Pahina 21
Matapos ng night-shift namin sa bar ay pauwi na kaming tatlo sa apartment na aming tinitirhan.
"Grabe ka talaga kumanta Elle, nakaaantok ang boses mo. Imbes na ma hype sa loob ng bar, ayon mga inaantok na tuloy sa boses mong parang nanghehele ng bata." patuloy niya pa ring daldal kahit na na sa pinto na kami nitong apartment.
Pahina 22Mas pinili kong lumabas ng bahay para makapagpahangin. Naisipan kong maglakad-lakad na muna rito sa labas kahit na kitang-kita ko na ang sikat ng araw. Seryoso na akong naglalakad ng magawi ang mata ko sa suot ko ngayon."Showta! Hindi pa nga pala ako nakapagbihis." wala ng lingon-lingon pa. Pagkarating ko sa kwarto ay kaagad na naligo at nag-ayos, naka-upo na ako ngayon sa aking maliit na upuang may sandalan. Nakaharap ako ngayon sa aking malaking
Pahina 23Nagpahinto ako kay manong driver sa may katabing kainan malayo-layo na roon sa tulay na kung saan kami nagkatitigan ni Greg. 'How come na nandito siya sa Maynila? 'Di ba nga na sa probinsya siya kasi siya ang nagpatuloy sa negosyo ng papa niya?' Sinabunutan ko ang buhok ko dahil
Pahina 24Dalawang linggo ang nakalipas simula noong nagkita ulit kami ni Greg ng malapitan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon pa rin ang nararamdaman ko sa kanya, kahit na labis-labis ang pagkamuhi ko sa kanya. Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang itinitibok nitong tanga kong puso. Kung pwede nga lang higitin ang buhay na buhay kung puso sa mismong dibdib ko ay ginawa ko na, para itapon ito at maghanap ng ibang puso. Natatakot ako, natatakot hindi d
Pahina 25'Mukhang paninigasan ako nito ng leeg kung hindi pa kami makarating sa destinasyon na pupuntahan namin.'Halos hindi ko na iginagalaw ang ulo ko, simula pa nang nakasakay ako rito sa sasakyan at na sa labas na ng bintana na ako nakatanaw. Habang malalim na nag-iisip na kung bakit ako pumayag na sumabay sa kanila.
Pahina 26"Alam mo Ivez, hindi ka nakakatuwa. Diyan ka na nga." dali-dali kong inihakbang ang mga paa ko papalayo sa kaibigan. Hindi ko kayang magdesisyon nang hindi ko pa pinag-iisipan.Hindi naman kasi tama na kahit wala akong gusto sa kanya, e bibigyan ko siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya sa akin. Hindi pa umaalim ang sugat sa nakaraan, wala akong balak na punan ng pasakit ang aking kalooban.
Pahina 27Dumaan ang ilang linggo ay hindi na nga nagkatagpo ang landas namin ni Greg pati iyong anak niyang si Luis. Panatag ako na hindi ko na sila nakikita nitong mga nakaraang araw, nawalan ako ng kaunting tinik sa aking puso. Pero ayos na sana..."Ang lalim yata ng iniisip mo, may problema ka ba Elle?" naibalik ko ang sariling pansin sa realidad nang kausapin ako ni tita Dina ngayon sa hapag.
Pahina 28Buong araw lang akong nakatitig sa bulaklak na bigay sa akin kanina ni Ivez, pati na rin ang tsokolateng nakabalot ng gold na foil. Kaibigan ko si Ivez, naging malapit kami simula no'ng mapadpad kami ni tita rito sa siyudad. Wala kaming ni sinong mahihingan ng tulong, sa kadahilanang wala kaming kapamilya na naririto. Bukod-tangi lang kaming dalawa ni tita na umalis sa probinsya para ilayo ang aming mga sarili sa mga alaalang mapanakit.
