"I'm sorry, dude," wika ni Bram nang biglang mapatawag sa kaniya si Jacob. "Amelia Alcantara Ferrer is all over the news. And I was surprised that she was big. Anak pala siya ng nag-iisang Vincent Ferrer. D@mn, dude! You should have seen my face when I found out who she was. Hinahanap siya ng pamilya niya. And his father went to my bar. Alam mo namang hindi ako marunong magsinungaling. I told him I saw her here. But I did not tell him she left with you. He asked me about the security cameras in my bar. Mabuti na lang at saktong nang araw na iyon ay under repair ang mga iyon. Or else I'd be fvcked." He paused. "No. You'll be fvcked.""Kung gano'n paano natunton ni Oliver si Mia rito? Paano niya nalaman na nasa Zambales si Mia?""That, I don't know Jacob. Basta ang alam ko, hindi kita nilaglag," tugon ni Bram. "Pero sa yaman ng pamilya ni Mia, they have all the resources to find her."Jacob nodded. "I'm sorry, Bram. I'm just worried about Mia," aniya."Sabihin mo nga sa akin, Jacob. Ano
Tahimik ang buong kwarto nang biglang may kumatok sa pintuan. Dali-daling tumayo si Mia upang buksan iyon. "Isabel..." halos pabulong niyang wika."O, nandito ka pa pala!" wika ni Isabel."Ano ang ibig mong sabihin na nandito pa pala ako?" tugon ni Mia. Naningkit ang mga mata niya. "Sandali. Ikaw ba ang nagturo kay Oliver kung nasaan ako?""Oo, bakit?" Tumaas ang kilay ni Isabel. "Dapat magpasalamat ka sa akin. Gusto ko lang tulungan ka na makabalik sa inyo," aniya."Sino ang nagsabi sa iyo na gusto kong bumalik sa amin? At higit sa lahat, sino ang nagsabi sa iyo na kailangan ko ng tulong mo?""Nangyari na ang nangyari. Wala nang silbi pa kung magagalit ka sa akin.""Atat na atat ka yatang mawala ako," wika pa ni Mia. Napabuntong-hininga siya.Lumapit sa kanila si Jacob. "Ikaw pala ang nagsabi kay Oliver kung nasaan si Mia. Bakit mo ginawa iyon?" aniya.Napalunok si Isabel. "Sir Jacob, gusto ko lang naman makatulong," tugon niya."Sino'ng maniniwala sa iyo?" Umigting ang kaniyang panga
"I'm sorry, Isabel. I was just stressed. A lot of things are going through my mind, especially with Lola's condition. I don't know what to do. Hindi kita dapat pinagbuntunan. I could've said everything that I told you in a better and calmer way.""Mabuti nga ho sinabi ninyo sa akin iyon sa gano'ng paraan. Sa ginawa ninyo, parang nauntog ang ulo ko. Para akong natauhan," tugon ni Isabel. "Paano n'yo nga naman magugustuhan ang kagaya ko? Eh ang layu-layo ko kay Mia.""Walang kinalaman si Mia rito. Kahit wala si Mia, gano'n pa rin ang maramdaman ko."Napayuko si Isabel. "Okay na, Sir. Tanggap ko na ho. Pasensya na lang ho ulit sa nagawa ko. Maling-mali ho na nakialam ako. Kulang pa nga ang galit ninyo sa ginawa ko kay Mia. Hindi ko dapat pinanghimasukan ang buhay niya." Tumango si Jacob. "Kung hindi nga lang sa ibinigay n'yong tulong sa akin, ayaw ko na sanang magpatuloy pa sa pagtatrabaho sa inyo," wika pa ni Isabel. "Parang ang sikip-sikip na ho ng mundo para sa akin. Mahihirapan na ho
Natapos din ang tatlong araw nilang beach vacation at nakauwi na sila sa malaking bahay. Hindi pa nasasabi nila Jacob at Mia ang kanilang relasyon. Gusto nilang surpresahin ang matanda. Kaya naman nag-set ng dinner si Mia. She cooked special dishes na pagsadaluhan nila."Ano'ng mayro'n?" tanong ni Anita habang kumakain sila. Nagkatinginan si Jacob at Mia habang nakangiti. Kinuha ni Jacob ang kamay ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Anita at napanganga siya. "Sinagot mo na ang apo ko?" tanong niya kay Mia."Opo, Lola," maikling tugon ni Mia. Natutop ni Anita ang kaniyang dibdib. "Maraming salamat naman kung gano'n. Hay! Napakasaya ko para sa inyo. Mia, hinding-hindi ka magsisisi sa aking apo. Alam kong mamahalin, aalagaan, at poprotektahan ka niya.""Naniniwala ho ako sa inyo, Lola. Mamahalin ko rin po si Jacob at aalagaan." Tumingin siya kay Jacob. Hinagkan nito ang kaniyang kamay."Oh, bigyan na ninyo ako kaagad ng apo," biglang wika ni Anita.Natawa ang magkasintahan. "Lola naman!"
