TWENTY-EIGHT (28)- Rhea's POV -Halos kapusin ako sa paghinga nang makabalik kami sa camping area. Pawis na pawis ang mukha ko at dagdag pa natin yung luha kong nagkusang tumulo mula sa mata ko kahit hindi ako humihikbi. Hindi parin humuhupa ang kaba na nararamdaman ko at nanlalamig pa rin ako.Lahat ng tingin ay nabaling sa amin na puno ng pagtataka. Halos lahat ng students ay kunot ang noo na tinitigan kami mula ulo hanggang paa. Ikaw ba naman mukhang binagyo sa sobrang gulo ng buhok at mukhang gumulong sa lupa sa sobrang dumi ng suot. Yung white t-shirt ni Ceejay na kumikinang sa puti, mukha ng basahan pagkatapos hampasin ng alikabok."Grabe naman kayo, crushmate. Pwede naman kayo sa bus kung may plano kayong..... mag.. ano.." Nakanguso na pangaasar ni Almira habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Bago palipat-lipat ang tingin niya kina kuya wolverine.I was still catching my breathe when I glared on her na parang tatadtarin ko siya. Sa dami ng araw na pwede niya akong asar
TWENTY-NINE (29)Hinila ako ng aking mga paa papunta sa pangpang kung saan nagkukumpulan ang mga students. Naririnig ko ang bulong-bulongan nila habang papalapit ako. Yung iba naman ay natataranta. Habang papalapit naman ako ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinangungunahan pa rin ako ng takot pero kailangan kong maging matatag.Malapit na ako ng maka-aninag ako ng maliit na usok mula sa pangpang dahilan para magpanic ang mga nagkukumpulan. Mukhang lumalala na ang sitwasyon.Nagdadalawang-isip man ako ngunit kailangan kong maniwala sa himala ng Panginoon at sa sarili kong abilidad.Hindi ako tumigil sa pagtakbo nang makarating ako sa railings at tumalon. Sa lugar kung saan nanggaling ang usok na nakikita ko. Lahat sila ay gulat ng makita nila ako mula sa kung saan at nakanganga na sinundan ako ng tingin. Pilit na hinihila ang aking mga mata sa kakahuyan ngunit pinikit ko nalang ito upang makapagfocus ako.Sagl
THIRTY (30)I felt relief nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos tumalon ako sa sobrang saya sa nararamdaman ko. Lumingon ako kay Mj at nakangiti siya. Nakikita kong nagkaroon ng pag-asa ang bawat kinang ng kanyang mata.Mayamaya ay nagtama ang tingin namin. Pandalian kaming nagkatitigan at mayamaya ay nagkapalitan kami ng ngiti. We both giggled as we look up and closed our eyes. Dinadama ko ang bawat patak ng ulan na pupatak sa aking mukha.Kalaonan ay nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit sa amin. At habang papalapit ng papalapit ang mga ito sa aming kinaroroonan ay biglang sumubsob ang mukha ko sa putik. At nakaramdam din ako ng biglang pagbigat ng likod ko.“Crushmate! Akala ko talaga hindi na kita makikita!” Nakaramdam ako ng sabik sa boses ni Almira habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ko at nakadagan sa likod ko.“Ang bigat mo, crushmate!” Sigaw ko kahit halos mapaos na ang aking boses.Agad naman akong naramdaman ng pag-gaan ng aking likod kaya agad na akong tuma
THIRTY-ONE (31)-Jc’s POV –Kaskas ng guitara ang umagaw ng aking atensyon dahilan para mapadilat ako. At bago pa man mag-absorb sa isip ko kung nasaan ako, sunod akong nakarinig ng pamilyar na kanta mula sa kung saan.🎼 Dinamayan mo ako sa aking pag-iisaNakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawaKung ang gabi ay lumalamigTaglay ko ang yakap moAng init ng iyong pagmamahalAy walang kasing-alab 🎼Hinihila ang aking tenga ng isang maamo at malamig na boses ng kung sino. Isang boses na nagpapagaan ng aking pakiramdam at sobrang relaxing sa pandinig. At pamilyar din sa pandinig ko. Parang narinig ko na dati pero hindi ko lang maalala kung kanino.Inikot ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala akong ibang makita kundi liwanag na bumabalot sa buong lugar. Sobrang liwanag na halos wala akong makita.🎼 At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin koNatut
THIRTY-TWO (32)- Rhea’s POV – “5 on 5 po?” Bahagya akong nagulat sa minungkahi ni Sir Jeff. Nakatayo si sir sa aking harap at muli siyang umikot bago humarap sa akin, “Yes, Castino. It will be more fun kesa sa 1 on 1.” “Paano naman po tayo pipili ng mga players?” Tanong ko bago nilagay ang aking kamay sa ilalim ng aking chin at sinandal sa mesa na pumagitna sa amin. Medyo bored na ako eh. Pinatong si Sir ang kanyang dalawang kamay sa mesa at tiningnan ako ng deretso sa mata, “Bukas ang screening at dalawang set ang screening. Ikaw din ang magiging host.” Again? Bigla akong napalunok ng sumagi agad sa isip ko ang nangyari noong huling screening. “Wag kang magaalala, Castino.” Nakangiti sa akin si Sir saka mahinang tinapik ang aking balikat, “Magiging okay ang screening bukas dahil times two ang ginawang pagiingat ng mga technicians sa lahat ng mga magiging System Units.” Kahit hindi ako kumbinsido ay tipid pa rin akong ngumiti kay Sir. Para lang matapos ang usapan namin sa loob