Pahina 29Sampung shots na ang naiinom ko sa gabing ito, nararamdaman ko na ang malakas na tama nitong brandy at tequilla na salitan kong tinutungga. "Ivez, isa pa." hindi na halos maibuka ang mata ko sa bawat pagbanggit ko ng bawat mga salitang sasabihin. "That's enough Elle, hindi ka na
Kabanata 68 I decided last night to go on shopping ng mga kailangan ko rito sa bahay. Nabawi ko na naman ang lakas ko sa maghapong pagtulog. And now, I was tryin to pull my key na kanina ko pa ibinuhos ang buong lakas ko para mahila lang ito. Kinakalawang na rin kasi, that’s why, ipapagawa ko ang susi ng bahay. Ang susi na ito ay para sa doorknob. Nakakadena lang kasi ang pinto ng bahay kahit noon pa, dala na rin ng kalumaan, kaya nasira. Hindi pa naman kasi totally maayos ang bahay, kasi nga walang maintenance, pero in terms sa kalinisan sa labas at loob ng bahay, totoo namang maayos. Oh, damn! Nakalimutan ko pa lang tawagan si tita last night para pasalamatan siya about cleaning the house. Calling Tita Dina…
Pahina 67 Humigit-kumulang nineteen hours and five minutes ang naging biyahe namin ni Celestine at ang iba pang kasama namin. Staff siguro niya, nag-decide lang kasi ako na ako lang ang mag-isang uuwi rito sa Pilipinas. Kasi nga mas mapapagastos kung magsasama ako ng isang staff ko. Kaya ko naman i-handle mag-isa ang event. Saka may assurance naman si Celestine na may tutulong sa akin sa pag-aasikaso ng event. “Finally, we’re here.” Bakas sa boses niya ang saya. “Yeah, we are.” Kabababa ko lang sa plane na sinakyan namin kanina ay ramdam ko na ang labis na init. Iba talaga ang temperatura na mayroon ang Pilipinas. Tulog, kain at picture-picture lang ang ginawa ko sa buong araw naming nakasakay sa plane
Pahina 66 Nag-uusap kaming dalawa ngayon ni Kai sa beranda, si tita muna ang nag-asikaso kay Elliote. Kailangan ko kasing masabi kay Kai patungkol sa kinuhang offer ni Matt. “I know what you are up to, Elle. Saka…ikaw na nga ang nagsabi ‘di ba? Wala ka ng nararamdaman sa ex mo, At I know naman na you’re strong enough kung saka-sakaling magkaharap ulit kayo roon. I am not saying na magkikita kayo agad-agad, pero malay mo naman ‘di ba? Maliit lang ang Pilipinas, Elle. Lalo na at sa mismong probinsya niyo pa talaga i-held ang wedding na pina-appoint sa iyo.” Pinoproseso ng utak ko ang bawat salitang sinasabi sa akin ni Kai. May punto naman kasi siya na hindi maiiwasang magkrus ang landas namin ng ama ni E
Pahina 65 Ilang araw ang lumipas simula noong napanood ko ang interview ng kapatid ko sa isang TV report. Na-tempt nga ako noon na buksan ang aking account para lang makausap ang kapatid ko. Wala naman kasing kasalanan si Luis, saka isa pa, siya na lang ang kamag-anak kong nasa Pilipinas, maliban kay Tita Dina at sa anak ko na nandito ngayon sa Norway.
Pahina 64 Bumalik akong kusina para samahan si Kai roon at tapusin na rin ang naiwan na gawain, hindi kasi ako pumayag kay Kai na kumuha kami ng katulong para gumawa ng mga magagaan na gawain sa bahay, kaya ang mga kasambahay naming tatlong babae ay hindi ko talaga pinapagawa ang mga bagay na kaya ko namang gawain mag-isa, kagaya na lang ng paghuhugas o minsan ang magluto. Pero may kinuha talaga kami ni Kai na magbab
Pahina 63 Ilang taon ang lumipas nang dito na kami tumira ni Tita sa Norway, dahil sa tulong ni Kai, na nakilala ko lang noon sa mansiyon nila Greg. Na-supposedly ay akin naman talaga ang bahay na ‘yon, hindi ko na inabala ang sarili na kunin ang papeles, pero nagpakonsulta ako sa mga may alam, hinding-hind
Pahina 62 Tulala lang ako habang inaalalayan ako ni tita pauwi ng bahay, sumama sa amin si Doc. Kai rito sa labas ng hospital. “Sigurado po ba kayo na hindi ko na kayo ihahatid. Break time ko naman po ngayon.” Patuloy pa ring alok sa amin ni Kai. Pero pilit pa rin na tinatanggihan ito ni tita
Pahina 61 Napamulat na lang ako nang makarinig ako nang mga yabag ng paa na parang nasa loob ako ng kuweba, idagdag pa ang malamig na hangin na nanggaling sa aircon nitong silid. Teka? Bakit ako nandito? Kaninong silid ba ito? &n
Pahina 60 Dalawang araw lang ang lumipas nang nagdesisyon na kami ni Greg na bumalik sa siyudad. Kasi siya ay may gagawin pang importanteng trabaho, ako naman naghahanap na rin ng mapapasokan. Wala akong ideya kung saan ako magsisimulang mag-apply. Nag-offer sa akin si Greg na sa kompanya na lang nila ako magtatrabaho, pero hindi ko tinanggap, baka kasi ano pa ang masabi ng mommy niya sa akin. Baka gawan na naman ako