EIGHTEEN (18)
- Third Person's POV –Umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na tawanan ng mga binatang nasa living room. Sa sobrang gulo ng paligid ay mahihilo kang intindihin kung ano man ang kababalaghang ginawa ng mga ito.“Huling shot nalang ‘to.” Binandera ni Lil_ron ang bote ng alak na hawak niya habang inaalog ito. Upang maipakita sa kanila ang laman nito.“Itagay mo na lahat yan sa bashoo.” Yumayango ang ulo ni Juviler habang sinasabihan si Lil_ron.Nakangiting sinalin naman ni Lil_ron ang huling laman ng bote sa baso at tama lang ito para mapuno ang isang baso.“Kung kaya mo lang namang ubusin.” Natatawang pang-aasar pa ni Juviler habang sinisinok.Nagsitawanan ulit ang mga binatilyo na nagbigay ingay sa tahimik na living room habang nakasimangot naman si Lil_ron na parang nahihirapang ibuka ang mga mata.“Kaya mo yan tol. Yan na rin naman ang huli.” PanghihikayNINETEEN (19) - Rhea's POV – Muling kinuha ni Boss Ganda ang walang laman na bote ng beer at muli itong pinaikot. Niyanig ng tilian ng mga kababaihang kasama ko sa balcony ng huminto ang bote na nakaturo ang bibig nito kay Almira. Sabay-sabay nilang kinukutya ang nakabungisngis kong kaibigan habang tinuro siya. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya. “Ikaw magbigay ng dare, Sais.” Aniya Otso dahil nakaturo ang pwet ng bote kay Sais. “Sige.” Nakatitig si Sais sa bote habang nagiisip. Pandaliang natahimik ang lahat habang nagiisip si Sais ng dare para kay Almira ngunit nakangiti parin ang lahat na halatang sobrang excited. Ako naman ay medyo sinuswerte sa bawat ikot ng bote. Dahil ubos na ang tagay, di pa ako natuturo ng bote. Pero kinakabahan pa rin ako baka maubos ang swerte ko bago matapos ang gabing ito. Biglang ngumiti si Sais na halatang may pumasok na sa isip niya, “Isigaw mo sa labas, ‘Bumalik ka na, Lorenz'.” Muling nabuhay ang tilian ng maibigay na ni Sais
TWENTY (20)-Third Person's POV –Sa kabila ng malakas na tilian at pangungutya ng lahat, di parin makapaniwalang nakatingin si Jc kina Rhea at Ceejay. Si Rhea naman na nanlalamig ang buong katawan ay halos malaglag na mata at nanginginig ang mga kamay. Tulalang-tulala itong nakatingin kay Ceejay na noo'y halos mapunit na ang mukha sa sobrang bungisngis nito.Kalaonan ay nakaramdam ng kakaibang paninigas ng katawan ni Rhea. Natataranta siya ngunit hindi niya maigalaw ang kahit anong parte ng katawan niya. Mas lalong nanlilisik ang mata niya dulot ng mahirap nitong paghinga.Habang pinagmamasdan ni Ceejay ang dalaga ay dahan-dahang naglalaho ang ngiti nito sa mukha at unti-unting napalitan ng nagtatakang tingin. Lahat naman ng mga mata ay nakatuon sa kanya ng mapagtanto ng lahat na kakaiba ang naging reaksyon ng mukha ng dalaga. Mukha itong nahihirapan kaya ganun na lamang ang pagtataka ng lahat.Kahit nahihirapan ay pilit paring inabot ng dalaga ang kanyang dibdib at mariing binaon a
TWENTY-ONE (21)-Rhea's POV –🎼 It took one lookAnd forever laid out in front of meOne smile and I diedBut I do need to be revived by you🎼 There I wasThought I had everything figured outGoes to show just how much I know‘Bout the way life plays out🎼I take one step awayThen I find myself coming back to youMy one and only, one and only you….Nakarinig ako ng maamong boses mula sa kung saan nang bumaba ako mula sa balcony. May bagong kalokohan na naman kasing pumasok sa utak ni Otso kaya nagsibaba kaming lahat mula sa balcony papunta sa kwarto niya.Pero habang binabaybay ko ang hagdan ay pilit na hinihila ang tenga ko ng kung sinong boses na kumakanta. Hindi ko na nagawang pumunta sa kwarto dahil namalayan ko nalang na hinahanap na pala ng tenga ko yung napakalamig na boses na naririnig ko.🎼 Now I knowThat I know not a thing at allExcept the fact that I am yoursAnd you are mine🎼 They told me that it wouldn't be easyAnd I knowThat I am not the one to co
TWENTY-TWO (22)-Third Person's POV –Sa mga members na nakarinig ng malakas na tili ni Rhea, nagtatakbo silang lumabas para alamin kung kanino ang malakas na tili na kanilang narinig.Nasaksihan nilang bumagsak sa lupa si Juviler, matamlay at wala nang lakas para bumangon, si Ceejay na nakahiga sa lupa habang nasa ibabaw niya si Jc. Mahigpit na hinawakan ang kwelyo at pinagsusuntok ang mukha.Binaon naman ni Ceejay ang kanyang kamao sa tagiliran ni Jc, dahilan para mapahinto ito sa pagsuntok sa mukha niya at umungol sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataon at sinipa niya ang tiyan ni Jc. Tumilapon ito at bumagsak.Parehong nanghihina na ang dalawa ng lumapit ang mga lalaking members sa kanila para harangan ang harap nilang dalawa at masigurong hindi na sila makakalapit sa isa't isa.Pagkalabas ni Almira ay unang nakaagaw ng tingin niya ang katawan ni Rhea na nakahandusay sa lupa, ilang hakb