THIRTY-THREE (33)- Third Person’s POV – Madilim ang lahat sa paningin ni Ceejay. At tanging ilaw lamang ng kandilang nasa harap nito ang nagbibigay liwanag sa kanyang mukha. Nanghihina na ang buong katawan nito at halos pumikit na ang kanyang mga mata. Hindi niya man lang magalaw ang kanyang katawan dahil literal itong naging matigas. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas mula dito. Kahit ang kanyang paghinga ay bihira na lamang niyang maramdaman at ang pagtibok ng puso niya ay bihira na rin. Tumigil ang panahon at oras ng lumantag ang tunay niyang kataohan. Nakabuka ang kanyang pakpak at kulay ginto ang kanyang buhok na paalon-alon sa himpapawig, habang binabaybay niya ang kalangitan pabalik sa posibleng lugar kung saan niya huling nakita ang binata. Sa sobrang bilis ng kanyang lipad ay halos mahati ang langit. Pinangungunahan man ng matinding kaba at takot, hindi pa rin siya nag-atumbiling magbakasakali. Nanlamig ang buong katawan niya nang ma
THIRTY-FOUR (34)- Rhea’s POV – Nang pumasok ako sa ComLab ay unang naka.agaw ng atensyon ko ang tingin ni Sir. Nakasimangot ito at nakaupo siya sa server. Marahan kung sinara ang pinto at maingat na naglakad papunta sa kanya para hindi madisturbo ang mga players. “Late ka na naman, Castino.” Mahinang wika ni sir habang nakatingin sa server. “Kanina pa nagsimula ang screening.” “Pasensya na po, sir. Tangali na po kasi ako nagising.” Paliwanag ko sa mahinang tono at tumingin na rin sa server. “Ikaw na mag.host dito sa set 1. Ako na sa set 2.” Paliwanag ni sir saka tumayo na siya. Hindi niya man lang hinintay ang magiging sagot ko at nagdederetso na siyang pumunta sa pinto at lumabas. At tanging nagawa ko lang ay pagmasdan siyang maglaho sa paningin ko. Bumuntong hinga ako bago umupo sa server at tinuon ang tingin sa monitor. Mukhang kilala ko ata ang mga heroes na nasa battlefield. Ginalaw ko ang mouse upang pumunta ang arrow nito sa mapa na nasa upp
THIRTY-FIVE (35)-Rhea’s POV –Pagkatapos akong suriin ng nurse ay lumabas na rin ito. Nakaupo sa dulo ng kama si Ceejay ng biglang nagtatakbong dumating si Mj at agad akong niyakap. Nakasunod sa likod niya si ate Cyrel at Almira.“Sobra akong nag.alala sayo.” Wika ni Mj sa gitna ng aming yakapan. I heard her sniff and she continued, “Salamat sa Diyos at maayos ang kalagayan mo.”Tumugon ako sa yakap niya kasabay ng mahinang pagtapik ko sa kanyang likod.“Wag ka nang mag-alala , ang importante ligtas ako.” Mahinang tugon ko.Dahan-dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap at saglit na tumingin kay Ceejay. Mukhang sinusuri niya ito at tumingin ulit siya sa akin.“Okay lang ba yang kasama mo?” Pagaalala niya.Lumingon ako kay Ceejay, kasabay ng paglingon niya rin sa akin kaya nagtama ang tingin namin.Ngayong natitigan ko siya ay puno ng gasgas ang braso niya at may kontinfmg sugat din ang mukha niya. Paningin ko, hindi naman ganoon kalalim ang mga sugat niya.Ngumiti siya sa akin na nagp
Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.
FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.
FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at
FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang
FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,
FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a
FORTY-THREE (43)-Third Person’s POV –“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”“Akin.” Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng
FORTY-TWO (42)-Rhea’s POV –“Mukhang magkakabalikan pa ata sila eh.” Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, “Hayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isa’t-isa.”Alam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isa’t-isa.“Nag-agahan ka na ba, crushmate?” Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, “Kumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.”At dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala
FORTY-ONE (41)-Jc’s POV –Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te