Pagmulat ng mga mata ni Mia, nakangiting mukha ni Jacob ang bumungad sa kaniya. "Good morning, my love," malambing na wika ni Jacob. He planted a kiss on her lips. Ngumiti siya. "Good morning," tugon niya."How was your sleep?" Napatingin si Mia sa orasan. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas nwebe na ng umaga. "Oh, my God! I overslept," aniya. Nagmamadaling bumangon siya."It's okay. Wala naman tayong gagawin ngayong araw.""Si Lola Anita?""She's okay. Napainom ko na siya ng gamot."Napangiti si Mia. She freed a deep sigh. "Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na maganda ang gising ko," aniya. Jacob sat beside her and kissed her forehead. "Don't worry. From then on, you will always have good mornings," anang binata. "But that means that you will always have tired nights." Pilyo itong ngumiti. Nahampas ni Mia ang kaniyang dibdib."May balak ka yatang mamihasa," aniya."Only if you'll allow me," tugon ni Jacob.Mia felt weak when Jacob kissed her again. And they
"It's been more than a month, Vincent. Give up already!" mariing wika ni Diana sa asawa. "Hindi mo siya mahahanap dahil hindi siya nagpapahanap. Hayaan mo na siya."Napahinga nang marahas si Vincent. "She's my daughter for fvck's sake!" aniya. "How could you tell me to just give up?""Can't you see? Sa kakahanap mo sa bastarda mong iyon, nakakalimutan mo nang may isa ka pang anak. At nakakalimutan mo na rin na may asawa ka."Matalim na napatingin si Vincent sa ginang. "Bastarda?" aniya. "Ilang ulit ko na bang sinabi na ayaw ko nang marinig pang tinatawag mong bastarda si Mia?""Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kayang aminin sa sarili mo na kaya mo lang siya kinilalang anak dahil nagagamit mo siya?" tugon ni Diana. Vincent walked close to her. Mabibigat ang mga hakbang nito. Sa pandinig niya ay dumadagundong ang bawat hakbang nito patungo sa kaniya kaya napaatras siya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang dakmahin ni Vincent ang kaniyang leeg. Kaagad siyang nahirapang humin
"I'm impressed," wika ni Mia habang inaalalayan siya ni Jacob sa pag-upo. "Kanina mo lang ako niyayang mag-date, pero mukhang prepared na prepared ka." Jacob took her to a fancy restaurant. It was a candlelit dinner. Pagkatapos niyang makaupo ay iniabot sa kaniya ng nobyo ang isang malaking bouquet ng pulang rosas."Because you deserve nothing but the best," tugon ni Jacob. Umupo na rin ito. Hindi nagtagal ay inihain na sa kanila ng waiters ang kanilang dinner. Habang kumakain ay biglang natigilan si Mia. Her shoulders dropped. She freed a deep sigh."What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Jacob sa kaniya."Do you really have to go?" tanong niya. Her eyes were filled with worry.Napabuntong-hininga si Jacob. "Napag-usapan na natin 'to kanina, 'di ba?" malambing niyang tugon.Napayuko si Mia. "I know. It's just that I have a bad feeling about it. Pakiramdam ko, hindi ka na babalik sa akin." Nangilid ang kaniyang mga luha."What made you think that?" He's worried about her, but he can't
