Share

Chapter 19

Hindi naman nagtagal si Alexander sa loob ng kuwarto ni Eliza. Lumabas naman na kaagad siya matapos na magkausap silang dalawa. Nasabi na rin niya ang tungkol sa kalagayan ng Tito Arthur nito dahil sa nagtatanong ito sa kanya. Kahit hindi naman nagtanong si Eliza sa kanya ay sasabihin pa rin niya ito sapagkat 'yon ang pangako niya lalo na may update na nga siya.

Tuwang-tuwa kahit papaano si Eliza matapos niyang malaman na na-operahan na ang Tito Arthur niya. Magiging maayos na rin ito. Gagaling na ito. Bago lumabas si Alexander sa kuwarto niya kanina ay nagrequest pa siya kung puwede na bigyan muli siya ng update tungkol sa Tito Arthur niya lalo na kung nakalabas na ito sa hospital kung nasaan ito. Nangako naman ng sa kanya si Alexander. Siya na lang raw ang bahala.

Bago siya natulog ay nanalangin muna siya. Nagpasalamat siya Diyos sa tulong nito sa kanya kahit sumama ang loob niya at nagalit siya sa Tita Linda niya sa ginawa nito sa kanya. Kahit papaano ay natulungan niya ang kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status