciado." I approached them with a smile on my lips.Nabaling sa akin ang paningin nila. Theo smiled at me while Tessa's face showed surprise.Nakipagkamay ako sa lalaki habang nakatingin kay Tessa na ngayon ay iwas na iwas sa akin. "Darius Altagrasia.""Darius Altagrasia? The son of Enrico Altagrasia?"I turned my gaze to Theo. "Yes.""I am pleased to meet one of Enrico's children. Your father and I know each other. Sometimes we talk about business some years ago.""That's good to hear.""Hindi nga lang kami nagkasundo," pahabol nito na may kasamang pag-iling."Well, I hope that doesn't happen to us. I want you to venture into our company."Napangiti ito habang diretso ang tingin sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niya."Iba ka sa ama mo. You know what you want, and you're confident.""I am, and I'm confident with our company. Hindi ka magsisisi."Ngumisi ito bago kinuha ang wallet sa coat niya at naglabas ng business card. "I'm interested. Let's meet somew
Tessa's POVMALAPAD ang ngiti sa mukha ko habang sakay ng bridal car at nakatingin sa aking wedding bouquet. Sa wakas, matapos ng apat na buwan, ikakasal na kaming muli ni Darius.Theo wants my wedding to be grand, kaya kinuha nito ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas, nag-hire ng limang magagaling na wedding planner, nagbayad ng isang dosenang kilalang chef, at kinuha ang pinakamahal na designer para sa aking wedding dress.He wanted the wedding to be in Canada, pero ang gusto namin ni Darius ang nasunod na dito na lang sa Pilipinas. Ang honeymoon naman ay sa Maldives. Iiwan namin si Maddy sa pangangalaga ni Theo at ng stepmother ko na ex-wife nito. I think they're rekindling their love.Tumigil ang kotse sa harap ng malaking simbahan. Maraming tao sa labas, pero karamihan ay security. Nagtataka ako nang mapansin na parang nagkakagulo sila.Maya-maya pa ay patakbong lumabas si Darius kasama si Theo. May hawak silang cellphone sa kani-kanilang kamay."Darius, what's happening?""T
Darius' POVSINUNDAN ko si Tessa hanggang sa makalabas ito ng banquet hall at maabot ang lobby ng hotel. She's with her driver. Inaalalayan nito si Tessa. Kaya nang mapansin kong parang hindi maganda ang pakiramdam niya, lalo kong binilisan ang paglalakad para lapitan siya."Sweetheart!"Natigilan ako nang pumasok sa entrance ng hotel si Theo Afeconciado. Kumuyom bigla ang mga kamao ko nang lumapit dito si Tessa at yumakap dito.Bigla na lang nagdilim ang aking paningin. Parang nawala ako sa sarili at mabilis silang nilapitan."I heard about what happened. And it's all over the news—"Hindi na natapos ni Theo ang sinasabi niya nang makita ako. Kinuwelyuhan ko siya gamit ng isang kamay at malakas na sinuntok sa mukha."Oh my God!" tili ni Tessa."Don't you dare lay your hands on my wife, you sick bastard!"Biglang pumagitna sa amin si Tessa at gulat na gulat na tumingin sa akin."What's wrong with you, Darius! Bakit mo iyon ginawa!"Sa pagkakataong iyon ay nilapitan na ako ng driver ni
Darius' POVNABALING kay Martha ang paningin ng mga tao sa loob ng event. Tumayo siya at namimilog ang mga matang umiling.I was about to grab her arm to get her to sit again, but she was furiously screaming like a mad maniac. Mabilis itong umakyat sa stage at galit na nilapitan si Tessa."Liar! Liar!"May lumapit sa kanilang mga security. Tumayo na rin ako para kunin si Martha pero sinenyasan ni Tessa ang mga security na hayaan ito kaya wala akong nagawa kundi tumigil sa kinatatayuan ko."What? Owner of Golden Rose? Are you fucking kidding me?" Tumawa si Martha nang malakas. "Paano ka magiging may-ari ng jewelry brand na ito kung isa kang dukha, mangmang at cheap! Ah! Isa ka nga palang dakilang kabit! Kailangan mo pang pumatol sa mga lalaking may pera para mabili ang gusto mo!"Nagtagis ang bagang ko. "Martha!"Bumaling sa akin si Tessa at ngumiti. "It's okay, Darius.""Stop calling my husband's name! Ang kapal ng mukha mo! Kilala na kita! Kumabit ka sa matandang mayaman na negosyant
Tessa's POVMABILIS akong kinumutan ni Darius at itinago ako sa likuran niya. I wrapped the white blanket around my body and turned to looked at Martha's angry face."That's why you're not answering my calls!" Isang malakas na sampal ang ibinigay nito kay Darius na noo'y nakahubo't hubad pa rin. "Kaya ka pala nanlalamig sa akin dahil sa iba ka na nag-iinit! At kung hindi pa ipinadala sa akin ni Sheena ang litrato n'yo, hindi ko pa malalaman na niloloko mo na ako!""Enough, Martha," mahinahon na saad ni Darius, pero lalo lang nalukot ang mukha ni Martha. "You don't have the right to tell me what to do! How dare you cheat on me! At sa katulong pa!"Dinuro niya si Darius bago bumaling sa akin. Bigla itong natigilan nang makita ako."T-Tessa?" Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Animo'y isa akong multo na nagpakita sa araw ng undas.Sa pagkakataong iyon ay tumayo na ako at taas-noo. Nakapulupot pa rin ang kumot sa katawan ko.Nagpabalik-balik ang ting
Tessa's POV"Tessa, what's that?"Dali-dali kong pinasok ang mga dokumento sa loob ng bag ko at saka humarap kay Darius. Nginitian ko ito bago inilingan."Wala lang ito. N-nasaan si Maddy? Tuloy ba tayo?""Yeah." Lumapit siya sa akin at pinatong ang kamay sa isa kong balikat. "I want to make it up to her. I realized I was wrong for treating her the way I did.""I-I'm happy na naisip mo iyan.""Puwede mo ba akong tulungan bumawi kay Maddy?"Matagal ko siyang tinitigan sa tanong niya. Hinanap ng mga mata ko si Maddy at nakita ito sa passengers seat na nakaupo at nakatanaw sa amin. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita ako."Oo naman. Let's go? Gusto ko na rin mag-malling."Pumunta kami sa pinakamalaking mall sa pinakamalapit. Lahat ng ituro ni Maddy, binibili ni Darius. Ako naman ay panay abot din ng matipuhan ng mga mata ko.Darius offered to pay my stuff, but I didn't let him. May pera ako at kaya ko nang bayaran ang lahat ng gusto ko. Kahit naman noon pa, hindi ko inaasa
Tessa's POVNAGULAT ako nang sa pagbukas ng pinto ng silid ni Maddy, pumasok si Darius at bigla akong hinalikan sa mga labi.Agad akong kumawala sa mga halik niya dahil alam kong nakikita kami ni Maddy. "Ano ka ba? Ang anak mo, nakikita tayo.""Hindi iyan." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas, pero pinigilan ko siya.I can see the longing in his eyes. Ako rin naman, nananabik na makasama siya. Nananabik akong magawa ang plano ko sa kanila."Ngayon pa lang kita masosolo, Tessa. I missed you." Hinapit niya ako sa baywang at niyakap. "Kahit kasama na kita sa iisang bubong, parang hindi pa rin sapat."I forced a smile before distancing myself from him. "Darius, I want to tell you something."Lalapitan niya sana ako pero umatras ako. He stood in front of me, smiling. Namumungay ang mga mata niya."It's about Maddy."Nang marinig niya ang pangalan ng anak niya, parang nawawalan ng gana na nagbuga siya ng hangin"That can wait."Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "This is im
Tessa's POVMAAGA akong bumangon at naligo para mapuntahan si Darius sa kanilang kuwarto. I heard, ngayong umaga ang flight ni Martha papuntang ibang bansa. She's leaving for, she was hired as a model of a famous jewelry brand.And I will use this against her. Tingnan lang natin kung may balikan pa siyang asawa't anak sa gagawin ko.Napangiti ako nang makapasok sa kuwarto nina Darius at Martha. malawak iyon, at puro luxury appliances ang makikita sa paligid.Nasa gilid ng kama si Darius, nakatalikod mula sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Narinig ko naman ang pagragasa ng tubig mula sa shower. Alam kong si Martha iyon.Tahimik akong lumapit kay Darius at saka yumakap mula sa likuran niya."Martha, I'm in a hurry—"Natigilan siya nang makita ako. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, pero sumilay ang malapad na ngiti sa kaniyang mukha.He cupped my face and quickly kiss me. Ilang segundo kaming naghalikan bago tuluyan naming pinakawalan ang isa't isa."What are you doing here?" he wh
Tessa's POV"Hello, I'm your new yaya. I'm Tessa. What's your name?"Nakatingala sa akin ang cute na bata habang nakangiti ito. Parang siopao ang pisngi nito kaya nanggigil akong hawakan iyon at pisilin.Tumawa siya. "Maddy.""Maddy? What a cute name. Just like you."Ngumiti na naman ito nang pagka-cute-cute. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako malapit sa mga toys niya. Natigilan ako nang mapansin ang maliit nitong braso."What happened to your arm? Nahulog ka ba?"Lumuhod ako sa sahig at tiningnan ang pasa sa braso niya. Umiling sa akin ang bata.Naluha ako habang nakatitig sa kaniyang mukha. Sa tuwing nakakakita na lang ako ng bata, lagi na lang akong nagkakaganito.***Abalang nanonood ng cartoon si Maddy nang magdesisyon akong lumabas para ikuha siya ng makakain. Hapon na at hinihintay ko rin ang pag-uwi ni Darius.Hindi pa ako nakakalabas, natigilan ako nang marinig ang boses ni Martha."Why is he not answering! Nakakainis!" Mukhang mainit ang ulo nito."Si Mommy!" masiglang b
Darius' POV"Where's Maddy? At nasaan na ba ang yaya ng batang iyon? Bakit hindi pa rin sila bumababa?"Umagang-umaga ay nakakunot na ang noo ni Martha sa harap ng hapag. We are eating breakfast and was almost done before she noticed her daughter's absence.Nakapag-usap na kami ni Tessa. Nagkasundo rin kami na hindi puwedeng malaman ni Martha na magiging yaya siya ni Maddy. Siguradong magwawala si Martha kapag nakita si Tessa.I won't let her hurt Tessa again. At gagawin ko ang lahat para makasama ito."Umalis na si Manang Cecil."Natigilan siya sa pag-inom ng juice niya na hindi ko alam kung anong klaseng prutas. She bought in Mexico, nakakaganda raw lalo ng katawan."What? Bakit daw?""May sakit ang anak niya.""My God! At hindi nagpaalam sa akin? Stupid! E, sinong mag-aalaga kay Maddy ngayon?" Malakas niyang hinampas ang mesa gamit ang kaniyang palad. "Hindi ako puwede, Darius! I'll get busy with my job.""Don't worry, nakahanap na ako ng papalit sa kaniya.""Sino naman? Did you ch