Mesaiyah Point of View5 STEPS IN MOVING ON. Erase.Erase.5 THINGS TO REMEMBER ON HOW TO FORGET YOUR BESTFRIEND. Erase.Erase.I crumpled the piece of paper and throw it IN the trashcan. Nagsusulat ako ng steps or whatever kung pano makalimutan ang bestfriend ko.(1) Make your life busy. Try to love your stranger husbandAish! I crumpled again the paper. Nakakainis. Ano ba ang dapat kong gawin?(2) Give your stranger husband a chance------ not. Ayoko nito. I crumpled again the paper and throw it again for a 100th times. Ano ba dapat ang dapat na isulat ko? Inihiga ko nalang ang aking ulo sa study table ni stranger husband.Urgh!Napatingin ako sa pintuan dahil sa biglang pagkatok, wala ang stranger husband ko ngayon, maaga siyang umalis. Hindi ko lang alam kung saan pumunta."Madam Mesaiyah." katulong yata nila kaya pumunta ako sa pintuan at binuksan ito."Madam Mesaiyah. Pinabibigay po ito ni Prince Anhiro. Bilisan mo daw po ng pagpalit dahil malalate kana sa iyong pasok." Ibinigay nun
Mesaiyah Point of ViewW-wala akong masabi sa kanya kundi napatungo nalang ako. Hindi ko akalaing hahalikan niya ako sa noo. First time kong may humalik sa aking noo at siya 'yun."See you later. Susunduin kita sa classroom mo." sabi niya at umalis na. Naiwan akong nakatungo pa din at hindi na siya tiningnan sa pag alis niya."Boyfriend mo siya?" Napatingala ako sa nagtanong, kaklase ko pala."H-hindi ko siya boyfriend."""Weh? Hinalikan ka kaya niya sa noo." Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na asawa ko siya. Bawal kasi ang mag-aral dito na may asawa at kapag nalaman yun ng principal, malamang mapapaalis ka."Ahh. Eh. Ewan." 'yun nalang nasagot ko at nagsimula ng lumakad papunta sa room."Kung hindi mo siya boyfriend..uhmmm? Asawa?" Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, ang daldal naman neto."H-hindi. Bakit ko naman siya magiging asawa?""Wala lang. Hindi mo kasi siya boyfriend o asawa..imposible namang tatay mo yun diba? Pero by the way antagal mong nawala. Si Angelo asan
Natapos na ang klase at break time na namin. Niligpit ko na ang libro at notebook ko at nilagay sa ilalim ng desk. Sasakbitin ko na sana yung bag ko ng marinig ko ang mga nagsisigawan na babae. Itinuloy ko na ang pagsakbit ng bag ko at lumabas na ng room ng tumambad sakin ang lalaki na nakalean sa pader with hands in his pocket habang nakikipagtawanan sa mga babae na nasa harap niya.Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na papunta sa cafeteria. Hindi ko na naririnig ang mga sigawan nila pero naramdaman ko naman ang pagtabi niya sakin na dahilan kung bakit naging masama ang tingin ng mga babae sakin.Anytime they want pwede na akong mamatay sa tingin nila.Tinabon ko nalang ang kamay ko sa aking mukha, kung kutsilyo lang ang tingin nila malamang kanina pa ako patay."L-lumayo ka nga sakin. H-hindi kita kilala!" maang-maangan ko para naman kahit papaano maging maayos na ang tingin nila sakin."Ha? Ano bang sinasabi mong hindi kita kilala?" tanong niya."Psh! Sino ka? Stalker ba kit
Uwian na namin ngayon at naglalakad ako papunta sa bahay ni mama at papa. Gusto ko lang sila bisitahin sandali, gusto kong tingnan ang ginagawa nila, kung kamusta na ba ang buhay nila sa perang ipinagbenta nila sakin, kung nakakakain ba sila ng maayos o hindi. Gusto kong tingnan kung masaya sila o hindi pero kahit ganun, kailangan kong tanggapin na kahit wala ako sa kanila, masaya sila dahil sa pera.Sa kabila ng lahat,may utang na loob pa rin ako sa kanila kasi sila ang kumopkup at nag-alaga sa akin kaya gusto kong magpasalamat sa kanila kahit sa maliit na paraan lang. Kakamustahin ko na din si ate Terra, baka nasa bahay pa siya.Nasa tapat na ako ng dati naming bahay.Wala akong naririnig na maingay, wala din akong nakikitang tao kaya alam kong wala si mama at papa. Pumasok ako sa loob ng bahay namin. Bawat sulok na madadaanan ko ay hinihipo ko at dinadamdam ang amoy ng bahay nato. Sobrang miss ko na ito. Haaaays.Sunod ko na pinuntahan ang kwarto namin dati ni ate subalit pagpasok ko
