Si Robbie ay ganap na walang masabi at inasar si Josephine. “Tita Josephine, ang lawak talagang imahinasyon mo. Sayang lang dahil hindi ka nagsusulat ng libro.”Agad na ninais ni Josephine na hilain ang tenga ni Robbie. Sa tuwing makikipag-away siya kay Jenson, hihilahin niya ang tenga nito dahil sa nakasanayan. Susubukan ni Jenson na iwasan ang kaniyang mga kamay at bigyan siya ng masamang tingin bilang pagprotesta. Gayunpaman, ang taong naka-upo rito ngayon ay si Robbie na marunong mag-Taekwondo. Ang una niyang reaksyon sa karahasan ay hindi ang iwasan ito at gamitin ang kaniyang mga natutunan.Tinabing niya ang papalapit na kamay ni Josephine at hinawakan ang kaniyang kamay. Hinila niya ito at nagsanhi ito kay Josephine na mapahiyaw sa sakit.“Ah… Ang sakit! Jenson, bitawan mo ako!”Binitawan ni Robbie si Josephine. Pinagpag niya ang kaniyang kamay sa sakit at tumingin kay Jay nang may malalim na pagkabalisa. “Kuya, nakikita mo naman, ‘di ba? Hindi ka naniniwala no’ng sinabi ko sa’
“Mali ba ako?” Sabi ni Robbie. “Sa hilig mong makipagtsismisan at hukayin ang sikreto ng iba, handa kang maghukay ng tatlong talampakan sa ilalim ng lupa para lamang malaman ang sikreto ng iba. Hindi ko alam kung anong ibang tawag sa ‘yo maliban sa isang manghuhukay?”Sa sobrang galit ni Josephine ay inangat niya ang kaniyang kamao at ninais na suntukin si Robbie. Tumakbo si Robbie sa paligid ng bahay, patalon-talon sa paligid. Hinabol siya ni Josephine nang matagal bago siya magsimulang hingalin. Kahit gaano kabilis ang kaniyang pagtakbo, hindi niya pa rin magawang hawakan ang mga damit ni Robbie.Pinanood ni Jay ang masayang nag-aaway na magtita sa gilid. Kahit na siya ay nagulat sa mga pagbabago kay ‘Jenson’ na siyang masiyahin na at aktibo, hindi rin naman siguro masama kung ganito ang kaniyang magiging permanenteng katauhan.Dahil wala ang kanilang drayber, nautusan si Josephine na imaneho sila patungo sa Kentucky habang sina Jay at Robbie ay naka-upo sa likod. Sinadyang ayusin ni
Si Josephine ay isang talentadong paparazzi. Siya nga ay isang babae na mayroong mayamang pinanggalingan, ngunit dahil sa kahilingan ng kaniyang kuya, siya ay nagkampo sa labas ng Splendid Town noong gabing iyon.Noong gabi din na iyon, si Rose ay hindi makatulog.Binigyan siya ni Jay ng isang oras para umalis, ngunit hindi niya magawang kumbinsihin ang kaniyang sarili na iwan ang kaniyang anak sa ikalawang pagkakataon.Ngayon naman, siya ay magiging matapang at mananatili.Gayunpaman, napagdesisyunan niyang lumipat upang maka-iwas sa anumang gulo mula kay Jay.Pasimula pa lamang ang araw na iyon, hinila ni Rose ang dalawang malalaking bagahe sa ibaba habang sina Jenson at Zetty ay naka-upo sa ibabaw ng mga bagahe at inaantok pa.Kararating pa lamang ni Rose sa gate nang lumabas si Josephine ng kaniyang kotse. “Hipag.”Marahil ay madilim pa lamang ang kalangitan, kaya akala ni Josephine na ang dalawang inaantok pa sa ibabaw ng mga bagahe ay mga manika. Ang kaniyang mga mata ay nakating
Napasigaw si Josephine sa gulat. “Tao ba talaga ‘to?”Tumingin siya nang maigi. ‘Sino ‘to kung hindi ito si Jenson?’Akala ni Josephine ay may nararanasan siyang himala. Naalala niya na si ‘Jenson’ ay nasa Horizon Colors ng City South kagabi, hindi ba?“Jenson, bakit na narito?” Si Josephine ay nagtataka nang tanungin niya ito.Walang buhay na nagsalita si Jenson, “Mahabang istorya,” sumagot siya gamit ang dalawang salita.Ang aroganteng bata na mas gustong hindi magsalita ay nagsanhi kay Josephine na muntik himatayin. “Hindi maaari. Bakit nagbalik ka na naman sa nakakainis at arogante mong ugali na ‘to?”Hindi na nag-abala si Jenson sa kaniya.Nagsalita si Rose, “Binibining Ares, kung mayroon kang katanungan, pag-usapan na lang natin ito pagdating natin sa bahay ko.”Seryosong tumango si Josephine.Lumipat si Rose sa isang bagong bahay sa Exuberant City sa City South, ilang kalye lamang ang layo mula sa Grand Asia.Isang maliit na apartment na mayroong dalawang silid-tulugan ay maaari