Three days have passed since Jacob left and went to Canada. Pakiramdam ni Mia ay taon na ang dumaan. Palagi naman siyang tinatawagan ng nobyo katulad ng pangako nito, ngunit lalo lamang siyang nangungulila. Ang sabi ni Jacob ay gagawin nito ang lahat upang matapos ang mga kailangan nitong gawin, ngunit walang nagawa si Mia nang sabihin nito na maaring umabot ito doon ng isang buwan dahil sa unforseen circumstances. Gusto niyang magtampo, ngunit alam niyang hindi rin naman gusto ni Jacob na magtagal doon."Ang mabuti pa siguro ay maghanap ka ng pansamantalang mapaglilibangan habang hinihintay mo si Jacob," wika ni Anita sa kaniya isang araw habang sila ay nag-aagahan."Huwag ho ninyo akong alalaahanin, Lola Anita. Nairaraos ko naman ang bawat araw," tugon ng dalaga. "Nami-miss ko na rin ang apo ko," wika pa ni Anita. Bumagsak ang mga balikat nito. Nilapitan ito ni Mia."Uuwi rin po si Jacob," anang dalaga habang hinahaplos ang likuran ng matanda. Sa huli, siya rin pala ang magko-comfo
It was a beautiful sunny day and everything was peaceful, especially for Vincent... Isang buwan pagkatapos ng insidente kung saan ipinadukot ni Natalia si Mia at si Marco ay lumubha lalo ang sakit ni Vincent. Hindi umalis sa tabi nito si Mia. Hanggang sa huling sandali ay hindi ipinadama ni Mia na nag-iisa ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari, pumanaw nang mapayapa si Vincent. At ngayon nga ay ang araw na inihatid na ito sa huli nitong hantungan.Hindi nakapunta ro'n si Natalia. Natalia lost her sanity. Hindi na nito kinaya ang lahat at tuluyan na itong bumigay. Sa kasalukuyan ay ginagamot ito sa isang mental health facility. "It's my fault," lumuluhang wika ni Diana. "Kinonsente ko ang lahat ng kapritso niya. Akala ko sa pamamagitan no'n ay nagiging isa akong mabuting ina sa kaniya. Now, look at what happened to her." Humagulgol ito."Lahat naman tayo may natutunan sa lahat ng nangyari. Iyon naman ang mahalaga," tugon ni Mia. "Ngayon, ikaw na lang ang mayro'n si Natalia. She needs y
"God d*mn you, Oliver!" frustrated na sigaw ni Natalia. "You betrayed me!" She panicked at the truth that she would go behind bars. Nasa labas na ang mga pulis at naghihintay ng go signal upang arestuhin siya."This is for your own sake," tugon ni Oliver. "Maniwala ka sa akin, Natalia, hindi man kagaya ng dati, may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa iyo. Kaya hindi ako papayag na gumawa ka ng isang krimen.""Fvck! Sino ba ang nagsabi sa iyo na nandito ako?" wika ni Natalia. Natigilan siya nang maalala si Sandra. Sakto namang pumasok ito sa kwarto. "You b*tch!" turo niya rito. "Nagkamali akong pinagkatiwalaan kita. Duwag ka talaga!""I'm sorry, Natalia, you're just doing too much," tugon ni Sandra. "I just realized na wala naman akong mapapala. Jacob will just hate me even more. And he will never be mine.""Mga duwag!" sigaw ni Natalia. "Sa tingin ninyo, papayag akong basta-basta lang akong makulong?" aniya. In a blink of an eye, nakatakbo siya patungo sa kung saan niya inilap
"Natalia, please, tama na!" nagmamakaawang wika ni Mia. "Pakawalan mo na kami ng anak ko. Bakit mo ba 'to ginagawa? Natalia, hindi mo ako kaagaw kay Dad, lalong-lalo na sa kompanya. Bumalik ako sa Pilipinas hindi para bumalik sa mansiyon o sa kompanya. Kung nagpupunta man ako sa mansiyon, iyon ay dahil gusto ko lang makasama si Daddy. Kaunti na lang ang panahon niya. Hindi ba sa ganitong mga panahon, dapat nagtutulungan tayo?""Pwe!" bulalas ni Natalia. "Iyan na ang pinakanakakadiring narinig ko mula sa iyo. I will never do anything with you! Never!"Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Mia. "Kung papatayin mo talaga ako, huwag naman sana sa harap ng anak ko. Kahit iyon na lang, Natalia. Maawa ka sa anak ko," aniya."At bakit kita susundin? Hindi ako papayag na hindi madamay ang anak mo. I will make sure that he will see you die. Dadalhin niya ang alaala na makita kang m*matay hanggang sa huli niyang hininga. I will make sure na pati siya hindi magiging masaya. He will leave this plac