Prince Anhiro Point Of View"Wag ka ng matakot. Andito lang ako." sabi ko pero mas lalo pa siyang umiyak. Did I say something weird? Imbis na mapatahan ko siya lalo pa siyang umiyak. Pano ba magpatigil sa pag-iyak ng babae?What should I do? What should I do? Kapag tinitingnan ko siya lalo siyang umiiyak. Stupid anhiro stupid! Hindi ako marunong magpatigil sa pag-iyak ng babae. =__________=" damn!Lumabas ako sa kwarto at saktong napadaan naman si manang."Ahmm..ahh..manang..ahmm..ahh..a-ano..ahh.""Ano po yun Prince Anhiro?""Uhh..ano..uhh.." Pano ko ba to itatanong."Ano po?" pati si manang atat na sa sasabihin ko."Uhh..p-pano magpatigil sa pag-iyak ng babae?" Natawa lang si manang sa tanong ko. Nakakahiya -________-"Simple lang Prince Anhiro.Yakapin mo siya.""Haaah? Y-yakapin? S-sigurado ka?"O_________o?"Yes Prince!""Ahh..arigato manang." sabi ko at pumasok na ulit sa kwarto. Hindi ko alam kung tulog na siya pero aish! Susundin ko ba ang sinabi ni manang? Inu-uto niya lang ata
Nakakainis siya! Bahala siya sa buhay niya. Kung galit siya sakin eh di galit. Argh! Napakapusong bato niya. Hinalikan ko na nga siya sa pisngi for saying sorry tapos hindi pa rin niya ako papansinin.Kung yan ang gusto niya eh di wag nalang kami magpansinan. Bahala siya,wala akong pakialam sa kanya.FLASHBACKKatatapos ko lang kumain sa cafeteria ng makita ko siya sa may pintuan na nakikipagkwentuhan sa babae na mukhang clown sa kapal ng makeup isama mo pa ang sleeveless niyang damit at maikling palda. School kaya to, heller? Hindi ito bar para iparada ang labas niyang katawan.Papalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang umalis kasama ang oh-monster-face na yun at dinaanan lang ako na parang walang nakikita.Huh? Hindi ako pinansin ni stranger.Galit pa rin siya. Naku naman.Ayoko pa naman ng may nagagalit ng dahil sakin.***Nasa library ako, gumagawa ng mga activities na namiss ko sa mga araw na wala ako ng makita ko siyang papalapit sakin...Hindi pala sakin kundi
Sa kalagitnaan ng pagtotoothbrush ko sa harap ng salamin bigla siyang pumasok at nakisabay sa pagtotoothbrush ko. I clear mt throat. Nakatingin lang ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin at naghihintay kung titingin siya pero no response. Nagmumog na ako and then ganun pa din. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Hanggang sa matapos na din siya magtoothbrush at hanggang sa makalabas na siya sa cr at naiwan ako dun. Grabe ang atmosphere,ang init!Lumabas na din ako sa cr at napagpasyahang lumabas muna ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin. Umupo ako sa wooden cute bench sa may halamanan nila at tumingala sa langit.Ang daming mga ilaw sa ulap pati na ang buwan napakaliwanag. Hinanap ko sa itaas ang orion. Madali lang naman yun hanapin eh.Tatlong sunod na bituin at apat na bituin sa bawat kanto.Since I was a child, sa tuwing nakatingin ako sa ulap kapag gabi una kong hinahanap ang orion. Wala lang, gusto ko lang yun ang hanapin. I took a deep breath at bigla akong
Sinong mag aakala na ang tulad ko na fourth year highschool, 16 years old palang ay may asawa na pero magsisimula palang sila ng kanyang asawa sa pagiging magkaibigan.Napakaweird kung papakinggan na may asawa na ako pero that's only a secret. Wala dapat makaalam nun.Napagpasyahan kong stranger nalang ulit ang itawag ko sa kanya kahit na getting to know each other naman na kami, stranger naman talaga siya eh.HAAAAAAAAAYYYYYYY!!!!! Napahakay ako ng sobrang haba nang malaman ko sa sarili ko na late na ako sa pagpasok.OHMY!!Hindi man lang ako ginising ni stranger, pambihira! Nagtatakbo ako papunta sa bathroom ng mapansin kong nakahiga pa pala siya sa couch. Huh? Anong oras na ba?"Bakit ka nakatayo diyan?""Huh?Papasok na ako, late na ako!""Hah? Hahahahahaha papasok kana? Hindi pa tumutunog ang alarm clock. Excited ka lang?" Tiningnan ko yung alarm clock. 4 o'clock palang pala ng madaling araw.Napahiya ng konti =_______=""Err?""Hahahaha at dahil maaga kang nagisin