TWENTY-THREE (23) - Jc's POV -Sinipa ko ang pinto ng bahay pagkadating ko. Wala akong pake kung marinig man ni tita, pero mukhang wala naman siya dahil naka.off ang ilaw ng bahay pagdating ko. Hinampas ko ng aking kamay ang switch na nasa tabi ng pinto at lumiwanag ang paligid.Nanggigigil talaga ako sa sobrang galit na parang gusto kong tirisin ang nakikitang bagay ng mga mata ko. Lalo kong naikuyom ang kamao ko na parang malilibing na ang mga daliri ko sa aking palad. Wala talagang paglalagyan ang init ng ulo ko."Sige, sirain mo yung pinto na parang bahay mo!"Nakakunot ang noo kong lumingon sa likod ko. At nakita kong naka.crossed arms si Almira saka sobrang sama ng tingin niya sa akin.Nagkusang lumitaw ang isang sarcarstic smirk sa mukha ko, "Lasing ka na talaga dahil naliligaw ka na ng bahay."Bahagya lamang siyang ngumiti, "At nangaling pa talaga sayo."Masyado ng sira ang gabi ko para makipagtalo pa sa kanya kaya tinalikuran ko nalang siya at naglakad papunta sa kwarto. Na
TWENTY-FOUR (24) - Third Person's POV -"May hangover na ba ang lahat?" Sigaw ni Janica na bumuhay sa tahimik na bahay niya.Nasa couch siya at nakaupo habang nagkakape. Pinagmamasdan ang magulo niyang bahay. Nagkalat ang mga bote ng beer sa sahig, mga chichirya na walang laman, mga sapatos at tsenelas at pati mga baso.Iilan sa mga members ay gising na at nagkakape sa balcony. Habang ang ilan naman ay parang mantikang natutulog."Nasan si Primera?" Mahina at matamlay ang boses ni Lorenz habang naglalakad ito papunta sa kinauupuan ni Janica."Umuwi na bago pa kayo magising." Sagot naman ng dalaga saka nilagay ang kanyang kape sa maliit na lamesa na nasa harap ng couch na kanyang inuupuan.Umupo naman ang binata sa tabi ng dalaga at nilagay ang kanyang kape sa tabi ng kape nito."Ang aga naman." Aniya.Tulalang nakatitig si Janica sa kape niya, "Kaya ba nating linisin ito lahat?"Bahagyang ngumiti ang binata saka kinuha ang kanyang kape at uminom bago sumagot, "Nagawa mo na nga ang
TWENTY-FIVE (25)-Rhea’s POV –Gusto ko pa sanang makipagyakapan sa unan ko at makipaghalikan sa kama ngunit eto ako ngayon, naglalakad sa campus na lutang at wala sa pagiisip. Habang ang ilang mga mata ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Bukod sa hangover kong nambwisit, dumagdag pa talaga ang step-sister kong nasa bahay. Wala na talagang kapayapaan itong second life ko.Nasa harap na ako ng pinto ng classroom at akmang bubuksan na sana ito ng makirinig ako ng kaskas. Kaskas na agad umagaw ng atensyon ko. Medyo wala siya sa tono at pahinto-hinto ang pagkaskas nito.Ilang minuto ring inikot ng aking mga mata kung saan ito nanggaling bago ko natagpuan ang pinaggalingan nito. Kusang naglakad ang aking mga paa para puntahan ang pinanggalingan nito at dinala ako nito sa harap ng hangdan papuntang second floor.Kumunot ang noo ko ng makita ko si Ceejay na nakaupo sa hagdan while strumming the guitar that he was holding. Wag mo naman sabihin na sa kanya galing ang naririnig ko? Kaya p
TWENTY-SIX (26)Nakahiga ako sa balikat ni Ceejay habang nasa byahe kami. Hawak niya ang kamay ko habang nasa labas ang tingin ko. Malapit sa bintana ako nakaupo habang siya naman sa kabilang banda.Hindi parin ako mapakali matapos makakita ng panibagong pangitain. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa tree planting na ito. Pero gagawin ko ang lahat upang matapos ang araw na ito na hindi nasisira at walang mapapahamak.Alam kong malapit na ring mamatay sa curiousity si Ceejay kasi hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. At hinahaplos niya ang kamay kong nakakulong sa dalawang kamay niya. Hindi kasi ako nagsasalita simula ng makita ko ang pangitaing yun. Kinakabahan kasi ako.Matapos ang mahigit isang oras na byahe ay huminto na ang bus. Pinangunahan ni Ma’am MC ang pagbaba sa bus at sumunod na rin ang ilang mga students.Hindi ko parin inaalis ang ulo ko sa balikat ni Ceejay kaya maingat niyang hinawakan ang pisngi ko, dahilan para maiangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.Nakik
Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.
FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.
FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at
FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang
FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,
FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a
FORTY-THREE (43)-Third Person’s POV –“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”“Akin.” Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng
FORTY-TWO (42)-Rhea’s POV –“Mukhang magkakabalikan pa ata sila eh.” Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, “Hayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isa’t-isa.”Alam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isa’t-isa.“Nag-agahan ka na ba, crushmate?” Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, “Kumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.”At dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala
FORTY-ONE (41)-Jc’s POV –Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te