Nababalisa na si Bianca. Kanina niya pa tinatawagan si Mia, ngunit hindi niya ito ma-kontak. Gusto niya sanang kumustahin kung ano ang nangyari sa pagpunta nito at ni Marco kay Jacob. Excited pa man din siya. Ilang beses niya pang sinubukang tawagan ito hanggang sa magpasya siyang tawagan si Jacob."Ano?" bulalas niya nang sabihin ni Jacob na hindi naman dumating sa malaking bahay ang mag-ina nito. "Binibiro mo ba ako, Jacob? She was supposed to arrive there kanina pa. Umalis sila ng inaanak ko kaninang alas nwebe. Ano'ng oras na?" Tumingin siya sa kaniyang wristwatch. "Diyos ko! Alas kwarto na!""They're not here!" mariing wika ni Jacob na labis na rin ang kaba. "You should have called me earlier.""Malay kong hindi sila darating diyan. Ang akala ko, sa mga oras na ito, masaya na kayong nagba-bonding. Akala ko, sobrang busy lang ni Mia kaya hindi niya ako matawagan," ani Bianca. "So, ano, tatawag na ba ako ng pulis?""Yes, please. I'm gonna go for a drive. Magbabakasakali akong nasa
"Relax, Mia!" nangingiting wika ni Bianca sa kaibigan. Natataranta kasi ito habang naghahanda papaalis. "Pasensya ka na, B., ha? Kailangan muna nating i-delay ang opening ng Marco's Kitchen. I really need to do this," wika ni Mia."Ano ka ba! Kung may kapangyarihan lang ako, ipina-teleport na kita ro'n. And you will land straight in the arms of Jacob." Aktong niyakap niya ang sarili habang kinikilig."Baliw ka talaga!" natatawang wika ni Mia."Mas baliw ka," tugon ni Bianca. "Baliw sa pag-ibig."Natawa na lamang at nailing si Mia sa kaibigan. Nang tapos na siyang naghanda ay kaagad na silang umalis ni Marco."We will surprise your daddy," excited na wika ni Mia sa anak. "He doesn't know that we're going there. And we will stay there for a while.""How long, Mommy?" nangniningning ang mga matang tanong ni Marco."For as long as you want."Napanganga si Marco. "Thank you, Mommy! You're the best!" Ngumiti lang si Mia.Ilang minuto pa ang lumipas... Biglang nag-preno si Mia nang biglang
Matamang tinititigan ni Vincent ang anak na si Mia. Dumating ito mga ilang minuto na ang nakararaan ngunit nananatili itong tahimik at walang imik. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. May problema ba, anak?" tanong niya rito.Pinilit ngumiti ni Mia. "I'm okay, Dad. Hindi ko na ho kayo dapat binibigyan pa ng ibang alalahanin," tugon niya."It's okay. Tell me," ani Vincent. "Gusto kong maramdamang ama mo ako. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" Nagbuntong-hininga si Mia. "I still love Jacob, Dad," sa wakas ay tugon niya."Mahal ka rin ba niya?"Tumango si Mia habang nangingilid ang mga luha. "So, what's the matter? Then you should be together again," ani Vincent."Dad, paano ka?" "Anong paano ako?""He can't forgive you, Dad. Anong klaseng relasyon ang magiging relasyon namin kung hindi kayo okay?"Nagbuntong-hininga si Vincent. "Love is between two people, Amalia. And nothing should come between them," wika niya.