Thank you sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang. Here is your guide to my book para di kayo malito.She Married the Stranger Book 1The Last Day of Summer Book 2Saving my Last Goodbye Book 3Destiny's Choice Book 4Thank you, thank you, thank you. Wag niyo po kakalimutang mag comment at makipag interact sa akin. Sana nagustuhan niyo ang makulit at nakakainis na story ni Mesaiyah at Anhiro.This is just the beginning. I have more to offer to you and I need you to be with me 'til the end of my journey. and also I have an account in wattpad "yoursjulieann" din ang pen name. You could follow me there if you have wattpad because that's where I started building my writing journey and now, I'm sharing it with other platform because I hope someday, I won't regret pursuing this passion.Youtube Channel: yoursjulieannInstagram: yoursjulieannFacebook: Julie Ann LingaI love you. ❤
Mesaiyah's Point Of ViewIminulat ko ang aking mga mata. Gumuhit sa aking labi ang ngiti. Kanina parang naging manhid ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari pero nararamdaman ko na ngayon ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang.Nakikita ko ang eiffel tower. Ang bintana ay natatabunan ng hamog na dulot ng malamig na paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Naku! Gising ang lalaki na ito."Nagugutom na ako. Gumising kana." Sabi ko. Minulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sakin."I love you. Forever and always." He said."I love you. Forever and always." I repeat and he kissed my forehead.Pagkatapos naming kumain. Napagdesisyunan naming libutin ang buong Paris. Isinuot niya sa akin ang makapal na leather jacket na kinuha niya sa cabinet. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, bumabalik lahat ng ala-ala ko. Nung araw na una kaming nagkakilala at nagkita. Nu
Maysel Point of ViewNakaupo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng mangga. May nakasapak sa tenga ko na earphone. Nakikinig ng kanta at napamulat ang pikit ko na mata nang may tumabi sakin. Si Razec yun, sino pa ba? Humarap ako sa kanya at kumanta."So, it's gonna be forever? Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over...nah..nah..nah..nah..cause we're young and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless or with a nasty scar. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space baby. And I'll write your name." Kanta ko at inuntog ko ang noo ko sa noo niya pero pinisi niya lang ang ilong ko."Ano naman 'yang kinakanta mo?" Tanong niya."Blank space ni Taylor Swift. Nakaka LSS kasi." Sagot ko at ibinigay sa kanya ang isang pares ng earphone. Parehas na kaming nakikinig ng blank space. Umusog ako ng konti sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parehas naman kaming nakatingin sa ulap.Nasa loo
Kerk Point of ViewAndami ng nangyari. Sobrang dami na ng nangyari. Kamusta naman tayo? Eto, napag-iiwanan.Si Prince at Mesaiyah kasal na. Si Anthea at Denstah kasal na din at ang Promises are meant to be broken ni Maysel at Razec ay napatunayan nga nila. Tayo? Meron pa bang tayo? O nag-iisa nalang talaga ako.Hawak ko ang kamay ni Terra na araw-araw kong ginagawa. Hinalikan ko ang palad niya at pinainit ito sa aking pisngi. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha, naiimagine ko ang anak namin. Sayang lang talaga dahil nawala, lecheng buhay eh eh. Bakit kasi nawala pa?Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan na katabi ng kama ni terra. Kinuha ko ang aking jacket at isinuot ang bonette at bago ako lumabas ng room ay hinalikan ko muna siya sa noo."Aalis lang ako sandali Terra. Iiwan na muna kita dito. Lalabas lang ako saglit at gusto ko pagbalik ko, mulat na ang mapupungay at chinita mong mata. Mahal na mahal kita Terra." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pa
"Prince si mesaiyah." wika ni Kerk mula sa kabilang linya."Ano?""Kagagaling niya lang dito sa hospital.""A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo?""Oo Prince." Sagot ni Kerk. Napabuntong hininga ng malalim si Anhiro. Sinabi na nga ba babalik siya. Wika niya sa kanyang sarili sabay ngumiti."Babalik ako sa Pilipinas." Sagot ni Anhiro at ibinaba na ang cellphone pero lalabas na sana siya sa kanilang bahay nang hampasin siya ng kanyang lolo sa magkabilang tuhod. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit."Wag na wag ka ng aalis hangga't wala akong sinasabi." Galit na sabi ng kanyang lolo. Tinawag ng matanda ang iba pa niyang tauhan."Gawin niyo ang sinabi ko.""Hai!" Sagot ng mga tauhan. Binuhat nila si Anhiro at dinala sa isang kwarto na tambakan ng mga gamit. Nakalumpasay ito sa sahig at iniinda ang sakit ng kanyang tuhod habang masamang nakatingin sa mga tauhan na nasa harap niya.Walang magawa ang mga tauhan, kung hindi nila susundin ang utos ng boss nila ay sila ang mamamatay. Yumuko muna a