Narinig nina Jenson at Zetty ang away sa pagitan ng kanilang mommy at si Josephine. Nag-aalala silang tumingin sa dalawang matanda.Tumingin si Josephine sa malamig at walang ekspresyon na mukha ni Jenson at naalala ang masiyahin at aktibong bata na kasama ni Jay. Pakiramdam niya ay tinamaan ng kutsilyo ang kaniyang puso.Pinigilan niya ang pighati sa kaniyang puso at sinubukang manatiling kalmado. “Hipag, ang paglitaw mo ay nagsanhi sa mga emosyon ni Jenson na magbago-bago. Tinawag ng kuya ko ang nangungunang espesyalista ng Grand Asia upang gamutin ang kundisyon ni Jenson. Hindi maganda ang resulta ng kaniyang pagsusuri. Ang mild autism ng batang ito ay naging schizophrenia. Sana ay pakawalan mo na ang inosenteng bata. Sundin mo na lang ang sinabi ng kuya ko at umalis sa bansa!”Ang pagmamahal ni Josephine kay Jenson ay halatang umaapaw na. Hindi nagalit si Rose. Sa halip, siya ay ngumiti.Narinig ni Jenson si Josephine na sinasabing siya ay mayroong sakit. Kumunot ang kaniyang ilong
“Dalawang bata?” Nakaramdam si Josephine ng hilo.Tumango si Rose. Nagsimula siyang magpaliwanag kay Josephine. “Oo. Sina Jenson at Robbie ay magkambal. Ang walang imik, malamig, at gwapong bata ay ang nakatatanda, si Jenson. Ang masigla, cute, maliwanag, at ang gwapo ay ang nakababata, si Robbie. Noong nakaraang ilang araw, ang dalawang bata na ito ay nagpalit nang hindi natin alam. Ang malamig na si Jenson at masiglang si Robbie ay paulit-ulit na nagpalitan sa harap niyong lahat, tila nagsasanhi ng gulo sa isip ng lahat.”Bago matapos si Rose sa kaniyang paliwanag, dali-daling hinawakan ni Josephine ang mukha ni Jenson at masayang sinabi, “Wala palang sakit ang Jenson namin!”“Oo, ikaw ‘tong may sakit,” naiinis na sinabi ni Jenson.Malambing na hinawakan ni Josephine ang mukha ni Jenson at humingi ng tawad dito. “Patawad, Jenson. Nagkamali si Tita Josephine sa ‘yo.”Lubos na kinaiinisan ni Jenson ang paghawak ng kaniyang Tita Josephine sa kaniyang mukha. Tumalikod siya at yumakap kay
Sina Rose at Josephine ay nag-uusap na ngayong pagkatapos ng nakagugulat na lantaran. Para kay Rose, ang usapan na ito ay maaapektuhan ang kaniyang buhay. Mukhang siya ay nasa isang kaswal at matinong usapan, ngunit sa loob-loob ay nagiging maingat siya sa kaniyang mga sagot.“Binibining Ares…”Malambing na hinila ni Josephine ang kamay ni Rose at tinama siya. “Hiyap, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Dahil ikaw naman ang mommy ni Jens at ng mga bata, eh ‘di, habang-buhay kitang hipag. ‘Wag ka nang maging pormal.”Tinama ni Rose ang kaniyang sarili. “Josephine… Ngayong alam mo na ang tungkol kina Robbie at Zetty, hindi ko alam kung ano ang mga susunod mong gagawin. Sasabihin mo ba ang lahat kay Jay o tutulungan mo akong itago ang katotohanan?”Hindi naintindihan ni Josephine. “Bakit hindi ko pwedeng sabihin ‘to sa kuya ko? Bilang ama ng mga batang ito, may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kanila, hindi ba? Hipag, matutuwa ang kuya ko na malaman ang tungkol kina Robbie at Ze
Natutuwang ngumiti si Rose.Gayunpaman, ang kaniyang ngiti ay bahagyang naging mapait sa pagbanggit ng pangalan ni Jay. Dalawang buhay niya minahal ang lalaki. Ang kalimutan siya ay madaling sabihin ngunit mahirap gawin.“Sa totoo lang, hinihintay ko pa rin siya kahit pagkatapos ng maraming taon,” mahinang sabi ni Rose.Si Josephine ay ganap na nakumbinsi sa malakas, matibay, at matatag na kalooban ni Rose. Siya ay ganap na humanga kay Rose. “Hipag, dahil sa mga sinabi mo, habang-buhay kitang poprotektahan sa ilalim ng pakpak ko. Mapayapa ka lang na manatili rito. Sasabihin ko sa kuya ko na umalis ka na sa bansa.”Nagpapasalamat na sinabi ni Rose, “Salamat, Josephine.”Sumagot si Josephine, “Binigyan mo ako ng tatlong napaka-cute na mga pamangkin. Ako dapat ang magpasalamat sa ‘yo.”Sumandal si Zetty sa pinto at nagpapaawang sinabi, “Mommy, kailan ba kayo matatapos mag-usap? Nagugutom na kami ni Jenson.”Biglang naalala ni Rose na napatagal ang usapan nila ni Josephine. Bigla niyang si
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto