Mag-log inPagkatapos ng panganganak at ilang araw na pahinga sa hospital ay napag desisyon na ni Aiden na dumiretso sila sa guest house.Dala ni Alyssa ang kanyang bagong silang na anak na si Ethan na nakahiga sa isang baby carrier, habang nahihirapang hawakan ang isang maliit at lumang maleta. "Dito ka muna sa guest room," wika ni Aiden ang kanyang boses ay naririnig na nag e echo sa malawak na espasyo ng bahay. Itinuro niya ang isang silid sa ground floor. Ang kanyang mga galaw ay parang nahihiya. "Mas madali para sa'yo at hindi mo na kailangang umakyat."Tumango lang si Alyssa, iniiwasan ang kanyang tingin. Hindi niya magawang tumingin nang diretso sa kanya, para harapin ang masalimuot na emosyon na nararamdaman niya. Maraming tanong ang humihingi ng kasagutan, mga tanong na ilang buwan na niyang pinipigilan, mga tanong na nagbibigay sa kanya ng kahinaan na pilit niyang itinatago. Bakit ngayon, pagkatapos ng lahat ng matagal na panahon, bigla na lang siyang sumulpot at gustong bumawi? Bak
Pagkalipas ng ilang buwan, nag iba na ang pakikitungo ni Aiden simula ng magka ayos sila ng kanyang ama at nanatili siyang CEO ng mga Monteverde.Nakahiga si Alyssa sa kama na manipis lang ang kumot. Ang kanyang mukha ay basang-basa ng pawis, ang kanyang maitim na buhok ay nakadikit na sa kanyang noo, na nakatakip sa kanyang mga mata na may halong sakit at takot. Hingal na hingal at bawat pagbuga ay nagbibigay ng ginhawa sa kanyang katawan.Hinawakan niya ang mga kumot hanggang ang tela ay na gusot sa tindi ng pagkakahawak niya, pilit na pinipigilan ang mga sinaunang sigaw na nagbabantang lumabas mula sa kaibuturan ng kanyang lalamunan."Ma’am, konting push pa. Nasa crowning na po tayo," sabi ng nurse.Pinikit ni Alyssa ang kanyang mga mata, itinuon ang bawat minuto ng kanyang natitirang lakas. Walang pamilyar na kamay na hahawakan, walang nakakaaliw na boses na bumubulong ng mga salitang pampalakas ng loob niya. "Ahh—!" sigaw ni Alyssa ng malakas. "Ahhh ahhh ahhh." paulit ulit na
Nag-viral ang video sa loob ng isang oras.Habang nasa kusina pinapanood ko ang pagtaas ng bilang ng mga manonood mula libo hanggang umabot ng milyon. Kalmado parin si Alyssa sa kabila ng takot na alam kong nararamdaman niya. Naka-off pa rin ang telepono ko, pero nagte-text sa akin si David kada ilang minuto—mga screenshot ng mga headline, mga update mula sa board, mga mensahe mula sa mga kliyenteng nag cancel ng kanilang mga account.“Gusto kang kausapin ng board meeting. Pinag-uusapan nila ang pagtanggal sa iyo bilang CEO. Inilapag ni Alyssa ang isang tasa ng gatas sa harapan ko. “Dapat mong buksan ang telepono mo. Kailangan mong ayusin ito.”“Wala akong pakialam sa kumpanya ngayon,” sabi ko sa sarili habang hinihila siya paupo sa aking kandungan. “Ikaw at si baby ang mahalaga sa akin."Gumawa siya ng bilog sa aking dibdib. “Pero buong buhay mo ay nagta trabaho ka para sa kompanyang iyon. Ang tatay mo ang nagtayo nito, pero isa ka sa dahilan kaya naging mas matagumpay ito."Humali
Aiden's POVKarga ko si Alyssa sa maliit na sala, ang ulo niya ay nasa dibdib ko, at seryoso ako sa bawat salitang sinabi ko. Pero nang tiningnan ko ang papel sa ibabaw ng coffee table: Aiden Monteverde & Alyssa Fajardo: Marriage Agreement parang may sumikip sa dibdib ko.“Aalis na ako,” sabi ko saka tumayo. “Hindi tayo dapat makitang magkasama bago ang kasal. Hindi dapat kung nagpapanggap pa rin tayong negosyo lang ito… kahit man lang hanggang sa makausap ko ang tatay ko.”Tumango si Alyssa, ang mga daliri niya ay inayos ang kwelyo ng damit ko. “Mag-ingat ka. Siguradong hindi niya ito magugustuhan.”“Alam ko,” sabi ko at humalik ako sa noo niya. “Pero mas gugustuhin kong harapin ang galit niya kaysa gugulin ang natitirang bahagi ng buhay ko sa pagpapanggap na hindi kita mahal.”Ngumiti siya, ngunit nababalutan ito ng takot. “Magkikita ba tayo bukas?" hindi ko na sinagot ang huling tanong ni Alyssa.Nagmaneho ako pabalik sa bahay, mabilis ang takbo ng isip ko. Ang aking ama, si Ramon
"Ms Fajardo." sabi nito kay Alyssa at napahawak naman ito sa kanyang dibdib. "Come to my office," mahinang sabi ni Aiden.Tinitigan lang ito ni Alyssa sabay pinaikotan niya ito ng kanyang mata. Para malaman nitong nagtatampo siya. "I'm serious! Now!" Napatayo agad si Alyssa dahil sa tono ng boses niya. May halong kaba pero pilit niyang kinakalma ang sarili. “Nakapag isip kana ba?" seryosong tanong ni Aiden.Nakatingin si Alyssa sa kanya nanginginig ang mga kamay niya, at halatang kinakabahan. Hindi maiwasan ni Aiden na titigan si Alyssa na nakasuot ng blazer at puting dress na kitang kita ang kurba ng katawan.Iniisip ko lang dati na tahimik siya bilang secretary ko. Yung secretary na tinitimplahan lang ako ng kape, hindi ko naman inisip na magiging Nanay siya ng anak ko. Pero ngayon magiging iba na ang lahat.“Okay,” I say to myself. “We’ll handle this.”Kumurap ang kanyang mata at halatang nagulat. “Handle it? Ano? Paano?” gulat na sabi ni Alyssa.Sumandal ako sa upuan ko, sinuk
Aiden’s POV Sinabihan ko na ang mga staff ko na huwag basta na lang papasok sa loob ng opisina ko. Nagulat nalang ako ng may biglang sumilip sa may pintuan.Allysa... "Anak ng tokwa, Anong ginagawa niya rito?” nagtatakang tanong sa isipan ko. Mabuti na lang at hindi ko naituloy ihagis ang bote. Ilang araw na rin pala akong hindi nagpa paramdam sa kanya. Ang buong akala ko pa naman ay na miss niya ako. Kasi ako na mi miss ko na talaga siya pero ayaw kong magpahalata. “Ms Fajardo why are you here?” masungit kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa hawak niyang papel. Ang buong akala ko magpapa pirma lang siya ng dokumento pero nagulat ako ng binigay niya 'yon sa akin.I don’t know what to do. Basta na lang ako tumayo at pumunta sa conference room nahihiya man akong tumayo dahil hindi maayos ang suot ko pero okay lang basta hindi ako makakapayag kung aalis siya.Nagpunta ako sa bahay ni Allysa para ipagluto siya ng kanyang gabihan alam kong dala lang ng pagod at nabibigla lang siya da