2 years later ***There is no permanent thing in this world, the only permanent thing we can have from being alive to death is LOVE. When we die, we leave our memories and promises on earth but the love will always remain in our heart.Everything has changed after the lost of Mesaiyah's memories. But she can put them back together, she can put her memories into the right place because her love for Anhiro is still alive in her heart and mind.Magtatapos kaya ang storya niya sa and they lived happily ever after katulad ng sa fairytale? O katulad lang ng sa movie ang magiging end nito? Walang happily ever after, walang forever pero merong true love.True love ang sagot sa mga taong hindi naniniwala sa forever and happily ever after dahil ang true love, magkalayo man kayo, marami mang tutol sa pagmamahalan niyo, marami mang ayaw sa inyo, pagtatagpuin at magtatapos ang storya na kasama mo ang iyong true love. Makakatuluyan kaya ng prinsesa ang true love niya para masabing and they lived ha
"I'm here to save you." He said. Lumapit siya kay Mesaiyah at umupo sa tabi ng kaibigan na umiiyak. Isinandal niya ang kanyang ulo sa kama habang ang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod."Let me be the one to ease your pain. Kahit ngayon lang bilang kaibigan mo, bilang bestfriend mo." Sabi niya at niyakap niya ng mahigpit si Mesaiyah, nakasandal ang ulo ng babae sa dibdib ng lalaking kaibigan habang nababasa ng kanyang luha ang damit nito. Patuloy ang pagluha niya, mahigpit siyang nakahawak sa braso ni Angelo habang mahinang tinatapik-tapik nito ang likod ni Mesaiyah. Nang mahimasmasan na siya sa pag-iyak , nagpasalamat ito sa kaibigan."Thank you." Sabi niya."Responsibilidad ko bilang kaibigan mo na icomfort ka. Wag ka ng magpasalamat. Ngayon nalang ulit ako babawi sayo. Ang dami kong pagkukulang sa'yo bilang kaibigan." Ngumiti lang ng pilit sa kanya si Mesaiyah. Pinunasan ni Angelo ng magkabila niyang kamay ang luha ng kanyang kaibigan.**Huminga muna siya ng malalim habang nakap
Nakajacket siya, nakabonnet na kulay itim, may bag sa likod at makikita mo pa rin sa kanyang dibdib ang kwintas na hindi buo ang heart. Hinihintay na ni Anthea, Denstah at Razec si Anhiro sa labas ng bahay pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Nasa harap siya ng bintana, tinititigan ang mga puno at ang mga ibon na lumilipad. Napasinghap siya ng malalim, tinikom ang kamao at sinuntok ang pader, may tumulong dugo sa kanyang kamay. Hindi niya maalis sa isip ang mga ala-ala ni Mesaiyah. Kung paano nagconfess sa kanya si Mesaiyah ng tunay niyang nararamdaman, kung paano niya yakapin ng mahigpit si Mesaiyah, kung paano sila naglalakad sa ilalim ng buwan, kung paano niya halikan ito para pakalmahin, kung paano sila naghaharutan sa isa't-isa.Ayaw niyang umalis pero kung ang pag-alis niya ang tanging paraan para maprotektahan si Mesaiyah ay gagawin niya kahit masakit. Lumabas na siya sa kwarto, nakatungo at nasa magkabilang bulsa ang kamay kahit na may dugo ito."Okay ka lang?" Tanong ni
Nililibot niya ang mansyon ng kanyang ina, nakawheel chair siya at ang nagtutulak ay ang katulong. Namumukhaan niya ang babaeng nagtutulak sa kanya, siya ang school nurse ng eskwelahan na pinapasukan niya nung highschool siya. Nagtataka nga siya kung bakit naging katulong ang nurse dito pero mas pinili niyang wag nalang magtanong dito."Pakitigil po." Tumigil sa pagtutulak ang katulong. Suminghap siya ng hangin habang nakapikit ang mga mata. Mataas ang tirik ng araw at parang gusto niyang magpuntang park ngayon."Pwede ba tayong pumunta sa park?" Tanong niya sa katulong."Hindi po pwede. Bilin ni madam wag kang dalhin sa malayo." Napasimangot si Mesaiyah sa sagot ng katulong."Malayo ba ang park dito? Ilang oras ba bago makapunta dun?""Bawal po talaga kayong lumabas ng bahay. Maraming naghahanap sa'yo sa labas, nanganganib ang buhay mo." Paliwanag ng katulong."Sige na po. Please. Sandali lang naman tayo dun eh. Gusto ko lang panoorin ang mga batang naglalaro. Ako na po ang bahala ka