Hiniling ni Jacob na hayaan muna siyang mag-isa sa bahay kaya umalis si Marites. Nang mga oras na iyon ay nais niyang uminom at maglasing. Kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman parang unti-unti na namang gumuguho ang pangarap niya.Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng mga pagkatok. Sa pag-aakalang si Mia iyon na nagbago ang isip at bumalik ay halos patakbo siyang nagtungo patungo roon. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay malaking pagkadismaya ang kaniyang naramdaman."What are you doing here?" matabang na tanong niya kay Sandra."Paying you a visit," mabilis na tugon ng dalaga. Tuloy-tuloy na itong pumasok sa bahay.Napabuntong-hininga si Jacob. "Ano'ng kailangan mo?" aniya."Won't you even offer me something to drink or anything?" ani Sandra. She smiled. "I missed you, Jacob. Bakit hindi mo na ako dinadalaw?""I'm busy," wala sa loob na tugon ng binata. "Sobrang busy mo naman at pati pagtawag hindi mo magawa.""I'm really busy."Nagtiim ang mga bagang ni S
Panay ang irap ni Mia habang tinutukso siya ng kaibigang si Bianca. "Aminin mo na kasi. Halata naman na may feelings ka pa para sa ex mo," ani Bianca. "Mula nang manggaling ka ro'n, nag-iba na ang kislap ng mga mata mo. Naging shining, shimmering, splendid na.""Ewan ko sa 'yo, Bianca. Lubayan mo na ako, at busy ako," tugon ni Mia."Kidding aside, wala namang masama kung magkakabalikan kayo. Lalo na kung mahal pa ninyo ang isa't isa. Huwag ka nang mag-deny. Kilala kita."Napabuntong-hininga si Mia. "Hindi iyon gano'n kasimple. Oo nga, pinatawad ko na si Dad, at pinatawad ko na rin si Jacob. But that doesn't mean na hindi na komplikado ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Maigi nang casual lang ang relasyon namin. Para na lang sa anak namin," aniya. "Sa ngayon, masaya na ako para kay Marco. Sapat na sa akin 'yon.""But what if he pursues you? Will you give him another chance?""Sa ngayon, naka-focus ako sa business natin at sa pag-aalaga kay Dad," tugon ni Mia. "Hindi ko alam kung
"Mommy, where are we going?" tanong ni Marco sa inang abalang nagmamaneho."Mommy is going to make your dream come true, anak," nakangiting tugon ni Mia. "But first, you have to sleep. Malayo pa ang biyahe natin. Mapapagod ka. Rest for now, and then I will wake you up when we get there. Kailangan mo ng maraming energy kapag ando'n na tayo.""Which dream, Mommy? I have a lot of dreams. But my biggest dream is to meet my daddy," tugon ni Marco.Hindi tumugon si Mia. She pat his head instead. "Go sleep na, baby," aniya. Marco sighed. Sumunod rin naman ito.Pagkalabas ni Mia sa kotse ay humigop siya ng hangin sa baga at ibinuga iyon. Wala na talagang sasarap pa sa hangin ng lugar na iyon. It's been five years at ang laki ng ipinagbago ng farm. Maganda na ito noon, ngunit mas maganda pa ito ngayon. Umikot siya upang buksan ang pinto sa kabila upang pababain si Marco."Where are we, Mommy?" nagtatakang tanong ni Marco. Mia took his little hand."What did mommy tell you earlier?""That you'r